Ang Multo sa Manhole 3 (compl...

Por elusive_conteuse

227K 10.7K 2.9K

GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and... Más

Prologue
Yoghurt says 1
Yoghurt says 2
Yoghurt says 3
Yoghurt says 4
Yoghurt says 5
Yoghurt says 6
Yoghurt says 7
Yoghurt says 8
Yoghurt says 9
Yoghurt says 10
Yoghurt says 11
Yogurt says 12
Yogurt says 13
Yogurt says 14
Yogurt says 15
Yogurt says 16
A tease to season 2
Season 2: Yogurt says 17
Season 2: Yogurt says 18
Yogurt says 19
Season 2: Yogurt says 21
Season 2: Yogurt says 22
Season 2: Yogurt says 23
Season 2: Yogurt says 24
Yogurt says 25
Season 2: Yogurt says 26
Season 2: Yogurt says 27
Yogurt says 28
Yogurt says 29
Yogurt says 30
Yogurt says 31
Yogurt says 32
Yogurt says 33
Yogurt says 34
Yogurt says 35
Yogurt says 36
Yogurt says 37
Yogurt says 38
Yogurt says 39
Yogurt says 40
Yogurt says 41
Yogurt says 42
Yogurt says 43
Yogurt says 44
Yogurt says 45
Yogurt says 46
Yogurt says 47
Yogurt says 48
Yogurt says 49
Yogurt says 50
Yogurt says 51
Yogurt says 52
Epilogue
New story: Undressing Madori
AMSM4: a concept

Season 2: Yogurt says 20

3.3K 188 45
Por elusive_conteuse

Eleison's POV

'Good morning God!' Ganito ko simulan ang umaga pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mga mata ko. Noon. Oo, noon.

Ngayon, 'Ugh! Umaga na naman!'

Tila nawalan na ako ng siglang bumangon sa araw-araw. Pinipilit ko na lang talaga ang sarili; kesa naman maglublob ako dito sa bahay malasin ko uli pambababoy ni tito.

Pero si tito simula ng dumating sina tita, hindi na ako pinag-uukulan ng pansin. Ang galing nga e. Madali lang sa kanya ang magsa-walang-bahala. Gusto ko 'yang talentong 'yan.

At sana meron ako ng talentong 'yan. Ngayon. Ngayong tinatahak ko ang daan papunta sa first class ko subalit hindi naging madali.

Parang may mali e.

Ako kasi 'yong tipo ng taong hindi mo pag-aaksayahang lingunin, di makatawag pansin, malala pa sa hangin.

Pero ngayon, sa'nman ako malingon, may mga matang nakamasid sa'kin. At malayo sa pagiging 'friendly' ang mga tingin na 'yon.

Ilan sa mga 'yon ay 'yong dalawang babae na may pinag-uusapan ngunit nang papalapit ako'y sinuri ako mula ulo hanggang paa; sinundan nila iyon ng bulungan.

Meron namang mga nakaupo sa gilid na kanya-kanyang dumura nang madaan ako. Ayoko pa sanang isipin na ako ang object ng mga kilos nila. Pero no'ng malagpasan ko ang isang grupo ng mga lalaki't may nirereenact na eksena (yong tulad sa gagawin ko sana kay Mark), napakaripas ako ng takbo sa sobrang hiya.

May alam sila. Pero papa'no? Wala naman akong ibang pinagkatiwalaan nito liban kay...

Panandalian akong tumigil at napahawak sa kalapit na hand rail. 'So ito ang kapalit ng libreng sakay, hot fudge, Jack Daniels at isang gabing pakikituloy? Pvtangina mo John. Pvtangina mo.' panggagalaiti ko.

Nakarating ako sa hallway ng unang klase na iisa ang layunin - ang komprontahin si John. Subalit sa tingin ko, gano'n din si Mark sa akin.

Nakasandal siya noon sa pader at waring may hinihintay. Napaayos lang siya ng tayo nang ako'y makita. Naglakad. At ako'y sinalubong.

Hindi 'yong parang asong Mark ang nakikita ko. Walang wasiwas ng buntot sa ekspresyon ng mata niya.

"Mag-usap nga tayo." Hila ni Mark sa'kin.

