Memory Of Us

By iaMUSEA

19.5K 585 772

Who would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all... More

Memory Of Us
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
Epilogue #1

030

322 12 12
By iaMUSEA

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mag-swimming kami at umamin sa akin si Josh. Tatlong araw na din syang walang paramdam, ni ha ni ho, wala 'kong natanggap sa kanya. Hindi din sya nago-online sa Facebook. Haist

Hindi naman ako lumalabas ng bahay kaya hindi ko sya nakikita. Nahihiya naman akong magtanong kay Yael dahil baka magtanong 'yon, pareho sila ni Princess walang alam sa nangyari.

Speaking of Yael and Princess, after ng swimming hindi na sila nag-usap. Naging mailap si Cess at naging cold naman si Yael. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanila, basta after non, naging tahimik na sila pareho. Ayoko munang tanungin about doon si Cess, mukhang 'di pa sya okay, e.

"Hays, nakakatamad!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Cess. Nandito na pala sya. Pagka-gising ko kasi kaninang umaga, wala na sya sa tabi ko. Nung tinanong ko naman si Papa ang sabi nya sa akin, nag-jogging daw si Cess.

Hindi ako niyaya. Nakakapanibago, diba? Umupo sya sa kama at yumuko para tanggalin ang sapatos nya.

"Bakit 'di mo 'ko niyaya?" Tanong ko atsaka pumunta sa harap nya at pinanood sya sa pagkilos.

"Sarap ng tulog mo e, 'di na kita ginising. Tsaka 'di naman ako nagtagal sa pagjo-jogging, tumambay na lang ako sa park para makipaglaro sa mga bata doon." Sagot nya atsaka tumayo at dire-diretsong pumasok ng banyo. Pati ba naman ako? Ang cold!

Hinayaan ko na lamang sya at 'di na pinansin ang pagiging cold nya. Bumaba ako sa sala at naabutan ko doon si Papa na nagluluto ng pancit. Kumunot ang noo ko kaya naman nilapitan ko sya.

"Pa, ano pong meron?" Tanong ko paglapit ko sa kanya. Nilingon nya lamang ako saglit atsaka sya nagpatuloy sa pagluluto.

"Wala naman. Nagluto lang ako ng pancit kasi pupunta si Mama mo, nanganak na pala sya last week. Hindi ka daw nya mabati sa personal dahil bawal pa sya lumabas ng hospital, baka mabinat." Sambit ni papa na ikinatahimik ko. Lumayo ako sa kanya atsaka naupo sa sofa. Bakit kailangan nya pang pumunta dito? Okay lang naman sakin kung hindi nya 'ko binati.

"Amanie, kausapin mo naman ang mama mo. Matagal na 'yon, napatawad na sya ng mga kuya mo." Nag-iwas ako ng tingin kay Papa ng sabihin nya 'yon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya kaya naman napayuko ako. Hindi naman kasi ganon kadali, e. Niloko nya si Papa, niloko nya kami, hindi ganon kabilis magpatawad.

7 years old pa lang ako noong namuhay kami nila mama at nila kuya ko ng wala si Papa. Sa abroad sya nagta-trabaho kaya masasabi kong medyo mahirap ang buhay namin. Twice a month kung magpadala sa amin si Papa ng pera, sa twice na 'yon, nandon na ang pagkain, bills, at pang-school namin nila Kuya. 8 years old hanggang 9 ako, napapansin namin nila Kuya ang pagbabago ni Mama. Madalas syang umalis sa bahay at gabi na kung umuwi. 'Pag tinatanong namin sya kung saan sya galing, lagi nyang sinasabi, sa bahay lang ng kaibigan nya.

Dumating kami sa puntong hindi nakakatawag samin si Papa at walang pera na napapadala, hindi kami nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw at hindi pumapasok si Kuya Aldrich sa school para kami ni Kuya Alvin ang maka-pasok. Ganon pa din si Mama, umaalis at gabi na kung umuuwi. Nagtataka din kami kasi kung minsan may pagkain at pera syang dala, galing daw sa kaibigan nya. 33th birthday ni Mama, nagulat ako ng makita ko sa labas ng school ko si Papa at ang dalawa kong kuya. Umuwi si Papa pero hindi alam ni mama. Sabi ni Papa i-surprise daw namin si Mama.

Pag-dating namin sa bahay, kami ang na-surpresa. Walang saplot si mama, nakahiga sa kama at kasama ang matalik na kaibigan ni Papa. 

Kitang-kita ko ang sakit sa mata ni Papa, ramdam na ramdam ko sa bawat paghagulgul nya at sa mga luhang umaagos sa mga mata nya. Sa bawat suntok nya sa kaibigan nya, wala 'kong maramdamang awa. Lahat galit, inis at pandidiri para kay mama..

Hanggang sa napag-desisyunan na nilang mag-hiwalay ng malaman naming nagda-dalang tao si Mama. Hindi kami sumama sa kanya kundi kay Papa. Kay Papa na walang ibang ginawa kundi ang lunurin ang sarili nya sa pagta-trabaho sa ibang bansa-- mabuhay lang kaming pamilya nya.

