Way Back Into Love (GirlxGirl...

By FrivolousWriter

656K 18.5K 1.8K

[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala si... More

Way Back Into Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 7

17.9K 608 25
By FrivolousWriter

Alexandra's POV:

"Clover?"

Pareho silang napatingin sa akin nang maibulalas ko ang pangalan ng kapatid ni Crimson. Ano ang ginagawa niya dito?

"Oy, Alex," bati naman niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Magkakilala kayo?" tanong naman ni Ariella. Sasagot sana ako nang unahan ako ni Clover.

"Kapatid ako ni Crimson. One of Alex's friends."

"Oh."

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko kay Clover.

"I just helped this lovely lady. Bakit? May problema ba?" nakangising sagot niya.

"Meron. So back off," banta ko.

Matagal ko nang kilala si Clover. Kilala ko na siya bago pa man kami naging magkaibigan ni Crimson. Kung maloko si Crimson, di hamak mas maloko si Clover. Isa kasi siyang dakilang playgirl at kung magpalit ng girlfriends akala mo'y nagpapalit lang ng damit. And the worst part, she always fuck the woman she meet. Kaya bahagya akong kinabahan nang makita ko siyang kasama niya si Ariella. At base sa tinging iniuukol niya kay Ariella, alam ko'ng siya na naman ang bagong prospect niya. At hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Tama na 'yan," pagitna sa amin ni Ariella.

"Ngayon palang sinasabihan na kita. Layuan mo siya kung ayaw mo'ng samain sa akin," banta ko kay Clover.

"What are you going to do about it?" nakangisi pa rin na sabi niya. Akmang sasapakin ko siya nang pigilan ako ni Ariella. Nakakapang-init lang ng ulo.

"Alex, I said enough," matigas na sabi niya saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Bahagya na ako'ng kumalma pero nandoon pa rin ang inis ko kay Clover. "Ang mabuti pa ay umuwi na kayo." Nilingon niya si Clover. "Thanks for the help."

"You're welcome, my lady," malanding sabi naman ni Clover saka muling sumakay sa motor niya. "See you around, Alex," sarkastikong sabi naman niya sa akin sabay kindat. Sa inis ko ay gusto ko siyang sapakin kaso pigil-pigil ako ni Ariella.

"Enough now, please," bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry. Nag-alala lang ako," sagot ko saka bumuntong-hininga.

Kumunot naman ang noo niya. "Saan?"

"Para sa 'yo. Clover may be nice, pero iba talaga ang ugali niya. Lalo na sa mga babaeng nagugustuhan niya. Ayokong matulad ka sa mga babaeng niloko at pinaglaruan niya," concerned na sagot ko.

Lumayo naman siya sa akin saka napapantastikuhan na tinignan ako. "Nagseselos ka ba?"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "I have nothing to be jealous about. Mainit lang talaga ang ulo ko sa mga taong manloloko."

"Look who's talking," nakataas din ang kilay na sabi niya.

Napabuga naman ako ng hangin saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok sa bahay. Ako na rin ang nagbukas ng pinto at nagsara niyon. Kinuha ko ang mga gamit na hawak niya at inilagay iyon sa lamesa at walang pasabing hinalikan siya sa labi. Naramdaman ko ang pagpiglas niya pero hindi ako nspatinag. Isinandal ko siya sa lamesa at pinalalim pa lalo ang halik. Nang maramdaman ko'ng tumutugon na siya ay mas lalo ako'ng napayakap sa bewang niya.

Matagal na rin simula nang mahalikan ko siya ng ganito. I craved for this lips so much that I just can't stop. And when I heard her sexy moan, I can't help but want some more.

I raised my head up to kiss her cheek down to her neck then up to her earlobe. I inhaled her natural sweet scent. But that only burned up the fire that's building inside of me. I need her.

"Alex, stop," Ariella whispered while panting. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat saka buong lakas na inilayo ako mula sa kanya. Pero nakayakap pa rin ako sa bewang niya.

Napatingin ako sa leeg niya kung saan ko siya huling nahalikan. At hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko'ng nagmarka ang halik ko doon. She's mine.

"Mali ito. Umalis ka na," bulong niya habang pilit na umaalis sa yakap ko.

"Then why does it feels so right?" tanong ko naman.

"Alex, tama na."

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapakinggan."

"At paano ka nakasisiguradong paniniwalaan kita?"

Nginitian ko naman siya saka dinampian siya ng halik sa labi. "You didn't have to. Just listen."