"Hindi ko ginawa 'yon!" bwelta ko ka'gad sabay hila sa braso ko.

"Ang alin?" ang tila naguluhan niyang tanong. "Mag-usap tayo... tungkol sa 'di mo pagpunta no'ng Sabado. Hinahanap ka ng mga bata, 'lam mo ba 'yon!?"

"Ah, 'yon lang pala. Akala ko ano na." Napahinga ako ng maluwag. Pero kung sa'kin isa 'yong relief, kay Mark isa 'yong pang-iinis.

"Ano'ng 'yon lang pala?' Tangina 'sot, para kaming tanga ng mga batang naghihintay sa pagdating mo. Pero ano? Hindi ka dumating."

"E di sorry." Sabi ko sabay aalis na sana. Pero pinigilan niya ako.

"Sa mga bata ka mag-sorry, sot, hindi sa'kin; dahil ang hinihingi ko sayo, eksplanasyon."

"Mark, isang beses ko pa lang ata nagagawa 'yon. Ang unahin naman ang sarili. Kailangan pa ba ng eksplanasyon 'yon?" ang sabi ko. Pakiramdam ko tuloy napakadamot ko.

"Sana man lang nagtext ka ka'gad o tumawag. Di yong pinagmumukha mo kong tanga't nag-aalala!"

"Sorry kung hindi ko nagawa 'yang ine-expect mo. Nasira kasi cellphone ko."

"Maayos pa 'yon, ha, no'ng binalik ko."

" Sa labas, oo mukhang maayos. Sa loob, sira na. Sirang-sira na." sagot kong matalinghaga. "Yaan mo next time –"

"Wala ng next time, Eleison." Sabi ng boses sa aming likuran. Lumingon ako at si ate Ana pala 'yon. "Hindi ka na magtuturo ng catechism kahit kelan."

Nanlambot ang tuhod ko nang mga sandaling yon. Para kasi akong na de javu. Ganyan rin kasi ang pagkakasabi ng mga dati kong kaibigan. Ganyan din ang intensity.

"Ana, isang beses lang naman siyang di nakapasok e!" sabi ni Mark. "Gusto siya ng mga bata."

"Oh, so hindi ka pala pumasok last time? Why? Na-konsensya ka siguro 'no? To teach value when the teacher apparently lacks one!?"

"Pvta naguguluhan na ako, ha!?" reklamo ni Mark. "Ano ba pinagsasabi mo, Ana?"

"Oh you didn't know? You're so close with each other and yet of all the people, ikaw pa ang di nakakaalam?"

"Na ano nga?" inis ni Mark.

"Na itong si Eleison, pamigay. May nakakita raw sa kanya na sumama sa isang may edad na lalaki't nag-check in sa isang hotel!" bunyag niya. "I used to envy you for your conservatism, really. Now, I don't know."

Kung hindi naiba ang istorya, lumala naman. Ako? Sumama sa lalaki? Hindi totoo 'yon. Pero ano pa nga ba ie-expect ko sa kanila? Kung alin ang totoo, pinagdududahan; kung alin ang hindi, pinaniniwalaan.

"Sige ate Ana hindi na ako magtuturo." ang sabi ko. "Pero 'yang tsimis na narinig mo, hindi yan totoo."

In-excuse ko ang sarili sa dalawa't pumasok na ng kwarto.

As expected, 'pamigay' na rin ang tingin ng karamihan sa'kin. Sa kabilang banda tumama naman sila; na may alam na ako sa makamundong bagay na yon. Na-overlearn ko pa nga ata. Pero yong istorya mismo mali. Ganunpaman, iba na ang tingin ng tao sa'kin.

Nilingon ko ang lugar ni John. Hindi pa rin bumabalik si Mark. Si John naman ang ganda ng ngiti, parang inosente. Parang walang kaalam-alam.

Pumunta ako sa pwesto niya.

"Hi John!"

"Hi Eleison!"

"Narinig mo na ba yong balita tungkol sa'kin?"

"Oo. Grabe. Sino kaya gagawa sayo no'n, ano? Wala man lang puso."

"Tinutukoy mo ba sarili mo?" duro ko sa kanya. Hindi ko alam kung sa'n nanggagaling 'to. Waring may sariling utak dila't daliri ko.

