SECRET HEIRESS

By sweetperfection

4M 49.6K 4.5K

Si Zelle ay isang anak mayaman, hiredera. Ano kayang mangyayari sa kanya kung papasukin siya sa public school... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13.1
CHAPTER 13.2
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45 PART 1
CHAPTER 45 PART 2
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Chapter 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
PLEASE READ.
EPILOGUE

CHAPTER 8

85.1K 1K 33
By sweetperfection

Sorry if I'm late kararating ko lang eh, eto na update ^______^ enjoy!

Oo nga pala sa READERS ng YOU'RE MINE GOT THAT, I decided to make a sequel.



__________________________________________________


PRINCESS ZELLE'S POV

Waaaaah! Bilis ng panahon sabado na pala noh hindi ko lang man napansin? Nawindang kasi ako sa ngiti ni Xander nung isang araw eh.

TEKA!!

Zelle! ano ba yang pinagsasabi mo? Erase erase..

"Ma'am Zelle tara na po"

"Pakitawag na po si Aya sa kwarto niya"

Ay oo nga pala dahil halos mamatay na kami dahil puro preservatives lang ang kinakain namin ni Aya eh pinapunta ko dito yung isang katulong namin na marunong magluto. Siya paglulutuin namin ng pagkain namin ngayon.

Lumabas na si Aya sa kwarto niya tapos umalis na kami. Pupunta kami ngayon ng mall para mag grocery para sa stocks namin at ingredients.

Humanap naman kami ng jeep papuntang mall kasi hindi ako nagpadala ng kotse duh.... baka mahalata kami no.

"Ma'am sakay na po tayo"

Sa totoo lang first time kong makakasakay ng jeep kasi ang sinasakyan namin eh tricycle. Siguro mas mahal bayad dito?

"Yaya kanino ibibigay to?" naglabas ako ng one thousand.

"Naku ma'am masyadong malaki yang pera mo wala silang barya para sa ganyan kalaking halaga"

sabi ni Manang.

"Zelly, thirty pesos lang okay na yun"

eh?!

"Thirty pesos?! How didi you know Aya, did you already ride this uh.. jeep?"

"Yep! Sam and I ride this one."

Sabi ko na nga ba eh..

So naglabas ako ng fifty pesos para sa fare namin.

Nung makarating naman kami ng mall eh dumeretcho agad kami sa grocery.

Namili lang naman kami ng mga necessity namin tapos para sa lulutuin ni yaya later.

After two hours eh natapos naman na kami mamili kaya uuwi na kami.

"Aya! Zelle!" may tumawag sa amin kaya lumingon kami.

patay.

Nagkatinginan kami ni Aya na parang parehas kami ng iniisip.

"Oh? nag grocery pala kayo? Sino siya?" tanong ni Sam.

"A-ah s-siya? Ano uhm Tita namin tama tita namin" sabi ko woooho!Medyo may katandaan na din naman si yaya eh.

Si Sam kasi at Xander nandito sa mall tokwa bakit di namin naisip yun?

"Ma-" magsasalita pa sana si Yaya kaya pinutol ko na.

"Ah Tita si Xander po tsaka si Sam classmates namin"

"Hi po" sabi ni Sam.

"Hello po" sabi naman ni Xander.

Buti na lang naniwala.

"Bakit kayo nandito sa mall?" tanong ni Aya kay Sam.

"Ah... kami? may dinaanan lang kami ni Xander"

"Ahh"

"Gusto niyo sabay na tayo umuwi pauwi na rin kami eh tulungan nanamin kayo" yaya ni Sam.

"Again?" narinig kong bulong ni Xander.

"Ah wag na kaya naman namin eh tsaka baka makaabala pa kami NAKAKAHIYA naman kay XANDER eh" inemphasize ko talaga kasi napaka ungentleman niya grabe!

"Ayos lang yan akin na po yan Tita" Tapos kinuha niya yung plastic bags na dala ni Tita este yaya pala ano ba yan nakakahawa ah.

