Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 21

1.9K 64 2
By iamsayaallego

KABANATA 21




Masyadong malakas ang hampas ng mga tambol. Nagsasapawan naman iyong lead at bass guitars. Hindi naman maitugma noong humahawak ng keyboards ang pasok nito sa ritmo ng kanilang tugtug. Sa madaling salita, imbes na musika, ingay ang kinalabasan ng kanilang ginagawa. Pero sa kabila nito, hindi iyon iniintindi at angat na angat pa rin ang malamig at tila napapaos na boses ng kanilang bokalista—ng kanilang hari.

Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood siyang masuyong kinakanta ang liriko na tila nililigawan ang ritmo ng kanilang musika. Nagagawa niya pang pumikit at damahin ang kanta habang ginagawa ito kaya kahit gusto ng dumugo ng tainga ko sa gulo ng musika, hindi ko ito magawang talikuran.

I straightened myself as I properly listened to their song. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na tinanggal ang ingay sa paligid at itinuon lamang sa boses ng kanilang bokalista. Medyo napapaos pero malinis ang mga tono. Even though the sounds of their instruments were messy, hindi ito nadadala at on-point pa rin ang kanyang mga nota. There's this quality in his voice that compels you to listen.

I think with the right musicians backing him, he'd be great.

When I opened my eyes, I was surprised to see him looking at me. Napakurap pa ito ng ilang beses bago tuluyang napatigil sa pagkanta. Nagtaka ang kanyang mga kasamahan sa kanyang pagtigil.

"Si Ian ba iyan, Kulas?" Utas nito kahit hawak pa ang mikropono.

Isang matinis at malakas na feedback ang lumabas mula sa mga speakers. Agad na nagsipagtakipan ng kani-kanilang mga tainga ang mga tao lalo na iyong mga nasa malapit nito. Nagrereklamo na iyong karamihan sa nangyari pero hindi ito pinanungbalingan ng kanilang hari.

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Kulas. He threw the microphone to the nearest guitarist, not even minding if he caught it or not, while he made his way towards where we were standing, his emeralds never leaving mine.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit alam kong wala naman akong kasalanan dito palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang paliit ng paliit ang distansya sa pagitan namin. I felt like I was guilty over something I didn't know I did that was against the rules -- his rules!

Hindi ko maiwas ang aking paningin sa kanyang titig. I was preparing myself for his wrath or something when someone shrieked all of a sudden.

"Ian!!!"

Bago ko pa malaman kung sino iyon ay naramdaman ko na lang ang isang mahigpit na yakap sa aking kanan. I was about to push that person away when I recognized her.

"Cecilia."

Nag-angat ito ng tingin at agad na pinatulis ang nguso.

"Na-miss kita!"

Natawa ako sa nasambit nito. Isang mahinang palo sa balikat naman ang kanyang ipinukol sa aking reaksyon.

"Nakakaasar ka, ha! Hindi ka man lang nagparamdam ng ilang araw, tapos tawa lang ang isasagot mo sa 'na-miss kita' ko?" Pinakawalan niya ako at kaagad na humalukipkip na tila nagtatampo, "Hindi mo lang ba ako na-miss? Nag-kiss na tayo at lahat—" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil agad na naghiyawan ang mga tao.

"Cel, ang bata pa ni Ian para sa ganyan!" Sigaw ng isang boses bago ako hinablot at itinago sa kanyang likuran.

I stared dumbfounded at his tensing back na basang-basa sa pawis.

"Hoy, magsitigil kayo kung ayaw niyong upakan ko. Mabuti pang magsikain na lang kayo kaysa kung anu-ano pang inaatupag niyo!" Marami ang pumalag pero nagkamot na lang sila ng ulo bago sinunod ang utos ng hari. Matapos noon ay si Cecilia naman ang binalingan nito, "Ikaw naman, Cel, tantanan mo na nga si Ian. Kung anu-anong itinuturo mo rito..."

"Sus, ang OA mo Ren! Parang nag-uusap lang... Kung makapagsalita ka diyan... Hayaan mo na nga lang kami!" Narinig kong usal ni Cecilia bago ako tinangka nitong agawin pero mabilis lang talaga itong hari nila at nagawa niya akong ilayo sa mga kamay ng kababata.

"Ano ba, Cel?! Doon ka nga kina Jepoy makipaglaro. Pati bata dinadamay mo!"

"Ang arte mo po! Bitawan mo nga si Ian!" Sabi ni Cecilia habang pilit pa ring inaabot ang isa kong braso na mabilis namang inilalayo ng may hawak sa akin.

"Tumigil ka na nga riyan, Cel! Kay bata-bata pa nito para patulan mo!"

I didn't know why but I felt like wringing his neck for repeatedly mentioning and emphasizing that I was still just a kid. Yes, I was maybe twelve but that didn't mean I was ignorant to what Cecilia was implying. Besides, she wasn't even serious! Bata nga ako pero hindi ako tanga!

