Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

By DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... More

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 8

91.5K 1.4K 156
By DyslexicParanoia

Jason's P.O.V.

Gustuhin ko man siyang habulin, pero ano naman ang sasabihin ko? Totoo naman kasi 'yung sinabi niya.  'Yun naman talaga ang sinabi ko sa kanya, noong una kaming nagkita.

"Bakit naman kasi ganun ang sinabi mo?"  tanong ni Tristan nang sinabi ko na sa kanya ang aking katangahan.

"Eh..."  Na may kasamang kamot, sa ulo ko.

"Eh?"

"Eh... sa ayaw ko kasi ng tinititigan ako. Alam mo naman na mahiyain ako, hindi ba?"

"Ayaw mo ng tinititigan ka ng ganung kagandang babae?" Nakataas ang isang kilay niya.

"Hindi lang 'yun pare.  Medyo, na-intimidate rin kasi ako sa lakas ng dating niya noong una eh.  Noong sinabihan ko siya na ayaw ko ng tinititigan ako eh tinarayan kaagad niya ako na wag daw akong pahara-hara.  Medyo napahiya ako kasi ang daming taong nakatingin.  Kaya hayun, humanap ako ng pangganti sa kanya.  Napansin ko na maayos siya sa sarili niya, kaya naman naisip ko, na nubenta hanggang ciento por ciento na banidosa siya.  Base kasi sa mga karanasan ko, 'yung mga babaeng banidosa, eh naiinis kapag napipintasan ang hitsura nila.  Gusto ko siyang inisin, dahil nainis din ako sa kanya noong binato niya ako ng bawang sa ulo."

Para namang nabulunan si Tristan sa sinabi kong huli. Kumakain kasi kami ngayon ng tanghalian.

"Binato ka ng bawang sa ulo?" Parang pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.  "Bakit? Napagkamalan ka ba niyang aswang?" At tuluyan nang humalakhak ang walang-hiya.

Natigilan ako.  Oo nga pala.  Bakit nga ba? Nawala sa isip kong itanong sa kanya.

"Hindi ko alam."

At noon na humagalpak ng tawa ang lintek na itong si Tristan.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah, ano bang atin diyan?" Mula iyon sa pamilyar na boses. Magkasabay kaming napalingon ni Tristan.

"O, Benj!  Napadaan ka!" utas ni Tristan.

"Oo, titingnan ko lang kung nakuha na ni Mike ang mga gamit niya," anito habang naglalakad palapit sa amin. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Tristan. "Gusto ko na kasing lumipat."  Medyo nakanguso siya.

"May isang box pa siya na hindi nakukuha," sabi ni Tristan. "Pero pwede naman na ilagay na lang muna natin 'yon diyan sa salas para makalipat ka na."

Parang bumbilyang nagliwanag ang mukha ni Benj.

"As in... pwede na akong mag-move in ngayon?"

"If you want to,"  sagot ni Tristan, na talagang kinarir na ang pagiging mayordomo.  "Nasa akin na ang mga susi ng kuwarto at bahay galing kay Mike, kaya't kung gusto mong lumipat na ngayon, ibibigay ko na sa iyo."

"Yes!" anito sabay suntok sa hangin. "Pero may question ako." Biglang seryoso ang mukha niya.

"Ano 'yun?" tanong ni Tristan.

"P-pwede bang magpatulog ng girlfriend sa magiging kuwarto ko? Ano kasi ah... er..." Kakamot-kamot siya.

"Actually..." Napasulyap sa akin si Tristan. "Ok lang naman basta't approved din kina Jon at Art. Depende kasi kung mapagkakatiwalaan 'yung papatuluyin mo.  Kung si Mitch ang tinutukoy mong girlfriend, I'm sure ok lang naman siguro, pero magpaalam ka pa rin doon sa dalawa, para kurtisiya lang."

"Anong kung si Mitch?  Eh si Mitch lang naman ang girlfriend ko ah!" Nakangisi si Benj kay Tristan. Marami rin kasing fling ang hinayupak na ito. Babaero rin kasi itong si Benj.

"Oh basta make sure na si Mitch lang." Tatawa-tawang sagot ni Tristan. "Kay Jon nga si Ella lang ang puwede. We just want to avoid cat fights here!"

