The Rising Mafia Boss

By Dream_Secretly

8.4K 191 24

MARRYING THE MAFIA BOSS SECOND GENERATION STORIES. A story of a rising mafia boss, ANDREI ALCANTARA. The son... More

THE RISING MAFIA BOSS
PROLOGUE
CHAPTER 1: SCAPING
CHAPTER 2: NEW HOUSE
CHAPTER 4: TRESPASSING
CHAPTER 5: FEAR

CHAPTER THREE: MONETTE

821 17 1
By Dream_Secretly

MULA NANG dalhin ako rito ni kuya sa tagong bahay na pagmamay-ari niya ay hirap na akong mag-tiwala sa ibang tao. Ayoko sa pakiramdam na may pinaghihinalaan ako kaya mas pinipili ko na lamang ang mag-isa. Hindi naman ako naiinip dahil marami akong pinagkakaabalahan.

Ang bahay na 'to ay hindi ganon kalaki. Hanggang second floor lang ito at may apat na kwarto. Hindi mataas ang gate kaya kitang kita ang garahe na tanging isang kotse lamang ang naka-park. Isang simpleng tahanan para sa nag-iisang kapatid ni KENNETH SALCEDO na kailangan niyang itago para protektahan. Dito ako dinala ni kuya dahil wala pang nakakaalam sa property na ito.

"Miss, dumating na po ang pamilyang may-ari at titira sa kakagawang mansiyon sa harap." Sabi ni Daisy. Ang isa sa mga robot na imbensiyon ko. Ito ang may access sa security ng bahay at mga cctv camera.

Nginitian ko ito. "Let me see them." Sabi ko.

Kaagad namang bumukas ang tiyan nito at mula roon ay lumabas ang isang t.v na parang tablet lang rin ang laki. Napaayos ako nang upo nang makita kong may isang sasakyan ang pumasok sa gate ng mansiyon sa harap namin. Mukhang totoo ang sinabi ni kuya na pamilya ang titira roon.

"Pahigpitin lalo ang security nang bahay daisy. Wag mong pahintulutan na may pumasok rito na hindi ko binibigyan ng permiso." Utos ko sa kaniya.

"Opo." Sagot nito.

Binalik na nito ang tiyan sa dati atsaka na lumayo sa'kin. Isa si daisy sa mga robot ko na gusto kong bigyan ng balat tulad ng sa tao at palitan nang paa ang kaniyang dalawang gulong. Ngunit, hindi ko pa iyon magawa ngayon dahil naghahanap pa ako ng magandang materyales na gagamitin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa atsaka ako dumiretso sa kusina. Doon ay naabutan ko sila W at X, ang mga robot na pinrogram ko para sa pagluluto. Nang masigurado kong ayos naman sila ay pumasok na ako sa dining, doon ko naman naabutan si Y at Z na pinrogram ko para sa paglilinis at pag aayos ng hapag.

Napangiti ako nang masiguradong ayos naman ang lahat. Mas may tiwala talaga ako sa mga  robot ko kesa sa tao. Ang mga robot ko kasi ay ginagawa lamang kung ano ang pinrogram ko sa kanila at siguradong na  sa'kin ang loyalty nila. Hindi katulad nang sa mga tao na wala kang kasiguraduhan kung tapat ba sa'yo o hindi.

Naglakad ako palapit kay K na naka-program naman bilang kumpyuter, tagabigay ng informasyon at nag-rereport sa'kin kung may mga tao bang nagtangkang alamin ang profile ko. Hindi ako basta bastang nakakapante kahit sabihin pa ni kuya na hinold niya ang mga impormasyon tungkol sa'kin.

"Kamusta ang trabaho mo?" Tanong ko rito.

"Clear." Sagot niya.

Tumango ako at napangisi. "Good." Tinalikuran ko na ito at nilapitan naman si B, ang naka-program para batiin ang sino mang pumasok rito at siguraduhing wala itong dalang kahit anong bagay na makakapanakit sa'kin. Isang utos ko lang rito ay kaya nitong pumatay nang tao.

