First Love

Por cityville

805 11 19

Más

First Love

805 11 19
Por cityville

Alam mo yung feeling na kung sino pa ang hindi napasayo ni minsan, sya pa yung minahal mo?

That's what my story was all about. Tignan kung may makakarelate. Haha

Eto kasi

Nung highschool ako, binalak ko talaga magmadre. Promise. Hahaha.

Ayoko kasi nun ligawan, magkaboyfriend, mag-asawa. Hahah

Simple lang ako with eyeglasses pa haha. Malabo kasi mata ko.

Mabilis lang ang 1st year, nagsimulang umikot ang buhay ko nung 2nd year..

Syempre first day, ang  adviser magseset ng seating arragement.

Nasa "P" kasi surname ko, asa naman sa harap ako diba?Haha

"Ms., dito ka sa harapan, kasi malabo mata mo." -adviser

Eh ang napaglipatan ko, dala-dalawang seats lang kada-row. Hindi ko pa kilala katabi ko, kasi galing syang ibang section. Nalipat sya sa amin kasi star section kami. (Di naman ako matalino)

Ah, Ross pala pangalan nya. Noon lang kami nagkakilala, kasi transfery ako. Ansaya nya katabi, kulitan, Tumagal tagal, lalo ko pa sya nakilala. Nakilala ko din sya sa pagiging "rocker" mahilig sya sa ganun eh. Eh ang mga tugtugan ko pa nun, westlife. Hahah.

Ewan ko ba pero, alam mo ba yung feeling na.. Pag gusto mo isang tao, magiging interesado kadin sa mga bagay na interesado sya? Yung lahat ng bagay na gusto nya, gusto mo na din.

Dun ako nahilig sa mga \m/ haha ewan ko ba. Dun ko lang naramdaman yung ganun.

Bakit nga ba ganun?Ano meron? Hindi ko maintindihan eh.

Basta alam ko, lagi akong gumigising na nakangiti, kasi iniisip ko makakatabi ko nanaman sya

Lagi kaming magkasama sa classroom

Lagi na kaming nagkakatext, sinusubuan pa nga nya ako ng fudgee bar dati sa pinto eh pag breaktime. Haha

Lagi pa kami magka-friendster noon, haha. Minsan nagbukas ako.

"Ang ganda ng mga mata mo."

-Ehhhh? Haahahaha

Dun na kami simula natutukso sa classroom.

Syempre, tuwang tuwa ako. kilig na kilig.

Naalala ko pa nung may pa-concert ang school namin, Parokya ni Edgar.

Lahat kami bumili ticket

Pagkauwi ko, may nagtext, "Sabay tayo manood?"

Syempre, tuwang tuwa ako, pero nireplyan ko "Magkakasabay naman talaga tayo kasi sa school yun eh. Syempre section natin magkakasama."

Nagreply sya "Hindi, yung hiwalay sa kanila."

Sheeeettt ramdam na ramdam ko ang butterfies sa stomach ko. Hahaha

Sabi pa nya "Ihahatid kita pauwi ha"

Kaso hindi natuloy eh, kasi takot ako sa tatay kong sinundo ako. (sayang!)

Pero saya, malapit naman sya sakin nun, nagkakakkulitan padin kami.

Andami ko naalala no?3rd year college na ako ngayon, it's been 4 years.

Pero ang maliligayang araw, natatapos yan.

Tapos na ang sophomore life, pero may nalaman ako.

Ang gusto pala nya, kaklase ko. :'( Aray lang?

First love. First heartbreak. First iyak to the max.

Yung nag assume ka, nag expect kang ikaw?

Minsan kasi hindi din sagot ang mga kinikilos, pinapakita. Minsan kaylangan mo ding linawin kung ano ka sa kanya.

Haaaaay. Pinalangin ko nun na sana, di ko na sya maging kaklase. Pero saklap. Naging classmate kami nung 3rd year. Hindi ko alam pero that time, hindi ko padin maiwasang mapangiti pag kinakausap nya ko. Yung halatang kinikilig?

Eh alam ko namang may iba na syang nililigawan.

Syempre, naiilang ako

Hanggang sa may nanligaw sakin. Ang ginawa ko, sinagot ko agad.

Para hindi na ako mailang. Pero syempre, minahal ko din yung una kong naging boyfriend.

Hindi nga lang tulad ng naramdaman ko sa kanya.