I was about to pull myself from his clutches when I heard Cecilia's outburst.

"Ang dami mo pang sinasabi... ba't di mo na lang sabihing nagseselos ka?!"

Natigilan ang lahat sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kung bakit pinanlamigan ako sa narinig. Bigla na lang akong ibinalik sa gabing nagkasagutan sina Gene at Mimi.

"Anong sabi mo—" Tanong ni Reign matapos akong bitawan para harapin ang kababata.

When he did this, Cecilia took advantage and immediately grabbed my arm and pulled me towards her before holding it tight to her chest. Dahil doon, nakita ko ang mabilis na pagpalit ng kulay ng mukha ni Reign -- from red to ashen to red again.

"Ang damot mo kasi! Kung makaasta ka parang sa iyo si Ian!" Mabilis na sabi nito bago pa man makapagsalita ang tila galit na leader.

Napatingin muna ako sa kamay niyang nakahawak sa akin bago sa kanyang mukha. Matapang na nakatuon ang kanyang mga mata sa harapan. But even while she was maintaining this, her shaking hands didn't go unnoticed.

Takot rin ba siya kay Reign? I thought as I returned my gaze on their leader and welcomed his frustrated form.

May tatlong clips ang nakalagay sa kanyang buhok para siguro hindi maging sagabal ito sa kanyang ginagawa. Nakasalukbit ang isang puting labakara sa kanyang leeg na tantiya ko'y pamunas niya sa tumutulong pawis. He was wearing a sleeveless white shirt na basang-basa sa pawis at bumabakat na ang kanyang dibdib. No woman, No cry. Bahagyang umangat ang isa kong kilay nang mabasa ang nakasulat dito bago ibinalik ang paningin sa nakasimangot nitong mukha.

He tsked before grabbing me from her.

"Huwag mo ngang lagyan ng ibang kahulugan ang concern ko para kay Ian, Cel," sabi pa nito habang humalukipkip ang kababata, "Para ko na ring kapatid itong si Ian! Bata pa ito kaya ayaw ko munang ma-expose sa ganyang mga bagay. Dapat pag-aaral muna ang atupagin niya. Ngayon, kung gusto mo talaga siyang maging sa iyo, hintayin mo munang makapagtapos siya sa kolehiyo tsaka mo siya landiin," dagdag pa nito matapos akong inakbayan.

Wait, what?

Napatingala ako sa kanyang mukha nang marinig ang sinabi. Nakuha niya pa akong kindatan matapos iyon. Hindi ko napigilang sumimangot sa ginawa niya bago ko muling ibinaling ang paningin kay Cecilia. I thought I saw hurt ran across her eyes pero agad din naman iyong nawala.

"Hmph! Ewan ko sa iyo!" Sabi na lang nito bago tumalikod at pinuntahan iyong maingay na nagkukumpulan nilang kasamahan.

Binitawan naman ako ni Reign nang makalayo ito para makaharap.

"Himala yata at naligaw ka rito?" Nakataas ang isang kilay nito habang kagat-kagat ang ibabang labi.

I was about to confront him about what he said to Cecilia. How he kept on mentioning that I was too young for anything like I was some naive little kid. How he thought he could own my will and control me... He didn't know he was declaring war when he said those distasteful remarks and boy was I so ready! Magsasalita na sana ako nang biglang sumagot si Kulas para sa akin.

"Nakita namin siya sa manggahan kaninang umaga. Inimbitahan namin rito para sana makita niya kung paano ang paghahanda sa piyesta."

Umakbay pa ito sa akin. Nang aking lingunin, isang kindat ang ipinukol nito. Bigla na lang naglahong parang bula iyong mga dapat kong sabihin sa hari nila nang maalala iyong tunay na pakay ko roon. Tapos na nga pala sila sa paghahanda at wala man lang akong naitulong.

"A... Tutulong sana ako..." Kamot-batok kong tugon habang tinutuon ang paningin sa ibang bagay maliban sa taong nasa harapan.

"Hmm..." Curious what his reaction was, I tilted my head slightly to his direction. Naabutan ko siyang hinahablot ang labakara mula sa kanyang leeg at walang kiyeming pinampunas sa tumutulong pawis nang hindi tinatanggal ang paningin sa akin, "Nahuli ka ng dating, Ian. Tapos na kami," sabi nito sabay turo sa mga nakabaliktad na tatsulok na may iba't ibang kulay at nakasabit sa isang manipis na tali.

Doon ko lang napansin ang mga nakabiting tatsulok mula sa aming kinatatayuan hanggang sa pinakadulo yata nitong boulevard! Pinasadahan ko ng tingin iyong mga tauhan nitong bumabalik na sa kani-kanilang pwesto matapos kumuha ng tinapay at softdrinks na isinalin sa isang plastic na baso.

