DJ’S POV
Nakakatamad naman dito! Buti na lang binuksan ni Kath ung radio. Aba, Something About You ang kanta. Nakaka-relate ako dito, huh. Magsimula kasi nang makilala ko siya, marami na ang nagbago sa akin. Kung dati, womanizer ako, chickboy, bad boy pero ngayon, di ko masikmurang lokohin si Kath kahit na fake lang kami. Nung nag-away kami, nagalit ako sa kanya, pero, di ko siya natiis kaya agad ko siyang napatawad. Isang smile lang niya, solve na ang araw ko. Nawawala ang mga problema ko kapag nakikita ko siya. Di ko alam kung anong meron siya na wala ang ibang babae. Napatino niya ako nang hindi ko alam.
Aish! Andrama ko! >.<
Yan, di ko tuloy napansin na andito na pala kami.
“Dito na pala tayo,” sabi ko sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin. Di ko napansin.
“Ah, okay,” matipid niyang sagot. Haha, huli ka.
“Nagagwapuhan ka na sa akin, noh?” tanong ko.
“Ano? Kapal mo!”
“For the nth time, payat nga ako. Hindi ako makapal. Sus, eh bakit ka nakatingin sa akin?”
“Ah eh. Tinitingan ko lang kung anong nagustuhan sa iyo ng mga babae.”
“Pakita ko sa’yo? Eto oh,” tapos finlex ko ang biceps ko.
“Yan ang nagustuhan nila sa’yo? Come on, give me a break. Eh, kasing-nipis yan ng toothpick eh.”
“Ah, ganun? Eh, ikaw? Anong nagustuhan nila sa iyo?”
“Kagandahan ko.”
Aba, mahangin pa ang chaka.
“Kagandahan? Eh, pisngi mo palang siopao na eh.”
“Ewan ko sa’yo, PATPATIN!!”
“SIOPAO!”
“PATPATIN!”
“SIOPAO!”
“PATPATIN!”
“Tara na nga! Hinihintay na tayo nila Mama.”
“Haha, pikon.”
“Pssshhh.”
“Alam mo, ang cute mo pala kapag napikon ka. Promise, from the heart yan ah.” Bigla akong napatigil sa sinabi niya. Ako? Cute? Marami na ang nagsabi niyan. Pero, iba ang dating nung siya ung nagsabi. Hinarapan ko siya at linapit ang mukha ko sa mukha niya.
“Aminin mo na kasi na may gusto ka sa akin.”
“Tss. Yabang. Tara na nga.”
Pumasok na kami ng bahay. Andun na si Kuya Enchong tsaka si Ate Erich, si Ate Colleen tsaka si Kahlil, si Julia tsaka si Coco.
“Ano ‘to? Interview ng mga syota?” biro ni Papa. Tawa to the max kami.
“Haha. Ano bang magagawa natin? Andito na lahat,” sabi ni Mama.
“Ganito na lang ang gawin natin, para madali. Isa-isa ko kayong kakausapin sa kitchen,” sabi ni Papa. Pumayag naman lahat.
“Mauna ang late,” sabi ni Mama. Lahat tumingin sa amin. Pwede naman kasing sila Julia muna. O kaya sila Ate Colleen. O kaya sila Kuya Enchong. Bakit kami pa? Haist, bahala na nga. Hinawakan ko sa kamay si Kath at pumunta na ng kitchen.
“Kinakabahan ako,” bulong sa akin ni Kath.
“Huwag kang mag-alala. Andito naman ako. Tsaka, hindi naman nangangain ng tao parents ko.”
-------------------------------------------------------------------------------------------
A/N :
Comment and vote naman po kayo. May nagvovote nga, wala namang nagcocomment. Pati ung poll last chapter, walang sumasagot. Hindi ba kayo makapili o sadyang hindi niyo naaapreciate ung mga gawa ko? Sorry ah, kung mainit ung ulo ko. Nakakdisappoint lang kasi. Parang walang nagbabasa. Kailangan ko rin naman ng feedbacks niyo para malaman ko kung ano ung gusto niyong mangyari sa story. Kung gusto mangayari ung iniisip niyo, comment niyo lang! Baka masali ko pa sa storyline ko. O diba happy tayo lahat?
Please lang, mag-comment lang kayo and vote ah!
Sorry kung mainit ang ulo ko today ah. Sana di kayo magsawa sa pagbasa ng story ko.
Tsaka po ung sa poll last chapter, sagot po kayo ah. Please! Para alam ko kung ano ung sisimulan. Noh? Noh? Mabait kayo alam ko.
Tsaka pala, wag na kayong magpa-PO. Feel ko ang tanda tanda ko na.
Un lang. Sige bye!
PS : Titigil ko na pala ung mga Now Playing. Pero kung gusto niyo ituloy ko, comment niyo lang.
Un lang talaga.