"You did a great job, also B." Sabi ko rito.

Sumulyap ako sa aking wrist watch. Hapon na pala. Lulubog na naman ang araw, senyales na kailangan ko nang maghanda sa darating na bukas.

"Daisy." Tawag ko rito.

Kaagad naman itong lumapit sa'kin at huminto sa harap ko. "Lock all the doors. Especially, the gate. Focus on the Cctv and security. Kapag may mga nakita kang kalaban kill them." sabi ko rito.

"Masusunod." Simpleng sagot nito.

Tumango ako. "Sige na." Sabi ko rito para simulan na niya ang inuutos mo.

Muli akong naglakad pabalik sa dining area at umupo sa upuan ko. Agad namang inayos nila Y at Z sa hapag ang mga pagkain, atsaka sila bahagyang lumayo sa hapag at puwesto sa magkabilang gilid ko at nag-aantay sa aking iuutos.

Huminga ako nang malalim at tahimik na kumain...mag-isa. Isa ito sa mga bagay na sinanay ko sa aking sarili. Tanggap ko nang habang buhay akong ganito dahil wala nang mommy ang magluluto para sa'kin at mangungulit sa'min nila kuya at daddy na dapat ay sama sama kaming kumain. Wala na ring Daddy ay magpapatawa at magtatanong sa'kin kung ayos lang ba ako O kung may nagpapalungkot ba sa'kin. Tanggap ko na talaga ang magiging kapalara  ko, that I will be forever alone in this house. Nararamdaman ko lang naman na hindi ako nag-iisa kapag tumatawag si kuya at nangangamusta O di kaya'y kapag dinadalaw niya ako rito pero bihira lang iyon dahil nag-iingat kami.

Nangilid na lamang ang mga luha ko nang maalala ko na naman kung gaano kami kasaya noon. Kung gaano ipinaramdam nila mommy at daddy ang pagmamahal nila sa'min ni kuya. Naalala ko kung paano kami pinagbibigyan ni mommy parati at kung paano niya kami ipagluto at asikasuhin. Namimiss ko na rin iyong walang sawang paglalambing ni Daddy saamin araw araw. Ang dami kong namimiss. At kahit gusto ko man iyong ibalik ay hindi na pwede. Hindi na pwede dahil wala na sila mommy at daddy. At kahit sa huling hininga nila ay kaligtasan pa rin namin ni kuya ang inaalala nila.

Napasinghap nalang ako nang biglang tumalon si chuchu sa kandungan ko. My shih tzu baby. Nagtatakang tiningnan ko ito at hinaplos ang kaniyang makapal na balahibo. "Ginulat mo naman ako chuchu. Kita mong nagda-drama 'yong tao rito,eh." Sabi ko sa kaniya.

Mahina lang siyang umungol at nag-simulang matulog sa'king kandungan. Napailing nalang ako. Ang hilig talagang mang-istorbo nang asong 'to. "Sleep tight baby." Marahan kong sabi rito habang patuloy pa rin ako sa paghaplos sa kaniyang balahibo.

Ikaw nalang at si kuya ang meron ako chuchu.


HINDI PA sumisikat ang araw nang lumabas kami ni chuchu para sa morning run ko. Every 4 am ay nagigising ako at lumalabas para mag-jog, otomatiko naman nong magigising si chuchu para samahan ako. "Let's go, buddy." Tawag ko kay chuchu. Sumunod naman ito kagad sa'kin sa pagbaba nang hagdan.

"Bye. Have a nice start of the day!" Masiglang bati ni B sa'kin nang pagbuksan niya ako nang pinto.

"Thank you, B." Tugon ko rito.

Nagsimula na naman akong tumakbo, alam kong kasunod ko lang si chuchu kaya hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. "Okay buddy." Huminto ako sa harap nang gate at nag-simulang mag-stretching. "Be alert, okay? Kapag may nakita kang kahina-hinalang tao tumahol ka lang. Kailangan nating mas mag-ingat ngayon, lalo na't hindi nalang tayo ang nakatira sa lugar na'to." Seryoso kong sabi atsaka nilingon ang mansiyon sa harap namin.