"Well, well, well, matapos kitang pagmalasakitan, you dare point a finger at me!?"

"Matapos kitang pagkatiwalaan, ibebenta mo 'ko sa iba?" ang sabi ko naman.

Natawa siya.

"Eleison you're getting paranoid by a minute. Must be the effect of your uncle's d!ck." pang-iinsulto pa niya. "Bakit naman ako magbebenta ng tanso?"

Napatingin ako sa klase; may kani-kanila silang agenda.

"Ikaw lang naman pinagkwentuhan ko nito e!"

"Yea but could you get your head fixed, Eleison!? Ang kumakalat is, sumama ka sa "sugardaddy". Is that in any way similar to what you have told me? Di ba ang kwento mo, ni-rape ka. It was an incestuous rape. Pero yong tsismis is you consented to have sex with a guy."

"Na siyang mas nakakahiya! Ang dating e ginusto ko talaga 'yon!"

"Hey, don't blame me for your lack of integrity. Basta ako, hindi ko kinalat yong sinabi mo. But I might since you've accused me already." pananakot niya.

Ugh. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? In-assume ko kasing siya lang ang pwedeng gumawa no'n. Parati na lang akong mali.

"John, I'm sorry." ang mahiya-hiya kong ako ng kasalanan. "Siguro tama ka, napaparanoid na ako. Hindi ko kasi akalain na magiging ganito katunog ang pangalan ko. Sa hindi pa magandang imahe."

"It's okay, 'son. Ika nga nila, good or bad, it's still publicity. Sikat ka na! Haha! Joke!"

Hindi ko magawang matuwa sa huli niyang pahayag na 'sikat na ako.' Kahit dinugtungan niya pa 'yon ng 'Joke!'.

Wala akong kamalay-malay no'n na upuan pala ni Mark ang inuupuan ko. Noon lang dumating siya sa harapan ko't waring may magandang balita.

"Sot, okay na. Napapayag ko na si Ana. Pwede ka na uling magturo sa mga bata."

Tumayo ako't tumugon.

"Okay na, Mark. Ayoko na rin naman e."

"Anong --"

Noon din dumating na ang prof namin; hindi niya na ako napigilang bumalik sa kinauupuan para hingan ng paliwanag.

'Yong bilang ng mga nakakaalam ng tsismis kaninang umaga, dumoble pagdating ng hapon. Yong tipong sa 4th floor lang nanggaling ang sunog, ilang sandali lang kalat na sa buong building.

'Kala ko good boy, yon pala...', 'Sabi ko sayo e nasa loob lang kulo niyan!', 'Ang babaw niya pala.' Ilan lang yan sa mga nahagip ng pandinig ko. Gusto ko silang lapitan isa-isa't linisin ang pangalan ko. Subalit matrabaho. Hindi mo rin naman masigurado kung seseryosohin ka nila o ano.

Kaya payuko na lang akong naglakad no'ng mag-uuwian. Palayo. Malayo sa mga bulungan. Hanggang sa may kamay na umakbay sa'kin.

Agad akong napahinto't tinignan nang masama 'yong nanakot. Si Mark. Nakalagay ang mga kamay sa tuhod, hingal na hingal.

"Phew! 'Lam mo, kung ga'no ka kabagal gumalaw, gano'n ka naman kabilis maglakad! Aray ko! Ang puso ko!"

"Ano ba kasing problema mo!? Ba't mo ba ko sinusundan!? Hindi nga sabi totoo yon e!" hinawakan niya ako sa mga braso't hinadlangan ang aking paglalakad.

"Alam ko, sot. Naniniwala ako." Bakit ganito? Bakit pagtumitingin siya, nasisilip niya pati kalooban ko? "Hindi kita hinuhusgahan dahil do'n."

"Kung tungkol na naman yan sa catechism, I'm sorry. Pero mas makabubuti nga kung di muna ako magturo."

"Sige tatanggapin ko hamon mo. Ako muna magtuturo sa kanila."

"O 'yon naman pala e. Alis na ako."

