The Other Side Of Me {[ Blad...

By RavenCiel118

70 2 0

This story is only a part of the Author's Dreams and Imagination. . . . Si Ciel ay isang ordinaryo at ma... More

" FAN MEETING "
" LUNAR ECLIPSE "
" W A L L "
" DEMON OUTFIT "
" SPOTLIGHT "

" BLOOD CRYSTAL "

6 0 0
By RavenCiel118

At lumipas ang maraming minuto ngunit walang paring sumasagot sa kaniyang pagtawag, napakadilim nang paligid pero ang tanging liwanag lang nang kulay dugong buwan ang sumisinag sa kaniya mula sa itaas. Nakatanaw na lamang siya sa itaas at pinagmamasdan ang buwan.

" Jusko, mabubuhay pa kaya ako?, wala man lang kahit isang tao nakakarinig sa akin. Pero hindi ako susuko, ayaw kong mabulok sa lugar na ito!!, gusto ko pang makita si Oppa!!! '

" Kaya ko to!. . . kayang-kaya basta para makita si Oppa Joon Gi ay gagawin ko ang lahat. '

Nanghihina na siya dahil sa hindi pa siya nakakain at kumakalam na ang kaniyang tiyan, mula sa kalaliman ng balon ay may nakapa siya na parang isang bagay.

" Ano ito? isang bracelet! ' , ~Nagulat siya sa kaniyang nakuha isang bracelet na may bato na kulay dugo sa gitna. 

" Woah! tunay ba ito? parang tunay na ruby napakaganda, parang nagliliwanag sa kinang kahit na madilim ay kumikislap. '



At sinimulan niyang isuot ang bracelet sa kaniyang kamay at lubha siyang nagandahan sa bracelet na kaniyang nakita.

" Akala ko talaga magiging malas na ang buong araw na' to. huhuhuh!!! ang ganda-ganda naman nang bracelet na ito. Napaka-astig nang design at ang bato ay kasing pula nang ruby na hugis teardrop. '

" Isa sa mga design na ito ang pangarap kong makuha. '

Pero ang buwan ay nanatili paring kulay pula at ang sinag nito ay naka-abot hanggang sa bracelet. Ang bato nito sa gitna ay bigla lumiwanag na para bang nagkaroon nang reaction ang bracelet nang masinagan ito nang liwanang ng buwan. At ang pulang brilliante nito ay patuloy parin ang pagliliwanag.

" Ehh?? , bakit nagliliwanag to. . . may magic kaya to?

" bakit kaya nandito sa kailaliman nang balon itong bracelet na ito?, hindi ko maintindihan ang ganda-ganda tapos itatapon lang ng owner sa lumang balon na ito. '

Pagkatapos niyang masambit ang mga salita na iyon ay bigla nalang nanginig ang bracelet na nakasuot sa kamay niya malapit sa pulso, mula sa likod nang bato ay may lumabas na matulis na kulay pulang galamay na tumusok sa kaniyang pulso at nagsimulang mapunit ang kaniyang balat at dumugo.

" AAAAAHHHHH!!! . . . ang saaakiit!! ' ~ sigaw niya nang bigla na lang sinugat ang kaniyang pulso at nagsimula na itong sumikip sa kaniyang kamay. 

" Jusko! anong nangyayari?, ouch! ang sakiit!! parang gusto nitong putulin ang mga ugat ko. . . hinihigop nang bracelet na to ang dugo ko. '

" Kailangan ko nang matanggal to!, ang sakit na talaga! , ayaw ko na!!. '

Pero kahit anong pilit niyang tanggalin, ito ay parang nakadikit na sa kaniyang balat at konektado na sa mga ugat. Kaya dahil sa wala na siyang lakas para matanggal ang bracelet ay hinayaan na niya ito na nakakabit sa kaniyang kamay.

" Kung ayaw mo talagang kumalas sa kamay ko!, fine!, sige dumikit ka diyan habang-buhay, tutal wala na akong pake-alam sa sarili ko dahil kahit anong pilit ko ay hindi na ako makakatakas sa impyernong to, bwiset na balon to! bakit kasi ang lalim-lalim. '

At ang bracelet ay nagsimulang tumigil sa pag-absorb nang dugo niya at kumalma. Ang buwan ay nagsimula na ulit na manumbalik sa dati nitong kulay. Tapos na ang Eclipse.