"Sure. Sasamantalahin ko na ang walang pasok.  Kukunin ko na ang susi, pare. Tatawagan ko na ang mga forwarders, para mahakot ko na ang mga gamit ko dito ngayon."

Pagkaabot napagkaabot ni Tristan ng susi ay sumibat na kaagad si Benj.  Halatang excited.  Excited din naman kami.

***

It was a boring afternoon.  Wala akong ganang mag-aral, dahil hindi ko alam kung may pasok ba bukas. Tapos ko nang gawin ang lahat ng homework at projects ko, kaya naman halos mamatay ako sa inip.  Hindi ako mahilig manood ng TV, at hindi rin ako mahilig mag-internet na katulad ni Tristan.  Palagay ko nga ay tama ang kumento nila sa akin na... I am such a boring person.  Malamang, isa rin 'yun sa mga dahilan kung bakit ako iniwan ni Helga kanina.

Si Helga.  Ang aking bagong pantasya.  I-text ko kaya siya...

Kinuha ko ang cellphone ko...

Ako:  Hello Helga. Busy ka ba?

Nag-aalinlangan akong i-send 'yun. Natatakot kasi ako na baka isnabin lang niya ang text ko. Baka nang dahil doon ay sumama pa ang loob ko.  Kilala ko ang sarili ko.  Medyo may pagkasensitibo ako.

Hmp. Sige na nga.  Bahala na.

Message sent...

*Dub-Dub* *Dub-dub*

Grabe naman ang tibok ng puso ko, parang biglang lumakas ang volume. Argh! Kinakabahan ako. Pansinin kaya niya ang text ko?

*DUB-DUB* *DUB-DUB*

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.  Bakit ba ako kinakabahan, eh hindi ko naman siya kaharap?

Biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman medyo napaigtad ako. May nag-text.  Siya na kaya ito?

Helga:  Hindi naman, ikaw?

 Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.  

Parang may kung anong gumalaw sa sikmura ko.  Ganun kasi ako kapag excited, o di kaya naman ay, kapag kinakabahan.  Kung bakit ba naman kasi ganito ang effect ni Helga sa akin?  Marami rin naman akong nagugustuhang mga babae noon, pero hindi naman ako ganito.

Ako:  Hindi rin.  Galit ka ba sa akin?

Message sent...

Ang bilis ng sagot niya, 6 seconds to be exact.  Mukhang sanay na sanay siyang mag-text, hindi katulad kong, inaabot ng siyam-siyam.

Helga:  Hindi.

Kaya naman pala ang bilis. 'Yun lang ang sagot niya.

Ako:  Kung di ka galit. Bakit ka umalis? Hindi tuloy kita naihatid.

Yaaah!  Sige pa Jason, ipahalata mo pa na may gusto ka na nga talaga sa kanya.  Sige, ituloy mo lang 'yan, para mabasted ka na naman! Pero ok lang naman, dahil sanay ka na, hindi ba?  Ano pa bang bago?  Ang dami mo nang niligawan sa tanang buhay mo, pero ni isa eh wala kang napasagot! Eto si Helga, na di hamak na pinakamaganda sa lahat, aasa kang magugustuhan ka?  Sige lang, Jason! Sige lang, kapag nasupalpal ka na naman, bahala ka sa buhay mo.  Kapag namatay ka, eto ang nakalagay sa puntod mo...

Here lies the Unwanted Virgin

Jason Toledo

Sumalangit Nawa!

Helga:  Sa akin na muna 'yun Jason. Pero hindi ako galit sa iyo. Pramis! <3

Huh? May heart symbol 'yung text niya. Ano kayang ibig sabihin n'on?

Hmmm...

Sa kanya na muna ang dahilan, kung bakit niya ako iniwan kanina?  Naku!  Eh di ibig sabihin meron ngang dahilan?  Ano naman kaya 'yun?  May nasabi nga kaya akong hindi niya nagustuhan?         

Ako:  Pwede ba tayong magkita? Pasyal tayo sa mall!