---------------

Ariella's POV:

Nahilot ko ang batok ko pagkatapos ang mahaba-habang pakikipagpambuno ko kay lesson plan. Nang mapatingin ako sa alarm clock ko ay nakita ko'ng alas-dose y media na pala ng madaling araw. Kaya pala ang sakit na ng mata ko. Mabuti na lang at weekend na bukas kaya puwede akong gumising ng tanghali.

Bumaba muna ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang makarinig ako ng mahinang paghilik mula sa sala. Nang sumilip ako sa sofa ay napapalatak ako. Nandoon na naman kasi si Alex at mahimbing na natutulog.

Ito na ang pang-apat na beses na dito siya sa bahay natulog dahil ayaw daw niyang umuwi sa bahay niya. Nandoon daw kasi ang babaeng laging nakabuntot sa kanya at naiinis na daw siya sa presensya ng babae. Ayos na rin naman kami kasi naipaliwanag na niya sa akin ang mga nakita ko. Dumagdag pa si Clover na kapatid pala ng kaibigan ni Alex na si Crimson, na siya ding tumulong sa akin noong na-flat-an ang sasakyan ko habang pauwi na ako. Matagal na daw nilang kilala si Rica dahil best friend pala siya ng nakababatang kapatid na babae ni Alex. Sadya daw na malandi ang babae lalo na kay Alex kaya wala na silang nagawa dahil kung ano ang gusto nito, iyon ang masusunod.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko si Danica. Ganoon din kasi siya kay Jemimah noon. Ang kaibahan lang, nasa tamang pag-iisip si Rica. Alam niya kung ano ang ginagawa niya at alam niya kung kailan siya titigil. Sadyang makulit at malandi lang siya pero sobrang malambing naman. Si Alex lang naman itong walang pasensya sa dalagita at lagi pa niyang pinagsusungitan. Kaya nandito siya sa pamamahay ko para iwasan 'yong tao samantalang wala naman ako'ng nakikitang mali. Okay, meron. Sobrang kulit at ingay niya kaya kahit ako ay hindi rin makatiis. Kaya hindi na ako nagulat kung dito man sa akin pumunta si Alex imbes na doon sa mga kaibigan niya.

Kung tutuusin ay hindi siya dapat nandito. Hindi tama na magpalipas siya dito sa pamamahay ko kasi, una sa lahat, estudyante ko siya. Hindi ko alam kung saan niya namana ang katigasan ng ulo niya at talagang ipinipilit niya ang gusto niya. Usapan na nga sa buong San Luis ang pananatili niya sa bahay ko. Akala ko nga mawawalan na ako ng trabaho nang ipatawag ako ni Father Manuel sa opisina niya. Mabuti na lang at nadaan siya sa paliwanag na walang namamagitan sa amin ni Alex. Naisalba ko pa ang trabaho ko.

Napahaplos ako sa labi ko nang maalala ko ang halik na 'yon. Aminin ko man kasi o hindi ay talagang nagustuhan ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang meron sa halik ni Alex at mabilis ako'ng nadadala. Hindi dapat ako tumugon. Pero ang katawan ko naman ang nanaig kaya wala na din ako'ng nagawa.Pati ang sarili ko'ng katawan pinagkanulo na ako.

"Bakit ba kasi ang kulit at nuknukan ng katigasan ang ulo mo?" bulong ko saka umiling-iling.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito, sa totoo lang.

---------------

Alexandra's POV:

Tinignan ko ng masama si Clover habang nakangisi naman siya sa akin. Problema ng babaeng ito at umagang-umaga ay nandito siya sa pamamahay namin ni Ariella. Oo, namin kasi dito na ako tumutuloy para lang makaiwas ako kay Rica. That kid is really getting into my nerves and she's freaking the hell out of me. Kung bakit ba naman kasi dito pa sa Lucban niya binalak mag-inquire. Kinontsaba pa niya ang kapatid ko. Kakausapin ko talaga si Alexis kapag nakarating na siya dito sa Lucban.

"Kumain na muna kayo," sabi ni Ariella kaya napatingin ako sa kanya. Inilagay niya ang mga dalang pagkain sa mesita na nakapagitan sa amin ni Clover saka muling bumalik sa kusina.

"Bakit ka nga nandito?" Pang-ilang beses ko na iyong itinanong kay Clover pero panay ngisi naman ang sagot niya. Nakakairita na sa totoo lang.

Tinaasan naman niya ako ng kilay habang hinahalo ang kape. "Ano naman sa 'yo kung nandito ako? Iyo ba ang pamamahay na ito?"

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Hindi. Pero ako ang nagmamay-ari sa babaeng may-ari ng bahay na ito."

"Ang laki ng kumpyansa mo sa sarili, Alex. Hinay-hinay lang sa kayabangan. Baka mawala ang lahat ng ito sa 'yo sa isang iglap lang," nakangising sabi naman niya.