"Sot, may sakit si Yogurt." Ang sabi niya. "Hindi niya maimulat 'yong mata niya. Ayaw niyang gumalaw o magmeow. Ayaw niya rin kumain. No'ng nakaraang linggo gano'n din nangyari sa mga aso sa may amin. Sabi naman daw, mga hayop lang ang natatamaan ng "sakit " na 'yon. Iniisip ko baka pwede ka namang bumisita sa bahay at tignan kalagayan niya?"

Iisipin ko pa nga lang na baka taktika niya lang ito para magpunta lang talaga ako do'n pero no'ng ipakita niya ang kuha niya kay Yogurt, halos madurog ang puso ko. Ako pa ang nagmamadaling magpunta sa kanila.

Sa biyahe, tahimik lang ako. Ilang pa rin kasi ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Liban do'n hindi pa ako nagso-sorry para do'n.

Napag-isipan kong mas makakabuti kung wala akong ipapakitang tension kina lola. Magaling na naman akong magpretend e. Nang sa gano'n di na sila magtanong pa.

Binati ko ka'gad no'n si tita't nagmano kay lola. Pagkatapos no'n dumiretso ako kay Yogurt na siya kong kinarga.

"Yogurt, baby? Kamusta?" haplos ko sa kanya. Inangat ko siya malapit sa pisngi ko at inamo. Hindi naman kasi ako veterinarian para malaman ko sakit niya. Ang tanging magagawa ka lang ay samahan siya sa kung anong pinagdadaanan niya.

"Yogurt andito lang si mama..." Walang tigil ko siyang kinakausap habang naroon siya sa'king hita.

Hindi ko balak abutan dito ng hapunan pero iyon ang nangyari. Muli, nakasabay ko na naman sila sa hapagkainan. Hindi naman sa ayoko. Nahihiya lang ako.

"Apo, pwede bang ikaw manguna sa pagdarasal?" ani lola, hawak ako sa kamay.

Gusto kong tumanggi kaso sa mentality ni lola opportunity ang turing niya rito. Siguradong magtatampo 'to pag di ko ginawa.

"Sige po." ang sabi ko.

Noon di'y pumikit sila at ako'y nagbanggit ng maikling panalangin.

"Maraming salamat sa pagkain. Mabusog sana kami. Lumakas. At makaiwas sa sakit. Amen."

Oo, alam ko. Napaka-impersonal ng dasal ko. Malamang niyan na-disappoint ko si lola dahil pagkatapos kasi nanahimik lang siya.

Actually tahimik sila; si Mark lang talaga ang madaldal, ang maya't-maya'y may bagong trivia. Hanggang sa,

"Nga pala sot, pinagpaalam kita kina April. Sabi ko dito ka matutulog. Pumayag sila."

"Bakit?"

Pinagpilitan ko lang isiksik sa salitang 'yon ang gigil ko sa kanya. Kung sinabi niya 'to bago o pagkatapos sana ng kainan, hindi lang simpleng 'Bakit?' ang lalabas sa bibig ko. Magaling siyang tumayming. Nakakainis. Lalo na no'ng depensahan niya ang sarili.

"Kailangan mong humabol sa lessons sot. Ilang araw ka ring di napasok e. Gumawa akong lecture notes." Sabi niya. "Ako naman ang magtuturo sayo."

"Mark salamat sa abala pero –"

Hindi ko na nadugtungan ang sinabi nang kumidlat. Bumuhos ang ulan ilang saglit lang.

"Okay, di ka talaga makakauwi. 'Lang payong sa bahay." pang-aasar pa niya.

"El, sige na. Dito ka na magpalipas ng gabi." Ani tita. "Hayaan mong si Mark naman ang bumawi sa pagtuturo mo sa kanya noon. Pinagmamalaki niya pa man din sa'kin 'yang notes na ginawa niya."

Wala. Wala na akong nagawa nang pati si lola, nang-usig na.

Pinaakyat na nila kami sa taas pagkatapos ng kainan.

Hindi ko man pinahalata pero sobra akong natutuwa na makitang maayos na ang kwarto niya.

Nakakatawa lang magbiro ang tadhana dahil kwarto ko nga hindi ko na malinisan. Para kaming nagkapalit ng mundo.