No wonder they were so exhausted and hungry! I should have brought them snacks rather than coming here empty-handed! Mas lalo akong nahiya sa napagtanto.

"Uh..." I began when Kulas spoke again.

"Huwag kang mag-alala, Yan, kaya naman namin iyon. At saka, inimbita ka namin dito para naman makita mo at masubukan kung ano ang piyesta rito sa Asteria."

"Bakit, hindi ka pa ba nakakadalo sa isang piyesta, Ian?" Punung-puno ng kuryusidad ang mga mata nito habang patuloy na nagpupunas. Ipinasok niya pa ang tela sa loob ng kanyang shirt para punasan ang dibdib.

Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. I didn't know men from this country were very tactless. O kaya naman ay dahil ang buong akala niya ay isa akong lalaki kaya komportable siyang maging balahura sa harap ko.

"Ipapasyal namin siya, King, para makita niya naman iyong pinagpaguran nating paghahanda para bukas," malaki ang ngisi ni Kulas ng sabihin iyon na tila mayroon siyang naiisip na nakatutuwang bagay.

"A, kung ganoon—" May sasabihin pa sana ang kanilang hari nang lumapit ang isa sa mga polvoron boys at may dalang gitara.

"King, sintunado na naman itong gitara. Si Jepoy kasi!"

"Hoy, anong ako? Ikaw nga iyong laging may hawak niyan!" Angal ni Jepoy na nakasunod pala rito, "Uy, Ian, nandiyan ka pala!" Sabi nito nang makita ako bago muling binalingan iyong lider nila, "Si Mikoy kasi, King, masyadong madiin ang pagkaskas kaya mabilis na lumuluwag iyong mga strings!" Sumbong nito.

"Hindi kaya!" Angal naman ni Mikoy.

"Oo kaya!" Sagot pa ni Jepoy.

"Hin—"

"Akin na iyan ng maayos ko na. Simpleng bagay kailangang pag-awayan. Tss," usal ng hari nila na nakapagtahimik sa dalawa. Kinuha nito ang gitara at mabilis na naglakad patungo sa gilid ng kalsada bago walang kiyeming naupo. Napalitan ng tuwa ang kanina'y naaasar na mga mukha nito habang pinapanood kung papaano itotono ng kanilang hari ang instrumento.

Mataman pa niya akong tiningnan bago kinandong iyong gitara. Isang beses lang niyang pagkaskas ay napakislot na ang isang bahagi ng aking mukha. Inikot-ikot niya ang tuning peg kung saan nakakabit iyong string na iyon at pagkatapos ay marahang kinaskas itong muli.

I could say that I have perfect pitch that I could easily distinguish a note even from a distance. Kaya namangha talaga ako habang pinapanood siyang walang hirap na inaayos ang tono ng gitara. Nang matapos niya ang huling kwerdas ay agad na pumalakpak iyong dalawang nakaabang.

"Ayos! Pwede na ule tugtugin!" Bulalas ni Mikoy.

"Hoy, ako naman!" Mabilis na sabi ni Jepoy.

"Hoy, umayos nga kayo! Para kayong mga bata. Hindi na kayo nahiya kay Ian," biglang sabi ni Kulas na nagpalingon sa dalawa sa akin.

"Marunong ka bang mag-gitara, Ian?" Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. Nasa kandungan niya pa rin iyong gitara at marahang kinakalabit ang mga kwerdas nito sa isang masuyong tono.

"A..." I know how to play all kinds of musical instruments. Hindi ko naman kailangang ipaalam iyon, hindi ba?

"Hindi?" Nakataas ang isang kilay nitong sabi bago naglahad ng kamay, "Halika rito at tuturuan kita kung paano," anyaya nito habang iyong kaninang nag-aagawan ay malungkot na nagmamasid sa tabi.

"A..." Bago pa ako makasagot ay hinatak na nito ang aking braso at pinaupo ako sa kanyang tabi.

"Kunin muna natin itong bag mo," hindi na nito hinintay pa ang aking permiso at agad na hinubad ang suot kong backpack, "Ba't ang bigat nito?" Nakuha pa nitong itanong bago marahan itong inilapag sa kanyang tabi.

Matapos noon, kaagad nitong inilipat ang instrumento sa aking kandungan. Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkakabigla, naramdaman ko na lang ang isang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa leeg ng gitara at marahang inayos ang bawat daliri nito sa tamang posisyon ng isang korda.

"Kailangan mong diinan ang pagkakapindot sa mga strings na ito para tama ang tono ng chord mo," he explained before his other hand proceeded to guide my right hand over the strings just above the sound hole, "Hindi mo kailangang kaskasin ng malakas para marinig ang tunog," turo nito bago inalalayan ang kamay kong kaskasin iyong mga kwerdas, "C Major iyon," sabi pa nito matapos iyon.