Argh!  Sige Jason, mas lalo mong i-fast forward ang pagsupalpal sa iyo, para naman magkaroon ka na ng award sa pinakamaraming babaeng naka-basted sa loob ng isang taon. Sanay ka na sa "No!" Bakit ka naman aasa ng "Yes!" mula sa mala-diyosang babae, na katulad ni Helga?

Inihanda ko na ang sarili ko sa pagtanggi niya.  Defense mechanism ko na iyon, para hindi na ako masyadong masaktan.  Hindi man ako natututo sa walang sawa kong pagsubok manligaw, eh natutunan ko na naman kahit paano na protektahan ang sarili ko sa bawat pagtanggi nila.

Helga:  Talaga?  Sige, sige, pasyal tayo! Bibihis lang ako.  Sunduin mo ako. Xoxo <3

Holy Sh—t  Really?  Pumayag siya... really?

Inalog ko ang ulo ko, at pauulit-ulit na binasa 'yung text niya.  May 'Xoxo <3'. Ano kayang ibig sabihin noon? Napaghahalata tuloy na old school ako.  Wala akong alam sa mga lingwaheng ganyan.  Pero hindi na iyon mahalaga, ang mahalaga ay pumayag siya.

"Mabuti nagyaya ka, nabo-bore na kasi ako sa dorm eh,"  sabi niya habang paakyat kami sa elevator ng mall.  Napakaganda talaga niya.  Ang galing niyang manamit.  Naka-shorts siya kaya naman kitang-kita ko kung gaano kakinis at kahaba ang mga legs niya.  "Umuwi kasi ng probinsya nila 'yung ka dormmate ko, kaya wala akong makausap." Dagdag niya habang naglalakad na kami sa second floor.

Ang daming tao. Mukhang narito lahat ang mga estudyante mula sa aming university.

"H-helga," Alam kong namumula na ang mukha ko. "Gusto mo bang manood ng sine?"

Kulang ang budget ko, pero bahala na, gagamitin ko na lang           muna ang pambili ko ng libro ko, tutal darating na naman ulit ang allowance ko sa susunod na linggo.

"Sige... pero sa isang kundisyon."

Kinabahan ako.  Naku, huwag naman sana ang magpapabili siya ng bagay na hindi ko kayang bilhin.

"Ano 'yun?"

"Ako ang magbabayad."

Ha?  Gipit ako. Sobrang gipit.  Pero hindi kaya ng sikmura ko ang magpalibre sa babae.

"Huwag na Helga, ako na!"

"Ah basta!"  Sabay hila sa akin sa ticket booth, para kumuha ng dalawang ticket.

Binilisan ko ang pagdukot sa wallet ko para maunahan ko siya sa pagbabayad. Naunahan ko naman siya.  Normally, ang mga babeng niyayaya ko ay nagpapaubaya na lang, pero hindi ganun ang ginawa niya. Kukunin na sana ng kahera 'yung pera, ko nang hinablot niya iyon, pinalitan ng perang galing sa kanya, at pagkatapos ay inilagay niya ang pera ko sa aking bulsa.  "Sabing ako na eh!"  Sabay kindat sa akin, at angkla sa kaliwa kong braso.

Damn.  Kinilabutan ako sa paghawak niya.  Ang totoo, hindi ko talaga sigurado kung ano ang eksakto kong nararamdaman.  Isa lang ang sigurado ko.  Ang saya-saya ko.  Ang saya-saya ko, dahil kasama ko siya ngayon dito.

"Helga, ako ang nagyaya sa 'yo, kaya ako ang dapat manlibre," sabi ko, habang naglalakad na kami sa loob ng sinehan.

Hindi pa nag-uumpisa, kaya naman medyo dim lang ang mga ilaw.

"Masaya ako na niyaya mo ako, kaya pa-thank you ko na lang 'yang libre ko,"  sabi niya, habang papaupo na kami sa may bandang likuran, para mas maganda ang view.

Masaya siya na niyaya ko siya? Hindi naman mas hamak na masaya ako at pumayag siya.

"Kahit na Hel—"

"Jason, let it go please?  I want to enjoy this movie with you. Ok?" Hinalikan niya ako sa kaliwang pisngi.  Niyakap niya ang aking kaliwang braso, at saka inihilig ang kanyang kanang pisngi sa aking kaliwang balikat.