" Sigurado akong nagsisimula na ang fan meeting at kahit anong gawin ko ay hindi naman talaga ako makakapunta, bakit ba ko umaasa alam ko naman na hanggang panaginip nalang ang lahat nang gusto kong gawin. '

At ang bracelet na suot niya ay nagsimula ulit lumiwanag nang napakalakas, sobrang nakakasilaw na kulay pulang liwanag. Nabalot siya nito at pati ang buong looban nang lumang balon ay nagliliwanag.

" Jusko! ano na naman to! napaka-weird talaga ng bracelet na to, Aaaiishh!! nakakasilaw!!. ' ~ Sa sobrang liwanag nito ay napapikit na lamang siya at nagulat siya nang ang kaniyang anyo ang nag-iba. 

" WHAT The FUUuu. . . . !!! '

Ang kaniyang anyo ay nag-iba, buhok niyang dating itim ay naging parang nag-aapoy sa sobrang pula. Ang mga kamay niya ay nabalot nang isang armor, bawat daliri ay may mga matutulis na blades, ang damit niya ay napalitan nang matigas na kulay itim na armor. At ang kaniyang mata ay naging kulay pulang kahel na nagliliwanag sa dilim.

" Daebak!! ' ~ Tanging nasabi niya nang matapos na ang kaniyang pag-iibang anyo. 

Ang lakas niya ay mas higit pa sa ordinaryong tao. Kaya sa pamamagitan ng kaniyang mga blades na nakakabit sa mga daliri ng kaniyang kamay ay inaakyat niya ito hanggang sa maka-ahon siya mula sa ilalim nang balon at naging malaya ulit.

" Sa wakas nakalaya na ako!!, hindi pa naman siguro tapos ang fan meeting, dahil sa new body ko ay mabilis lang akong makakarating sa MOA Arena. '

" Makikita ko na rin si Lee Joon Gi Oppa!! ' ~ masaya niyang sigaw habang siya ay napapalipat-lipat nang mga gusali sa pamamagitan nang mataas na pagtalon. ~

Pero mula sa malayong bahagi ay hindi niya napansin na may nakakita sa kaniya, mula sa pag-ahon niya sa lumang balon kanina.

" Paglipas ng anim na daang taon ay sa wakas ay may bagong ipinanganak ulit!, Isang itinakdang maging Daemonium!!! ' ~ Wika ng isang lalaki na nagmamasaid sa kaniya mula sa malayo, tila ay may kaugnayan sa bracelet na may taglay na malakas na kapangyarihan. 

Sa pagitan nang Baclaran at Herritage ay may kalakasan parin siyang nag ni-ninja walk sa bawat ibabaw nang mga gusali. Ngunit bigla nalang siyang huminto ng makita niya ang kaniyang reflection sa malaking salamin.

" Ako ba talaga ito?, woaah!! ang galing, teka parang pamilyar sa akin ang get-up na to ah. '

" MA- MASANE AMAHA?! '

"Wi-witch blade!?. . pero that's impossible! sa anime ko lang nakikita ang ganun, pero kumpara kay Masane ang armor na suot ko ay kakaiba. May mga dark violet na lining sa gilid, parang dark energon lang ah, pero ang astig!, medyo fresh lang sa pakiramdam kasi konti lang takip sa gitnang bahagi ng armor. '

At nagpatuloy na siya sa kaniyang planong pagdalo sa fan meeting nang kaniyang pinaka-paboritong actor.

~o~ To be continued ~o~

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 86.3K 194
"Oppa", she called. "Yes, princess", seven voices replied back. It's a book about pure sibling bond. I don't own anything except the storyline.
439K 11.5K 62
โspencer, all this week you've been holding my hands. what about your germ thing?โž โyou were more important.โž hazel finley is a liar. but she's a da...
572K 8.7K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
156K 17.2K 23
"๐™๐™ค๐™ช๐™˜๐™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ก๐™›, ๐™œ๐™ž๐™ง๐™ก. ๐™„ ๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™š๐™š ๐™ž๐™ฉ" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...