Muli niya pang inayos ang mga daliri sa kaliwa kong kamay para sa panibagong chord. Tumaas ang isa kong kilay at bahagyang pinatulis ang aking nguso sa pagpipigil na matawa nang makilala iyon. G Major.

Pero mabilis na kumunot ang noo ko nang maramdaman ang basa niyang dibdib sa aking likuran matapos niyang humilig para maabot ang isa ko pang kamay. I don't dislike the closeness. It's just that other than Gene's occasional hugs, I have never been this close to any male before. Hindi ako komportable sa magkahalong basa, matigas at mainit na dibdib nito na nakadikit sa aking likuran. Dahil doon, hindi ko man lang napansin na tapos niya na palang kalabitin iyong mga kwerdas para lumabas iyong tunog.

"G major naman iyon," sabi pa nito, "Eto naman—" tuturuan na sana niya ako nang panibagong korda nang may biglang sumgaw.

"Anong ibig sabihin nito, Ren?!"

Agad kaming nagtaas ng tingin at isang nanggigilaiting Cecilia ang bumungad sa aming harapan.

"O, ano bang mayroon?" Walang pakialam na tugon ng katabi ko.

May nakita pa akong nangingilid na luha sa mga mata ni Cecilia bago ito umirap at walang pasabing tumakbong palayo.

"Ano na namang problema noon?" Narinig kong tanong ni Reign na parang wala lang sa kanya ang nangyari, "Nasaan na nga uli tayo? A, D major nga pala..." Napalingon ako sa gawi niya upang pagsabihan sana sa kanyang inasta pero nang makita ko ang seryoso niyang mukha habang inaayos ang aking mga daliri sa arrangement ng D major ay natameme ako.

How could this boy get away for being bad without doing anything? Wala pa nga siyang sinasabi, nakokombinse ka na niyang tama lang ang kanyang ginawa. That shouldn't be fine, right?

Muli kaming nag-angat ng tingin nang may biglang tumikhim. Halos lahat ng mga tauhan niya'y sa amin na pala nakatutok at nakaawang pa ang mga bibig nito. Lihim na naghigikhikan sina Kulas sa tabi habang iyong mga kasamahan naman niya sa banda ay nagkakamot ng batok sa harap namin.

"A, mag-eensayo pa ba tayo, Ren?" Tanong ng isang may hawak ng drumsticks. May tinignan pa ito sa ibaba namin bago kagat-labing nag-iwas ng tingin.

Tinignan ko kung anong nakita niya roon at napagtantong nakahawak pa pala ang kamay ng leader nila sa kamay ko. Mabilis ko iyong hinawi at saka tumayo.

"Next time na lang siguro, Reign, at may practice pa kayo ngayon," sabi ko rito sabay lahad sa kanya sa gitara habang pilit na ngumingisi pero ramdam pa rin ang lakas ng hiyaw ng puso ko.

Damn, I should have told him I already knew how to play the guitar in the first place!

Tila nagulat pa ito sa aking ginawa at bahagyang napaawang ang kanyang bibig. Sandali itong tumikhim bago tumayo at tinanggap ang hawak ko.

"Sige, next time doon tayo sa may manggahan. Mas maganda tumugtug doon at maganda iyong view," nakangisi na rin nitong sabi na parang normal lang ang lahat sa kanya.

Tumango ako sa sinabi nito kahit hindi naman ako sigurado kung may susunod pa bang pagkakataon. Maybe next time I should try telling him that I could play the guitar very well. Baka pwede pa kaming mag-jamming kapag nagkataon! Mas masaya iyon!

"Siyanga pala, Ian," pagpuputol nito sa aking iniisip, "Mga kabanda ko. Si Neil," pakilala nito roon sa lalaking nagtanong kanina, "Drummer namin. Si Tope," turo nito doon sa lalaking para spikes ang buhok, "Bahista namin. Si Willy naman," pakilala niya doon sa may mahabang buhok at katabi noong Tope, "Ang lead guitarist."

"Yo!" Bati noong Willy na nakangiti at nakataas ang isang kamay.

"At si Bry naman ang keyboardist namin," sabay turo roon sa lalaking nakaupo sa harap ng maikling keyboards na nagtaas lang din ng kamay para batiin ako, "Si Ian nga pala mga brah," pakilala niya naman sa akin.

"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanila bago isa-isang kinamayan.

Tumikhim pa si Reign bago iniabot kay Jepoy iyong hawak na gitara.

"O, practice na uli tayo!" Sabi nito. Tumango lamang ang kanyang mga kabanda bago nagsibalikan sa kanilang mga pwesto, "Manood ka lang muna diyan, Ian. Ipapasyal kita pagkatapos."

Hindi ako pwedeng magtagal kasi hahanapin ako ni Gene mamaya. Baka nga hinahanap na ako ni Milo sa dojo at nag-aalala na iyon dahil hindi ako matagpuan.