Pero natuwa ako, kasi simula nun. Mas lalo ulit kami naging close..

Kahit haggang 4th year, naging tulay din ako nila ng nililigawan nya. Naging sila din eh

Basta masaya ako naging close ko padin sya, hindi nawala yung friendship.

Nakatatlo akong boyfriend, hanggang 1st year college yun

Pero yung feeling na may pinapangarap ka?

Gusto ko siya kasi mabait sya, alam ko din yung mga istorya ng naging girlfriend nya

Sa kanya ko hinahanap yung ganon eh, tawag ko pa nga sa kanya, Ideal man.

Hanggang sa dumating ang college. Na-open nya saking nawalan sila ng communication ng ex nya

Simula ng magcollege kami, no facebook, no text sila, lahat wala.

Yung hindi mo alam kung may aasahan ka pa.

Hindi mo alam kung kinalimutan ka na.

Kaya naintindihan ko din siya eh

Naisip ko, "Kung ako lang yan, gagawin ko lahat ng palusot, makasama ka lang kahit sa uwian."

Nung oras na yun, nagbreak naman kami ng boyfriend ko.

Syempre, comfort din sya sakin.

Hanggang sa kakacomfort, nabalik kami sa dati, pero mas malala ngayo eh.

Hindi ko na pahahabain pero Kasi dumating sa point na may "I love you" may "I miss you"

Ansayaaaa

Pero usapan nadin namin nun, wala kaming commitment, Ayoko din naman kasi nung mga oras na yun, kasi yung ex nya, kaibigan ko din.

Pero naging masaya kami.

Tinawag nya kong Mars, sya nagpauso nun eh dahil lagi kaming naglalaro ng Cityville, yun ang pangalan ng town ko. Haha Tas tawag ko sa kanya Bibe, Justin Bibe. Korni. Hhaa eh kasi naman ginagaya nya yung kantang "Baby" haha

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Saya, Kahit nga nung debut ko, regalo nya saking "tasa"

Simula nung binigay nya sakin, di ko na binitawan.

Pero alam mo ba, simula nung debut ko, nagbago lahat.

Nung nagkita kami isang araw uwian na:

"Tuwing wednesday, tsaka friday pinakamaaga kong uwi. Gusto ko, lagi tayong kumain sa labas pag uwian ko ha." -sya

"Eh pano yun, gagabihin ako, 5:30pm uwi mo, Cubao ka pa, Valenzuela lang ako." -ako

"Edi ihahatid kita sa inyo, balak ko nga, ihahatid kita lagi sa inyo pagkatapos natin kumain sa labas eh." -sya

SHEEEEET! Ansayaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Alam mo yung mga naging boyfriend ko, ni minsan hindi nila natangkang ihatid ako. Dahil sinabi kong magagalit ang papa ko. Pero...

"Hala, eh pano papa ko? Hindi rin naman tayo, syempre makakahalata yun" -ako

"Dun din naman ang punta natin eh :p" -sya

"Haha, bakit?Nanliligaw ka ba?" -ako

"Nanliligaw naman ako ah :p" =sya

Akala ko ba walang commitment? Haha. Yes! Ansaya! Alam ko kasi wla kasi sa usapan yan. Pero hindi na ako nagtanong. Ang sabi lang nya:

"Sabihin mo sa papa mo nanliligaw ako, hindi ba pwede yun?"

Haaaay! Sya lang ang nagsabi ng ganyan sakin. Mga ex ko, niligawan ako sa school. Nakikilala nalang pag bf ko na, ng mama ko lang.

Tapos humirit pa sya

"Ikaw nalang magdeclare  kung kaylan magiging tayo, kasi, parang ganun din naman eh, para nading tayo ;p "

WTFFFFF kilig much ako, eto na. Eto na ang pinapangarap ko. Haaaayyy ansaya, Thank you Lord!!!

Lagi nadin sya pumupunta samin para turuan ako mag guitar

Hindi din naman ako madali natuto eh

Kasi wala sa gitara yung focus ko hahaha!

Minsan sa kanila din, pumupunta ako. Wala syang ibang niluto sakin kundi hotdogs. Haha

Wag ka, nagluluto yon ng hotdog walang sanse, kala mo lang chef yung kalahati naman sunog haha

Tapos first time nya din na kinantahan nya ko with guitar, di ko makakalimutan si "Takeshi's Castle" by Kiko Machine.  Feeling ko, hinaharana ko :)))

Hindi ata ko agad agad nakatulog pag uwi ko haha!

