Especially For YouπŸ’˜

Oleh marjoriemonte4

83 34 1

Hiii? Hihihi Ito ay isang totoong kwentong pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang babaeng walang pakialam sa mundo... Lebih Banyak

Authors note
Chapter 1: First day
Chapter 2; Introduce
Chapter 3; Officers
Chapter 4; The Best
Chapter 5; Friends
Chapter 6; Discouraged
Chapter 7: Sana
Chapter 8: Crush
Chapter 9: Curious
Chapter 10; Yes *Blush*
Chapter 11; Yes^___^
Chapter 12; Bae❀
Chapter 13; Ruleβœ”
Chapter 15; Second
Chapter 16; Perfect
Chapter 17; His birthday❀

Chapter 14; Answered

1 1 0
Oleh marjoriemonte4

"Mj ano nga ulit yung date ngayon?" Si rieza. Hays eto talaga makakalimutin.

"Wednesday,17th of June"sagot ko sakanya habang kinokopya namin ang sinusulat ni sir sa board.

Oo,1week narin ang nakalipas mula nung sinagot ko si ferris. Okay naman yung relasyon namin, tsaka andami na ring nakakahalata na kami na ni ferris. Gaya nung.....

(Continuation of Chapter 13)
Nandito pa kami ni miko sa room hanggang sa dumating na sina rieza.

"Oh ano labas na tayo?"tanong ni miko.

Kinuha ko na ang bag ko pati narin bag nila at lalabas na sana ng nakita ko si ferris na kasama na nman niya ay yung dalawang babae. Sino ba talaga sila? Papalapit sila kung san kami nakatayo at dali-dali akong lumakad palabas. Ay hindi! Tumatakbo na talaga ako palabas.

"M-mj! B-bat ka-a bbbah! tumakbo h-ha?"sabi ni miko na hinihingal.

"tubig oh"sagot ko at binigyan ko siya ng maiinom.

"Bakit? May kaaway ka?"tanong ni miko.

"Wala miko. Exercise"si miko at pumara agad ng masasakyan.

"Ha?! Exercise sa sobrang inet ng araw?!"sagot niya. Hindi ko nalang siya sinagot at sumakay na.

KINABUKASAN^__^
Nakaupo lang ako ngayon sa labas. Wala lang, gusto ko lang talagang magpahangin. Nakita ko si ferris na papalapit sakin kaya tumayo agad ako. At pumasok sa loob ng room.

"Bae okay ka lang?"si ferris. Oo naman okay lang ako.

"Oo"sagot ko habang nakatalikod parin. Nagulat ako kasi hinawakan niya kung kamay ko. Ohmygod bat ang ineeeet na nman?

"Bae bat di mo ko pinapansin?"tanong niya at tumabi siya sa pag upo sakin. Buti na lang wala pang masyadong tao kasi ang aga pa naman, hindi pa pwedeng ibreak yung rule noh.

"Ha..ah? pinapansin naman kita ah"sabi ko at grabe di ko na mapigilan..umiinet yung pakiramdam ko!

Hinigpitan niya yung pagkahawak niya sa kamay ko at ang masayahin nyang mukha ay biglang naging malungkot. Naku naman. Dahil ba sakin?

"Okay lang ako bae"sagot ko sakanya at ngumiti. Hinawakan ko rin yung kanang kamay niya baka sakaling mawala ang lungkot niya. Ayokong malungkot ang boyfriend ko ng dahil sakin.

"Halaaa ang sweeeet naman!!"pang-aasar ng mga kaklase namin. Napatingin naman agad kami ni ferris kung sino yung nagsasalita at  Hala! andami na pala nila dito sa room. Nakita ba nila yung paghawak ng kamay namin ni ferris sa isat-isa?

"Anong meron?"si blezzie. Naku po lagot! Tiningnan ko naman agad si ferris. Napatawa kami sabay sabi ng..