"A, ano—" I was about to refuse when Kulas spoke from behind me.

"Kami na lang ang magpapasyal sa kanya, King. Tutal kami naman ang nag-imbeta," presenta nito bago ako inakbayan.

"Hindi, sasama ako. Sandali lang naman itong ensayo namin. Dalawang kanta na lang naman, di ba Neil?"  Tanong pa nito sa drummer na may pag-aalinlangang tumango, "Sandaling-sandali lang talaga ito, okay?" Tanong pa nito.

Hindi talaga pwedeng hindian ang hari? I mentally sighed before nodding my head. Ngumiti naman ito nang napakalaki bago ginulo-gulo ang aking buhok.

"Maupo ka muna riyan and just enjoy our music!" Kumindat pa ito bago tinakbo ang distansya ng kanyang mga kabanda.

Enjoy? More like endure... I thought as they started their first song.

Fifteen minutes later, I found myself walking along the boulevard with Reign, Kulas, Nonoy and Kaloy. Nagpaiwan sina Mikoy at Jepoy dahil tuwang-tuwa pa sila sa pagtugtog lalo na't pinagbigyan sila nina Niel na tugtugin iyong drums at iba pang instrumento.

Nagkakatuwaan ang mga kasama ko habang ako naman ay medyo bangag pa dahil sa exposure ko sa hindi maintindihang ingay. I really tried to block everything and focus on Reign's voice pero nakakalusot pa rin ang ingay sa pandinig ko.

"Okay ka lang, Ian?" May pag-aalalang tanong ni Kulas nang mapansin ang aking pananahimik.

"Bakit? May problema ba?" Mabilis na tugon ng leader nila matapos akong lingunin.

"H-ha? Wala naman... medyo sumakit lang iyong ulo ko," pagdadahilan ko.

"Ha? Kanina pa ba iyan? Bakit hindi mo agad sinabi?"

"N-ngayon lang... hindi naman masyado. Mawawala rin ito maya-maya," tumawa pa ako matapos sabihin iyon.

Like I could tell him the real reason behind my headache. Baka itapon pa ako nito sa katabing dagat!

"Paano iyan, bata? E, hindi ka na lang sasabay sa aming sumakay ng Peris Wel?"

"Ha?" Litong tanong ko sabay lingon ko sa kay Nonoy.

"Ferris Wheel, Noy, hindi Peris Wel," pagtatama sa kanya ni Reign.

"Ay, Feris Wel pala..."

"Mali ka, Noy, Fires Wil nga!" Pagtatama naman ni Kaloy sa kaibigan.

"Narinig mong Feris Wel ang sabi ni King... Feris Wel!"

"Fires Wil 'yon uy, tanga!"

"Ikaw iyong tanga!"

"Hindi ako, ikaw!"

"Anong ako--"

Nakita kong napabuntong ng hininga si Reign sa pagtatalo ng kanyang mga tauhan.

"Ferris Wheel. Hindi peris wel, hindi fires wil at hindi rin feris wel. Talagang pinag-aawayan niyo pa iyan. Ang liit lang na bagay!"

I took the chance to go to Kulas to ask something while their leader was busy reprimanding his underlings.

"Kulas, ano ba iyong Ferris Wheel?" Bulong ko sana rito pero napalakas yata dahil narinig pa rin noong tatlo na biglang natigil sa kanilang bangayan.

"Seryoso ka ba riyan, bata? Hindi mo alam kung anong Fe... Fe... basta Wel?"

"Fires Wil nga, ugok!" Sinapak pa ni Kaloy ang ulo ng kaibigan.

"Sumusobra ka na, ha!" Babawi sana si Nonoy ng sapak nang pumagitna sa kanila ang kanilang hari at inilalayo ang ulo ng isa't isa.

"Magsitigil nga kayong dalawa!" Anito bago tinulak silang palayo. Agad namang natahimik iyong dalawa matapos nitong titigan ng masama.

Lumapit si Kaloy sa akin at inakbayan ako.

"Huwag kang mag-alala, Ian, pwede ka namang maglaro sa mga booths doon sa perya kung hindi mo kayang sumakay sa Fires Wil."

Narinig kong tumikhim si Nonoy bago umakbay din sa akin.

"Mayroon din namang mga rides doon na hindi nakakahilo, bata, kaya paniguradong matutuwa ka!"

Imbes na maliwanagan, lalo pa akong naguluhan sa mga isiniwalat ng mga ito.

"Ano iyong perya? Game center ba iyon?" Tanong ko sa mga ito.

Natigilan sila sa narinig habang binibigyan ako ng hindi makapaniwalang titig. Isang tikhim ang nagpalingon sa dalawa.

"Hindi ka pa nakakakita ng perya, Ian?" Nakataas ang isang kilay ng hari nila habang mataman akong tinitingnan.