Haha pero nalala ko pa nga nung pauwi na ko eh, di ako makauwi soundtrip pa kami

"O sige pagtapos ng kanta na yan,  uuwi na ako ha?"

Lintek. Pag matatapos na yung kanta. Ibabalik na ulit sa umpisa. Hindi na natapos! :">

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging inspirasyon ko siya sa pag-aaral ko.

Nagka-certificate pa ako sa major ko dahil sipag na sipag ako mag-aral dahil sa kanya! <3

Kahit na minsan, naiinis sya sakin, dahil sa pagiging childish ko, sa huli, nagkakaayos padin kami.

Answerte ko sa kanya, understanding, mature. Wala na kong hahanapin pa.

Yung

Maghapong text

Late night calls

Lalo na nung nagka-laptop pa ako, skyyyyyyyyyyype to the max. Sya pa nga gumawa ng account ko dun eh.

minsan pini-print screen pa nya ako n di ko alam, tae tas pinopost nya sa wall ko. Ginawa pa nyang DP! Pero, kilig ^-^

Minsan nga sa skype:

"Anong alam mong gawaing bahay?" -bigla nyang natanong sakin

"Haha bakit?Madami." -sagot ko naman

"Haha di nga?Yung seryoso? Ano ano nga? Sabi kasi ng mom ko dapat daw marunong sa ganun yung mapapangasawa ko" -sabi nya

Hahaha!Tae, kilig na kilig ako don dre! Yung feeling na  naisip na nya yung ganung bagay? Na parang ako na ba? Haaaaaaaaaayyyyy hindi ko na talaga sya pakakawalan! Gagawin ko pa ang lahat! :">

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Eto na, 3 weeks before his birthday

Pero gulat ako sa text

"Nakakahiya man pero pwedeng sabihin ko nalang sayo ireregalo mo sakin?" -sya

Hahaha. Natawa ako.

"Kasi pag hindi ko nagustuhan, hindi ko nagagamit eh. Gusto ko, yung gusto ko. Kasi nung niregaluhan ako ng nanay ko, hindi ko din nagamit eh. Gusto ko kasi yung magagamit ko. Basta. Ayoko kasi ng surprise eh, bata? ;p"

"Ano ba gusto mo?" -ako

"Gusto ko sana yung tshirt sa Switch Nation, yung kay Kurt Cobain."

Eh ako, mahilig ako sa surprise. So nagkunwari ako.

"May nabili na kasi ako eh, pero sigurado naman ako magugustuhan mo."

Pero ang bibilin ko na talaga. Yung tshirt na tinutukoy nya. Hahha

Pero 1 day,  1 week before napunta syang Trinoma kasama nya tita nya.

Tumawag din sya sakin.

"Ano ginagawa mo dyan?" -ako

"Sasamahan ko kasi tita ko eh, hinhintay ko nga eh, tska may bibilin akong damit."

Eh ako naman, hala! Baka bilin nya yung bibilin ko.

"Ano bibilin mo?" -ako

"Yung tshirt na sinasabi ko sayo,"

Edi ako nagpanic. "Halaaaa! Wag mo bilin!!!!"

"Haha bakit?"

Syempre, sinabi ko na, tae naman diba? Natawa pa sya, sabi nga naman nya ayaw nya ng surprise.

Tapos sabi nya:

"Hahah epic fail? Hmm may isa pa kong gustong bilin eh, gusto mo yun nlng regalo mo sakin? Kahit hati tayo."

"Ano ba yun?"

"Yung Philips na earphones, P1400 kasi eh."

"Awww. Ang mahal. Iba nalang bibilin ko syo. Hahaha"

Pero sa isip ko, yun kaya?Gusto ko kasi masaya sya. Matuwa sya sakin. Kaso 1400? Fuck ang pera ko palang eh 800 ata? Andun pa yung allowance ko for next week na andun na yung birthday nya.

Pero syempre ako, gagawin ko lahat!

Utang sa kaklase,. utang sa barkada.

A week before, punta agad ako Sm North. Kasama bestfriend ko.

Hinananap ko pa talaga yung "Philips blocks external noise" haha

"Wala na ata nun eh kahit ganyan nalang 1400 din naman." -bes

"Eh ayoko, gusto ko yung gusto nya. Haha "

Buti may nahanap kami!

