ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 15: SAKAYA'S TEST

619 35 6
By angelodc035

Malamig ang paligid kahit na tirik ang haring araw sa kalangitan pero ramdam na ramdam ni Odessa at nanunuot sa kanyang mga kalamnan at buto ang sobrang lamig. Hindi niya iyon dating nararamdaman sa napakahabang panahon pero ng mga oras na iyon ay naramdaman niya ang pagiging tao.

Sa pagkakataong iyon ay damang-dama niya ang malalakas na pagtibok ng kanyang puso na tila gusto nitong lumabas sa kanyang dibdib. Muli niyang naramdaman ang takot sa kanyang puso at kakaibang pakiramdam iyon ngayon sa kanya.

Paano kung matalo siya at sumuko ang katawang tao niya? Hindi lingid sa kanya kung anong kapangyarihan mayroon ang Odessang Sangre at ang Odessang Diwata. Pagsubok ba ito para matutunan niya ang paggawa at paghahanap ng Pilunlualan? O isa itong patibong para patayin siya ng kanyang mga kalaban na sa mga panahong iyon ay hindi na niya alam kung sino ang kanyang kakampi at kaaway.

Parehong umabante ang dalawang Odessa at wala siyang magawa sa kanyang sitwasyon lalo na't nakapagitan siya sa dalawa niyang katauhan. Alam niya na siya ang target ng dalawang makapangyarihang Odessa at wala siyang laban sa dalawa dahil siya ang Odessang tao na walang kapangyarihan. Marahil ginamit ng kalaban na paglaban-labanin silang tatlo para humina ang makapangyarihang Odessa.

Inihanda ni Odessang tao ang sarili lalo na ng sabay na gamitin ng dalawang Odessa ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Ano ang gagawin niya ngayong wala siyang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanyang sarili sa dalawa? Paano niya lalabanan ang dalawa na bumubuo sa katauhan niya?

Mabilis na lumundag sa kanyang harapan si Odessa para maiwasan ang apoy na ibinato ng diwatang Odessa, na kaagad naman nakontrol sa pamamagitan ng pyschokinesis ng Sangreng Odessa. Doon napagtanto ni Odessa na hindi siya ang kalaban ng dalawa. Nagpapatayan ang dalawang katauhan niya at naroroon siya para panoorin ang dalawa.

Damang-dama ni Odessa ang napakatinding init na pinakakawalan ng diwatang Odessa na halos lahat ng halaman sa paligid nila ay unti-unti ng natutuyo at nangamamatay. Samantalang pati ang pinakamaliit na balahibo sa katawan niya ay umaangat dahil sa sobrang lakas ng psychokinesis na taglay ng Odessang Sangre.

Pinakawalan ni Odessang Sangre ang kanyang kapangyarihan kaya lumikha ito ng napakalakas na puwersa na nagpatilapon kay Diwatang Odessa at ni Odessang tao ng mahigit sa dalawmpung metro ang layo. Mula sa kinaroroonan ni Odessang Sangre ay tila tinalupan ang bahaging iyon ng kagubatan at ang tanging natira ay mga abo.

Mabilis na tumayo si diwatang Odessa at binalutan ng halos kulay bughaw na apoy ang buo niyang katawan.

"Wala kang karapatang manatili sa mundong ito Sangre kaya dapat kang mawala!" Ang sigaw ng Diwatang Odessa at pinakawalan ang napakainit na mga bolang apoy na bawat madaaan ng mga ito ay nagiging abo.

Kaagad na prinotektahan ni Odessang Sangre ang kanyang sarili ng tila may bola ng salamin na bumalot sa kanya. Makikita sa kanyang mukha ang hirap kung paano niya matatagalan ang pagpapakawala ng kanyang kapangyarihan.

Nanatiling nakatayo at nakatulalang nanonood na lamang si Odessa habang naglalaban ang dalawa niyang katauhan. Bakit nga ba naglalaban ang mga ito at kailangan pang mangyari ito? Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin para pigilan ang dalawa. Kitang-kita niya at manghang-manga siya sa lakas ng kani-kanilang kapangyarihan sa dalawang Odessa.

"Anong gagawin mo Odessa? Kailangan mo lang namang pumili sa kanila kung sino ang iyong papanigan. Sino ba sa kanila ang gusto mong makasama sa iyong pakikipaglaban?" Si Sakaya na bigla na lamang lumitaw mula sa isang puno.

"Bakit mo ba ginagawa ito Sakaya?" Ang matigas na tanong ni Odessa.

