Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

119M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 180

773K 29.5K 24.1K
By eatmore2behappy

No more secrets

Jay-jay's POV

"...Mag-twerk it like miley ka!" Sigaw ni Ci-N kay Blaster.

Patuloy pa rin kami sa paglalaro ng Truth or Dare. Sa kabutihang palad hindi pa ko nahihintuan ng bote. Pang -pito na si Blaster sa nahintuan ng bote ngayon.

Mukang nagising naman ang diwa nung ibang inaantok at ginanahan maglaro. Malakas ang kantyawan nila. Lalu na nung sumayaw si David ng Budot Dance.

"Sayaw na!" Sigaw ni Felix na nakahanda na ang cellphone sa pagkuha ng video.

Walang nagawa si Blaster kundi ang mag-twerk. Malakas ang tawanan namin dahil para lang siyang nirarayuma sa balakang. Ang tigas ng sayaw nya.

"Tama na nga! Nakakapikon yung sayaw mo!" Sigaw ni Calix na nakatawa.

Kamot batok naman na tumigil sa Blaster. Balik siya sa upuan at sinimulan na naman ang pasahan ng bote at kantahan.

At kundi ba na nanadya ang mga Gago. Binilisan nila ang kanta at biglang huminto paglipat sakin ng bote.

Hinayupak!

Nagpapalakpakan pa ang mga herodes habang malakas na tumatawa. Sinadya nila to, SINADYA! Mga talipandas! Kanina pa nila gustong pahintuin ang bote sakin pero laging natatapat sa mga katabi ko.

"Ako una magtatanung?!" Sigaw ni Rory habang nakataas ang kamay.

"Teka! Hindi pa ko nakakapili kung Truth or Dare!" Reklamo ko.

"Handa ka bang magsayaw kagaya ni Blaster?" Tanung ni Felix.

"Sabi ko nga... Truth na nga!"

Peste tong mga to. Hindi man lang ako binigyan ng choices. Pero mas okay na yung Truth baka kung anu ipagawa nila sakin kapag nag-Dare ako.

Hinintay namin yung tanung ni Rory. Kayalang ang walang hiya inuna pa ang pagtawa kaya muka kaming tanga na nakatingin sa kanya.

"Jay..." Panimula nya habang tumatawa pa rin. "...ilang beses na kayo nag-kiss ni Keifer?"

Ay putana!

Minsan talaga, masarap manapak ng kaibigan. Yung mga kaibigan na malakas ang trip sa buhay. Sa sobrang lakas ng trip pati ikaw idadamay. Ang mga kapwa naman nya Ulupong malakas ang tawanan.

"Animal ka!" sagot ko sa kanya.

"Hindi yan ang sagot." sabi ni Ci-N habang nakatawa sakin.

Parang tanga!

Bakit ko sasagutin 'yon? Abnormal ba sila? Kung hindi ko tropa 'tong mga 'to mababastos siguro ako. Pasalamat nalang sila at alam ko na mga ugali nila.

"Ayaw sagutin. Iinumin ni Jay-jay yung Pepsi." sabi ni Edrix.

"Ay ayoko!" mabilis kong tanggi. "...Parang tanga naman kasi yung tanong niyo!"

"Si Keifer na lang tanungin natin." sabi ni Denzel at lahat kami tumingin sa kanya.

Naka-cross arm lang siya habang bored na nakatingin samin.

"May ginawa na ba kayo ni Jay-jay?" tanong ni Drew.

Ay Gago!

Ang bored na itsura niya, unti-unting napalitan ng ngiti. Diretso ang tingin niya sakin at para bang nagyayabang.

Subukan mo lang banggitin yang New Year anu-han natin! Lilipad 'tong bote ng Pepsi palapit sa muka niya.

"Ang ganda ng ngiti... Mukang may something." pang-aasar ni Calix.

"Wala!" sigaw ko.

Ang lakas kasi maka-gago ng ngiti ni Keifer. Busit! Isama pa yung mayabang niyang tingin. Para na rin siyang nagbigay ng clue.

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong namin." sabi ni Rory.

"Hanggang halik lang! Wala pa nga akong experience!" pasigaw kong sagot at nagtawanan sila.

Mali yata na sinabi ko pa ang huling parte. Mas lalong lumakas ang tawanan nila at malamang na asarin na naman nila ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya yumuko ako.

Sobrang nakakainis!