Ilang sandali lang nagsimula na ka'gad siyang magturo. Gusto kong sabihin 'pwede bang magpahinga muna?' kaso nakakahiya. Handa na kasi siya.

At namangha ako. Magaling siya. Naiintindihan ko naman kahit papa'no ang tinuturo niya ...kung hindi nga lang sa labing maya't-maya niyang binabasa.

"Sigurado akong magugustuhan ka ng mga bata, Mark." Sabi ko sa gitna ng kanyang diskusyon.

"Thanks, sot. Pilitin mong wag ma-distract sa'kin, okay?"

Nahuli niya pala 'yon. Kainis.

Tumagal ng isang oras ang pagtututor niya sa'kin hanggang sa,

"Dito na lang muna, sot." tingin niya sa relo. "Bukas uli. Same time. Same venue."

"Ha, ano ka!? Papapuntahin mo uli ako dito!?"

"Hehe! Joke lang naman!" kamot niyang batok. Then, nagyaya. "Uhm, kung gusto mong maligo bago matulog,'kaw na mauna. Hahanapan kita dito ng mga naliitan kong damit."

Tinanggap ko ang paanyaya niya't bumaba na nga ng kwarto. Sakto namang nadatnan ko ang papa niya't si kuya Buknoy na may dalang buko pie. Kinamusta nila ako.

Nang matapos ako'y dumiretso na 'kong kwarto.

May nakahanda doong pangtulog at isang platito ng nakita kong pasalubong.

"Salamat, Mark."

"La 'yon." aniya habang may nginunguya. "O pa'no ako naman maliligo." Lalabas na sana siya para siguro bigyan ako ng privacy nang pigilan ko.

"Mark sandali."

"Bakit sot, natatakot ka ba dito? Sige, di muna ako lalabas. Babantayan muna kita magbihis."

"Tungaw! Hindi! Yong tuwalya mo 'ka ko!?" Sabi ko sabay pulot nito mula sa kama. "Baka mamaya pumasok ka na naman dito nang nakahubad. Mahirap na!"

"Aww. Sayang! Yon pa naman plano ko!" aniya't padabog itong kinuha.

"Pasaway na to!?"

Natuwa ako sa saglit na asarang yon.

Pero di tulad no'ng una na dito pa nagbihis, nakadamit na si Mark pagkatapos niyang maligo.

Nadatnan niya akong naglalatag ng sapin sa sahig na siya niyang kinainis.

"Sot, kailangan ba uli nating kunin partisipasyon nila lola?" aniya.

"Dito na lang ako sa sahig."

"Laaa!!! Si Eleison makulit o!?" sigaw ni Mark sa labas ng pinto. Late na. Alam kong tulog na si lola upang marinig pa 'yon.

"Tulog na ang matanda, Mark."

"Gigisingin ko!? Pagalitan ka lang."

"Sige na. Sa kama na hihiga."

Hindi talaga ako manalo-nalo dito. Sumunod na lang ako at pagkuwa'y nahiga sa aking kanan.

Ini-hanger niya lang sandali ang tuwalya at pagkaraa'y sumampa na sa kama.

Gusto ko sanang mangyari, makaidlip na ka'gad. Pero kasi ang bango niya. At 'yong tenga ko nakatuon sa paghinga niya. Kahit na nakatalikod ako sa kanya, pakiramdam ko gising pa siya.

"Sot?"

'Sabi na e.'

"O?"

"Peram nga sandali ng kamay mo."

"Bakit na naman?" lingon ko ng bahagya.

"May gagawin lang ako."

"Hay naku Mark! Matutulog na lang e."

Sapat na yon para sabihin sa kanyang 'Matulog ka na.'

At dahil di ko pinahiram ang aking kamay, siya na lang ang kumuha nito.

Akala ko kasi gagayahin niya si lola -yon bang susubukan niyang basahin ang palad ko, 'yon pala iba. Inilagay niya iyon sa isang parteng hindi niya nga halos ipahawak sa'kin.

"Kung gusto mo ituloy 'yong sa chapel sot, sige, ituloy mo na." sabi niya. "Di na kita pipigilan."

Inagaw ko ang kamay ko't napaupo sa dulo ng kama. Ang baba na nga ng tingin niya sa'kin.

