Tsumi No Hana

De Dollsienna

2.9K 204 26

Tsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist... Mais

Flower of Sins
Chapter 1: When First Love Blooms
Chapter 2: Solitary Life of Marcus Wraith
Chapter 3: Childish Dreams
Chapter 4: The Butterfly and the Flower
Chapter 5: Closing Time
Chapter 6: The Spider
Chapter 7: The Rivalry
Chapter 8: Man To Man
Chapter 9: Words to Words, and Sword to Sword
Chapter 10: A Moment To Treasure
Chapter 11: Let's Run Away
Chapter 13: Can You Hear My Heart?
Chapter 14: Unfaithful Vows
Chapter 15: Cutting Ties
Chapter 16: Between End and Beginning
Chapter 17: The War
Chapter 18: War Flames
Chapter 19: Another Wish
Chapter 20: The Birth of Tragedy
Chapter 21: The Princess
Chapter 22: Mysteries
Chapter 23: Golden Clues
Chapter 24: Piano Sonata
Chapter 25: Let's Escape Reality
Chapter 26: Sora no Bōken
Chapter 27: Red Knight's Flame
Chapter 28: Could No Longer Hold Your Hand
Chapter 29: Evil's Bloom
Chapter 30: The Girl
Chapter 31: Soleil
Chapter 32: Lucifiene
Chapter 33: Reign of the Everbleed
Chapter 34: The Ceremony
Chapter 35: I'll Turn a Blind Eye, For You
Chapter 36: Je suis désolé
Chapter 37: Crimson Ambition
Chapter 38: Prelude to War
Chapter 39: Queen of Hearts
Chapter 40: The Prince of Blue
Chapter 41: Love
Chapter 42: Repent.
Chapter 43: My Sin
Chapter 44: Rosalia d' Arc
Chapter 45: Revolt; Castle Seige
Chapter 46: Retribution
Chapter 47: Regret Message
Chapter 48: Daughter of Evil
Chapter 49: The New Era
Chapter 50: Rebirth
His Significance of Existence
Tsumi no Hana : A Memory

Chapter 12: Some Things Are Meant To Be

57 4 0
De Dollsienna

⚫ Lucille ⚫

Napaluha ako ng makita ko si Marcus ngayon. Ibinuka niya ang kanyang dalawang kamay para saluhin ako. Sa ngayon, iisipin ko muna ang sarili ko. Magiging makasarili muna ako, kahit ngayon lang. Hindi ko talaga kayang isipin na hindi si Marcus ang lalaking pakakasalan ko. Ma, Pa. Sorry kung gagawin ko ito. Wala na akong maisip na ibang paraan. Masyado na kasi akong nahihirapan.

Dahan dahan kong itinaas ang skirt ng pantulog ko, bumuntong hininga ako bago tuluyang tumalon. Kinabahan pa ako nung una kasi akala ko hindi ako masasalo ni Marcus. Pero gaya nga ng dati, hindi niya ako pababayaan. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan, ang kanyang amoy at yakap. Sobra ko itong namiss agad. Paano pa kaya kung malalayo ulit ako sakanya ng matagal? Ng makatalon ako ay hindi agad ako humiwalay kay Marcus. Nanatili akong nakayakap sakanya habang umiiyak. Hinaplos naman ni Marcus ang buhok ko.

"Shh, tahan na. Nandito na ako." Mas lalo lang akong naiyak ng marinig ko ang boses niya. Matagal kaming nanatili sa ganung posisyon hanggang sa kumalma ako.

"I knew you would come," sabi ko sabay ngumiti sa kabila ng pag-iyak ko.

"I'm sorry for taking you away now. If this is the only way to be with you, then I beg your parents my pardon." Sabi niya at nilahad ang kamay niya. Agad ko iyong tinanggap at naglakad na kami papunta kay Maximus. Bago pa man ako makasakay ay tinanggal ni Marcus ang itim niyang cloak. Isinuot niya ito saakin at binuhat ako pasakay sa likuran ni Maximus. Umupo na din siya sa bandang likuran ko. At tuluyan na kaming umalis. Nilingon ko muna ang bahay namin. At muli akong humingi ng tawad sa mga magulang ko sa huling pagkakataon.