Nasa ikatlong palapag nang mansiyon na 'yon. Malaki at maganda. Halatang hindi lang simpleng mayaman ang pamilyang nakatira roon. Sino nga ba ang pamilyang nakatira sa mansiyon na 'yan? At bakit sa dinami-rami nang lugar na pagtatayuan nila nang mansiyon ay dito pa? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin....Kung bakit hinayaan ni kuya na may magpatayong mansiyon sa property NAMIN? Ibinenta niya ba ang lupang kinatitirikan nang mansiyon sa may-ari non? Pero bakit? Akala ko ba'y walang pwedeng makaalam sa lugar na 'to? Andami kong gustong itanong kay kuya pero kapag balak ko nang magtanong ay nililigaw niya ang usapan. Halatang may itinatago siya sa'kin. Ano kaya 'yon?

Nagpatuloy kami sa pagjo-jogging ni chuchu. Humihinto lang kami kapag nadadaanan namin iyong mga posteng nilagyan ko nang cctv. Hindi iyon madaling mapansin dahil napakaliit noon, nagmistulan lang iyong itim na dumi sa poste. Naglagay ako nito para na rin maging handa ako kung sakali mang may makatunton sa lugar na 'to.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang tumahol si chuchu. Nang tingnan ko ito ay nasa harap namin ang kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa harapan namin nang makarinig ako nang masayang tawanan na unti unti ring nawala nang lalong lumakas ang mga tahol ni chuchu.

Ito iyong pamilyang nakatira sa mansiyon sa harap nang bahay namin. Mukhang magkakasama silang nag-jogging. Bakas na bakas pa sa mga mukha nila ang kagalakan.

"Aww! Aww!" Napabuntong hininga nalang ako nang muling tumahol si chuchu.

Muli ko itong binabaan nang tingin. "Enough buddy." Malamig kong utos rito. Kaagad naman siyang tumigil sa pagtahol at maamong tumingin sa'kin.

"Hello!" Muli akong nag-angat nang tingin sa masayang pamilyang nasa harapan ko. Lumapit sa'kin ang mukhang masiyahin at napaka-gandang dalaga. "Hi Ms. Neighboor! I'm andrea." Masayang pagpapakilala nito.

Tumango ako at bumaling sa iba pang kasama na nasa harapan ko na pala. Kaniya kaniya rin silang nagpakilala sa'kin.

"Hi ganda! Ako nga pala si shaira. Ang maganda nilang nanay." Pagpapakilala sa'kin nang medyo may katandaan nang babae pero maganda at sexy pa rin.

"I'm Andrake." Pagpapakilala nang poging binata. Tipid lang ang ngiti nito at parang nanunuri ang mga mata kung maka-tingin sa'kin.

"Andrew." Pagpapakilala naman nang medyo may katandaan na ring lalaki. Mukhang ito ang daddy nila.

Nanatiling seryoso ang mukha ko. Wala akong kahit anong expressiong ipinakita sa kanila. Kahit mukha naman silang mabubuting tao ay hindi pa rin ako pwedeng makampante. Ang hirap magtiwala kahit kanino. Lalo na ngayon.

"Anong pangalan mo, iha?" Tanong nong babaeng nagpakilalang mommy nila. Sa pagkakatanda ko ay shaira ang pangalan nito.

Gumalaw ang mga labi ko. "Monette." Mahinang bigkas ko sa aking pangalan at tama lang para marinig niya.

"Kay gandang pangalan para sa magandang dalagang tulad mo." Nakangiti niyang aniya atsaka inabot ang aking kamay. Kinuha niya ito at marahang hinaplos. Natigilan ako sa ginawa niya. It reminds me of my mom. "Tawagin mo akong tita shaira, monette. Tawagin mo na ring tito si andrew. Tutal ay tayo tayo lang naman ang mag-ka-kapitbahay rito." Sabi niya pa.

