Arabella's POV
Nagising ako ng 8 am dahil nagriring nanaman yung cellphone ko
Ara ang mama mo!
Ano ano ano pong nangyari kay mama? Sino po sila?
Ay hindi na importante iyon! Pumunta ka na dito sa tapat ng bahay niyo dali!
Agad kong ibinaba ang cellphone at tumakbo ako papunta kila mama nang makabangga ako
"Sorry po sorry po" kinuha ko ang mga bitbitin niya ar iniabot sakanya
"San ka pupunta?" Tanong ni Jerome
"Samahan mo ko kailangan ko agad puntahan si mama" pag aya ko sakanya
Agad naman kaming sumakay sa kotse niya
"K-k-kahapon si kuya ngayon naman si m-m-mama *hik* anong nangyayari?" Nanginginig kong tanong ang mga kamay ko ay patuloy na nanginginig
Hinawakan ito ni Jerome at masbinilisan pa niya ang pagddrive
Hindi nagtagal ay bumaba na ako
"Babalik muna ako sa ospital" sabi ni Jerome
Nakita kong isinarado niya ang bintana niya
Nagsimula akong maglakad
Tumingin ako kay Jerome
Nakita ko siyang nakahawak sa mukha niya at nakakunot
Nagulat naman ako nang makita kong bigla niyang hinampas ng malakas yung manibela niya bago umalis
Sorry kung nadadamay kita sa problema ko..
Yan nalamang ang naisip ko bago ko makita ang babaeng nasa harap ko
"Ara mabuti at nandito ka na halika" sabi niya
"Tita kayo po yung tumawag? Asan po si mama?" Tanong ko tapos nakita kong nakahiga si mama sa kama
"Hinimatay ang mama mo"
"Ano po bang nangyari?" Tanong ko
"Ang karenderya niyo kasi sinunog at giniba" paliwanag niya
"Ha?? Eh sino naman po ang gagawa nun?" Tanong ko
"Hindi ko alam pero sa pagkakaalam ko ay wala namang utang at kaaway ang mama mo"
"Sige po tatawagan ko po agad si papa" sabi ko tapos tinawagan ko agad si papa wala pang 5 minuto ay dumating na siya
"anong nangyari dito?" Pagod niyang tanong halatang pagod na pagod siya
Kinwento namin agad kay papa pagkatapos nun ay pumunta siya kaagad kay mama
"Tita salamat po dahil tinulungan niyo po kami ngayon" sabi ko tapos aabutan ko sana siya ng pambayad
Pero hinawakan niya ang kamay ko gamit ang mga kamay niya
"Ija handa akong tulungan kayo saiyo na iyang pera alam kong maskailangan niyo iyan lalo na't nasa ospital ngayon ang kuya mo isa pa, napamahal nadin kayo saakin" explain niya
Naiyak naman ako
"Titaaaaa *hik* salamat po talaga promise babayaran ko po ito" sabi ko tapos umalis na
Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng pera ngayon na kasi kailangan ng mga gamot ni kuya kami daw ang magbabayad nun
Binuksan ko agad ang alkansya ko at 8k lang ang laman nun napahinga ako ng malalim tapos kinuha ko nalang iyon at pumunta na sa ospital para magbayad
"Name?" Tanong nung nasa cashier
"Jaydee Cruz po" sabi ko sabay abot ng bayad
"Um miss nakabayad na po kayo 27 mins ago" sabi niya
"Huh? Nakabayad na?" Taka kong tanong
"Opo"
"Okay thank you po " sabi ko tapos umalis at tinawagan si papa
Calling papa..
Papa nakabayad na po ba kayo ng mga gamot ni kuya?
Mamaya pa naman bakit anak?
Magbabayad po kasi dapat ako pero bayad na po pala
Hindi ako ang nagbayad pati ang mama mo hanggang ngayon ay di pa gumigising ang mama mo
Sige po papa ako na po ang bahala i love you po
I love you din anak pasensya na kung di tayo mayaman pato tuloy ikaw ay nahihirapan na
Ok lang po yun papa masgusto ko pong nakakatulong kaysa sa walang ginagawa sige po papa mauuna na po ako
Binaba ko agad ang tawag at pumunta na ako sa kwarto ni kuya
Nakahiga siya at tulog padin hanggang ngayon
Napatingin ako sa couch at nakita kong natutulog din si Jerome
Wala siyang tulog kaya puyat at pagod siya
Kumuha ako ng kumot at kinumutan ko siya
Dahan dahan akong lumabas para magpahangin sa labas
Pumunta ako sa rooftop
Nang may biglang tumawag sakin
Unknown number calling..
Hello? Sino po sila?
Daddy ito ni Jerome meet me sa coffee shop na malapit sa ospital niyo ngayon
Now na p-?
Naputol ang sinasabi ko dahil pinatay na ang tawag
Muli kong sinilip sila kuya bago ako umalis
"Hello po" pagbati ko sa daddy ni Jerome
"Alam kong magirap ang pinagdadaanan mo so i have a proposal for you" sabi niya
"Ano po iyon?" Taka kong tanong
"Layuan mo ang anak ko"
"P-po?"
Nang biglang may binato siyang papel sa lamesa
"Name your price at wag na wag ka nang magpapakita sa akin ayoko nang makita yang mukha mong hiniram sa aso kunin mo na to wala ka nang choice wala na din naman kayong pinamumuhayan" sabi niya
"Kayo po ang sumunog sa karenderya namin?"
"Basura eh tsaka lote ko ang tinatayuan niyo i will decide anything i want" dugotng niya
Tumayo ako at kinuha ko ang check
"Mawalang galang na po PERO hindi po ako bayaring tao isa pa mahal ko po si Jerome kaya hinding hindi ko siya ipagpapalit sa pera niyo" sabi ko havabg pinupunit punit ko ang blank check
"Kung gusto niyo.. isaksak niyo pa yan sa baga niyo eto pa po o pera" pahabol ko sabay bigay sakanya ng 8k
"Paalam na po" huli kong sabi at yumuko ako
Itinikom ko ang kamao ko at napakagat labi ako
Hindi ko alam na babastusin ko ang daddy ni Jerome
Pero wala eh
Ok lang sana kung ako lang ang pahihirapan niya pero ang hindi ko makakaya kapag dinamay niya ang pamilya ko
Umupo ako sa isang tabi at tinitigan ko ang calling card ng CEO ng unìquę magazine
Naluha ako
Tatanggapin ko nalang ba
O hindi?
A/N: hi guuuuuyssss yieee may new update na ako sana maenjoy niyo to ah wait for my next chapters stay tuneeeed i love you all mwaaaah
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN! ♡♡