"Wala"tapos ay umayos na kaming lahat para sa klase namin.
(END OF CONTINUATION)

"Ay oo nga pala"sabi ni rieza at nagpatuloy sa pagsusulat.

Third subject na namin to at hindi pa naman nag explain si sir. Bukas na lang daw niya ipapaliwanag yung new lesson namin. Sa ngayon ay ang gagawin lang namin ay magsulat. Ilang oras ang nakalipas at recess time na namin.

"Mj labas tayo"pag-aaya ng mga kaibigan ko.

"Okay sige" tapos ay bumili lang kami ng burger tsaka juice at bumalik agad sa room. Pagpasok namin sa room ay nakita kong nakaupo lang si ferris at walang kausap.

"Bae? Bat mag-isa ka lang?"sabi ko at tumabi agad sakanya. Tiningnan ko siya at teka hindi ba ito kumain?

"Masakit ulo ko bae"sagot niya habang hinihimas-himas yung ulo niya.

"Ha?! Bakit nman? Eto oh kumain ka bae"sabi ko at ibinigay sakanya yung pagkain ko.

"Wag na bae,ayos lang ako" si ferris. Yumuko nman siya at yung ulo niya ay nakasubsob sa table chair.

"Magpahinga ka lang bae.."sabi ko at hinawakan yung buhok niya,yung tipong hinihimas-himas ko.

Ilang sandali pa lang ay tapos na ang recess time. Nagsimula na ang klase namin sa next subjects. Hindi ko maiwasang hindi matignan si ferris. Halatang masakit parin ulo nya:(

Pagkatapos ng klase namin ay nilapitan ko agad si ferris.

"Bae? Clinic tayo halika"pag-aaya ko sakanya.

"Wag na bae, uwian na rin naman"sagot niya.

"Ferris may naghahanap sayo sa labas" sigaw ng kaklase ko kay ferris.
Napatingin nman agad ako sa labas at as usual yung dalawang babae na naman.

"Maglilinis muna ako" sabi ni ferris dun sa naghihintay sakanya. Tumulong na lang din ako sa paglilinis kasi class officer ako.

"Hoy okay ka lang?"tanong ng lalaki kong kaklase sakin.

"Ano ba wag ka ngang sumigaw" inis kong sagot sakanya.

"Hindi ka nga talaga okay"sabi niya. Hays ewan ko sayo. Napatingin naman ako at nakaupo yung dalawang babae sa upuan at hinihintay si ferris.

"Wag kang mag-alala pinsan niya yang dalawang yan" sabi niya. Hala? Teka totoo ba yun? Bat nman niya bigla-biglang nasabi sakin yan?

"Weeee?"paninigurado ko sakanya.

"Gusto mong patunayan ko? Ferr-arayyy!!"pagkasabi niya kasi nun ay bigla ko siyang hinampasan ng walis pero mahina lang. Napakadaldal nito! Oo na naniniwala na ako. May kung ano akong naramdaman sa nalaman ko,yung tipong magaan na yung loob ko at nasagot na yung matagal na tanong ko.

"Bae sabay na tayo pauwi?"tanong ni ferris sakin.

"Wag muna bae. May rule tayo dba?"sabi ko at nginitian lang siya.

"Ay oo nga pala bae" natawa rin siya ng mahina.

"Oh sige na bae hinihintay ka na ng mga pinsan mo. Ingat kayo"at nagbye rin siya sakin.

Hindi naman ako mag-isang lumabas ng school. Kasama ko si miko.

"Oh nasan na yung exercise mo?" tanong ni miko sakin.

"Wag na. Nakakapagod pala" tapos ay natawa na lang kami.

Grabe ang gaan ng araw ko. Nakauwi na ako at matulog muna upang makapahinga ako kahit konti😍

"Hello?"sabi ko na nakapikit pa. Nagising ako kasi biglang may tumawag, 3hours na pala yung tulog ko. Bumangon naman agad ako kasi nagugutom ulit ako.