Malamig ang simoy ng hangin na dumidikit sa aking balat. Hindi ko na itinanong kay Marcus kung saan kami pupunta. Ganun naman lagi diba? Kasi nasanay na ako. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Isang malaking kahangalan itong ginagawa namin, sadyang ganyan talaga. Marami kang nagagawang hindi inaasahan ng dahil lang sa pag-ibig. Kahit alam mong mali, gagawin mo parin. Bakit nga ba madalas ginagawa parin ng tao kahit mali? Para sakin, tama itong ginagawa namin. Matagal tagal rin ang itinakbo ni Maximus. Hanggang sa pumasok kami sa isang kagubatan. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Marcus at tiningnan ang mukha niya. Seryoso lang siya, pero kahit wala naman siyang ginawaㅡbumibilis ang tibok ng puso ko. At the same time, sumasakit. Bakit? Kasi alam kong hindi rin 'to magtatagal. Dahil habang tumatagal na kasama ko si Marcus, unti-unti ng nag sisink-in sa utak ko ang realidad.

Na ang salitang 'masaya' ay malabo na para samin.

"Where do you think you're going?" Agad napahinto ang kabayo ni Marcus dahil may lalaking nakatayo sa harap namin. Kinabahan ako kasi kilala ko ang boses na 'yun. Nakasandal 'yung lalaki sa isang puno at sa tabi niya ay may puting kabayo. Ngunit hindi lang siya nag-iisa, marami siyang kasama. Napaatras ang kabayo ni Marcus na si Maximus. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Marcus sa bewang ko. Tiningnan ko siya at nakakunot ngayon ang noo niya.

"Shit. Shit." Rinig kong sabi niya kahit halos pabulong na iyon. Muli kong sinulyapan 'yung lalaking nagsalita. Mabagal siyang naglakad papunta doon sa parteng maliwanag, kung saan doon tumatama ang sinag ng buwan. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Si Fienel nga ito. Kasama ang napakarami niyang kawal.

"Now, will you hand me down my fiancè?" Buong sistema ko ay agad na umatungal sa salitang 'fiancè'. Naglakad palapit si Fienel saamin pero nanatili paring nakahawak sa bewang ko si Marcus. Kahit naman na takasan namin sila, imposible. Dahil masyado silang madami at napaikutan agad nila kami.

"Hindi, hindi ko siya ibibigay sayo." Matigas na pagkakasabi ni Marcus. Bakas sa mukha ni Fienel ang pagka-inis.

"Sinasagad mo ba talaga ang pasensya ko, Marcus?" Pinasadahan naman ni Fienel ang buhok niya gamit ang mga daliri niya, out of frustration.

"If you're not giving Lucille to me the moment I said so, a punishment awaits you. You will be stripped from all of your title, you will not be recognized as a Knight anymore and you will live the rest of your life in the dungeons of Dustiel for stealing MY WIFE thus ruining my marriage." H-Hindi. Talaga bang magagawa ni Fienel lahat ng 'yun kay Marcus? Akala ko ba, halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa? Fienel would really go this far, just to get me? Balisang balisa na ako. Halos hindi na ako makapag-isip ng tama. Hahayaan ko nalang ba na ganun ang mangyari? Hahayaan ko nalang ba mahirapan si Marcus ng dahil sakin?

"Hindi mahaba ang pasensya ko, Marcus." Galit na ang tono ng pananalita ni Fienel. Dahil dun, nakapag pasya na ako. Gagawin ko ang tama. Yung klase ng 'tama' kung saan hindi na mahihirapan si Marcus ng dahil sakin. 'Yung hindi na niya kailangan pang danasin ang mga nag-aantay na parusa sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahan itong kinalas sa pagkakahawak niya. Napatingin siya sakin, mas lalo akong nahirapan sa gagawin ko dahil nakita kong lumuluha ang mga mata niya.

"Don't, Lucille." Sabi niya sakin. But I shooked my head and smiled. "I won't let those things happen to you, Marcus. Hindi ko kayang makita na ipadala ka sa Dustiel. Hindi ko rin kayang makita na tinatanggalan ka nila ng titulo at ituring ka nilang basura. Ayokong mangyari 'yun sayo ng dahil sakin."

