Arabella's POV
"KYAAAAAAAH! OMG WHAT THE F*** IS THIS?!" narinig kong sigaw ni Heira kaya pinuntahan ko iyon agad
Lumabas din pati yung manager namin
"Yes mam ano pong nangyari?" Tanong nung manager
"ANONG NANGYARI? CANT YOU SEE? NABASA NIYA YUNG MAMAHALING BAG NG KAIBIGAN KO DAHIL SA PAGIGING CLUMSY NIYA TAPOS NGAYON TIGNAN MO TO BROWNIES NIYO MAY IPIS?! ANONG KLASENG COFFEE SHOP TO?! LALASUNIN NIYO BA YUNG MGA KUMAKAIN DITO HA?!" Pagwawala niya
Nakatingin naman samin yung ibang customer narinig ko din na parang may naduduwal tapos sabay sabay silang lumabas sa coffee shop
Tinignan ako ni Heira tapos nginisian ako bago umalis
Nakayuko ako ngayon at umiiyak
"Mam wala po akong kasalanan"
"UMALIS KA NA" maiksi niyang sabi
"Mam please kailangan ko tong traba-" naputol ang sinasabi ko nang sigawan niya ako
"SINABING UMALIS KA NA EH YOURE FIRED!" sigaw niya nataranta ako kaya tumakbo ako sa palabas at natisod pa ako
Nadapa ako pero bumangon ako
Huminga ako ng malalim
"Wala kang kasalanan kaya mo yan" sabi ko sa sarili ko tapos nagsimula na akong maghanap ng iba pang trabaho
May nakita akong maliit na kainan kaya pumasok ako doon
"Welcome!" Salubong sakin
"Um nakalagay po sa labas na kailangan niyo po ng tagabigay ng fliers? Kayang kaya ko po iyon" sabi ko
"Hah! Hoy bata nagbibiro ka ba? Umalis ka nga dito lalong hindi kami makakabenta sayo kasi ang panget panget mo alis! mamalasin pa kami dahil sayo!" Sabi nung may ari tapos itinulak tulak ako palabas
ikinalma ko nalang ang sarili ko
Tinignan ko ang orasan at 5pm na pala maggagabi na
Pero wala padin akong nahahanap
Hanggang sa makakita ako ng maliit na pizza house
"Hello po" pagbati ko
"Anong kailangan mo?" Sabi nung babae na nasa harap ko
Ang ganda niya
"Naghahanap po sana ako ng trabaho?"
"Ay sige iha tuloy ka kakausapin lang kita sandali" sabi niya
"Marunong ka ba magmotor?" Tanong sakin
"Ay hindi po.."
"Pero marunong po ako magbike" sabi ko
Naghahanap kasi sila ng tagadeliever
"Okay lang ba sayo magbike araw araw? Mahina ba resistensya mo" tanong niya sakin
Ang bait niya
"Kayang kaya ko po please po kailangan na kailangan ko lang po talaga ng trabaho" sabi ko tapos tinignan ko siya
"Hahaha ikaw naman kahit hindi ka na magplease sakin tatanggapin na kita eh sige tanggap ka na pwede ka na ding magsimula" sabi niya
"Talaga pooo mam???" Tanong ko
"Ate Jean nalang ang itawag mo sakin oo nga pala heto o kunin mo na ang bayad ko sayo for this month i trust you naman eh tsaka para may maitulong ako saiyo kasi napakabait mo" sabi niya
Umiiyak ako ngayon
"S-salamat po" sabi ko at niyakap niya ako at umiyak lang ako
"Kung ano man yang pinagdadaanan mo malalagpasan mo din yan" sabi niya tapos hinimas ang likod ko
"O kumain ka na ba? Baka gusto mo ng pizza oras na ngayon ng hapunan eh" sabi ni ate Jean
"Hala hindi na po ate busog pa po ako" sabi ko
"Sigurado ka?" Tanong ni ate
"Opo sige po ate magsisimula na po ako bukas" sabi ko
Lalabas na sana ako
"Ops ops! Kunin mo na to ha kainin niyo yan" sabi ni ate jean tapos binigyan ako ng dalawang box ng pizza
"Nako ate sobra sobra na po ito" pagtanggi ko
"Ayyy ok na yan sige na go na magiingat ka sa daan ha bye bye" sabi niya tapos tinutulak niya ako palabas pero mahina lang naman
"Thank you ate!" Pahabol ko tapos umalis na din ako
Pumunta na ako agad sa ospital nakita kong naguusap sila mama kaya nagtago ako
"Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan ?" Narinig kong sabi ni mama
"Eh ako? Kailan mo ko inisip? Hindi mo ba alam na kilo kilo ang binubuhat ko araw araw para lang may maipambayad dito ha?!" Sabi naman ni papa
"Oh so ano kasalanan ko pa ngayon to?!" -mama
"Oo hindi mo kailangang isanla ang bahay natin eh paano kung sa huli ay wala tayong maipambayad diyan ? Pati matitirhan mawawalan tayo? Hindi mo manlang ba naisip yun?!"- papa
"Alam mo ha mabuti nga at nakabayad tayo ngayong araw na to eh" -mama
"Oo mabuti nga MABUTI NGA" diin na sabi ni papa tapos umalis siya
Nakita ko namang napaupo si mama sa sahig at umiiyak
Tumakbo ako agad papunta kay mama
"Mama ok lang po iyan malalagpasan po natin ito" sabi ko at niyakap ko siya
Umiiyak siya ngayon sa balikat ko
Ito ang pinakamasakit na nakikita ko
Ang umiiyak ang mama ko
Naiiyak man ako pero pilit akong nagpapakatatag dahil ayaw kong makita ni mama na mahina ako
Hindi naman nagtagal ang yakapan namin nagdesisyon akong matulog dito sa ospital at maaga nalang akong gigising para umuwi
Kinain lang namin an pizza na dala ko at nakatulog na sila
Hindi ako makatulog kaya nakahiga lang ako ngayon
Naiisip ko ang mga problemang pinagdaaanan namin
Hindi ko alam kung may kasalanan ba kami kaya sunod sunod ang masasamang bagay na napupunta samin
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako bago nakatulog
to be continued..