Si Xander naman walang nagawa kaya tinulungan nalang si Sam. Naglakad na kami papalabas ng mall kasi malapit na kami sa exit ng may nakita nanaman kami sa entrance.

Nagkatinginan kami ni Aya....

"Zelly samahan mo ako please hindi ko na kaya eh" best actress, umacting ba naman na parang naiihi.

"Aya ano nangyayari sayo okay ka lang ba ako na sasama sayo" sabi naman ni Sam.

Nakuuu! parang napatingin na sa amin yung mga classmates namin dati... atpapalapit na sila.

"No! girlthing Zelly tara na!" tapos tumakbo kami papuntang Cr at pumasok sa iisang cubicle.

"Buti na lang nakatakbo tayo hooo!" hingal na hingal kaming dalawa.'

Pano ba naman yung mga dating kaibigan namin eh nandun sa mall na yun waaaaaaah!! bakit di namin naisip yun?

Tumahimik naman kaming dalawa kasi may pumasok ng Cr.

"Girls nakita niyo ba kanina? They look like Zelle  and Aya"

waaaaaaah!

"Yeah lalapitan ko sana kaso biglang tumakbo"

"Hindi kaya sila yun? Tsaka san na kaya sila nag-aaral?"

"I don't know wala man lang pasabi na aalis na sila sa school tsaka baka naman namalik mata lang tayo Duh.... Zelle and Aya in the mall with uh...yaya and groceries? I don't think so...."

Tama yan hindi kami yun hindi!

"Uhm nacheck niyo na ba fb account niya?"

"Oh that? I think nag deactivate siya pati twitter account niya hindi ko na makita"

Oo dineactivate ko lahat ng accounts ko baka mahuli pa ako no at di rin ako gumawa ng bago naku delikado na.

"Pero the two guys out there are really cute....nah, it's handsome"

Si Xander ba yun at Sam? totoo naman eh.

"They're hot"

eh?!

"Gentleman I guess?"

Sinong gentleman?! si Sam oo no doubt pero si Xander! naku magunaw na mundo hindi mangyayari yun!

"I know right"

Tapos narinig namin na lumabas na sila ng banyo.

Naghintay muna kami for 5 minutes bago lumabas.

"That was close" sabi ni Aya.

"Tara na nga uwi na tayo"

pagsabi ko nun nagkatinginan kami

O_____________O

"takbo!" sabay naming sigaw tapos tumakbo kami papuntang exit at shoot! mukhang sasabog na si Xander.

"What took you so long?!" see?

"S-sorry, tara na alis na tayo" sabi ni Aya kaya umalis na kami agad bago pa kami makita ng kung sino nanaman.

Sumakay naman kami ng jeep pabalik.

"Aya okay ka lang ba talaga namumutla ka, pati ikaw Zelle"

"Okay lang kami" sabay naming sabi ni Aya.

"Are you sure?" oh kelan pa naging concern tong si Xander.

"Yes" sabay ulit kami.

Pagdating namin ng bahay eh pinapasok namin si Sam at Xander para kahit papaano eh tinulungan naman nila kami.

"Aya san ba nakatira Tita mo?"

"H-ha?" si Aya mukhang namamawis na.

waaaah! patay na kami ngayon sa tanong ni Sam!!!

"Sa probinsiya ako nakatira hijo" phew! buti naman at nakaramdam si Tit-- este yaya

"Ah bakit po kayo nandito?" tanong ulit ni Sam.

"Masama bang bisitahin ang mga pamangkin ko?"

ayan kasi nagtatanong pa eh!


Alam naman kasi ng lahat ng tao sa bahay ang plano namin kaya safe!

Nanahimik naman yung dalawa at parang may pinag-uusapan kaya ako pumasok muna sandali ng kwarto at nagpalit ng damit.

Ilang minuto lang din naluto na yung food at kumain na kami.

Nagkakwentuhan lang sandali tapos umalis na rin sila.

"Yaya at dahil jan! eto sayo!" binigyan ko siya ng five thousand

Si Aya naman three thousand.