Ngayon ko ramdam ang hirap ng nag-iisang babae sa Section namin. Badtrip! Badtrip! Badtrip!

"Naghanap ka pa ng birhen kagabi. Sana pala sarili mo nalang inalay mo." sabi ni Blaster at tumawa ng malakas.

"Ako naman magtatanong." sabi ni David.

Bahagya akong tumingin sa kanya habang nakayuko. Nakangiti siya kahit na mababakas sa muka ang pagiging seryoso niya.

"Kung wala ba si Keifer. May pag-asa ba ko sa'yo?" tanong nya.

Mas lalung nag-init ng pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko ang titig sakin ni Keifer at Yuri.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako ng sobra sa tanung nya. Naghihintay din ng sagot yung iba.

Sa totoo lang hindi ko masagot kahit sa sarili ko lang. Mabait sakin si David, kasama namin sya ni Ci-N sa mga kalokohan. Nililibre nya kami kahit walang espesyal na okasyon. Kahit seryoso'ng seryoso ang muka nya, ramdam kong nage-enjoy din sya'ng kasama kami.

Pero kahit saan ko tignan, parang wala naman ibang meaning ang mga yun. Magkaibigan lang kami at ganun din naman ang tingin nya sakin.

Kung sasabihin kong hindi, baka sumama ang loob nya sakin. Kung sasagot naman ako ng Oo, hindi rin naman ako sigurado at baka umasa sya.

Bigla nalang syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "B-bakit?"

"Hindi mo naman kailangang seryosohin yun." Sabi nya kaya medyo gumaan ang loob ko.

Tumawa nalang ako kahit pilit. "W-wala... Eh Ulupong ka din kasi."

Nakitawa naman bigla ang mga pesteng Ulupong kahit halatang plastic yung iba. Napailing nalang si David sa mga pinag-gagagawa nila. Ang lakas kasi ng mga tama nila sa utak.

"Anu yung Ulupong?" Tanung ni Ci-N na nasa tabi ko.

Nga-nga!

Hindi nga pa nga pala nila alam na sila ang mga tinutukoy kong Ulupong. Baka magalit sila sakin kapag nalaman nila yun.

"A-anu... Ahas talaga ang meaning non pero... samin ginamit ng mga matatanda yun para ibansag sa mga luko-luko." Paliwanag ko.

"What the..." Bigla'ng sabi ni Keifer. "...You called me Hari ng mga Ulupong."

Taka namang napatingin sa kanya yung iba. Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya ang meaning nun. Akala ko kasi nakalimutan na nya na sinabi ko yun. Nagpilit ako ng ngiti at baka sakaling madaan sa pagpapa-cute.

Yun eh, kung cute nga!

"...So you mean Hari ako ng mga Luko-luko?!" Inis na tanung nya.

Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. Labas gilagid kung kailangan. Kayalang mukang hindi gumagana, masama na kasi ang tingin nya sakin.

"H-hindi naman sa----"

"Teka lang!" Putol ni Felix sa sasabihin ko. "...Kung si Keifer ang Hari. Kami ba yung MGA luko-luko?"

Lagot!

Titig na titig ako sa kanila. Hindi ko magawang ikurap ang mata ko. Nag-aalangan akong umo-o dahil paniguradong magagalit sila sakin at gagantihan nila ko.

Bakit ba kasi nagbansag ako ng ganun sa kanila?

"Kami nga ano?! Tama ako!" Sigaw ni Felix.

Napayuko nalang ako sa kahihiyan.

"Luko ka Jay!"

"Ganda ng bansag mo samin."

"Ulupong pala ah!"

"Yari ka samin."

"J-joke lang naman yun ih!" Paliwanag ko.

"Naku! Tsk! Tsk!" Sabi ni David at halatang nananakot.

Wag kang ganyan uy! Wag ka nananakot. Masama yan, lalu na sa mga taong takot na.

"Dahil dyan... Kailangan mong sagutin lahat ng magiging tanung namin." Sabi ni Ci.

"Diba nagtanung kana?" Tanung ni Drew sa kanya.

"Hindi counted yun."

"Wag ka madaya!" Sita sa kanya ni Denzel.

"Basta hindi counted yun!" Pagpipilit nya at humarap sakin. "...sabihin mo! Sinong pinaka-gwapo samin?"

"Ay naku Ci! Alam mo na ang sagot dyan. Syempre ako!" Sagot ni Calix.

