Dati ko pa siyang kilala kahit nung wala pa kami sa LCA.
Pano?
Simple lang...
Schoolmate ko siya nung highschool palang kami. Sophomore ata yun? Hindi pa niya ako kilala nun pero siya kilalang-kilala ko na.
Nagsimula ang lahat nung natamaan ko siya ng bola ng basketball habang naglalaro kami ng tropa ko.
-Flashback-
"Aray!!!" sigaw niya.
"Ay, miss sorry ah? Masakit ba?" lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Ay hinde, hinde. Masarap nga eh, try mo."
"Sorry." then umalis na ko nun.
-end of flashback-
Then simula nun, lagi ko na siyang napapansin. Lagi na rin kaming nagkakasalubong pero hindi niya ako pinapansin. Ni isang tingin man lang wala.
May time pa nga na habang naglalaro kami ng basketball nila Jacob, nagkataong napadaan siya kasama si Chieni tas sakin na pala ipapasa ung bola kaya ayun... Jackpot. Natamaan ako sa ulo. Ahaha.
Minsan din pag lunch break na namin, hahanapin ko muna siya bago ako pumila sa canteen tas uupo kami sa katabing table nila. Hindi ko na nga minsan nagagalaw ung pagkain ko kakatingin sa kanya eh.
At ang pinaka nagpakuha ng puso ko ay yung time na, nakita at narinig kong tumawa siya, pero first time ko lang siyang nakitang ngumiti sa buong year na sinusundan ko siya. It was the most beautiful laugh that i've ever heard.
Excuse me, hindi po ako stalker ah, gwapo ako kaya secret admirer ang tawag sakin. XD
Hindi pa kami masyadong kilala nun pero madaming na ding mga sumusunod sa amin pero wala nga lang red carpet at grand entrance.
"Pare, ligawan mo kaya." sabi ni Matt. Haha. Hindi pa siya in-love kay Christine nun kaya safe pa.
"Oo nga, Pare. Sabi mo seryoso ka sa kanya, diba?" sabi ni Jacob.
"We'll support you, Pare." sabi ni Xander.
Well, lahat na sila inencourage akong ligawan siya kaya ginawa ko nga. Dumating ung araw na magcoconfess na sana ako sa kanya kaya lang nakita ko na may iba na siyang kasamang lalaki at holding hands pa sila.
I was so disappointed and so hurt. Alam niyo ung binuhos na ink sa tubig? Papalagay na natin na ung tubig ung puso ko at ung ink naman ung sakit. Diba pagbinuhos ung ink, kumakalat sa tubig tas parang sinasakop niya lahat hanggang sa maging ink na lahat? Ganun yung naramdaman ko, kumalat yung sakit sa dibdib ko, i don't know what to do.
Pero hindi naman ito ang first heartbreak experience ko, meron na ring iba pero ito ang pinakamasakit sa lahat. Hindi ko alam kung bakit ko siya minahal kahit na hanggang tingin lang ako sa kanya.
Taga-school din yung lalaking kasama ni Christine, boyfriend na niya siguro un kasi nagholding hands nga sila eh diba? At ang masaklap pa, classmate ko pala yung lalaking yun. BV. Damn!
Lagi ko silang nakikitang magkasama pati sa canteen magkasama sila kaya hindi ko na siya matignan nang matagal. Sinusundan ko din sila minsan, mukhang masayang-masaya si Christine sa kanya kaya naisip kong magmove on nalang.
Months had passed pero i still can't forget everything about her. Binura ko na rin ung mga pictures niya sa phone ko pero nakalimutan kong may kopya pala ako ng mga yun sa laptop ko.
Then nung lunch na namin, hindi ako sa canteen pumupunta kundi sa rooftop nalang ako kumakain, eh papanoorin mo bang nagsusubuan ung mahal mo tsaka ung boyfriend niya?
Sa rooftop kasi walang tao, pwede kang magkapag-isip nang mabuti. Walang ingay, tsaka nakakarelax pero pagkabukas ko ng pinto, may naririnig akong umiiyak. Sobrang lakas at sobrang lalim ng pinanghuhugutan. Ahaha. May ganun?
Hinanap ko kung saan yun tas may nakita akong babaeng nakaindian sit sa may kasulok-sulukan ng rooftop. Nilapitan ko siya. She seemed so hurt, hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Then nung tumingala siya, si Christine pala.
O///O
Sinakop na naman ni Ink ung dibdib ko. T_T
Magang-maga na ung mga mata nya. Sobrang naaawa na ko pero wala akong magawa.
"Sino ka? (Sniff)(sob)" tanong niya habang umiiyak.
"Ahh... Ako? Z-zyren. Zyren Kyung. Comforter ako. Ako ung nagcocomfort sa mga babaeng umiiyak, katulad mo."
"Ahahaha... comforter? Buti ka pa nanjan pero yung boyfriend ko... waaaahhhhh!" then nagstart na siyang humagulgol.
Tumabi ako sa kanya tas nagstart na ung fake role ko as "comforter"
"Ano bang problema, ha? Boyfriend? Ahaha. Halos lahat ng kinomfort ko ganyan ang problema eh." charing lang. XD
"Talaga? Marami ka nang nacomfort?"
"Oo naman, marami na. At isa ka na dun."
"Eh baka ibang comfort naman yan ah..."