Ramdam ko ang pag-iinit ng leeg, tainga at mga pisngi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanilang binukod ako ng aking pamilya sa isang mansyon sa Amerika at kailanman ay hindi pa nakapunta sa kahit saan.

Umiling ako bilang sagot at nagsitawanan iyong dalawang nagtatalo kanina. Mangha naman ang pumalatak sa mga mukha ni Reign at Kulas habang ramdam ko ang mas lalong pag-iinit ng aking mukha.

Dapat ba ay nagsinungaling na lang ako? Kanina pa ako napapahiya rito, a. I fidgeted as the two continued to laugh.

"Shhh! Tumahimik na nga kayo!" Saway ni Kulas sa dalawang kaagad namang nagsitigil pero halata pa rin ang pagpipigil na matawa, "Huwag mo silang pansinin, Yan. Hindi bale, ihuhulog ko sila sa Ferris Wheel mamaya," sabi pa nito na inangalan naman nina Nonoy.

"Ngayon lang ako nakakita ng taong hindi alam kung ano ang perya," anang hari nila habang nakapalumbaba at minamata ako.

Nagbaba ako ng tingin at pinatulis ang aking nguso. Is it really that weird? Should I tell them the truth perhaps? No. Mas magiging komplikado lang ang lahat.

Kaagad akong napaangat ng tingin nang bigla niya akong inakbayan habang ipinagpapatuloy ang paglalakad. Nakangisi ito at tila tuwang-tuwa sa natuklasan.

"Mabuti na lang pala at nakilala mo kami, Ian," anito habang sumasang-ayon naman sina Kulas sa aming likuran, "Ipapasyal ka namin sa perya. Siguradong pagkatapos nito, hahanap-hanapin mo na ito taon-taon!"

Medyo kinabahan ako sa kanyang sinabi. Huminto ako sa paglalakad na agad nitong ipinagtaka. Nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.

"H-hindi naman ako mapapahamak sa perya na iyan, hindi ba?" Patay ako kay Gene kapag umuwi akong puno ng galos! Hanggang manggahan lang ang paalam ko rito!

Bahagyang napaawang ang bibig ni Reign sa aking tanong bago natawa. Walang sabi-sabi itong muling umakbay sa akin.

"Ayon iyong perya, Ian. Tingnan mo kung mapapahamak ka ba roon," sabi nito habang may itinuturo.

Sinundan ko iyon ng tingin at kaagad na nanlaki ang aking mata sa nakita. Hindi kalayuan mula sa amin, may isang nakabakod na establishamentong punung-puno ng ilaw at makukulay na pinitura. Ang unang-una mo talagang mapapansin ay iyong napakataas na istraktura na pabilog at may mga upuang nakasabit sa edges nito. Sa tabi nito mayroon namang hugis barko na umaangat sa isang banda at nahuhulog naman para umangat iyong kabila na parang isang malaking duyan. Sa isa pang banda ay mayroon ding parang isang tren na gumigiwang-giwang habang dinadaan ang kanyang tracks. Mayroon ding parang isang malaking plato na mabilis na umiikot.

Kahit sa distansya namin, maririnig iyong mga nagsisigawan at naghihiyawang mga tao. Dinig na dinig din iyong malalakas na speakers nilang tumutugtog ng mga musikang pansayaw habang bino-voice over ng emceeng monotonous ang pagsasalita.

"It's like Christmas in here..." Wala sa sarili kong sabi.

Isang akbay ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nilingon ko iyon at nakita ang isang nakangiting Reign.

"Halika at siguradong mas matutuwa ka sa loob," sabi nito bago ako dinala patungo doon sa entrance habang natatawang nakasunod sa amin iyong tatlo.

Sandali lang at nasa loob na kami noong tinatawag nilang perya. Kung maingay sa labas, mas maingay at magulo sa loob. Ang daming taong tila sabik na sabik na makasakay doon sa mga malalaking istraktura. May mga batang nagsisitakbuhan patungo sa mga paborito nilang booths habang may hawak na parang bulak na inilagay sa isang stick.

Tulad ng sabi ni Kaloy, marami ngang booths roon na may ginaganap na palaro. Mayroong mga booths na may lamesa sa gitna na may nakaguhit na maliliit na parisukat. Tatapunan ito ng bente-singkong sentimo at kapag na-shoot mo iyon sa loob ng parisukat, may premyo kang piso. Kapag doon mo na-shoot sa special boxes, may premyo ka namang candy o junk foods.

Mayroon ding mga booths na may maliit na lamesa sa gitna na may maliliit na divisions na may nakasulat na mga numero sa gitna. Pinalilibutan ito ng mga net na nakakabit sa gilid ng mga lamesang nakapalibot dito at may nakasulat na mga numero. Apparently, there's a ball that the host would throw to the smaller table. The players would have to place their bets on the numbers written on the table. Kung sino man iyong pumusta sa numero kung saan hihinto iyong bola ang siyang mananalo. Ang piso mong pusta ay magiging sampung piso.