Ngumiti lamang si Sakaya at ibinalik ang kanyang mga mata sa dalawang Odessa na naglalaban.

"Pagmasdan mo sila Odessa. Nakakamangha ang kanilang mga kapangyarihan di ba? Kung alam mo lang na napakaraming mga nilalang dito sa daigdig na ito ang nagnanais na magkaroon ng ganyang kalakas na kapangyarihan. At gagawin nila ang lahat para magkaroon lamang niyan at gagamitin sa personal nilang kagustuhan para pamunuan ang daigdig na ito. Kasamaan laban sa kasamaan. Kabutihan laban din sa kabutihan. Magiging magulo ang mundo, marami ang magbubuwis ng buhay at masasayang. Magiging kawawa ang mga mahihina at magdidiwang ang may malalakas na kapangyarihan. Kaya mo bang pagmasdan ang ganong sitwasyon Odessa?" Ang wika ni Sakaya kay Odessa habang pinapanood nila ang tagisan ng kapangyarihan ng dalawa.

Halos maiyak naman si Odessang tao sa dalawang Odessa. Tama si Sakaya. Tama siya na ang labis na kapangyarihan ay magpapabulag sa isang nilalang at magpapaalipin dito. Ang kasamaan ay hindi puwedeng labanan din ng kasamaan at kabutihan sa kabutihan. Kailangan nga niyang mamili sa dalawa
Pero alam niyang sa kanyang sitwasyon ay siya ang mahina na tinutukoy ni Sakaya, mahina sapagkat isa siyang tao. Dalawang nag-uumpugang bato ang kanyang haharapin.

"Sino'ng pipiliin mo Odessa? Kay Odessang Sangre na kailangan mong mauhaw sa dugo ng tao para mabuhay o kay diwatang Odessa na limitado lamang ang kapangyarihan sa elementong apoy?" Ang muling tanong ni Sakaya kay Odessa.

Nanatiling nakatulala lamang si Odessa sa paglalaban ng dalawa. Hindi siya makasagot sa tanong ni Sakaya. Naguguluhan siya dahil siya at ang dalawang Odessang naglalaban sa kanyang harapan ay iisa. Si Odessang Sangre na ang dugong pinagmulan ay kay Claudius. O kay diwatang Odessa na nagmula sa dugo ng mga makapangyarihang diwata sa ikatlong daigdig?

----------------------------

Ginising ng masamang panaginip si Randy kaya napatikwas ito ng bangon at naliligo sa pawis. Hinahabol niya ang kanyang paghinga habang pabulong na sinasambit ang pangalan ni Odessa.

Tanging ang ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa bulwagan ng mansion. Kitang-kita sa malaking bintana ng bulwagan ang halos bilog na mukha ng buwan na tila isang mata na nagmamatyag sa kanya.

Yakap-yakap ang kanyang mga tuhod ay pinipigilan nitong huwag maalala ang napakasamang panaginip na pumutol sa kanyang mahimbing na pagtulog.

Matagal-tagal na rin silang naghihintay kay Odessa sa Villa Hermanuevo na kung saan pumasok si Odessa sa isang lagusan para mailigtas ang kanyang kapatid na si Laurea. Alam niyang buhay pa si Odessa. Nararamdaman niya iyon at umaasa siyang babalik pa ang kanyang kasintahan.

Naiinis siya sa kanyang sarili dahil siya si Banaual, ang bunsong anak ni Bathala. Pero, wala siyang magawa para maibalik si Odessa. Wala siyang magawa kahit anak siya ni Bathala.

Bukas ay aalis na sina Demetria kasama sina Sagaway para tulungan ang mga tao sa karatig na lugar na kung saan umaatake pa rin ang mga anak ng buwan. Maiiwan siya at maghihintay pa rin sa kanyang pinakamamahal na si Odessa.

Tumayo si Randy mula sa kanyang higaan at tinungo ang kusina ng mansion para kumuha ng tubig na maiinom. Napakatahimik ng kapaligiran at tanging mga yabag ng kanyang mga paa ang maririnig. Kumuha siya ng baso at pinuno ito ng tubig mula sa gripo at ininom niya ang laman nito. Maanlisangan sa loob ng mansion kaya minabuti niyang magpahangin muna sa may hardin ng mansion.

Napakalaki ng gusali na dating pinamumugaran ng kampon ng kadiliman. Kaya hindi nakapagtataka na wala man lang itong kuryente na magpapailaw sa kagandahan nito tuwing gabi.

