Alas-sais palang nung umalis sila, alas-otso na ng gabi ngayon. Ewan ko ba, di ako makatulog eh.
*ikot ikot ikot*
Umikot-ikot ako hanggang sa nakaharap nanaman ako sa ceiling. Di naman kasi ako sanay na nao-ospital kaya medyo bored na talaga ako. Alam niyo naman siguro feeling ng mag-isa sa ospital diba? Hindi? Edi alamin nyo
Kinuha ko yung phone ko na nagcha-charge sa may gilid ko, mahaba naman yung charger kaya okay lang. Nilusot ko yung middle finger ko sa ring holder, madalas ko kasing naibabagsak yung mga gamit ko kaya nilagyan ko ng ring holder cellphone ko. Mahirap na, baka masira ng di oras
Binuksan ko yung Data Connection niya, may data naman ako eh, kaya makakapag-messenger at facebook pa ako, kung nabored lalo, magwa-wattpad ako
Pagbukas ko ng messenger ko, nakita ko na may isang group chat dun na sobrang active, kaya ang ingay-ingay, ni-silent ko phone ko tsaka bumalik sa messenger pero pagkita ko sa notif ko
Ash Grey Dyosugh sent you a friend request
Klaire Yoon sent you a friend request
Zen Hiro Gwapo sent you a friend request
Prince Xenon Dauntale sent you a friend request
Ash Grey reacted your profile picture
Ash Grey reacted your cover photo
Klaire reacted to you profile picture
Klaire and Ash Grey commented on your post: aigoooooo~ reserved si beshiiie
Zen Hiro Gwapo commented on your post:
Ako na ba yan?
Prince Xenon Dauntale replied to Zen's comment on your post: shunga ka? Kapatid niya yan eh!
Wala naman akong kapatid eh. Pinsan ko yan eh=.=
So on and so forth. Ang.. active nila.. grabe
In-accept ko muna lahat ng friend request nila tsaka ako bumalik sa messenger. Pero pagbalik ko dun, nakita kong kasama ako sa isang group chat
Di naman ako mahilig sumali sa mga group chat eh
Kaya bago pa man ako mag-chat nagleave na ako, pero biglang may nagpop-up sa notif ko
Klaire Yoon added you in TROPA101
Di na ako nakatiis kaya chi-nat ko nalang sila, pero naunahan ako ng mga mabibilis nilang daliri
Klaire: hoy babae bat ka nagleave?!
Ash: 🌸besh, ayaw mo ba samin?! 😭
Zen: oi babe, wag ka na mag-leave
Prince: sinong bine-babe babe mo diyan?! Akala ko ako lang?!
Zen: sorry na bae
You: lima...
Ash: 🌸ano besh?
Klaire: may hinahanap ka?
You: asan yung mahilig mamutol?
Klaire: si Balde ba hinahanap mo?
Balde? Sino yun?
Itatanong ko na sana kung sino yung balde na sinabi ni Klaire nang mag-nagchat
Sharp: Blade. Hindi Balde
Klaire:Blade*
Zen: ay late. Haha😂😂
Klaire: Loko ka ah?
Klaire: pero astig rin yung Balde hahah
Klaire changed Sharp's nickname to BALDE❤
Prince: Ay! heartz!!
Klaire changer Sharp's nickname to BALDE👎
Klaire:👆👆👆 kasi talaga dapat
Sharp: Aminin mo nalang na crush mo ako
Seen by You, Klaire, Ash, and 2 others
Sharp: Hoy! Bat niyo ako sineen?
You: Katulad mo mag-chat si Klaire😕
You: asan si Ash?
Ash: ako ba? Wala. Nagbackread lang
Zen: Anong problema netong babe ko?
Ash: heh! Andami mong babe
Prince: inggit ka naman?
Seen by You, Klaire, Ash and 2 others
You: nawala
Prince set his nickname to Prince❤
Prince set your nickname to Princess❤
Zen: bae!! Ano yan?!! Akala ko ako lang?
Ash: Sabay bae kay Xenon -.-
Princess❤: Ugh! I hate this
Prince❤: you hate what my princess? ;)
Klaire: ...
BALDE👎: ano na?
