Last Waltz LEGACY # 7

By HopelessPen

166K 3.9K 908

Ang buhay ay isang malaking entablado na may libo libong mananayaw. Some dance in a fast, upbeat tone while s... More

Prologue
SIMULA
Punished
AEGGIS

Last

32.6K 948 276
By HopelessPen

2



"Saan ka pupunta?" bungad ni Matthew sa akin. Natigil ako sa pagsisintas ng pula kong rubber shoes bago ako tumayo.


"Uhm..nakauwi ka na pala?" imbes ay sagot ko. Hindi kasi siya umuwi kagabi. Nakatulog na ako sa sofa ay wala pa rin siya. Hindi ko naman siya matawagan dahil baka magalit siya. Hindi na nga niya ako kinakausap, mag aaway pa kami.


Kumunot ang noo niya at tiningnan ang suot ko. Hinila ko ang laylayan ng puti kong long sleeves bago nagkamot ng batok.


"Why are you wearing shorts?" tanong niya. Tinitigan niya ang itim kong shorts na para bang gusto niyang sunugin iyon on the spot.


Hindi ko na lang siya sinagot. Kinuha ko na ang aking bag at tinapos ang pagsisintas habang si Matthew ay nakatingin pa rin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.


"Alexia! Magbihis ka."


"Shorts lang ito Matthew." Paliwanag ko. Umigting ang panga niya bago ako nilapitan. Hinawakan niya ang aking siko at biglaan akong hinatak pabalik sa kwarto. Noong makapasok kami ay agad niyang kinalkal ang closet para maghanap ng pantalon.


"Damn it!" inis niyang sabi. Binato niya sa sahig lahat ng shorts at skirts ko pero wala pa ring pantalon roon na pumasa sa panlasa niya. Tahimik kong pinulot ang mga damit ko bago huminga ng malalim.


"Bakit wala kang matinong pantalon?! You only have two jeans Alex! Kung hindi masyadong fit, punit naman ang bandang hita! I know you're a whore but I didn't know you dress like one." Akusa niya. I rolled my eyes at him.


"Hindi mo ako binigyan ng sapat na oras para magempake Matthew. Kinaladkad mo na lang ako biglaan sa apartment. Hindi ko na nadala ang mga pantalon ko—"


"Bullshit! Ang sabihin mo gusto mo lang manglandi!" aniya. Natahimik ako sa sinabi niya. I stared at him and I felt my throat in pain. Gone was the boy I fell in love back then. The man in front of me is gifted for being rude!


"I..bahala ka sa gusto mong isipin." Pagsuko ko. Kinuha ko ang backpack ko ulit bago lumabas ng kwarto. Nakasunod pa rin si Matt sa akin.


"Saan ka nga pupunta?" gigil na niyang sabi. Binuksan ko ang pintuan pero mabilis na hinarang ng palad niya iyon. Humarap ako sa kanya para lamang salubingin ang galit niyang titig. He was towering over me with his jaw set and his eyes sparkling in anger.


"Sa kaibigan ko. Bibisitahin ko siya sa ospital." Sagot ko. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya.


"Sasama ako." anunsyo niya. I opened my mouth to protest but he shut me up with a look.


"Damn it Alexia Marie! Sasama ako o ikukulong kita sa kama! Mamili ka. Either way, I will still win." Mayabang niyang sabi. Noong hindi ako umimik ay kinuha niya ang aking kamay at sabay kaming lumabas.


Noong makarating kami sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kanyang abong Hummer. Tahimik kong binuksan ang passenger seat at pumasok rin roon. Habang nasa byahe ay hindi na naman kami nag uusap. Nagsasalita lang siya kapag itinatanong niya ang direksyon. I give him one word answers and then our conversation will die. Nakakatuwa. Mag asawa nga kami pero hindi ko ramdam iyon. Ni hindi ko nga kayang idugtong ang apelyido niya sa pangalan ko.


Noong makarating kami sa ospital ay tahimik lamang siyang nakasunod sa akin. Pumasok kami sa elevator at naramdaman ko ang paghila niya sa akin para matabi siya. Noong makarating kami sa 5th floor ay maraming pumasok sa elevator.


"Come closer wife." Aniya. Nagulat ako noong pinaikot niya ang braso niya sa aking beywang. Tiningala ko siya at tiningnan naman niya ako.