Sabi pa ng salesman "Para san mam?"

Etsusera din eno pero sinabi ko "Pang gift"

"Naks sa boyfriend? Swerte nama nun, sana beats nalang."

Sa isip ko, asa naman di ko pa nga bf eh beats pa. Asa. hahaha

Edi yon

Ang saya saya ko, kasi alam ko masusurprise ko sya.

3 days before

Monday nagkita kami, maaga uwi nya.

"Samahan mo ako, bibili ako sapatos sa Trinoma?"

Edi punta kami. Habang nagsusukat sya, nakita ko may headset sya nakasabit sa uniform nya.

"ANO TO???????"

"Binili ko yan sa gateway nung isang araw, Pioneer eh wala nang philips."

Fuck. Nabadtrip ako. Tae! Hindi ko sya pinapansin nung tapos na sya pumili, hanggang sa naglalakad na kami

"Uy, bakit ba?" (natatawa pa sya) -sya

"Hahah, binili mo ba yung philips?" -sya

"Oo kayaaa!!!!" pabadtrip na sagot

Sabi nya, "Auuuuuuuuuuuuuuuuuuhhhh, hahah! Ikaw kasi eh, sabi naman sayo eh ayoko ng surprise, epic fail again? Hhaha"

Inaasar asar pa nya ako, nabadtrip padin ako, di ako nagsasalita habag naglalakad kami.

Pero ito ang nakapagpangiti sakin

Hinawakan nya ang kamay ko! (Hindi kasi kami nghoholding hands, kasi ayaw nya ng ganun sa labas. gusto lang nya nakahawak ako sa arms nya.)

AYUUUUN!!!! HANGGANG SA MAKAUWI, SHEEEEEEEEEEEEEET!

HHWW!! HAHAHAHHA!!! (If you know what I mean wahahaha)

Edi ok na. Kunukulit pa nya ako, na magpagupit, kasi long hair ako eh, eh ayoko talaga kasi mataba ako. AYoko ng maikli.Dati pa nya sinasabi yun sakin eh. Tae. Pero naisip ko, kung isurprise ko kaya sa kanya magpagupit?Para kahit papano, may surprise padin ako.

Grabe, hindi ako makatulog pag uwi. kahit na  hindi na kami nag online, at natulog na, ako inabot pa ako ng 2am kakaisip sa nangyari. Haha. First time ko kasi sya maka holding hands, in public pa!

Ansaya saya!

DUmating na ang birthday nya. Eh nagkataong birthday nya, thursday, medyo late uwi nya.

6:30pm uwi nya. Bali makakrating sya sa caloocan 7:30. Ang uwian ko, 12nn! Hahah

Hindi ako pwedeng umuwi, kasi magtatanong samin.

"7:30 pa ako nun, 12 uwian mo, kaya next time nalang."

Eh gusto ko saktong birthday nya eh! Kaya sabi ko, na maghihintay nalang ako. Kaya ko naman maghintay basta sya. :)

Nagpasama pa ko sa kaklase ko, nagpagupit. Lintek, para sa kanya, Goodbye long hair!!

Edi nagkita kami. Nakakainis. Wala syang reakyon. Pero napansin nya. Bwiset. Pero,

Tnreat naman nya ako sa TOKYOTOKYO haha. Syempre binigay ko pa din yung gift ko noh! Inasar aras nga lang nya ako. Pero saya.

Hanggang sa pagkauwi ko nagtext siya

"Mars hindi ko man nasabi sayo kanin pero salamat sa gift mo. Salamat kasi ngayon lang ako may nakadate sa birthday ko mismo, Masaya ako nakasama kita. I love you so much. Miss na agad kita. :("

Isang malaking AAAAAAAAAAAAAAAAUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUHHHH!!!!

Hahahah. ANsaya ko, grabe! Hahaha

Dapat talaga, sasagutin ko na sya nun eh. Kaso masyadong mabilis! Kaya next birthday nalang nya :p

Lahat ginagawa ko para makasama sya.

Kahit na minsan, laging may tampuhan.

Lai syang naiinis sakin.

Pero iniitindi padin nya ko :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang sa dumating yung time na prelim na nya, hindi kami makapagkita :(

Tiis tiis din. Skype skype muna.