"Wala akong pakialam dun, Lucille! Walang saysay ang mga bagay na 'yun kung wala ka." Ramdam na ramdam ko ang pagsusumamo sa boses ni Marcus. Napapikit nalang ako kasabay noon ang pagpatak ng mga luha ko. Pinipilit ko sa sarili ko na ito ang tama. Kahit na alam ng puso ko ay isa itong malaking pagkakamali. Mahirap na kasi ang sitwasyon, hindi na kami makakapalag pa. Hinaplos ko ang mukha ni Marcus, bawat detalye ng mukha niya ay tinandaan ko. Mula sakanyang makakapal na kilay, kulay brown na mga mata, matangos na ilong at manipis na labi. Bawat detalye at anggulo, tinandaan ko bago kusang bumaba mula kay Maximus.

"Sasama na ako, wag mo lang gawin 'yun kay Marcus." Muli kong nilingon si Marcus at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Napailing nalang ako at binaling ang tingin kay Fienel.

"Very well then," kinuha na ni Fienel ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa kabayo niya. Isinakay niya ako doon at nakita ko na naman ang mga matang pinpilit kong wag tingnan. Nakapako lang ang tingin niya sakin habang patuloy na umaagos ang luha. Sobrang bigat sa dibdib nitong ginagawa ko.

"And from now on, Lucille. Sa mansyon kana mananatili."

♠ ♠ ♠

Galit na galit ako kay Fienel pagkarating namin dito sa silid ko. Hindi yung silid ko sa bahay, kundi dito mismo sa mansyon niya. Anong karapatan niyang mag decide para sakin? Oh well, scratch that. I can think of a thousand reasons why he has the rights to decide for me. Kasi sa simula palang 'yun na talaga ang ginawa niya diba?

"Bakit kailangan mong gawin sakin 'to?! Iuwi mo na ako! Ayoko dito!" Sigaw ko. Narinig ko pa ang pagsara ni Fienel sa pinto. Tiningnan ko siya, isang masakit na tingin.

"You must understand Lucille na kailangang dito kana magstay. Ng dahil sa nangyari, kinailangan kong gawin 'to. I have to make sure na mababantayan kita. At hindi ka na makikipagkita kay Marcus from now on."

"Hindi naman mangyayari 'yun kung hindi mo ako pinilit sa bagay na'to! You're too selfish, Fienel. Talaga bang magagawa mo ang lahat ng bagay na 'yun kay Marcus? I even remember him saying na, 'parang kapatid' na ang turing niya sa'yo. But did you ever treated him the same?" Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.

"Nung nalaman ko ang kasal na'to, at nung kausap na natin ang iyong amanarinig mo ba akong nagreklamo? Hindi diba? Kaya bakit kailangan mo pa kaming pag bawalan magkita? Hindi mo ba nakikita kung gaano kahirap para sakin 'to? Kung gaano kahirap para sakin tanggapin lahat? Kahit kelan hindi mo inisip ang mga nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo. Ang sakit para sakin na hindi ako makapag desisyon para sa sarili ko. Ang sakit para saking unawain na hindi talaga kami pwede ni Marcus." Tuluyan na akong bumigay at napaupo ako sa may kama. Kahit kanina pa ako umiiyak, hindi manlang ako nakaramdam ng antok. Hindi manlang ako napagod kakaiyak. Nakatakip pa sa mukha ko ang dalawa kong palad. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Fienel kaya agad akong kumalas.

"Kaya lang naman hindi ako makatanggi ay dahil sa iyong ama." Natulala sakin si Fienel, kita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Ano pa bang aasahan niya? Malinaw naman sakanya kung sino talaga ang mahal ko diba?

"Kasi hindi ako makasarili, Fienel. Iniisip ko ang mararamdaman ng Hari. He's looking forward to this forsakened marriage. Hindi naman pwedeng sabihin ko na ayaw ko nalang bigla." Hindi na ako nag-aksaya pang magpunas ng luha dahil tutulo at tutulo din naman ulit sila.

"Naiintindihan ko, kung yan ang nararamdaman mo."