Sino ba namang sasama sa taong niloko at 'di ka pinahalagahan, diba? Isa 'yong katangahan at 'di kami tanga. Maaaring tanggap ko na ang nangyari sa pamilya namin, broken family, pero hinding-hindi ko matatanggap na niloko kami ni Mama.

Agad kong pinahid ang luha na tumulo sa mga mata ko. Tumingala ako at nakita kong seryosong nakatitig sa akin si Papa. Lumapit sya sa akin at pinahid ang luha sa pisngi oko.

"Hindi ganon kadali magpatawad at tumanggap, Amanie. Masakit sa akin ang ginawa ng mama mo at sobrang hirap tanggapin. Alam mo ba 'yung kasabihan na; Forgiveness isn't approving what happened, it's choosing to rise above it?" Ngumiti ako kay Papa atsaka tumango.

"By Robin Sharma, po." Sambit ko kaya naman natawa sya. Niyakap nya ako atsaka binigyan ng halik sa noo.



"You must forgive those who hurt you, even if whatever they did to you is unforgivable in your mind. You will forgive them not because they deserve to be forgiven, but because you want them to suffer and hurt yourself everytime you remember what they did to you. Forgiveness is your own mental healing, forgiveness is an act of self-love." - Don Miguel Ruiz :)

Posted.

Ini-off ko na ang phone ko matapos ko mag-post ng quotes ni D.M Ruiz. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko ang malakas na boses ni Cess. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko at dahan-dahang inilapit ang tenga ko sa pinto.

"Ano bang kailangan mo? Akala ko ba wala kang pake?"

"Hindi kita iniiwasan, wag kang assuming!"

"Oo, naghahanap ako ng bago ko. Pake mo?" 

"Ano? Sinong Liza 'yan?!"

"Bwiset, bahala ka sa buhay mo!"

Agad akong lumayo sa pinto atsaka napangiti at napailing. Sigurado akong si Yael ang kausap nya. Hays, tinamaan na talaga ang gaga kong pinsan.

Inantay ko munang lumipas ang ilang minuto bago ako tuluyang pumasok ng kwarto. Nakita ko agad sa tapat ng salamin si Cess na nakasimangot habang nag-aayos.

"Saan punta mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya sakin sa salamin at hindi na 'ko pinansin. Fine, sabi ko nga, e. Humiga na lamang ako sa kama at ni-check ang notifications ko sa facebook.

Joshua Franco, Yael Lorenzo, and 13 others like your post.

Online sya? 

"Alam mo, inis na inis na talaga 'ko sa Yael na 'yan, e! Tumawag lang yata para mang-asar, nagpapa-miss lang ako tas biglang sasabihin may crush sya na pangalan Liza?!" Halos mapa-diretso ako ng higa ng biglang sumigaw si Cess at sumigaw. Pushak.

"Akala nya, bakit sya lang ba crush ko?! Kapal ng face!" Natatawa 'kong napakamot sa ulo ko. Pinagse-selos at nag-selos nga. Susme.

Nang mapansin nyang nakatingin lamang ako sa kanya habang paikot-ikot sya sa harap ko ay bigla syang tumabi sa akin at sinunggaban ako ng yakap.

"Pinsan! Hindi ako galit sayo, 'wag ka namang ganyan!" Sigaw nya sakin. Kumunot ang noo ko at natatawa ko syang tinignan.

"Ano bang sinasabi mo?" Natatawang tanong ko sa kanya. Ngumuso sya sabay yuko.

"Hindi ka nagsa-salita. Hindi mo ko pinapansin." Tuluyan na 'kong natawa kaya naman binatukan ko na sya.

"Gaga, ikaw nga 'yon! Nung isang araw ka pa cold sakin." Nanlaki ang mata nya atsaka ko binigyan ng sunod-sunod na iling.

"Hindi ako cold! May inii--" Naputol ang dapat na sasabihin nya ng marinig namin ang sigaw ni Papa sa baba.

"Amanie at Princess, bumaba na kayo. Nandito na sila!" Nanlaki ang mata nya at agad na tumayo.

"Kasama ni Tita ang baby nya! Mamaya tayo usap, gusto ko makita baby. Tara na, dali!" Magsa-salita pa lang sana ako ng bigla syang kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto. Napa-buntong hininga ako. Chill, Amanie. Chill.

Sinuot ko ang tsinelas ko at lalabas na sana ng kwarto ng biglang tumunog ang phone ko. May notification, agad kong chineck kung  ano 'yon.

Joshua Franco sent you a message

Naramdaman ko ang mabibigat at mabibilis na pagkabog ng didib ko ng mabasa ko ang name nya sa screen ng phone ko.  Kahit na kinakabahan ay ni-open ko pa din 'yon.

Josh: I miss you.

================

A/n: Kinikilig akooooo <3 Landi ni Josh! Hehehehe

#TeamJoshxAmanie (Naks!)

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 88 51
Jake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it c...
260K 2.6K 11
If you like stories with romance, school affairs, family issues and drama-this might be for you. Lianne thought she knew who she was. For years, she...
2.3M 6.3K 7
Intersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023
5.1K 323 44
He is a freshman student focused on his goals. He doesn't want his parents to disown him because he is the eldest among the family so he has a big re...
Wattpad App - Unlock exclusive features