Cat;s Pov
FRIIIIIIIDAAAAAAAAY!
Kakatapos lang ng gun lessons namin ni Arianne kaya nagpunta kami sa KFC. Habang nakapila kami ni Arianne nakita ko si Zac
" ZAA---" hindi ko natuloy ang sinabi ko nang nakita ko na magkasama sila ni Valerie
" huy Val. tulala ka dyan "
" h-ha? may sinasabi ka ba? " tanong ko
" sabi ko ano ba order mo? "
" ah, hotshots nalang "
Magkasama nanaman sila, lagi nalang sila, diba sila nagsasawa sa isa't isa nakakainis. Ugh bakit ba ako nagkakaganito?!
Zac's Pov
Kakain lang sana ako magisa sa KFC kaso sumama si Valerie, lagi nalang syang sumusunod saken, nakakainis na.
" ZAAA--" huh? sino yun?
" Hi Zac baaaaby " psh. Valerie nanaman -____-
" what? sunod ka nalang ng sunod, can you please leave me alone? " iritable kong tanong
" why naman? wala namang masama diba? "
" hindi porket naging close ka kila Allen sasama kana pati saken? "
" oh please Zac wala rin naman akon gkasama sa pagkain ko eh, kaya sabay na tayo " Wala na akong nagawa bahala sya sa buhay nya.
Henry's Pov
Labasan na! kaso wala akong kasama. si Allen kasi maagang umuwi eh. psh.
Naglalakad lakad lang ako nang makita ko sila Cat at Arianne, hinatid kasi ni Cat si Arianne sa jeep
" HI Cat! " sigaw ko
" oh, hi Henry "
" ikaw nalang magisa? "
" oo eh, " sabi nya. pansin ko parang malungkot sya.
" malungkot kaya yata may nangyari ba? "
" wala ah, pagod lang siguro to, lakad lakad muna tayo " aya nya
" tara! " minsan nalang ulit kami magbonding nito eh
Nagpunta lang kaming park, buti nalang pwede magrent ng bike kaya nagrent kami
" whaaaaaaaaaaaaa, ngayon lang ulit ako nagbike! " sabi nya
" tara, race tayo, kung sino mauna sya manglilibre ng ice cream " sabi ko
" game, walang dayaan ah " sabi nya
Nagstart na yung race, ako na sana mauuna nang madisgrasya ako buti nalang hindi masyadong malala, kaya dumiretso ako sa magbike baka mahabol ko pa sya
" YAY PANALO AKOOOOOOOOOO " sigaw nya
Ngumiti nalang ako, para hindi nya mahalata yung tali ko ng panyo sa tuhod ko dahil nagdudugo.
Naglalakad na kami papunta sa ice cream shop, biglang namutla si Cat
' Uy Cat anong nangyari? okay ka lang? " tanong ko. Napansin kong nakatingin sya sa sugat ko. Natanggal na pala yung panyo at tumutulo na yung dugo.
" d-d-dugo " utal nyang sabi.tapos ay bigla syang hinimatay. Sht.
*****
Cat's Pov
Pagmulat ko ng mata ko nakahiga ako sa puting kama. heaven lang?
" Cat? okay kana? " sabi ni Henry. Oo nga pala nagrace kami
" ah? oo okay na ako. pwede na ba tayong umalis? " tanong ko
" sige, ipapaalam ko lang sa nurse." sabi nya sabay alis."
Akala ko wala na akong phobia, bumalik pala.
Hemophobia, fear of blood. Gun expert pero takot sa dugo. tsss. Nagsimula yung takot ko sa dugo nung maaksidente si Daddy sa sasakyan, nawalan kasi ng break yung sasakyan nya 4 years ago, hindi naman nya kami kasama sa sasakyan, sakto kasi nawalan ng preno sa tapat ng bahay, eh nakaabang ako sa gate, kaya nakita kong duguan si Daddy, buti nga hindi malala eh.
" Cat, tara na pwede kana daw lumabas, hatid nalang kita sainyo " sbai ni Henry
Pagkahatid saken ni Henry, umalis na sya kaagad
" Oh, san ka galing? " tanong ni Mommy
" ah sa ospital po "
" bakit? "
" hemephobia, nagkasugat po kasi si Henry, nung nagbabike kami "
" oooh, okay kana? nandyan pala si Arianne, Zac at Allen sa loob "
" ganun? okay po. " sabi ko sabya pasok
" Val, san ka galing? kala ko ba umuwi kana? " salubong saken ni Arianne
" nagpark kasi kami ni Henry, matagl na kasi kaming hindi nakakagala " paliwanag ko
" Henry?! " sabay na sabi nila Zac at Allen
" oo bakit? tska naospital ako kasi nakakita ako ng dugo "
" may hemophobia ka? " sabay sabay nilang tanong
" oo. bakit nga pala kayo nandito? "
" may camping daw kasi yung sports club bukas, kaya ininform ka lang namin " sabi ni Allen
" aaaaah, sige, si Henry ba kasama? " tanong ko
" psh, Henry nanaman "
" may sinasabi ka Zac " tanong ko
" w-wala, oo kasama sya, tennis yun eh " sabi ni Zac
" sige, alis na kami ah. sunduin ka namin dito bukas mga 8 am " sabi ni Arianne
" sige goodnight. Ingat kayo " sbai ko
Yes, walang Valeria bukas buti nalang at hindi sya sports club. masosolo ko si Zac. WHAT? did I say masosolo ko si ZAC?! gross! Nababaliw na ako
Zac's Pov
Psh, si Henry kasama nya buong araw, di manlang nya ako inaya. -_______- tapos si Henry pa unang nakaalam na may hemophobia si Cat, what a fvcking life -_____-
-------------------
A/N: Update na po :) sorry kung ngayon lang. exam na kasi eh. at dahil tapos na exam namin araw araw na ako maguupdate :)
Vote and comment if you like this chapter
-Cielo
03.12.2014