"Naiintindihan mo ako? Don't make me laugh, Fienel. Kasi kung naiintindihan mo ako, you shouldn't have forced me into this. Malinaw sayo na hindi kita mahal pero nag bubulag bulagan ka. Wala kang pakialam. Wala kang pakialam kung gaano kasakit para sakin 'to. Wala kang pakialam kung mahihirapan ba ako, kasi ang alam mo lang ay yang sarili mong nararamdaman. DON'T EVER THINK THAT I WILL LOVE YOU BACK." Lahat ng 'yun, isinampal ko kay Fienel. Siguro naman natauhan na siya? Pero kung matauhan man siya, malabong may mag bago. Pagkatapos kong sabihin 'yun ay hindi na siya nagsalita. Nakita ko siyang umiyak pero he didn't say a word. Tumayo na siya at nagtungo sa pintuan. With that, he disappeared infront of me. Natulala nalang ako. Pero hindi ko inaasahan na may dadating pa dahil muling nagbukas ang pinto. Napatayo ako ng makita sila Mama at Papa. Mabilis na naglakad si Papa at ang sumunod na nangyari ay hindi ko insahan.

Isang malakas na sampal ang natanggap ko.

Hindi ako nakapag react agad. Nakahawak lang ako sa pisngi ko habang nakatingin kay Papa.

"Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo, Lucille. Talaga bang sasama ka sa lalaking iyon?! Hindi mo ba talaga naiintindihan ang gusto naming mangyari?!" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Papa.

"Bakit, Pa? 'Yung gusto ko bang mangyari naiintindihan niyo? Kilala niyo si Marcus, Pa. Para namang naiba na siya sainyo. Bakit ba lahat nalang kayo pinipilit ako sa bagay na hindi ko gusto! Anak niyo ba talaga ako? Bakit pakiramdam ko isa lang akong puppet dito at wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa mga gusto niyo? Hindi niyo talaga inisip ang nararamdaman ko. Kayo na magulang ko, ang unang dapat makaintindi sakin! Pero bakit, bakit ganito Pa? Palibhasa hindi niyo naman naransang ikasal sa taong hindi niyo mahal, hindi niyo naranasangㅡ"
Muli na naman akong nakatanggap ng isang malutong na sampal mula sa aking ama. Nakita kong pinipigilan siya ni Mama pero maski si Mama ay walang nagawa.

"Ano ba talagang halaga ko sainyo?" Hindi sila nakasagot. Nakatayo ako doon at hindi ko alam kung paano ko pa nakakayang tumayo. Kasi sa totoo lang hinang hina na ako. Pagod na pagod ako at hirap na hirap.

"You're impossible." Tila isang malaking kutsilyo ang tumusok sakin ng sabihin 'yun ni Papa. Hindi narin ako nakapagsalita, siguro dahil pagod na talaga akong ipaintindi sakanila ang nararamdaman ko pero wala namang nakikinig. Iniwan nalang ako doon nila Papa na mag-isa sa kwarto ko.

Kelan pa naging pagkakamali ang mahalin si Marcus?

Ginawa ko naman ang tama, pero bakit maling mali parin ako?

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na kinakanta 'yung kantang nagpapaalala sakin kay Marcus. I was humming in tears, as I was replaying that day in my head. Some things are meant to be, then tell me Marcus. Is this meant to happen for us? Are we meant to struggle and hurt like this?

Will our memories survive?




End of Chapter 12

♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦

A/N : Credits to Deep Snaps from twitter for the pic above! :D

Continue lendo

Você também vai gostar

154K 3K 22
Anastasia Dela Cruz isang mafia princess na na-reincarnate as Anastasia Vamzyr isang prinsesang inaapi dahil sa kawalan nito ng kapangyarihan at laka...
2.2K 48 53
"Do we need a reason to love someone or to be loved by someone? Do we need to plan on how to be loved or plan on how to move forward without even let...
499 54 24
Maydine "Kiss your life goodbye." I'm not that kind of fan if I'll know na mayron ring ibang admirers ang idol ko. It's natural I think. So here's...
9.4K 82 4
In this lifetime, we all want happiness. People are afraid of pain, suffering, and heartbreak, so as much as possible, they avoid them. But life keep...
Wattpad App - Desbloqueie funcionalidades exclusivas