Happy reading mga bessies! ❤
Arabella's POV
nagising ako at bumangon mula sa pagkakahiga ko sa balikat ni mama
"oh anak gising ka na pala" sabi niya
tapos nakita kong may nagtext sakin
"Arabella dont forget your duty at 7pm -ate Jean"
Nagising ako bigla at tumayo
"HALA!" Napasigaw ako
"Oh anak bakit?" Tanong sakin ni mama
Tumingin ako sa oras 5 mins nalang before 7
"Mama aalis po muna ako" nagmamadali kong sabi
"Ha? Saan ka pupunta?" Tanong ni mama
"Mama ngayon po kasi yung first day ko po sa work kaya kailangan ko po umalis bye bye po" sabi ko at nagwave nalang
Sumakay ako agad ng jeep at hindi naman nagtagal ay nakarating na din ako sa pizza house
"Ate jean im sorry po kung nalate ako" sabi ko tapos pumasok ako agad
"Its okay 10 mins ka lang naman nalate here take these boxes kailangan yang ideliver ngayon" sabi niya tapos ibinigay saakin
Kinuha ko naman iyon agad at idineliver ko na
Nakasakay ako ngayon at nagbibike
Yup..
This is my life
"HINDI.NA.KITA.MAHAL"
Bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kanina
Unti-unting pumatak ang mga luha ko
Pinunasan ko ito
"Hayy ara wag ngayon please isipin mo muna kung paano mo tutulungan yung pamilya mong naghihirap na ha?" Kausap ko sa sarili ko hababg nagbibike
Oo
Baliw na ako
Mababaliw ako sa mga problemang hinaharap ko ngayon pero wala eh
Eto ang buhay na ibinigay sakin kaya kailangan kong harapin kahat ng mga pagsubok na nararanasan ko
Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagdedeliever
"Arabella kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko at huminga nang malalim
Someone's POV
Sa mansion ng mga Atienza ay may pumasok na isang katiwala
"President, nandito po si miss Philline" sabi ng katiwala at pinapasok ang isang dalaga
"Sige pwede ka nang lumabas" sabi ni Mr. Atienza ang presidente
Nagbow muna ito bilang paggalang at lumabas na
"Oh bakit ka nandito? Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo? Or do you still need money?" Sabi ng presidente
"No sir i came here to say sorry pero hindi ko na matiis kaya tinulungan ko na po si Arabella" sabi ng dalagang si Philline
"WHAT?! PHILLINE WE HAVE A CONTRACT" sabi ni Mr. Atienza
"I'm so sorry sir pero hindi ko na po talaga magagawa ang pinapagawa niyo"
"Well, sorry din sayo because YOU'RE FIRED! Get out of my mansion"
"Sir no need to say that" sabi ni Philline at naglapag ng resignation letter sa lamesa
"YOU'RE GOING TO REGRET THIS!" Sigaw muli ng presidente ngunit hindi ito pinansin ng dalaga at tumuloy tuloy sa pagalis
Jerome's POV
"F***!" Pagpapakawalang mura ko habang umiinom magisa dito sa isang bar
"Iniwan ko na siya.. *hik* iniwan narin niya ako.." bulong ko sa sarili ko
"Hahahaha WALA AKONG KWENTANG LALAKI!" Natatawa kong sabi at itinapon ko ang mga bote sa harapan ko
Wala akong pakialam kung maging magulo dito
"Boss tama na po nakarami na po kayo" awat sakin nung isa sa mga bouncers dito sa bar
"WAG MO NGA AKONG PAKIALAMAN" sabi ko tapos uminom ako ulit
"Boss sinabihan po kami ng daddy niyo na hindi kayo pwedeng magganito" sabi niya
"Hahahahha gusto mong mawalan ng trabaho? Get out" Tanong ko sakanya habang tinitignan ko siya ng masama
"Hindi po boss pe-" pinutol ko ang sinasabi niya
"I SAID GET OOOUT!!" pagwawala ko at binasag ko ang mga boteng nasa harap ko
Nataranta naman siya kaya umalis na siya
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Ara
The number you are calling is busy at the moment please try again later
Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero puro ganyan lang naririnig ko
Hilong-hilo na ako ngayon umiikot na ang paningin ko
"ARA SAGUTIN MO NAMAN OH" sabi ko sa telepono habang may tumutulong luha mula sa mga mata ko
Hahahah eto talagang si baby girl ko ang bilis magtampo
Ibabato ko na sana yung cellphone ko nang may biglang tumawag
Sinagot ko iyon nang hindi ko manlang tinitignan
"*hik* h-hello? Baby girl?"