Mayroon ding mahabang mesa roon at nakaupo sa mga benches na nakapalibot ang mga manlalaro. May hawak silang mga cards samantalang ang host nila ay may hawak na mikropono at isang lalagyan ng mga maliliit na pabilog at may nakasulat na letra at numero sa gitna. Eto pala iyong narinig ko sa labas na monotonous ang pagsasalita!

Tuwang-tuwang nagsilaro sina Kaloy, Nonoy at Kulas doon sa booth na may itinatapon na bola. Si Reign naman ay sinusubukan ang swerte doon sa inihahagis na bente-singko. Hindi ko alam kung swerte lang ba talaga siya at lagi niyang naso-shoot ang gitna ng parisukat. Hindi nagtagal ay pinalibutan na siya ng mga babae at baklang tumitili habang inihahagis niya ang kanyang barya.

Iniwan ko siya roon at nagdesisyong maglakad-lakad nang makuha ng isang booth ang aking pansin. May mga nakahilirang mga plastic toys sa dingding nito. Sa pinakaibaba ng shelf, may mga rubber duckies na nakahilira. Sa pinakaitaas naman ay may mga palito ng posporong nakatayo.

"Bente-singko limang subok, bata. Subukan mo," sabi noong bantay habang inaabot sa akin ang isang baril.

Nanlaki ang mga mata ko sa hawak nito.

"T-totoo po ba iyan?" Hindi ko napigilang itanong.

"Anong pinagsasabi mo riyan, bata?" Usal nito bago walang sabi-sabing itinutok ito doon sa nakahilirang rubber duckies at kinalabit ang gatilyo. Agad na lumabas mula roon ang isang plastic pellet at tumama sa kulay asul na rubber ducky na agad na nahulog.

Laruan lang pala. I sighed my relief.

Binalingan ako noong bantay sabay abot sa akin noong hawak nitong toy gun na wala sa sarili ko namang tinaggap.

"Limang malalaking target, may lima kang kendi. Limang maliliit na target pwera noong palito, may isa kang chichirya. Kapag palito naman iyong matamaan mo, tatlo lang noon, pwede ka ng mamili sa mga stuffed toys ko," mabilis nitong tugon, "Subukan mo baka swertehin ka."

Tumango ako bago hinarap iyong mga targets. I held the plastic gun with one hand. Hindi tulad ng totoong baril, masyado itong magaan. Siguradong mas madali itong gamitin kung ikukumpara sa tunay.

Itinutok ko iyon sa isang rubber ducky at pipindutin na sana ang gatilyo nang muling magsalita iyong bantay.

"Bayad muna, chuy, bago putok," paalala nito.

Mabilis akong kumuha ng isang daang piso at ibinagay sa kanya.

"Mamaya na lang ang sukli mo pagkatapos."

Tumango lang ako bago muling itinutok iyong baril doon sa rubber ducky. Nang pindutin ko ang gatilyo, tumama nga iyong bala sa katawan noong target ngunit hindi naman ito natumba. Pinatulis ko ang aking nguso sa nangyari.

"Opps, sayang dong! Konti na lang sana! Isa pa," pag-eenganyo nito sa akin.

Muli akong tumango at pinosisyon ang baril sa isang plastic soldier. Baka kasi masyadong mabigat iyong rubber ducky para sa maliit na bala nitong baril ko. Nang kakalabitin ko iyong gatilyo, bigla na lang may humawak sa aking balikat na siyang ikinagulat ko. Imbes na sa target tumama iyong bala, doon ito napunta sa dingding.

"Uy, sayang! Kamuntikan na iyon, Yan!"

Kunot-noo kong tinitigan si Kulas na siyang salarin.

"Pang-ilan mo na iyan?"

Napalingon ako sa may-ari ng boses at nakita si Reign na kumakain ng junk food. Isa siguro sa kanyang napanalunan. Nandoon na rin sina Kaloy at Nonoy at kumakain din ng mga junk foods.

"Pangalawa. May tatlo pa ako," sagot ko bago muling hinarap iyong mga targets.

I aimed my gun at one of the plastic soldiers again, convinced that this time I could take the shot. Pero hindi ko pa nga nakakalabit ang gatilyo ay inagaw na sa akin ng mapangahas na hari iyong baril.

"Hey!" Angal ko rito pero itinutok na niya ang baril sa pinakataas na shelf at tatlong beses naa sunod-sunod itong pinaputok.

"Imbes na stuffed toy, limang chichirya ang ibigay mo sa amin," narinig kong utos nito sa bantay. Medyo umalma pa iyong bantay sa utos nito pero wala pa rin siyang nagawa kundi ang iabot sa hari iyong limang chichirya.

Napawaang ang bunganga ko habang pinagmamasdan iyong nabaling mga palito. Ikinuyom ko ang aking mga kamao sa inis sa kanyang ginawa. How dare he stole my shot!