"Ha?! Saang banda?!" Tanung Rory habang sinisipat ang muka nya. "...wag kang bulag Brad. Kaharap mo na ang pinaka-gwapo." Patukoy nya sa sarili nya.

At nagsimula na nga ang payabangan. Hindi ko na nasagot ang tanung dahil pinipilit nila na ang mga sari-sarili nila ang pinaka-gwapo.

Wala eh! Ga-gwapo nila. Kahiya!

"Wag na nga yang tanung na yan!" Inis na sabi ni Yuri. "...nagkakagulo lang kayo."

"Sige, iba nalang." Sabi ni Ci. "...sino nalang pinaka-panget."

Mabilis ang turuan ng mga walang hiya. Kanya-kanya'ng tapat ng daliri. Meron pang aksidenteng dumiretso sa butas ng ilong.

"Wag ka pa-humble, umamin kana."

"Hindi pre... Umamin kana noon."

"Wag kana magsalita. Kita'ng kita naman."

Sa dami ng turuan nila, majority ang daliring naka-turo kay Ci-N. Kaya ganun nalang ang laking sibangot nya sa lahat.

Nice! Kawawang Ci.

"Maka-turo ng panget..." Sabi nya at kumapit sa braso ko. "...Jay-jay oh! Inaapi nila ko."

Parang bata na nagsumbong sa magulang ang itsura nya. Napangiwi ako sa ginawa nya. Muka ba akong magulang nya?

"Ako naman magtatanung." Sabi ni Kit at nalipat ang atensyon sa kanya. "...Yung peklat sa likod mo. Saan mo nakuha yon?"

"Anung peklat?"

"What?"

Halos sabay na tanung ni Yuri at Keifer. Hindi nga pala nila alam ang tungkol don. Hindi naman sila sumama sa munting swiming namin.

Walang nagsalita. Lahat nakatingin sakin at hinihintay ang isasagot. Kaibigan ko silang lahat. Sa totoo lang dapat meron din silang alam sakin, pero kahit anung gawin ko andun pa rin yung takot. Yung takot sa kung anung iisipin nila tungkol sakin.

"Jay-jay..." Tawag sakin ni Keifer.

Nayuko lang ako at nakatingin sa mga kamay ko. Pinaglalaruan ko yon at paminsang tinatago sa likod ko.

"N-nung bata kasi ako..." Panimula ko. "...nagising ako sa ospital."

Hindi ko alam kung dapat ko pang ituloy. Hindi sa takot akong uminom ng Pepsi na may Toyo, mabigat lang kasi sakin.

Sobrang bigat.

Pero malaking bahagi ko ang nagsasabi na magsalita na ko. Kaibigan ko naman sila at halos pamilya na rin ang turing ko. Wala naman sigurong masama kung magsasalita ako ng tungkol sa nakaraan ko.

"...Hindi ko alam kung anu yung totoong nangyari sakin. Ilang beses nila kong tinanung at nagbanggit sila ng mga pangalan----pero wala akong kilala sa mga yun..." Pagpapatuloy ko. "...marami akong sugat sa katawan----kasama na yung sugat sa likod. Matagal bago ako lumabas pero sa halip na iuwi nila ko kay Mama, inuwi nila ko kay Lola..."

Napabuntong hininga ako. Sobrang bigat sa pakiramdam kapag naalala ko yung panahon na nasa ospital ako. Walang araw na hindi ko hinintay si Mama na dalawin ako at kamustahin ako. Pero wala na yatang mas sasakit pa nung sinabi nila sakin na ayaw talaga nya kong dalawin.

"...pag-uwi ko, dun ko lang nalaman yung nangyari sakin. Naririnig kong pinag-uusapan ng mga Tito at Tita ko. Binugbog daw ako ng huling asawa ni Mama. Tapos pati pala yung mga naunang asawa nya ganun din yung ginawa sakin..." Kusang bumagsak ang luha ko. Hindi ko na napigilan pa. "...pero ang nakakapag-taka don. Wala akong maalala sa mga sinasabi nila. Kahit isa... Sinubukan kong isipin yung mga binanggit nilang pangalan..." Umiling ako kasabay ng pagbutong hininga. "...pero wala talaga."

"Episodic Amnesia..." Biglang sabi ni Josh kaya tumingin kami sa kanya. "...Yun yung pagkawala ng piling bahagi ng ala-ala. Pwedeng bumalik, pwede ring hindi na."