One day may pageant sa school. Katext ko siya habang nanonood

"Kumain ka na? " -ako

"Hindi pa nga eh, hinhintay ko pa si mommy."

Ang nakakainis, 9:30 na ata nun!

"Bili mo ako andoks punta ka dito haha " -pabiro nya

Inisip ko ang oras. Hahanapin ako samin. Pero ginawa ko, di ko na tinapos yung pinapanood ko, kahit nasa Top 5 si crush. Well, goodbye crush! Mas mahalaga si Bibe. Haha.

Diretso agad ako papunta sa kanila, bili muna andoks.

Pag doorbell ko, Pagbukas nya, hinarap ko agad yung andoks, kita ko ang tuwa sa kanyang mga ngiti. Mga ngiting nakakaalis ng kaba ko na malamin na ang gabi, hindi pa ko nakakauwi. Hhaha. nakasando pa nga sya eh. Di pa daw sya naliligo dhil sa dami ng ginagawa. Hahha. 2 weeks  na ata kami di nagkikita that time.

Sabi ko,

"Kumain kana! Late na late kana eh tsssskkk "

Umakyat sya, sinubukan pa nya akong bayaran, sabi ko "Di na, gusto ko to eh galing to sakin."

Kilig yun eh haha.

Tas sabi ko

"makikita kaya tayo ng tita mo sa bintana?"

Sabi nya "Hindi, bakit?

Bigla ko syang niyakap. Ng mahigpit. Sobrang namiss ko sya.

"Hindi pa ko naliligo haha."

"Ok lang. Kahit isang taon pa yan mabango ka padin para sakin. Hhaha"

Tsura nga nya eh halatang kinilig sya sa the moves ko. Hahha.

Ayaw p nga nya ko pauwiin eh. Niyayakap yakap pa nya ako. Pero gabi na e tsong hahaha

Sabi ko, "Kaya nga ako pumunta para makakain kana, mas lalo palang mapapalate dinner mo, kaya uuwi na ako! :) "

Ayun. Alam ko super natouch sya. Ramdam ko. Kahit nung nagtext sya pauwi. Super thank you sya. Sabi nya pa nga

"Ganun pala ang feeling pag matagal mo na di nakikita, tapos nagkita no :) "

Tapos..

Inulan ako ng I love you I love you I love y I love you ou I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love y I love you ou I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you

Ganyan sya lagi sakin, sa chat, lahat. Lalo akong naiinlove

Lagi kaming nagdadate before christmas, hanggang sa umattend pa kami ng debut ng classmate namin nung highschool Ang hirap magtago ng relasyon namin, usapan namin di kami maglalapit pag dating dun. Natatawa pa ako nun kasi yung isang echoserang tropa ko eh nahuli pa nyang kinikindatan ako ni Bibe. Hahah! Pero wala din eh, hindi din nakatiis at nagtabi kami, at Nahalata din nila. Yung iba thumbs up, yung iba no comment.

Ay basta! Masaya ako eh, gusto ko lang naman sya maging masaya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

New year na! Hindi na kami madalas nagkikita.

Miss ko na sya. Kaya lang busy sya.

Bakit ba nagkakaganto?Bakit lumalamig?Bakit?

Haaaaayyy gusto ko na siya makita!

Sa wakas!Nagkita kami. Kumain kami sa Chickboy. Tinawag pa nyang ChickMar, bwiset yun eh baboy daw ako.

Nung kumain pa ko dun, yung stick ng number para sa order. Nalagay ko pa sa lalagyanan ng bawang kainis. Hahaha.Ansaya ulit, nagbalik ulit sa dati! :)))))

Kaya lang. Nung sumusunod na araw.  1, 2, 3 weeks nanaman kami di nagkikita. Cold nanaman :|

Busy nanaman kasi sya, kaya lang nagtataka ako, hindi nanaman sya sweet. wala nanaman yung madaming " I love you I love you I love y I love you ou I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love y I love you ou I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you I love you"

Walang kain sa labas pag uwian.

Hay. Baliw na baliw ako kakaisip kung kaylan ko ulit sya makakasama.

Hanggang sa napunta sya ng mall. Hindi sya nag aya. Hinintay ko pa text niya bago ako umuwi.

Ayaw na ba nya sakin?

Anong nangyari?

May nagawa ba akong mali?

Iniisip padin kaya nya pagiging childish ko?