"Salamat po ma'am" tapos umalis na rin siya tapos lutuin ang isa pang ulam para mamayang gabi.

Ang daming nangyari ngayong araw ah? pero buti naman hindi kami nabuking no mas hassle pag ganun.

*******************************

Ilang araw na lumipas simula nung muntik na kaming mabuking ni Aya sa mall kaya napag-usapan namin na hindi na kami muna pupunta ng mall unless nakapang disguise kami. Artista lang?

"Zelly okay ka lang ba talaga dito mag-isa?"

"Oo nga ang kulit mo haller two days one night lang naman yun diba?"

"Oo pero eh kasi!"

"Alam mo mapapatay kita ngayon kasi malelate na ako alam mo yun? Lumayas kana baka pigilan pa kita eh"

Nagpout naman siya awww. so cute.

"Sige na nga basta mag-ingat ka ha! bye Zelly"

Tapos lumabas na siya ng pinto at umalis na. Pinatawag kasi siya ng mama niya kasi may pupuntahan daw sila ng mommy niya sa batangas ata bukas pa ang balik.

Kaya ako mag-isa mamaya na matutulog sa bahay.

Gaya nga ng sabi ko eh umalis na ako ng bahay at malelate na ako.

Pagpasok ko pa lang sa school eh si Sam na ang sumalubong sa akin.

"Zelle si Aya"

"Si Aya? Ah hinatid si Tita sa terminal, pero bukas pa siya uuwi"

Ayan lang naisip namin ni Aya na dahilan eh sorry kung lame.

 "Bukas?!"

-___________-

"Hindi kahapon-_____- o.a magreact ah"

"Sorry, tara sabay na tayo pasok?"

Sa kasamaang palad eh nakasalubong namin ni si Cherry.

"Uy wala ata yung isang promdi kaya mo ba nilalandi yung type ng bestfriend mo?"

What?!! me with Sam? duh....

"Cherry stop!" sabi ni Sam.

"Eh bakit? Una niyang nilandi yung Xander ko tapos ngayon ikaw?"

Kaya naman pala ang init ng dugo nito sa akin eh may gusto kay Xander.

"Tara na Sam wag mo na patulan" bulong ko kay Sam, hindi naman sa duwag ako ayaw ko lang talaga siya patulan ayaw ko bumaba sa level niya.

"Bakit naduduwag ka ba promdi? Totoo no na nilalandi mo si Sam? pathetic, kawawa naman bestfriend mo may kaibigang ahas"

Whatever -________-

"Stop" Lumingon kami sa nagsalita

si Xander.

Pagsabi niya nun eh napaatras si Cherry kahit ako natatakot kay Xander kasi ang serious ng mukha I mean kahit naman lagi siyang seryoso iba yung ngayon eh parang naiinis na ewan.

"Bro! jan ka na pala" bati ni Sam.

"Yeah, Cherry better back off" waaaaaaaah!! nakakatakot siya!!

"S-sige alis na kami" tapos naglakad takbo naman sila Cherry.

-________-

Paglingon ko naman sa dalawa eh ayun tawa ng tawa halatang pinagtripan lang si Cerry, effective na actor si Xander

-______________-

"Are you done?" tanong ko na nakapamewang.

"Hahahahaha hooo! astig bro! hanep!"

okay hindi pa ata -_____-

Hinayaan ko na lang sila magtawanan habang naglalakad kami papuntang classroom.

Pagdating namin eh kasunod lang namin yung teacher kaya naglesson agad.

Ang boring talaga pag wala si Aya wala akong makausap.

Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napatingin ako.

Si Xander umupo sa upuan ni Aya tapos nakipagkwentuhan lang pala kay Sam.

-________-

Nung recess at lunch hindi ako kumain kasi ayoko lumabas ng classroom, wala naman si Aya eh ayoko naman kasama yung dalawa baka kung anu nanaman sabihin nung iba.

Pumunta naman ako ng cr para magpalit ng p.e second to the last subject namin.