Holy Sh—t!  Did she just kissed me? At hindi lang 'yon, dahil ngayon ay nakapulupot pa siya sa aking kaliwa?

Pwede ba akong magmura sa sobrang saya?!

Put—ng ina!  Oo, put—ng ina, ang saya ko talaga!

But here's the downside.  Wala akong maintindihan sa pinapanood naming comedy na movie. Wala na akong ginawa kundi ang makiramdam sa kanya, at lingunin siya.  May mga pagkakataong tumatama ang ilong ko sa tuktok ng ulo niya.  Ang bango ng buhok niya.  Ang bango niya, period! Para akong lumulutang sa alapaap. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako gaanong makahinga. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko, sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay hindi na ako magtataka kung maririnig na rin niya ito.

Nasa kalagitanaan kami ng pelikula nang may narinig kaming sumisigaw.  Nagmumula iyon sa may restroom ng sinehan.  Nang dahil doon, ay napabalikwas kami ni Helga, at saka nilingon ang pinanggagalingan noon.  Naglingunan na rin ang mga tao.  Maya-maya pa ay may grupo na ng mga estudyanteng lumabas doon na pawang mga naghihisterya. May pumatay raw sa kanilang kasama. Nagkatinginan kami ni Helga.  Hindi na ako nag-atubili, hinatak ko na siya agad para makalabas ng sinehan.

Nang makalabas kami ay noon ko na dinukot sa bulsa ko ang botelya ng langis na galing kay Luke.  Sabay naming tiningnan 'yun at kumukulo nga ito.

"Nasa malapit lang siya... o sila,"  bulong ko kay Helga, sabay balik ng botelya sa aking bulsa. Hinila ko siya papalayo, hanggang sa makalabas kami sa mall.

"Jason..." bulong niya.  "Natatakot ako."  Mas mahigpit na ang yakap niya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko.

"Shhh... Huwag kang matakot," sabi ko sabay akbay sa kanya, bago ko bahagyang pinisil ang kanyang balikat. "Nandito ako."

"Nandito ka ngayon... pero paano pag-uwi ko? Mag-isa lang ako sa dorm." Mangiyak-ngiyak siya.

"Doon ka na lang muna sa amin."  Sinabi ko 'yun, na hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano.  "'Yun ay kung ok lang sa iyo na makasama ang ilan sa mga kabarakada ko.  Pero huwag kang mag-alala, kanya-kanya naman kami ng kuwarto roon."

"Huwag na lang siguro Jason.  Baka makaabala at makabigat pa ako sa inyo. Bahala na lang talaga.  Magkukulong na lang siguro ako sa kuwarto."

"Ako naman ang hindi mo patatahimikin sa pag-aalala, kung magpupumilit kang mag-isa roon.  Ok lang naman doon sa amin.  Cool naman ang mga katropa ko, lalo na ngayon at wala na roon si Mike. Malaki naman ang kuwarto ko, kaya doon ka na lang. May isang kama ako at dalawang folding bed.  Doon din kasi natutulog ang Mamang at Papang ko kapag dinadalaw nila ako."

Nag-isip siya sandali pero napapayag ko rin.  Dumaan lang kami sa dorm niya, para makakuha siya ng ilang gamit at damit at pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa bahay.

Nadatnan naman namin si Benj na nag-aayos ng mga gamit niyang inihatid ng forwarders na inupahan niya. Nandoon din ang girlfriend niyang si Mitch na nasilip naming nag-aayos ng kobre kama.

"Walastik Benj, dinala mo na yata ang buong bahay niyo!"  sabi ni Tristan habang pinapanood ang paglilipat ni Benj. "Paano mo pagkakasyahin ang mga 'yan sa kuwarto mo?"

"Malalaki lang ang boxes ko pero kaunti lang ang laman ng mga niyan.  Puro bubble wraps lang yan na pinaglalagay ni Mama,"  sabi naman ni Benj.

"'Yung basic lang muna ang ayusin natin honey," sabi ni Mitch kay Benj. "Ipatas na lang muna natin dito sa tabi 'yung ibang knick-knacks mo. Akina 'yung maleta mo.  Mga damit muna at toiletries ang ilabas natin, papagabi na kasi eh."  Sumunod naman si Benj.