"You're too thin. I'll feed you once we get home." Masuyo niyang sabi. Nagulat ako sa tono ng boses niya pero hindi ako sumagot.


Lumabas kami noong nasa 7th floor na kami. Hawak pa rin niya ang beywang ko kahit na naglalakad kami papunta sa kwarto ni Tiffany. A part of me is telling me to remove his hands around my waist, but another part, the stupid one, tells me to just enjoy my husband's arms around me.


Kumatok lamang ako ng dalawang beses bago ko binuksan ang pintuan. Sumilip ako para makita si Tiffany ni sinusubuan ni Caius ng lugaw. Noong makita nila kami ay agad na ngumiti si Panyang.


"Alex, nadalaw ka?" mahina niyang sabi. She was too thin already. Wala na ring halos kulay ang mukha niya at tuyo ang labi. Her long hair was tied on her right side, may iilang hibla na unti unti ng nahuhulog.


Everything about her seems so weak, except for her eyes. There's always strength in there.


"Caius! Buti di ka tulog!" biro ni Matthew kay Caius. Mabilis siyang umakbay rito bago pasimpleng tumabi kay Cai.


"Umalis ka nga! May sofa doon Matt." Inis na sabi ni Caius. Napangiti lamang ako bago hinarap si Panyang.


"Kamusta ka na? Pasensya ka na hindi na ako nakapunta sa libing ni Ashton." Anas niya. Tumango lamang ako bago yumuko. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking kamay bago niya iyon pinisil.


"Cai, bumili ka muna ng kape." Anas ni Tiffany. Mukhang aangal pa si Caius noong tumayo siya at hinila si Matthew na nakaupo sa sofa.


"Samahan mo ako." utos nito bago lumabas ang dalawa. Noong wala na sila ay doon lamang ako naluha. Mabilis akong hinila ni Tiffany at niyakap.


"Ssh, everything will be fine Lex." Bulong niya. Umiling lamang ako.


"I can't believe he's gone Panyang. May mali, ramdam ko iyon. Hindi ganoon kadaling mamatay ang kuya. Tiffany, Kuya Aidan is dead, hindi ko kaya kung pati si Kuya Ashton wala na." hagulgol ko. Humiwalay siya sa akin bago pinunasan ang mga luha ko.


"You have Matthew now. Caius said you got married. Secretly."


Pumatak muli ang luha ko. "Pinakasalan niya ako para makuha niya ang mana niya Panyang. Tinakot siya ni Mr. Shaw na kapag hindi pa siya nagtino at lumagay sa tahimik ay tatanggalan siya ng mana." Paliwanag ko. Nawala ang ngiti ni Tiffany habang nakatingin sa akin.


"And I needed someone to help me find my brother that's why I agreed to be his wife."


"Yun lang ba talaga Alex?" mahinahon na sabi ni Panyang. Natawa ako dahil alam na alam niya ang sitwasyon ko.


"You know, when I learned that I only have a limited time, agad kong hinanap si Cai. Kasi gusto ko siyang makasama ulit, kahit sandali lang. Umaasa ako na baka pwede akong pagbigyan ng Diyos kahit kaunti lang. Hindi ba pareho lang tayo Alex? Kaya nagpakasal ka sa kanya para makasama ulit siya?"


Umiling ako. "Maghihiwalay rin kami Panyang. Hindi siya sa bahay natutulog. Alam ko, ramdam kong may ibang babae siyang inuuwian." Pag amin ko. I bit my lips to hide my sob but Tiffany knew better. Umiling lamang siya bago ako muling hinawakan.


"Sometimes, I wish we could all be highschool students again. Yung problema lang natin ay mga projects hindi ba? Hindi yung ganito. Alex, hindi magugustuhan ni Ashton kung nasasaktan ka ngayon. My bestfriend would curse again and again if he learns about this." Natatawa niyang sabi. Tumawa lamang din ako at tumango.


"The Lord would never give us pain that we can't handle Alex. Kailangan mo lang maging matatag. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa inyo ni Matt, pero kahit ano mang kalabasan ninyo sa huli, dapat kang maging malakas."


Pinunasan ni Tiffany ang luha ko bago ngumiti. I shrugged my shoulders and cried again.