Haaay

Tinext ko sya, "I miss you :( "

Ang reply nya sakin "Usap tayo pag uwi ko."

Napaupo ako bigla.

Nagbugtong mga mata.

 Kinakabahan.

Hanggang sa nagkachat kami.

"May tatanong lang ako sayo" -sya

Antagal nyang magreply.. kinabahan ako. Haaay masama ang kutob ko. kinulit ko sya

"Uy"

"Uy ano ba un?"

Nagreply na sya..

"Hindi ko alam kung pano ssimulan eh. "

Sabi ko, "ano ba kasi yun?"

"Alam ko namang merong something special na namamagitan sating dalawa, pwede bang let's just stay as friends nalang?"

Nanghina ako. Di ko alam sasabihin ko. Kung ano nalang nireply ko

"Pano?"

"Pakiramdam ko kasi pag nagtetext ka ng "i miss you" at wala akong magawa pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ka sad eh. Ok sige, ang gusto ko talgang mangyare is putulin na yung special link between the two of us.. Nahihirapan kasi ako feeling ko very limited lang ung galaw ko."

Naiiyak na ako, konti, pero sinasabi ko sa sarili ko, hindi lang kami nagkikita kaya ganito.. Kelangan lang namin magkita para bumalik sa dati. Tulad nung cold sya, pagkakita namin bumalik ulit. Babalik din kami sa dati!

"Ayaw kasi kitang masaktan or ayaw kong mag cheat kasi hindi mo yun deserve.. Gusto ko kasing makipag hang out sa ibang girls pero hindi ko magawa kasi naiisip kita na pag ginawa ko un, nagchecheat ako sayo..tama b?" -Dagdag pa nya.

Pero wala na akong magawa. Pipigilan ko pa ba sya?Ang nasabi ko lang

"Di naman kita hinihigpitan sa ganun ha? Pero kung ang gusto mo putulin, sige.. kasi yun ang gusto mo eh. Wala na ko magagawa. Pag pipigilan ba kita, magpapapigil ka? Hindi, kaya kung dyan k magiging masaya, I'll respect your decision Uy.  tulog nko nyt:)]"

Nag out na ako. Gusto ko muna umiyak. Gusto ko muna mapag isip-isip. Akala ko, magkikita ulit kami. Pero katapusan na pala. Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali.

Pakiramdam ko may dapat pa kong malaman. May nagtutulak saking buksan ang acocount nya,

Isang message na nakita ko sa inbox ang nag-agaw sa akin ng pansin, nagtulak para buksan ang buong conversation.

Nagulat ako

Nung mga 3 weeks ago na di kami nagkikita, may nakakachat  na pala siya at nagpalitan sila ng number, hindi ko alam kung kaklase nya, basta schoolmate nya.

Naluha ako sa mga nabasa ko, hindi ko akalaing sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, at pagkakakilala nya sakin, alam ko hindi nya sakin magagawa yun. Ni minsan, hindi ko sya napag isipan. Kasi kilala ko sya.

Ang nagpaluha sakin ang mga linyang di ko makalimutan

"Dito din ba sya sa school natin?"

"Hindi, sa ibang school sya."

"Ah, edi mabuti, mas madalas tayo magkakasama."

Naiyak na akong tuluyan, hanggang sa nabasa ko pa ang mga linyang

"Bakit di mo pa sinasabi?"

"Humahanap lang ako ng tyempo eh, alam ko kasi masasaktan yun. Mabait kasi sya eh. "

Tang ina! Baliw na baliw ako kakaisip sa kanya ng mga panahon na yun, yun pala naghahanap nalang sya ng chempo?Ganung feeling dre!! Yung ganung feeling!!!!

Pero ang nakapagpabagsak ng luha kong tuluyan. Nakapagpahikbihikbi saakin. Ay yung mga linya nyang

"Di ko naman talaga sya gusto eh, di ko din sya mahal."

Saklappp dre!! Tagustagusan! Durog na durog ang puso ko! Hindi ko alam kung ano gagawin,. Yung ganyang feeling?!

Yung inakala mong minahal ka.

Yung sa dami ng pinagsamahan, hindi ka pala mahal.

Sa daming ginawang effort, hindi ka minahal.

Sa daming palusot na ginawa makasama lang sya, hindi ka minahal.

Hindi ko alam kung pano magsisimula.

Pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay nya ang way na yun, para hindi na ako umasa.