"Ang bait nung MM noh? nagpadala nanaman"

MM? teka makapag eavesdrop nga.

"Oo nga eh biruin mo ten thousand na para sa locker natin lahat?"

"Tsaka diba siya nagpapasahod sa mga janitor na bagong pasok?"

"Oo, tsaka okay na rin yun no ang linis na ng cr."

Oo nga naman.

"Pati gagaan na mga dala natin kasi pwede na tayo makakuha ng locker"

Napangiti ako nung narinig ko yun. Ang sarap pala sa feeling na may natutulungan ka no? Kaya siguro pinadala ako ni mommy dito hindi lang para mag spy o mag report ng kailangan ng school na to kundi makita ko rin yung importance ng ginagawa namin.

Lumabas na ako ng cr tapos dumerecho na ako sa court.

Pagdating ko naman dun eh wala si Xander si Sam lang.

Ano nga ba care ko kung wala dun si Xander?

Naglaro lang kami ng badminton this time panalo nanaman yung group namin. Close fight nga eh kasi si Cherry natapat sa akin sa doubles pero carry pa din panalo pa rin naman kami siya kasi eh pinapairal kaartehan.

Kukunin ko na sana uniform ko sa locker para makapagpalit ng may nasalubong akong teacher at first time kong utusan ha!

"Ahh, Zelle pwede pakihatid to sa SSG room? May faculty meeting pa kasi eh, tsaka oo nga pala early dismissal kayo ngayon okay?"

"Ahh okay po ma'am."

Tapos hinatid ko naman yung mga papers sa SSG room grabeh ha! SSG room lang nasa pinakataas pa tapos dulo pa!

Pagdating ko dun eh nakabukas yung room kaya pumasok na ako. Nilagay ko dun yung papers sa table. Lalabas na sana ako pero humangin kaya nilipad yung papers, ako naman pinulot ko tapos nilagay ulit sa table. Lalabas na ulit ako kaso nilipad nanaman kaya sinara ko na yung pinto at pinulot ulit yung papers.

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso ayaw kaya inikot ko ulit yung doorknob kaso ayaw talaga kaya inalog alog ko na yung pinto kaso ayaw pa rin.

"Why so noisy?!" nakita ko naman si Xander na lumabas pa sa isang pinto na nasa SSG room din.

Nagulat naman siya nung nakita niya ako.

"Did you closed the door?"

tanong niya.

"Oo kasi yu--"

"Bakit mo sinara?! Sira yung doorknob niyan sa labas lang pwedeng buksan!"


halata sa kanya na medyo iritado.

"Eh hindi ko naman alam eh!"

naku umakyat nanaman dugo ko sa ulo!

"Sheez!"

"Tsaka may dadaan naman siguro diyan no para pagbuksan tayo ang o.a mo!"

"Princess nasa pinakataas tong SSG room tapos dulo pa, do you think someone would bother go here?"

Oo nga no?

"Eh bakit kasi to na sa dulo?!"

"To concentrate"

"Concentrate?! tapos dulo agad?"

"Yeah whatever" tapos umupo siya sa gilid tapos sumandal sa pader nakabend yung isang paa tapos nakasandal dun yung isang kamay niya.

"What are we gonna do now?"

"Wait"

wait?!!

"Ano?! maghintay?! kasasabi mo lang na walang pumupunta dito tapos wait?!"

"Exactly"

Ano daw?! naku kumukulo na dugo ko! pati tiyan ko kumukulo na! Siomai ngayon lang ako nakaramdam ng gutom no!

Umupo naman ako sa kabilang dulo kasi siya na sa left side na dulo ako sa right.

Ang tahimik ng room na to pati itong floor na to parang wala namang classroom dito eh.

"Xander ano ba ang mga room sa floor na to?"

"SSG room, rooms ng mga club at bodega"

"So imposible talaga na makalabas tayo dito?"

"Hindi naman, kung may cellphone ka at tinatawagan si Sam"

Oo nga no?! Kinapa ko yung bulsa ko at shoot! na sa locker phone ko.