Aalma na sana ako nang bigla niya akong inabutan ng isang pakete ng junk food.

"O, share mo. Ferris wheel na tayo," simpleng sabi lang nito habang binubuksan ang panibagong chichirya at sinimulan iyong kainin. Sumunod sa kanya ang tatlo niyang tauhan habang tinutungo nila ang direksyon ng Ferris Wheel.

Not satisfied, I went back to the stall and asked for another round. Masaya naman nitong pinagbigyan ang aking hiling.

When he gave me the plastic gun, I immediately aimed it at the match sticks. Limang magkakasunod na putok ang aking ginawa. Pagkatapos noon ay humiling pa ako ng isa pa. Ganoon uli ang aking ginawa bago umulit pa ng isa. Nang maubos na ang isang daan ko ay tsaka lang ako umalis roon.

"Bata, hindi mo ba kukunin ang mga premyo mo?"

Feeling satisfied, I waved my hand over my head without taking another glance.

"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap," bungad sa akin noong hari nila. Kunot ang noo nito at nakapamulsa.

I was busy knocking down match sticks. Gusto ko sanang sabihin pero baka pagsabihan na naman niya ako kaya iba na lang ang isinagot ko.

"Diyan lang sa tabi-tabi..." I heard him tsked at my reply before turning his head in front. Mayroon pa itong sinabi na hindi ko marinig.

Kasalukuyang nakapila sila ngayon sa harap ng ticket counter ng Ferris Wheel. Panay ang bulungan ng mga nasa harapan habang pinagmamasdan ang nakabusangot na mukha ng hari.

"Yan, gusto mo ng cotton candy?" Sabi ng kararating na Kulas na may dalang kulay pink na parang bulak na inilagay sa isang stick.

Kahit may pag-aalinlangan ay tinanggap ko ito. Unang dampi lang nito sa bibig ko, nalusaw kaagad at kumalat ang tamis sa loob nito. Hindi ko napigilang mapangiti sa sarap.

"Ang sarap!" Bulalas ko bago muling kumain.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita silang apat na nakatingin sa mukha ko na tila ba may nakakamangha rito.

"Bakit?" I asked.

Si Kulas ang unang naka-recover at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Ang cute mo talaga, Yan!" Sabi pa nito bago pinisil ang pisngi ko.

Tumikhim naman ang leader nila bago tumalikod.

"Masarap ba, bata? Pahingi nga..." Nakangising tugon ni Nonoy pero agad kong iniwas sa kanya ang hawak na pagkain.

Mamamatay ang magtangkang agawin ito sa akin!

"Ang damot mo, Ian! Patikim lang!" Nakisali na rin si Kaloy.

Mas lalo kung inigihan ang pag-iwas ng cotton candy ko sa kanila habang si Kulas naman ay tawa lang ng tawa.

"King!!! Kulas, asan kayo?! King!!!"

Natigil kami nang marinig ang sigaw.

"Jepoy! Nandito kami!" Tawag ni Kulas sa kaibigan.

Laking gulat na lang namin nang makita ang kanyang kabuuan. Duguan ang mukha nito at sira-sira ang damit! Punung-puno pa ng mga pasa ang kanyang katawan!

"King!" Kaagad na bungad nito sa kanilang haring sinalo siya nang matumba. Kaagad na nagdilim ang mukha nito nang makita ang hitsura ng kanyang tauhan.

"King..." habol pa nito ang kanyang hininga, "Talyer... Sira... Instrumento... Mikoy... Tulong... Bilis..." Tila walang kabuluhan nitong sabi.

"Huminahon ka muna, Jepoy. Ano bang nangyari?" Tanong ni Kulas dito.

Humugot muna ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita.

"Ang Emperors! Nasa talyer ang Emperors!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ngising-asong Drake ang biglang pumasok sa isipan ko.

"Sinira nila ang mga instrumento matapos bugbugin sina Neil. Lumaban kami ni Mikoy pero..." Hindi na nito kailangan pang tapusin ang sasabihin.

"Pasensiya na, Ian, pwede bang sa susunod na lang muna ang Ferris Wheel experience mo?" Mahinahong tugon nito.

Nakangiti ito sa akin pero ramdam ko ang nagbabadyang galit na anumang oras ay pwede sumabog.

"May lilinisin lang ako," anito bago walang kibong umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5K 1K 58
[COMPLETED] July 3, 2020- August 13, 2020 they say... "only chaos awaits when fantasy meets reality" Is that really true? I'm a fan of fairytales bu...
472K 18.5K 61
【Team Alpha: Second Generation】 Book 1 | Complete "They were angels embracing the darkness"
28.9K 2.2K 32
Five years after knowing the secret about the game, another game emerged; it was a fun-thrilling game which brought happiness to the players. But as...
682K 41.5K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...