Pagdating sa hardin ay umupo si Randy sa isang upuang bakal at doon ay dinama niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa paligid. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng hardin at sa isang malaking puno ay kitang-kita niya si Sagaway na nananabako at tila malalim din ang kanyang iniisip. Samantalang ang Malakat na si Alimog naman ay kaliwa't kanan pa rin ang pagroronda sa kabuuan ng mansion. Hindi pa rin kasi sila nakaksigurong ligtas na ang lugar para sa kanila.

Kailan na ba yung huling araw na nakapanigarilyo siya? Tila nainggit siya kay Sagaway na hindi yata nauubusan ng tabako. Saan ba siya kumukuha ng tabako na ginagamit niya sa tuwing nagpapalipas ng oras tulad nito?

"Hindi ka yata makatulog?" Ang tinig ng isang babae na halos magpatalaon sa kanya sa pagkagulat.

Napatayo si Randy at naramdan niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pero nang makita niya si Demetria ay muling napanatag ang kanyang kalooban.

"I...ikaw pala?" Ang naging tugon ni Randy.

Ngumiti si Demetria at naupo ito sa tabi ni Randy.

"Nakita kasi kita at nag-iisa ka, baka kasi kailangan mo ng kausap kaya pinuntahan kita." Ang wika ni Demetria habang nakatingin kay Randy.

"Okay lang ako. Nagising lang ako sa aking pagkakatulog kanina. Dahil sobrang init sa loob ay naisipan kong magpahangin muna bago bumalik sa loob para matulog." Ang paliwanag ni Randy.

"Hinihintay mo pa rin siya?" Ang tanong ni Demetria.

Tumango lamang si Randy sa tanong ni Demetria.

"Napakapalad naman ni Odessa para mahalin mo siya ng buong tapat."

"Alam ko kasi sa sarili ko na babalik siya."

"Paano kung wala na siya?"

Tumayo si Randy at humarap ito kay Demetria. "Alam ko na buhay pa siya. Nararamdaman ko iyon at nakikita ko siya sa panaginip."

"Panaginip?" Ang tanong ni Demetria na namilog ang kanyang mga mata.

Tumango si Randy.

"Nakikita mo pa rin ang kanyang pangitain?"

"Oo. Lahat ng kanyang pangitain. Kaya kailangan niya ang tulong ko para maging gabay sa kanyang mga magiging desisyon."

Matagal na hindi tumugon si Demetria sa sinabi ni Randy. Pero hindi siya puwedeng maghihintay na lamang na walang ginagawa. Kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtulong niya sa mga tao laban sa mga nagkalat pa ring mga anak ng buwan na halos umubos na sa mga tao at nagpabagsak sa lahat ng bansa sa buong mundo. Marami ang kagaya nila ang tumutulong sa mga tao sa iba't-ibang sulok ng mundo. Dito sa Pilipinas ay sila lamang ang inaasahan ng mga tao. Hindi nila hahayaang tuluyang bumagsak ang kabihasnan ng mga tao sa buong mundo lalong-lalo na dito sa Pilipinas. Ipagtatanggol niya ang mundo ng mga tao na pinagmulan ng kanyang mga magulang.

"Kung sasama ka sa amin mas malaki ang posibilidad na mahanap natin si Odessa. Mas makakahanap tayo ng paraan para makapasok sa mundo ng mga elemental." Ang naging wika ni Demetria.

"Paano kung dumating siya rito at wala tayo?" Ang tanong ni randy na may agam-agam.

"Hahanapin niya tayo. Manalig ka sa pag-ibig niya kung mahal mo talaga siya Randy..."

Ngumiti si Randy at tumango sa naturang iyon ni Demetria sa kanya. Marahil tama si Demetria na kailangan niyang manalig dito. Dahil tanging pag-ibig lamang ang magbubuklod sa kanila kahit malayo sila sa isa't-isa.

Pero nawala ang mga ngiting iyon sa kanyang mga labi ng maalala niya ang masamang panaginip na gumising sa kanya. Napansin iyon kaagad ni Demetria.

"May bumabagabag ba sa'yo Randy?" Ang usisa niya sa lalaki.

Tumingin si Randy sa mga mata ni Demetria. Ngunit mabilis din niya iyong binawi.

"Natatakot ako Demetria. Natatakot ako."

"Natatakot saan? Kanino?" Ang tugon ng nabahalang si Demetria.

"Kanina, ginising ako ng isang..." Ibinalik ni Randy ang kanyang mga mata sa mukha ni Demetria. Bakas sa mukha ng babaeng Sangre ang pagnanais na malaman ang kanyang gustong sabihin. "...panaginip. Hindi ko alam kung panaginip o bahagi lamang ng mga naunang pangitain na pareho naming nakita noon ni Odessa."