Dapat ba akong maging malapit sa kanila? Bakit tila nakakampante ang puso ko sa kanila? Bakit parang nararamdaman kong masayang maging bahagi nang pamilya nila? Dapat ko na bang sundin ang puso ko at makampante sa kanila? Pero....baka may masama silang balak sa'kin tulad nang mga taong pinagkatiwalaan noon nila mommy at daddy.

Napapiksi ako nang biglang mag-vibrate ang aking orasang pambisig. Nang tingnan ko ito ay kumunot nalang ang noo ko. May access kasi ito sa bahay kaya parati ko itong suot sa tuwing umaalis ako. Inilapit ko ito sa aking bibig. "Daisy. Is there anything wrong," Mahinahon kong tanong.

"Someone tried to hack your security system, miss. Even your profile." Sabi nito.

Napatiim bagang ako at sumulyap sa pamilyang nasa harapan ako. Nagkatinginan ang mga ito at naguguluhang bumaling sa'kin.

Huminga ako nang malalim. "Who?" Seryosong tanong ko.

"It's one of our neighbors, miss." Aniya.

Narinig ko ang pagsinghap nang aking mga kasama. Sabi ko na eh....mahirap talagang magtiwala. I should always put that in mind. I can't trust anybody.

"Good job, daisy." Sabi ko rito.

Muli ko silang hinarap. "Ang galing nang acting ninyo. Muntik niyo na akong mapaniwalang mabuti kayong tao." Napailing ako. Hindi lang pala muntik, napaniwala na pala talaga nila ako. "Kung sino man kayo. I advice na tigilan niyo na kung ano man ang gusto niyo sa'kin dahil wala kayong mahihita." Malamig kong sabi sa kanila atsaka ko na sila tinalikuran at tumakbo pabalik sa bahay.

"Get in, buddy."Utos ko kay chuchu na kagad din niyang sinunod.

Tiningala ko ang mansiyong nasa harapan ko. Sino ba talaga ang pamilyang nakatira diyan? Natigilan ako nang magbukas ang malaki nilang gate at mula roon ay lumabas ang isang nilalang na hindi ko alam na nage-exist pala. Goddess. Umawang ang labi ko. Ngayon lang ako nakakita nang ganyan ka-gwapo at kalakas ang dating. Dinaig pa nito ang mga model na nakikita ko sa mga magazine. Parang may kakaiba sa kaniya at nakakahipnotismo ang kaniyang mga mata.

Seryoso ang mukha nitong naglakad palapit sa'kin. Para lang siyang nagmomodel kung rumampa palapit sa'kin. Teka? Bakit nga ba ako nahuhumaling sa kaniya. Nakalimutan kong baka ito ang sumubok na pumasok sa system ko.

Tumikhim ako nang makalapit na siya. "Did you just hack my system?!" Inis nitong tanong.

"Did you try to hack mine?" Balik kong tanong sa kaniya.

Natigilan siya. "Damn!" Maya mayang singhal niya.

Ngumisi ako. "It's a tie, then." Sabi ko.

Di makapaniwalang tiningnan niya ako. "It's unfair! Nakuha mo lahat nang impormation ko, samantalang hindi ko naman nakuha iyong sa'yo!"

"Problema mo na iyon." Malamig kong sabi atsaka ko na ito tinalikuran.

Akma niya pa sana akong susundan nang ma-kuryente siya sa gate ko. "What the hell is this?!" Di makapaniwalang singhal niya habang pinupukol ako nang masamang tingin.

"You don't know me, idiot!" Ngisi ko rito bago ko ito tinalikuran at pumasok sa loob ng kabahayan.

"Welcome back." Bati ni B.

Tinanguan ko lang ito. Lumapit ako kay daisy na nag-aantay rin sa'kin. "Good job daisy." Sabi ko rito.

"Thank you, miss." Sabi nito. "You can get his file to K." Aniya pa.

Tumango lang ako. Lagot ka sa'king lalaki ka. Ako pa talaga ang sinubukan mo, huh? Mukhang hindi mo nga talaga ako kilala. Kung sino ka man...humanda ka sa'kin. Sayang....gusto pa naman kita.


Hi guys!
Sana magustuhan niyo itong update ko. Thank you dreamers.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...