"Lasing ka nanaman ba?"
"A-ara, Baby girl *hik* b-bati na tayo"
"What? Si Al- i mean baby nasan ka ba?"
"Nasa *hik* puso mo *hik*"
"I'm just kidding *hik* im here sa.."
*toot toot*
Binaba niya ang tawag at agad namang dumilim ang paningin ko
Almira's POV
Nadatnan ko si jerome sa bar nila na mahimbing na natutulog
Napangisi naman ako
Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ito
"I told you.. sakin ka lang" natatawa kong sabi
Unti-unti naman siyang nagmulat ng mga mata niya
At ngumiti siya
"Sabi na nga ba at hindi mo ko matitiis eh" sabi niya tapos hinalikan ako sa ilong at nakatulog ulit siya
Hahahahha bakit ba ang swerte swerte ko lagi
Isinakay ko si Jerome sa sasakyan ko at dinala ko siya sa condo ko
"Baby girl *hik* n-nasan tayo?" Tanong niya pero hindi ko sumagot at dinala ko nalang siya sa tinutuluyan ko
Umupo lang siya sa sofa at nakapikit nanaman
Inilabas ko ang cellphone ko at nagdial ng number
"Pizza House how may i help you?"
Napangisi ako agad sa narinig kong boses
This is so perfect
"Padeliever ako ng dalawang box ng pizza yung best seller niyo i need it within 10 mins"
"Okay po ma'am within 10 mins we will deliver your pizza thank you"
"By the way baka maraming tao mamaya so baka hindi ko mabuksan yung pinto just open it pagnandito ka na"
"Okay po ma'am thank you po ulit"
Ngumiti naman ako nang binaba ko ang tawag hindi ko nilock ang pinto at nagpunta na ako kung nasaan si Jerome
Malapit na matapos ang 10 mins kaya tinapik tapik ko si jerome agad naman siyang nagising
Hinawakan niya naman ang mukha ko
"Baby girl nagpagupit ka pala *hik* ng buhok" sabi niya tapos ngingiti ngiti habang hawak niya ang buhok ko
"Baby mahal mo ba ako?" Medyo hininhinan ko yung boses ko para hindi masyadong halata
"Pizza house delivery!" Narinig kong may kumakatok sa pinto
"Hindi lang mahal.. mahaaal na mahal" sabi niya habang nakapikit
*tok tok*
"Papasok na po ako ma'am" sabi niya at napangisi ako agad agad
"Then prove it" sabi ko
Tumayo naman siya at hinawakan niya ang mukha ko gamit ang mga kamay niya pumikit naman ako at naramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko
Napangiti naman ako
Nasa place kami ni Jerome kung saan makikita kami agad
Kung saan makikita agad si Jerome
*BLAG*
Narinig kong may kumalabog kaya kumawala ako agad sa pagkakahalik sakin ni Jerome
Nakita ko ang itsura ni Ara
Nabitawan niya ang hawak niya at nakita ko ang mukha niyang puro agos ng luha
Ganyan nga
Umiyak ka pa
Masaktan ka pa
Hahahahahaha
To be continued..
A/N: yay guys umabot na tayo sa rank 157 in teen fiction!! Maraming maraming salamat sainyong pilit na sumusupporta sa story ko im really really giving my best para sa mga chapters na inuupdate ko so sana nagugustuhan niyo
Thank you all so so so much and i love you all 😙❤
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