"Ano 'yong nakita mo kanina?" Ang mahinang tanong ni Demetria kay Randy.

"Apoy, isang ibong apoy ang tumupok sa mga sambayanan. Apoy na kumitil ng daan-daan o libo-libong katao. Sunog ang mga katawan, bata, matanda, babae at lalaki nagkalat sa kalsada halos maabo sa sobrang init. Mga buhawing gawa sa apoy na tila hinihigop ang lahat ng bagay para maabo. Pagkatapos nagkaroon ng lindol at nabiyak ang lupa. At mula sa lupa, iniluwa nito ang isang ibong sing-pula ng dugo pero nagliliyab ito tulad ng apoy. Humuhuni ito na bumabasag sa lahat ng tenga ng mga may pandinig... Bawat madaanan ng mga pakpak nito ay nagiging mga abo. Pero ang ibon ay nagbubugga ng napakalamig na yelo, yelong kumikitil ng buhay."
Natigilan si Randy sa kanyang pagkukwento at huminga ito ng malalim.

Kinilabutan naman si Demetria sa kanyang narinig mula kay Randy. Sa isip niya na sana ay panaginip na lamang iyon at hindi propesiya. Pero hindi siya nagpahalata kay Randy na nababahala siya sa sinabi nito sa kanya.

"Ang nagpabahala sa akin ay ng makita ko ang mga mata ng ibon..." Tinakpan ni Randy ang kanyang ulo na tila masakit ito. "...hindi ako puwedeng magkamali, iyon ay mga mata ni Odessa na binalutan ng napakatinding galit."

Tila nanlambot ang mga tuhod ni Demetria ng marinig ang mga salitang iyon kay Randy. Si Odessa nga ang nakita ni Randy sa inaakala niyang panaginip. Si Odessa nga ang tinutukoy sa propesiya ng mga diyos sa ikatlong mundo na maaaring magliligtas o sumira sa buong sangkatauhan.

Napahawak ng mahigpit si Demetria sa metal na upuan at niyupi iyon ng kanyang mga kamay. Napansin iyon ni Randy at napatingin kay Demetria at ang mga titig niyang iyon ay tila naghihintay ng kasagutan mula sa naging reaksiyon ng babaeng Sangre.

-------------------------------------
"Sino sa kanila ang pipiliin mo Odessa?" Ang tanong ni Sakaya sa kanya habang nakatulala ito sa naglalabanang sina Odessang Sangre at Diwatang Odessa.

Pareho ng mahina ang kanina pa naglalabang Odessa. Halos maubos na rin ang mga puno at halaman sa paligid dahil sa tindi ng paggamit ng kani-kanilang mga kapangyarihan.

Kung pipiliin niya ang diwatang Odessa, nasa panig siya ng kabutihan at nasa dugo niya ang napakalakas na kapangyarihan na sinasabi ni Danum sa kanya. Pero, halos ngayon pa lamang niya natututunan ang kanyang kapangyarihan. Bilang Sangre, oo matagal na siya bilang isang Sangre at matagal na rin siyang nakikipaglaban bilang isa sa mga anak ng buwan. Oo't kailangan niya ang dugo ng tao para mabuhay at maging malakas, pero nasa kanya pa rin ang isang bote ng pulang likido o Myrho para hindi na niya kailangan pang uminom ng dugo ng tao.

Dahil hindi siya umiinom ng dugo ng tao, hindi nagagawa ni Odessa ang kapangyarihan ng psychokinesis na tulad ng ginagawa ni Claudius. Pero naririyan pa rin ang kalahati ng Eskrihala na magbibigay pa rin sa kanya ng napakalakas na kapangyarihan at kapangyarihang taglay ng isang Sangre. Alam din niyang kasangga niya sa kapangyarihang ito ang kanyang kasintahan na si Randy.

Nakita ni Odessa ang pagbagsak ni Odessang Sangre sa lupa habang walang tigil sa pagbuga ng mga bolang apoy at kuryente ang diwatang Odessa. Sa pagkakataong ito ay dehado na ang babaeng Sangre.

"Pumili ka na Odessa bago pa mamatay ang isa sa kanila. Kapag binanggit mo kung sino ang napili mo ay kusang mawawala ang isa. At mababago ang propesiya. Ang sumpang kakambal sa propesiya." Ang makas na wika ni Sakaya.

"Sumpa? Anong sumpa na tinutukoy mo na kakambal sa propesiya Sakaya?"