"H-hindi ko alam."

"Nagpatingin ka na ba ulit sa doctor?" Tanung ni Yuri.

Umiling ako. "Hindi na rin kasi namin napag-usapan ni Lola yun. 9 years old pa lang ako nun. Masyado ng matagal."

"Kung sinasaktan ka pala nung mga amahin mo. Hindi kaya... Pinaso ka ng plantsa sa likod?" Sabi ni Mayo.

Ganun nalang ang kaba sa sinabi nya. Panu nga kung ganun? Nakaramdam ako bigla ng takot. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba yung takot sa loob ko, para bang matagal ng naka-kubli.

"Sira ulo pala yung Stepdad mo eh!" Galit na sabi ni Ci. "...Wag syang papakita sakin!"

"Oh anung gagawin mo?" Naghahamon na tanung ni David.

"Hi Stepdad!" Sabi nya habang kumakaway at nakangiti.

Nagtawanan naman kami sa ginawa nya. Kala ko kung anung gagawin nya. Ang yabang-yabang pa ng pagkakasalita nya. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Ang lakas talaga nya makabasag ng drama.

"Sira-ulo ka Ci-N!"

"Tapang-tapang tapos Hi!"

"Kahit kelan Ci-N!"

"Malay ko ba dun! Hindi ko naman kilala. Syempre dapat babatiin ko muna." Palusot nya habang ngumunguso-nguso pa.

"Tama na nga yan!" Sigaw ni Blaster. "Tuloy ang laro! Hindi pa ko nakaka-ganti!"

Bahagya kaming nagtawanan. Muling umayos ng pwesto yung iba. Sinimulan ang kantahan at pasahan ng bote.

Habang kumakanta, pinagmamasdan ko sila. Madrama mang pakinggan pero natutuwa ako na dito ako napunta sa Section na to. May ilang beses na sigurong nasabi yun pero maraming beses ko talagang ipagpapasalamat yun.

Parte na sila ng buhay ko, pamilya na sila sakin.

Bigla nalang yumakap si Ci-N sakin. Taka akong napatingin sa kanya.

"Wag ka mag-alala... Pagtatanggol kita sa Stepdads mo na yun." Sabi nya.

Stepdads talaga?

"Sige... kapag nagkita kami ulit." Sagot ko at ngumiti.

Ngumiti sya sakin at bumalik sa pwesto. Huminto ang pagkanta at agad naming hinanap ang bote. Ganun nalang ang gulat ko ng mapunta yon kay Yuri.

"Truth or Dare?!" Sabay-sabay nilang tanung.

"Truth." Mabilis nyang sagot.

Pakshit!

Bakit yun pinili mo? Malakas ang kutob kong tungkol satin ang itatanung nila. Alam ko na din na alam nya yun!

"Ako muna!" Sabi ni Rory. "...Kelan ka pa nagka-gusto kay Jay-jay?"

Sabi na nga ba!

"Hindi ko alam... Siguro nung may ilang linggo na sya satin." Casual nyang sagot.

"Alam mo din ba na may gusto si Keifer sa kanya?" Tanung ni Mayo.

"Oo... Kita naman kasi." Sagot nya at ngumiti.

Bakit parang kampante ka pa? Bigla nalang akong nakaramdam ng mabigat na presensya sa likod ko. Pagtingin ko, pailalim na nakatingin sakin si Keifer.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan nya ko sa kamay kaya napatingin ako don. May kung ano sakin ang nakaramdam ng kakaiba. Para kasing nagagalit sya kahit kita naman ang pagiging mahinahon nya.

Bumalik ang tingin ko sa kanila ng nagpatuloy sila sa pagtatanung kay Yuri.

"Anung balak mo ngayon? Kay Keifer na si Jay-jay." Tanung ni Kit.

Kita ko ang pagtiing bagang nya. Pinilit nyang ngumiti para itago yon. Bigla nalang syang tumingin sakin at kasabay nun ang paghigpit ng hawak ni Keifer sa kamay ko.

"Keifer don't own Jay-jay... Hindi pa sila kasal." Mayabang na sagot nya.

Handa na sana akong magsalita para patigilin sila pero may nauna sakin, na sya ring naging dahilan ng pagkabigla ng bigla.

Hindi!




++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4.8M 98.5K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
11.4M 470K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
107K 5.4K 40
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...