"I don't know if I can take it if I lose him..for the second time." Basag na basag ang boses kong sabi. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang nanginginig kong kamay.


Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Ilang minuto ang lumipas noong maramdaman ko ang paggalaw ni Tiffany bago may hinila sa ilalim ng kanyang unan.


"I was thinking about this lately." Aniya habang inilalahad ang apat na kulay rosas na sobre. Inilagay niya iyon sa mga palad ko bago malungkot na ngumiti.


"What is this?" tanong ko kahit na may ideya pa ako.


"Malapit n-na akong umalis." Aniya. May luhang pumatak sa kanang mata ni Tiffany noong sinabi niya iyon.


"Panyang, huwag namang ganyan. Panyang please, wag naman pati ikaw."


"Alex, ramdam ko na. Masyado ng masakit Alex. Mas masakit kapag nakikita ko..yung mga taong mahal ko na nasasaktan din dahil sa akin." utas niya. Hinaplos niya ang mga sulat sa kamay ko.


"Dapat kay Ash yung isa diyan pero inunahan niya ako." natatawa niyang sabi.


"Pakibigay na lang kay Mother, kay Papa at..k-kay C-cai yan..kapag.." pagak siyang tumawa.


Kinagat niya ang labi niya bago ngumiti. Hinaplos niya ang pisngi ko bago lumuha muli.


"Alex, maikli lang ang buhay at maswerte tayo na nabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon." Aniya. Hindi na ako makapagsalita sa tuloy tuloy na pag iyak.


"When I meet Him, I would ask for your happiness. You deserve it Alex. You have to be happy with Matthew. You have to tell him the truth. Alex, hindi lahat ng tao napapagbigyan kaya wag kang matakot na sumubok ulit kasi malay mo, sa pagkakataong ito mag work na. Malay mo ngayon yung dating hindi, oo na. Gusto ko bago ako umalis makita kitang masaya. That's the least I can do for Ash." Aniya. Tumango lamang ako at tinago na ang mga sulat niya sa aking bag. Pinunasan namin ang mga luha namin at sakto naman ang pagbalik nila Matt na may dalang kape.


Sabay na kumunot ang noo nilang dalawa ng makita kami ni Tiffany. Patakbong lumapit si Caius kay Panyang at sinapo ang mukha nito.


"Ayos ka lang Abueva?" masuyo nitong tanong. Pakiramdam ko ay sinakal ako noong maalala ko ang huling habilin ni Panyang para sa akin.


God, they love each other so much. Bakit sa kanila pa nangyari ito? Bakit kapag nagmahal ka ay mas nasasaktan ka pa? Hindi ba pwedeng maging madali na lang ang lahat?


Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko at ang paghaplos ni Matthew sa aking pisngi. Kunot ang noo niya at titig na titig sa akin.


"Did you cry?" aniya. Umiling lamang ako. Huminga siya ng malalim at hinila ako patayo.


"Cai, Tiffany, iuuwi ko na si Alex. She seems tired. Panyang, pagaling ka." Tuloy tuloy niyang sabi bago ako hinila palabas. Noong nasa hallway na kami ay tahimik pa rin ako.


Naawa ako sa sitwasyon nila Caius. Nasasaktan ako dahil sa sitwasyon ko. Idagdag pang wala na ang mga kapatid ko. Tapos si Tiffany.. I feel so alone. Lalo na't sa dulo nito, maging ang lalaking pinakamamahal ko ay mawawala rin sa akin.


"Alex?" tawag ni Matthew. Tiningala ko siya at lumambot ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa ekspresyon ko pero nawala ang galit niya noong makita niya ako. Bumuntong hininga lamang siya bago ako kinabig at niyakap ng mahigpit.


Noon maramdaman ko ang tibok ng dibdib niya ay napahagulgol na ako. Hinaplos lamang niya ang likod ko habang hinahalikan ang aking buhok.


"Stop crying Alex." Pag aalo niya. Sinagot ko ang yakap niya at umiyak sa kanyang dibdib. I don't want him to leave. I want him to be with me forever. I just want to go back to the way we wee before.


Pero lahat ng bagay may katapusan. Everything has its own version of lasts. And i have to be prepared when my last moment with Matthew comes.


Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...