"Ahaha... Hindi no. Hindi ganung comfort. Literal na comfort talaga, ako ung nakikinig sa mga problema ng mga babaeng nangangailangan ng kausap."
"Ahh. Ganito kasi yun... Ilang buwan na kami ng boyfriend ko halos mag wa-one year na nga kami eh, tas nalaman ko na binayaran lang pala siya nung kaaway ko para paniwalain ako na mahal niya ako at para masaktan. Nakakaiyak, diba? Minahal ko siya tas ganun lang gagawin niya sakin?"
"Kaaway? Sino ba kaaway mo?"
"Si Trina. Hindi ko naman talaga kaaway yun eh, siya lang ang galit sa akin hindi ako. Patay na patay nga siya dun sa boyfriend ko eh tas ung boyfriend ko naman patay na patay sa pera."
"Ah... Eh baka nagsisisi na si boy na saktan ka."
"Sisi? Eh siya nga mismo yung nang-iwan sa akin eh! Tsaka ramdam ko rin minsan na wala siya sa mood pag kasama niya ako." umiyak ulit siya tas sumandal siya sa shoulder ko. Grabe, kinakabahan ako nun. Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
Nagclench nalang ako ng fist ko, yun lang naman ang magagawa ko eh. Napapaiyak na rin ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Mr. Comforter, salamat ah? Mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Siguro kasi naishare ko sa iba kung ano man yung nararadaman ko ngayon. Sige alis na ako. Ako nga pala si Christine." Inabot niya yung kamay niya para makipagshake hands.
"Oo. Alam ko." Inabot ko din naman at nakipagkamay sa kanya.
"Ha?"
"Ahhhh. wala. sige. I'm happy to help!"
"Oh well, thanks again." then kiniss niya yung cheeks ko tas umalis na siya.
:"o
waaahhhh! I got a kiss from her?! ahhhhhh!!! :"D
Simula nun, naisip ko na may pag-asa pa kaya pinagpatuloy ko nalang siyang mahalin. Until we graduated, mahal ko pa rin siya. Nag-investigate din ako kung saang college school siya mag-aaral and then i found out na sa LCA pala.
Woah, what a nice coincidence! Dun din ako mag-aaral kasi nga sa amin yun.
Then the first day came. Naalala niyo ba yung sa gym? Yung nagexcuse ako sa kanila habang nag-uusap sila ni Chieni? Sinadya ko yun pero ung pagkasangga ni Jacob sa kanya eh wala na kong alam dun. Pero dun ko lang nalaman na she's not a good kisser pero it felt good. Bat ganun?
Ako din yung nagsabi sa section arranger na gawin kaming mag kaklase. Ops! Wala na akong kinalaman dun sa kasal ah. Hindi ako ung nag-utos nun sa parents ko. Totoo talaga na our grandfathers made a promise to each other na ipapakasal nila kami pero nalaman ko lang din yun nung nasa Hanvhille na ako sa bahay ng parents ni Babe.
At dahil dun lumakas ung loob kong gumawa ng paraan para mahalin niya ako pero in a sweet way naman.
I wish na sana wala nang humadlang sa amin tsaka magtagal pa kaming magsama.
And that ends up my secret! Unexpectable, right? I didn't expect it too pero siguro we're just made for each other talaga. wah~ XD
Christine's Pov
~Message alarm~
Ahhhhhh.... Sino na naman ba ‘tong nagtext? Ang aga-aga nangbubulabog na agad.
“Babe… Gising na, mag-ayos ka na for school ah. I love you.”
Huh?! Sino ba to? Si Zyren to malamang. Siya lang naman ang lagging may “I love you” sa dulo ng text niya eh.
Haaayyyy... Another day had just began.
Pano na kaya yung fiest? Next week na un ah.
So nag ayos na ako. Starting from the bed to taking a bath then suotin ung unifrom ko na bagay na bagay sakin. Naks!
Bumaba na ako then nakahanda na yung almusal kaya kumain na ako kahit wala pa si Zyren. Ginising-gising niya ako tas mas mauuna pa pala akong lumabas sa kanya?
What the Heck.
Nung malapit na ako matapos at tsaka lang siya lumabas.
"Oh, bat ang tagal mo?"
"May ginawa pa kasi ako. Narecieve mo ba ung wake-up message ko?"
"Oo naman. Bakit mo naman naisipang gawin un?"
"Kasi nagresearch ako ng mga paraan kung pano makuha ang puso ng babaeng pinakamamamahal ko eh ang sabi dun sa website... "To get a woman's heart, allow them to enter your world. Text or call her what you're doing, how much you miss her and don't forget to say that you love her always, anytime and anywhere." "
"Naniwala ka naman? Tsaka kinabisado mo pa talaga ah?"
"Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?"
"Hay nako. Ewan ko sayo. Kumain ka na nga papasok pa tayo." then kumain na kami. Tas lumabas na para pumasok pero pagkaharap naming, "Hi, Zyren."
O_O
Omaygee, bakit siya nandito?
-------------------------------------------------------------------------------
Ayan... nalaman niyo na ung big secret ni Zyren ah pero don't worry si Christine din naman meron eh. Hintay lang kayo.
sino naman kayang impakta ung nag "hi zyren"?
ung sa video ung ink na sinasakop ung tubig.
haha. ramdam niyo rin ba un?
Vote and Comment!
Thanks for reading!