"Ayon sa propesiya, ikaw ang magliligtas kay Bathala sa kanyang kamatayan, pero ikaw rin ang wawasak sa Sankatauhan at iba pa niyang nilikha." Ang paliwanag ni Sakaya.

"Paanong..."

"Kailangan mong bitawan ang isa sa kanila at piliin ang isa Odessa para masira ang sumpa. Dahil kapag hindi mo ginawa ang pagpili, hindi kakayanin ng katawan mo ang labis na kapangyarihan at lulunurin ka nito para maging masama."

Nakaramdam ng takotsi Odessa sa sinabi sa kanya ni Sakaya. Kung iyon ang magiging solusyon para masira ang sumpa sa propesiya ay kailangan na niyang pumili. Pero sino sa dalawa?

Sa pagkakataong iyon ay kitang-kita ng dalawang mata niya na mahina na si Odessang Sangre. Ilang pagpapakawala na lang ng mga bolang apoy at kidlat ay bibigay na ang puwersang pumoprotekta sa kanya na gamit ang psychokinesis.

Sinasabi ng kanyang utak na ang diwatang Odessa na ang kanyang pipiliin dahil sa ipinakita nitong galing at lakas. Hindi siya makatingin kung paano ang paghihirap ni Odessang Sangre sa kamay ng diwatang Odessa dahil parang nakikita niya pa rin ang sarili niya rito dahil matagal rin siyang naging isang Sangre. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng may marinig siyang mahihinang mga tunog sa kanyang puso.

...lub dub
...lub dub
...lubdub

Biglang may naalala si Odessa ng marinig niya ang mga pagtibok ng kanyang puso. Iminulat ni Odessa ang kanyang mga mata at ngumiti. Dahil sa pagkakataong iyon ay sigurado na siya sa kanyang pipiliin. Tumingin siya kay Sakaya at tumango.

"Alam ko na kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa." Ang wika nito kay Sakaya.

"Kung gayon, simulan mo na ang pagpili!" Ang utos ni Sakaya.

Humakbang ng limang ulit si Odessa palapit sa dalawang Odessang naglalaban.

"Ang pinipili kong katauhan para bumuo sa aking katauhan ay si Diwatang Odessa..." Tumingin siya kay Sakaya. "...at Odessang Sangre!" Ang malakas na sigaw ni Odessa.

"Ha?" Ang di makapaniwalang si Sakaya.

"Dahil hindi ako buo kung isa man sa kanila ang mawawala. Kaya silang dalawa ang pinipili kong katauhan para buuin ang babae sa propesiya. May tiwala ako sa bawat katauhan mayroon ako at kaming tatlo ay iisa." Ang buong lakas ng loob na sinigaw iyon ni Odessa sa harapan ni Sakaya.

"Hindi, hindi maaari yan! Ang propesiya!" Ang sigaw ni Sakaya.

Sa isang iglap ay tila nilamon ng katawan ni Odessa ang kanina'y naglalaban na dalawang Odessa. Isang malakas na hangin ang nagpadilim sa buong paligid at nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Muli ay ipinikit ni Odessa ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay nabalutan ng kakaibang lakas ang kanyang katawan. Hindi niya namamalayan na nagsimula siyang lumutang sa hangin habang binabalutan siya ng kakaibang liwanag sa kanyang katawan.

"Binabati kita Odessa at nakapasa ka sa pagsubok ni Sakaya." Ang sabi ng isang boses ng lalaki na pamilyar sa kanya.

Iminulat ni Odessa ang kanyang mga mata ng marinig ang boses ni Danum. Nakita niya na nasa harapan niya ang diyos ng tubig na nakangiti at tuwang-tuwa sa kanya. Sa tabi niya ay si Sakaya na ngayon ay tila nagbago ang hitsura nito. Naging mas maamo ang mukha ni Sakaya kaysa ng bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

"Binabati kita Odessa." Ang sabi nito sa kanya.

Isang pagyuko ng kanyang ulo ang naging tugon ni Odessa bilang tanda ng pagtanggap sa kanyang pasasalamat.

"Panahon na para makaharap mo ang puno ng Quebaluan. Pero bago ang lahat kailangan mo munang ipahinga at ihanda ang iyong sarili para bukas. Ang nakangiting wika ni Sakaya kay Odessa.

Maulan pa rin at maputik ang lugar. Pero nakasilip ang halos bilog na buwan sa kanilang mga pagkilos na tila nagmamatyag mula sa mga maiitim na ulap sa kalangitan.

Continue Reading

You'll Also Like

405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...