"Mj ano nga ulit yung assignment natin?"si jev.

"Wait,check ko lang muna jev para sure"sabi ko at chineck sa notebook ko kung anong assignment namin. Pagkatapos ay sinabi ko na sakanya ang assignment namin.

"Salamat mj,nawala kasi yung kopya ko nyang assignment eh"si jev.

"Okay welcome jev"sabi ko at binaba na ang fone. Kumain muna ako ng merienda. Tapos ay pumunta ako sa internet cafe para isearch yung assignment namin. Yun naman kasi ang sabi ni mam,tsaka anong silbi ng Google kung hindi mo naman gagamitin no? Tsaka para rin makapag-usap kami ni ferris.

"Hi bae! Kumusta? Okay ka na ba?"message ko sakanya kaya lang hindi siya online eh. Pero naiintindihan ko naman kasi kailangan niya ring magpahinga.

Hinayaan ko na lang muna yung account ko na nakaonline at inuna muna yung assignment ko. Hanggang sa natapos na akong magsearch sa assignments ko pero hindi parin siya nagrereply. Kaya nanood na lang muna ako ng kung ano-ano sa YouTube.

"Bae okay na ako. Sorry natulog kasi ako,ngayon lang ako nagising"si ferris.

"Okay lang bae. Mabuti naman"reply ko. Tapos ay nag-usap kami. Masaya akong kausap ang boyfriend ko,tsaka may mga pa pick-up lines pa syang nalalaman ha. Kinilig tuloy ako.

"Bae kelan nga pala birthday mo?"tanong ni ferris.

"March 18,****. Eh sayo bae kelan?"sabi ko sakanya.

"June 20,**** bae"reply niya. Hala malapit na pala?! This coming Saturday na.

"Malapit na pala bae eh. Sigurado may handaan yan"reply ko sakanya.

"Pupunta kami nyan sa **** bae kasama pamilya ko, dun na lang rin daw magcecelebrate ng birthday ko"sagot niya. Talaga? Pareho pala kaming taga dun eh.

"Advance Happy Birthday Bae❤"sabi ko sakanya.

"Medyo malayo pa naman yun bae eh,ikaw talaga excited ka palagi bae. Pero thankyouuu bae"reply niya. Ayieee ano ba eh gusto ko lang kasi na ako yung pinakaunang bumati sakanya no.

"Okay bae mag-iingat kayo dun. Kelan balik nyo?"tanong ko sakanya.

"Bae naman,hindi pa nga kami nakakaalis tinatanong mo na agad kelan kami babalik" natawa naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, pero ayokong magtagal sila dun no.

"Pasensya kana bae haha"sabi ko.

"Biro lang yun bae ha. Sa byernes na yung alis namin tsaka hindi naman kami magtatagal dun bae. Awiee mamimiss mo ko no?"pang-aasar niya sakin. Oo mamimiss talaga kita pero syempre hindi ko sinabi kasi baka asarin pa ako lalo nito.

"Hindi ah. Bae, bye na kasi may gagawin pa ako sa bahay eh" paalam ko sakanya.

"Okay bae ako rin eh may gagawin"reply niya. Syempre hinintay ko namang sabihin niya ang...

"Bye, I love you bae"pahabol niya. Ayieee akoy kinikilig na naman ng bongga!❤

''I love you too bae"tapos ay umuwi na ako na kinikilig parin.

Nasa bahay na ako at iniayos ko na yung mga gamit ko para bukas sa school. Hanggang sa natapos ko lahat. Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako ng pinagkainan namin at humiga na. Napaisip naman ako kung anong ireregalo ko sa boyfriend ko. Hindi ko namalayan na sa kaiisip ko ay naka tulog na pala ako.

                    GOODNIGHT😴❤

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.1M 61.1K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
234K 6.9K 50
we young & turnt ho.
22.9K 100 18
naughty girl with naughty professor. story is kind of new and interesting. read it to enjoy it!
92.9K 3.5K 38
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.