"Ikaw? wala kang phone? Nasa locker akin eh"

"Lowbat"

Okay so maghihintay kami? Bukas pa balik ni Aya eh!

Waaaaaah! nagugutom na ako! at parang wala ng students kasi early dismissal tapos hindi nila malalaman na wala kami kasi wala si Aya eh si Sam baka isipin nun nauna na ako at parang wala lang sa kanya kung anong oras uuwi si Xander.

Teka diba magkapatid sila?

"Xander diba magkapatid kayo ni Sam?"

"Yeah"

"How come that you two are on the same year level?"

"Oh, eleven months lang gap namin, eleven months palang ako when my mom gave birth to Sam"

"Ahhhh... eh nasaan nga pala mama mo"

"Work"

Tipid naman sumagot, gusto ko pa sana  tanungin kung ano trabaho kaso wag na.

Feel ko ilang oras na kaming nandito wala kasi akong dalang wristwatch, gutom na ako grabe!

"Are you hungry?" nagulat ako sa tanong niya.

Hindi ako sumagot at siya naman biglang tumayo at pumasok sa pinto na nilabasan niya kanina.

Tapos lumabas agad.

"Oh biscuit yan nalang natitira kainin mo na baka bukas pa tayo makalabas dito" tapos inabot niya sa akin yung biscuit tapos umupo ulit pero medyo malapit na saakin.

"Ah wag na hindi ako gutom"

"BUUUUURRRT!" waaaaaaah! kumulo tiyan ako at sure ako rinig niya yun!

"Realy?" tapos ngumiti siya.

Kinuha ko na yung biscuit tapos kinain pero siyempre hinati ko sa dalawa.

"Oh sayo isa thank you"

"Nah, baka kulang pa yan sayo"

aba!

"Grabe ka naman! Sige na oh sayo isa please!" nakakakonsensya kasi baka siya gutom na din.

Kinuha naman niya yung biscuit tapos sabay kaming kumain.

"Here" tapos may binigay siya na tubig na galing sa bag niya.

"Thanks"  tapos uminom ako then inabot ulit sa kanya.

Maya maya lang eh biglang namatay yung ilaw. Kaya napadikit ako sa kanya at kumapit.

"AAAAAHHH!"

"Ang taray taray mo tapos takot ka sa dilim?"

"W-wala bang multo dito?"

"Ewan ko pero may history" kumapit ako ng mahigpit sa braso niya.

"Wag ka nga manakot!"

"You're asking me then you'll not believe it? bahala ka"

"Waaaaah!!"

"Bakit ba kasi nila pinatay yung ilaw?"

"Princess, hindi nila alam na may natrap dito kaya nila pinatay yung ilaw kasi gabi na"

"Oo nga no?"

narinig ko naman na medyo natawa siya.

 Napansin ko naman na ang higpit ng kapit ko sa kanya nahiya naman ako at swear feel ko namula ako nung napansin ko yun.

"S-sorry" tapos tinanggal ko yung kapit ko sa kanya.

"It's okay kapit lang baka may manghila sayo jan"

hila?! waaaaaaaaaah!!

Napakapit ako ng lalo sa kanya tapos hinampas ko din siya.

"Epal ka! wag ka nga manakot!"

"Hahahahaha seriously?! naniwala ka?"

-____________- agad kong tinanggal yung kapit ko sa kanya.

Unti unti na akong nakaramdam ng antok....

Then wala na nakatulog na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 393 26
Taglish. Elisha Elizabeth Brien, Elise for short, 17 years old. She's a billionaire's daughter, she was very lonely because her Father doesn't want...
115K 2.9K 59
[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever af...
133K 2.9K 43
Isang araw nagising si Deh Mil galing sa isang bangungot. Hinahabol siya ng isang katerbang media. Hinahabol siya para sagutin ang kanilang mga tanon...
87.9K 1.6K 41
Yllentell April Greid life change as she started to wish at Magical Feathers . It's a magical dust that led her life into Unknown place called QYLENT...