Princess❤: kayo na
Zen: naks namern!
Ash: bakla ka?
Zen: hindi. Ikaw bat ang pandak mo?
Ash: aba! Nagsalita ang isa pang pandak!
Princess❤: masakit ah
Klaire: ikr.. Princess..
Klaire: wait what?
Princess❤: ask Xenon, I'm so done
Princess❤: goodnight, see you tomorrow
«KINABUKASAN»
Dahil nga gustong gusto ko na pumasok, pinilit ko si Mr. Flynn na palabasin ako sa ospital
"Thanks alot Mr. Flynn." I said then bid my farewell
"Oh, where do you think you're going?" Tanong niya. Napataas naman ako ng kilay
"Sir? School" sabi ko
"Wait for your friends here. Tandaan mo wag magpakapagod and—"
*beeep beeep*
At nakita kong may naka-park sa likod ko na itim na van. Binuksan ni Ash yung bintana
"Besh sakay na!" Sabi niya
"Oh, okay. Wait" sabi ko at inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa likuran ko
"Remember what I told you" Paalala sakin ni Mr. Flynn. I nodded my head as a response
"San ako?" Tanong ko. Kasi sa likuran nalang yung natitirang seat
"Diyan ka sa tabi ni Xenon at Balde" sabi ni Klaire
Pff.. di parin maka-get over kahapon?
"Crush mo lang ako" sabi ni Mr. Mampuputol
"Hindi nga sabi eh!" Sabi ni Klaire
"Teka. Bago kayo mag-away. Papasukin niyo na muna ako. Dali na. Malelate na tayo oh" sabi ko at bumaba naman si Ash sa sasakyan at pumasok na ako sa loob. Bale ganto ang pwesto:
Driver| | Zen
Klaire| | Ash
Blade|Ako| Xenon
Medyo masikip kung titignan pero ang totoo, tama lang talaga
Gusto ko sana sa bintana kaso naunahan na ako nang dalawang lalaking to sa pagsesenti
"Oh go, tuloy" sabi ko sa dalawa
At ang dalawa, tinuloy nga =.= mga masunuring bata oh
"Sabi mo sa PM mo kahapon OO" sabi ni Blade
"Diba may nakalagay na note the sarcasm?! Aba marunong ka ba magbasa?!" Sabi ni Klaire na galit na galit na
PM? Teka
"Teka nga muna? Magka-chat kayo kagabi?" Tanong ko. Napatingin naman si Ash sa kanila dalawa nung tinanong ko yun
"Ano? Ano kasi..." di matuloy ni Klaire yung sasabihin niya. Eto namang si kuya Balde ay sumingit
"Oo may problema ka? Siya nga unang nag-chat eh" sabi niya
Ang sungit. Tinalo pa talaga ako
Napatingin naman ako sa katabi ko na naka-earphones at nakatingin sa labas. Napansin naman niya na nakatingin ako
Huh? Cellphone?
"Picture-an mo nalang ako mas tatagal pa" sabi niya. At ako nga tong si slow, kinuha yung cellphone niya at pinicturan siya, pagtapos ko gawin yun, nakita ko naman na nakatingin sila sakin
Weird
"Pinicturan mo nga ako O.O" sabi ni Xenon
"Eh sabi mo picture-an ka. Edi yan!" Sabi ko
"Ohhh, may katapat na si Balde hahaha" sabi ni Zen
Andito pala siya?
"Andito ka pala?" Tanong ko
"Hah? Huhu nilimutan na ako ni Princess huhu" ambakla talaga nya
"Ogag, sabi niya kung andito ka raw ba" sabi ni Ash sabay batok kay Zen
"Aray! Isa pang batok hahalikan kita diyan! Ano?" Sabi naman niya
"Ginagaya mo ba si Balde?" Tanong ko
Bigla naman nanahimik
"..."
"..."
"..."
"..."
"HAHAHA MANG-GAGAYA!!" Sabi ni Ash
"..p...Pini..Pinicturan niya ako" sabi ni Xenon
"Isa ka pang parang baliw" sinabi ko para manahimik na at! Dumeretso na kami sa school
***
Okay, sorry bitin. Hehe