Pero kahit ano naman sabihin mo sa sarili mo, minsan di mo din maitatangging gusto mo padin diba?

Na parang gusto mong ipaglaban diba?

Yun ang naramdaman ko!

Kaya nung Valentine's day.

Pumunta akong Sm North.

Binili ko yung pinaplano kong pang surprise sa kanya na alam kong hindi nya mabibili

Ang frame ng The Beatles. Favorite band nya. Dinala ko sya mga about 1/4 sya ng illustration board.

Naiinis na sakin mga kaibigan ko

Bakit mo pa yan ginagawa?

Sya na ag nagtaboy, ikaw padin tong hahabol habol.

Hanggang sa may nagsabi saking kaibigan "Ginagawa mo yan, kasi gusto mo i-prove sa kanya na ikaw dapat ang pinili nya, tama ba?"

-Exactly. Naluha nanama ako. Tinuloy ko padin. Lumarga ko mag isa. Bumili pa ako ng special paper, at nagsulat sa foodcourt bago umalis. Sinulat ko yung sulat sa kanya na parang sinulat ko na dati pa.

Na kunwari meron pang kami.

Kunwari ibibigay ko nalang kasi nabili ko na.

Pero ang totoo, binili ko mismong Valentine. Kasi gusto ko.Ewan. Hindi ko alam. Ang tanga ko. T.T

Nagpasama pa ako sa barkada ko para dalin sa bahay nila, alam kong wala sya sa bahay, kaya sa kanya ko pinaabot. Di ako nagpakita sa mama nya. Kasi baka buksan lang.

Ok na. Last na yun. Huli na. Huling katangahan na.

Pag uwi ko wala tulala.

Iniisip sya.

Iniisip sila

Iniisip na ako dapat ang kasama

Iniisip ko na ako dapat, ako dapat yun eh. :'(

May natanggap akong text.

"Mars salamat sa gift mo. I'm sorry tlaga, sana mapatawad mo pa ako. :("

Naiyak ako.

Yung pakiramdam na iba inaasahan mo.

Na magbago isip nya.

Ns bumalik nalang sya sayo.

Kaso hindi eh

May mga bagay talaga na hindi para sayo, minsan dadaan lang sayo. Pwedeng nawala at bumalik, pero di ibig sabihin pag bumalik, meant to be. Minsan bumalik lang para matuto ka. Para malaman mo na di lahat ng bagay na iniisip mo ay tama para sayo.

Siguro hanggang rebound lang talaga ko sa kanya..

Yung kahit alam mong mahal mo ang isang tao, na minahal mo ng sobra. 

Na kahit ano pang gawin ko,

kung di nama nya ko kayang mahalin at di ako ako ang gusto nya, hindi pa din sapat ang sobra. :'(

Unfriend

Blocked

 Bitter lang?

Lahat na ginawa ko.

Yung feeling na updated ka padin sa kanya?

Di mo padin maiwasang magtanong tungkol sa kanya.

Iniisip nya kaya ako?

Haaaaayyy.

Ginawa ko to kasi iniisip ko padin na sana, kapag gumawa ulit ako ng sarili kong story dito sa wattpad, sana story padin namin. Sana yung happy ending. :(

Pasensya na kung mahaba, ganito kahaba ko siya minahal eh. Pinaikli ko pa nga yan eh. Haha. Dito ko napatunayan na, "Perslab never dies."

 Sana may natutunan din kayo. 

No expectations, no dissapointment.

But don't regret something that once made you happy. And I had no regrets about him, about loving him. Because loving him, was one of the best part of my life. 

He may not stayed in my life anymore, but he's still in my heart.

I miss you a lot.

Maybe sometimes I still hope of someday

Someday that you'll realize everything and suddenly pop in your mind and think of me,

thinking, "I shouldn't let her go."

I might get over you, but I will never forget you, my first love.

                                                                                                           -Mars :">

Seguir leyendo

También te gustarán

49.1K 2.2K 32
Book 2 Ito ay kwento ng Pagkakaibigan at Pagmamahalan. Sino ang unang Bibigay? Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, a...
99.3K 296 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
250K 3.3K 56
". . .sometimes one feels freer speaking to a stranger than to people one knows. Why is that?" "Probably because a stranger sees us the way we...
52.6K 93 1
Hi, are you hosting a debut party and need some help about something you have to say? Here's the sample script you need! Check it out and don't forge...