"Ano, lalabas ko na ha?"

"Mark, wag." sabi ko. "I'm sorry."

Napaupo na rin siya no'n. "Para sa'n?"

Gusto niyang ipihit ang mukha ko sa kanya kaso pumalag ako.

"Di ko kayang gawin sayo 'yan, Mark. Ikaw ang huling taong gusto kong gawan ng kahalayan."

"Seryoso ka ba?"

Tumango lang ako bilang tugon ngunit siya napangisi maya-maya, waring may napagtanto.

"Sabi na e."

Agad akong napatingin sa kanya.

"Kung totoo 'yang sinabi mong ako ang huling taong gagawan mo ng kahalayan and yet ginawa mo pa rin, ibig sabihin hindi mo talaga intention gawin 'yong sa chapel." sabi niya. "Gusto mo lang palayuin ang loob ko sayo; na magalit ako sayo. Ano, tama ako, no? No? Pero ang tanong, bakit? Anong dahilan mo?"

"Kasi nga makulit ka!" ang sambit ko, naiinis na.

"Sot invalid ang rason mo. Ang pagiging makulit ko ay epekto ng pagiging makulit mo - sa di mo pagbigay sa'kin ng mga kasagutan sa tuwing nagtatanong ako. Cause and effect ba!? Lam mo yon?" Sabi niya. "Pero since gabi na masyado, hindi na ako mang-uusisa pa. Hahayaan na muna kitang magpahinga. Baka sabihin mo inborn na akong makulit e."

"Thank you ha." Ang sarcastic kong tugon. Inimbitahan niya na uli akong mahiga at humingi ng tawad sa ginawa niya.

Kaya pala siya ganito pa rin kung makisama sa'kin, wala palang lalim yong galit niya. Ibig sabihin lang di ako nagtagumpay mapalayo ang loob niya sa'kin. Nakakainis.

Samantalang nakikipagtalo ako sa sarili, eto siyang uubo-ubo kunwari.

"Sensya na magiging makulit na naman ako. Pero okay lang ba sayo kung magpatugtog ako?"

"Ba'la ka. Kwarto mo naman to e." Ang sagot ko. Maya-maya pa,

"Ugh! Nakakainis talaga si kuya Eiji! Ang request ko classical music for studying/ sleeping, ang pinasa sa'kin Mariah Carey!"

Parang totoo ang inis niya. Napangiti ako.

"Okay lang ba sayo kung mag Mariah-thon tayo?" tanong niya pa.

"Mark, hindi ko naman hihintaying matapos ang playlist bago matulog e." sabi ko. "Wag mo lang simulan sa Emotions." Ito kasi yong natatandaan ko sa background no'n no'ng magpunta kami sa bahay nila kuya Eiji.

Pero paano ako makakatulog kung sumasabay siya at gumagawa pa ng komentaryo? Pero sa isang banda, nakakatuwa na may alam siya tungkol sa musika.

Narinig ko na rin ilang sandali lang, yong sinasabi niya sa'king 'Through the rain'. Na sinundan naman ng "Hero" at Can't Take That Away - mga kantang nagpapalakas ng loob at nagsasabing 'Keep the faith'.

Hanggang sa ma-gets ko na kung para saan 'tong ginagawa niya; gusto ni Mark pagaanin ang loob ko. Dahil kahit ilang beses akong magdeny, magsinungaling sa kanya, alam niyang may dinadala ako.

Di katagalan, si Mark ang unang nakatulog sa'ming. Papahintuin ko na sana ang tugtog kung di lang sa isang kantang parang akma sa pinagdaraanan ko.

"Never said there wouldn't be trials, never said I wouldn't fall. Never said that everything would go the way I want it to go. But when my back is against the wall and I feel all hope is gone, I'll just lift my head up to the sky and say, 'Help me to be strong'"

'Lord, help me to be strong' ang dasal ko bago ako bumalik sa pagtulog.

Seguir leyendo

También te gustarán

49.2K 3.2K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
1.6M 62.8K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
1.1K 78 29
August received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admire...
1.4M 20.1K 39
Kakaibang kilig nina Chace at Bryce. || HEART SERIES: Thumping Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.