Medyo makalat nga sa salas, kaya't inaya ko na lang si Helga na dalhin niya ang kanyang bag sa kuwarto ko.

"Grabe ka naman Jason, ang linis ng kuwarto mo!"

"Is that a bad thing?"

"No. Pero napaka-unsual sa lalaki ang ganito kalinis.  Ang Tatay ko nga, medyo neat freak din, pero mas grabe ka."

Napangiti na lang ako. Medyo lutang ako ngayon habang unti-unting nagsi-sink in sa akin ang pagsasama namin sa iisang kuwarto.  First time kong may makakasamang babae sa iisang kuwarto, kaya't medyo naalangan ako at nahihiya.  Pero hindi ko 'yun pwedeng ipahalata sa kanya, dahil ayokong isipin niya na magiging pabigat lang siya.

"Dito na rin ako matutulog kung dito matutulog si Helga!" Tuwang-tuwang sabi ni Mitch, habang tulong-tulong kaming naghahanda ng hapunan.

Kanya-kanya kami ng toka. Kami ni Helga ang naghahanda at magluluto ng ulam, si Tristan sa sinaing, si Mitch ang naghuhugas ng mga ginagamit naming mga sandok at kaserola, habang si Benj naman ang naghahanda ng lamesa.

"Ayos yan honey! Si Helga lang pala ang magpapapayag iyo."  Nakangising sabi ni Benj.

"Eh sa ayaw kong matulog dito kung ako lang ang babae dito.  Mamaya niyan i-gang rape niyo pa ako!" biro ni Mitch.

"Sobra ka naman, honey!" sabi ni Benj. "Si Tristan lang naman ang mukhang rapist dito, huwag mo naman kaming idamay."  Biro ni Benj sabay kindat kay Tristan.

Wala namang reaksyon si Tristan. Sanay na rin naman kasi siya sa mga birong ganun.

"Nasaan nga pala sina Art at Jon?" tanong ni Benj.

"Si Art, umuwi muna sa kanila. Si Jon, umuwi rin muna sa bahay nila.  Babalik na lang daw sila kapag nag-resume na ang klase,"  sagot ni Tristan.

"Sayang naman, hindi pa nila alam na lumipat na ako."

"Alam na nila. Umuwi naman sila dito kanina bago umalis.  Inabisuhan nga ako ni Jon na ipapagamit daw muna niya kay Luke 'yung kuwarto niya habang wala siya, kaya nga iniwan niya sa akin 'yung susi ng kuwarto niya,"  sagot ni Tristan.

"Dito muna sa bespren?!" Gulat na sambit ni Benj. "Alright!"  Sabay high five sa aming lahat.

"Kaya dagdagan mo ng isang plato Benj," sabi naman ni Tristan. "Baka dito na 'yun mag-hapunan, on the way na raw kasi siya ,"  dagdag pa nito habang kinakalikot ang cellphone niya.  Nag-text siguro si Luke.

"Kasama ba si Alyssa?" mabilis na usisa ni Mitch.

"Unfortunately."  Nakangusong sagot naman ni Tristan.

"Dammit!"  pabulong na sabi ni Mitch.  She really hates Luke's new girlfriend.

Pero wow! Ok ang gabing ito. Nandito na si Helga, tapos makakasama ko pa ang mga best buddies ko. Mga kaibigan ko rin naman sina Jon, Art at Bernard, at gusto ko rin silang kasama, pero iba pa rin kasi talaga kapag kaming apat lang.  May mga pinag-daanan kasi kaming apat na hindi katanggap-tanggap sa mga paniniwala ng mga City Boys na 'yun.  Kailangan naming apat ang isa't isa.

Lalo na ngayon.

Lalo na sa mga oras na ito.

[Itutuloy]

Continue Reading

You'll Also Like

373K 24.9K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
440K 9.5K 25
Paalala: Marami pa pong itong mali lalo na sa grammar sapagkat hindi pa ito na-e-edit. *** Gusto mo bang maglaro? Kahit sino at kahit anong edad, pwe...
43.4K 3.9K 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naal...