Chapter 4.5: Someone Catch me
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng naging official kami. Yes. Official na talaga. Sa kanya na mismo nanggaling. Paano nangyari? Ganito.
*flashback*
Recess at absent si Lacie. May sakit. Sakitin kasi yung isang yun. Dami rin kasing schoolworks, isabay mo pa na nagparaktis kami for speech choir. Altho sa props lang sila, kasabay namin silang umuuwi at karaniwan ay ginagabi na talaga kami. Nakakapagod din kaya.
So ayun nga, absent si Lacie. >_< Wala akong kasama. >_<
Habang naglalakad papunta sa canteen ay maraming nag bubulungan sa paligid ko. Mga babae. Pano ba naman kasi, ang alam ng lahat ay lapit ako ng lapit kay Werry. Si Werry kaya lumalapit sakin! >____< naging talk of the town tuloy kami. Kainis. :(((
Hindi ako sanay sa ganto. Yung pinag-uusapan ka ng mga babae. Okay pa sana kung nandito si Lacie at least mayeoong taong nakakapag-comfort sakin. :((
Si Werry kasi walang pake. Hindi siguro ako girlfriend nun. Hindi naman niya ako mahal. Ugh. Ano ba yang lumalabas sa bibig mo Yuri. Alam mo naman na hindi talaga, umaasa ka pa.
Nilagay ko na lang ang earphone ko sa tenga, volumes up. Ito na lang muna magagawa ko.
***
Nakarating ako sa canteen ng lahat ng nakatingin sakin. Ayoko na talaga. I hate you Werry! Kasalanan mo to e! Nakuu! Hindi ko na talaga papalapitin yung lalaking yun sakin! :(
Coke at carbonara lang ang binili ko. Sino kasabay kong kumain nito? Aloof ko talaga ngayon. Ang sakit sa bangs.
Kumuha kagad ako ng upuan sa bandang dulo ng canteen. Kumain lang ako ng tahimik. Wala akong kadaldalaaaaan! Nakakainis! :(( Dapat pala hindi na lang din ako pumasok. Kaya lang yari ako kay Mama.
Paalis na sana ako sa kinauupuan ko (tapos na kasi ako kumain) nang bigla siyang umupo siya harapan ko. Si werry umupo sa kasama ko sa iisang lamesa? Seryoso?
Napatulala ako ng ilang segundo pero agad din naman akong natauhan. Tatayo na sana ako kaya lang.. Bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay. "Don't go anywhere. I need you, my girlfriend."
And with, my jaw dropped. At yung mga nasa canteen natulala rin.
*end of flaskback*
Ever since nun, lagi ko na siyang kasama. As in. Para siyang buntot ko. Pagkatapos halos lahat ng gagawin ko, kasama siya dapat. Dapat alam niya. Dapat may consent niya. Ang possesive niya.
One thing na ikinakabahala ko ay mahulog ako sa kanya.
Okay. Sabihin niyo nang boyfriend ko siya or what. Pero hindi ako convince. Ni hindi nga kami nag-uusap before makita ko yung picture. After that. Parang naging girlfriend niya na ako. Ano yun? Kabayaran sa pagkakita ko sa picture na yun?
Alam niyo yung feeling na feeling niyo may hidden agenda ang tao kaya siya lumapit sa inyo? Ito yun. Alam kong may hidden agenda siya. Hindi ko lang matukoy kung ano yun.
Sinubukan kong sabihin to kay Lacie, kaya lang ang sinabi niya lang sakin ay, "baka nagustuhan ang labi mo," saka siya tumawa ng malakas.
Wala akong makausap dito sa iniisip kong to! Mababaliw na ako!
"Yuriiii! Babaaaaaay!" Nasa tapat kami ng school gate na pala. Hindi ko namalayan iisip ko.
"Bye Lazzzy!" Natatawa kong saad. Inirapan lang niya ako. Ang ganda talg ng pang-asar sa kanya.
Pagkaharap ko sa dadaanan ko, nandun si Werry. Sa harapan ko.
Oh shitbrix. Ano na namang kailangan nito? ?