"Aba't-"

"Shit!"

Napalingon ako sa kinatatayuan ni Ariella nang may narinig ako'ng bumagsak na bagay. Nang makita ko'ng may dinadaing siya ay mabilis ko siyang dinaluhan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sugat sa daliri niya.

"Jeez! Are you okay?" bulalas ko saka kinuha ang kamay niya at itinapat iyon sa gripo saka hinayaang dumaloy ang tubig sa sugat.

"Mababaw lang 'yan, Alex. Huwag ka'ng mataranta," sabi naman ni Ariella.

"Ano ba kasi ang nangyari?" kunot ang noong tanong ko habang pinupunasan ng paper towel ang kamay niya.

"Naghuhugas lang ako ng mga hugasin. Namali yata ang hawak ko sa kutsilyo kaya nasugatan ako," paliwanag niya. "Ako na."

Iniwas ko ang hawak na mailiit na first aid kit saka binuksan iyon. "Mag-ingat ka naman kasi. Nasasaktan ka tuloy," sabi ko naman.

Tumawa naman siya ng mahina. "Malayo naman sa bituka kaya wag ka'ng OA."

"Ehem, nandito pa ako."

Tinignan ko lang ng masama si Clover saka nagpatuloy sa paglilinis ng sugat sa daliri ni Ariella. "Makakaalis ka na," labas sa ilong na sabi ko. Nakatikim naman ako ng sipa sa binti mula kay Ariella. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Clover kaya lalo ako'ng nainis.

"Puwede mo na daw puntahan ang kotse mo sa shop sa Monday," sabi naman niya kay Ariella.

"Sige. Salamat," magalang naman na sabi ni Ariella.

Napa-"tss" na lang ako habang nilalagyan ng band aid ang sugat ni Ariella. Ang landi lang ng hinayupak na ito. Puwede naman niyang itawag na lang sa cell at hindi na kailangan pa'ng puntahan si Ariella sa pamamahay niya. Mabuti na lang at nandito ako. Nababantayan ko si Elle mula sa talanding ito.

"Mauna na rin ako. Salamat sa brunch," paalam niya.

"Huwag ka na ring bumalik," bulong ko pero nakaabot pa rin sa pandinig ni Ariella kaya nakatikim na naman ako ng sipa sa binti. Wala na ako'ng nagawa nang tumayo siya para ihatid si Clover sa pinto. Nandito lang ako sa kusina habang hinihintay siyang makabalik. Wala pa yatang tatlong minuto ay pumasok na si Ariella sa loob.

"That was childish of you, you know," komento niya habang nililigpit ang mga pagkain sa lamesita.

"Can't help it. She's obviously flirting with you," reklamo ko.

"You're just simply jealous," she stated.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "I am not!" sagot ko.

"Then why do you sound so defensive?"

Natahimik naman ako. Bakit nga ba?

Kasi nga nagseselos ka.

Hindi ako nagseselos. Over protective lang.

Iyon din 'yon.

Napailing na lang ako saka bumuntong-hininga. Ang hirap makipagtalo sa subconscious.

Lumapit ako kay Ariella at niyakap siya mula sa likod. "Date tayo," aya ko.

"Hindi puwede. May mga aasikasuhin pa ako," sagot niya saka humarap sa akin. "Wala ka ba'ng gagawin?"

Umiling lang ako saka sumubsob sa leeg niya. Nang silipin ko iyon ay wala na ang hickey na iniwan ko doon four days ago. Hmm. Malagyan kaya ng bago?

"Subukan mo lang at talagang hindi ka na makakaulit," sabi ni Ariella na parang nabasa ang iniisip ko.

Nag-angat ako ng mukha saka binigyan siya ng isang mapanuksong ngiti. "Gusto ko, eh." Inilapit ko ang mukha ko malapit sa tenga niya. "Besides, I love marking you. So that everyone knows you're mine and they should back off," bulong ko saka bahagyang kinagat ang puno ng tenga niya. Naramdaman ko ang pag-tense ng katawan niya kaya mas lalo ako'ng napangiti. Nang tignan ko siya ay nakita ko'ng kasimpula na ng hinog na kamatis ang mukha at leeg niya. Nginitian ko naman siya ng nakakaakit ko'ng ngiti. "Can I mark you now?"

"Magtigil."

---------------

Continue Reading

You'll Also Like

370K 17.1K 36
Hazel Francesca Sarabia is charismatic, fearless, insightful, and as profoundly wise as her mother, who wants more out of life than being the heiress...
800K 9.4K 20
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
51.5K 4.6K 16
True love never runs out. It remains unchanged and sustains the most incredible hardships. You stay as long as it takes because something about love...