Julya's Pov
Pagkatapos ko makapag ayos ng sarili ay pinuntahan ko agad si Tatay.
At ng maamoy ko na naman ang niluluto nya ay sinundan ko yun.
"Tatay?" -Me
"Oh.. Anak! Buti gising ka na.. " -Tatay
Gusto ko syang mayakap at nagawa ko yun na kahit man di ako makakita ay naiisip o naiimagine ko kung nasaan sya dito sa kusina. Minamasdan ko ang dinadaanan ko hanggang sa mahawakan ko sya at sabay yakap ko na sakanya.
"Tatay, sorry.. Hindi naman ho ako galit sainyo" -Me. At naramdaman kong niyakap nya na din ako.
"Naiintindihan kita, Anak! Hindi din ako galit sayo pero galit ako sa nalaman ko" -Tatay
At ng matapos ay nag simula na din akong kumain at inaya ko din si Tatay kaso kumain na raw sya.
"Nga pala, Anak. Si Kuya Xavier na ang taga hatid sayo. Tsaka si Yassi daw, hindi muna makakapasok ngayon" -Tatay
"Huh? Bakit?" -Me
"Nagkasakit daw sya bigla" -Tatay
Wala nalang ako naisagot ._.
Hindi ko man lang kasi sya natawagan kahapon eh. Nalimutan ko na din nun dahil sa kakaisip ko ng iba't iba.
Sana di naman masyadong malala ang sakit nya.
.....
At nang makarating na kami ng school ay nagpasalamat muna ako kay Kuya Xavier bago makatuloy.
"Basta andito lang ako hanggang uwian mo. Dumeretso ka kaagad, dito sa gate" -Kuya Xavier
Huh? Hahantayin nya ba ako hanggang uwian ko?! Baka naman mainip sya.
"Mag sstay ka ba dito?" -Me
"Oo at utos ito ng Tatay mo, lalo na kay Yassi kasi kung di ko daw gagawin ay malalagot daw ako" -Kuya Xavier
Di ko napiglang napatawa😂
"Anong nakakatawa?" -Kuya Xavier
"Hhahaha natatakot ho ba kayo kay Yassi?" -Me
Hindi noh! Hindi ako natatakot sakanya kundi kagustuhan ko din naman ito at alam mo na yun, Julya. Sige na! Pasok ka na dun at diretso agad dito pag uwi" -Kuya Xavier
Napangiti at tumango nalang ako at tumuloy na talaga ako.
.
.
.
"Julya!"
Nang pakiramdam kong nasa kalayuan na ako nun ay may isang tao pang tumawag saakin pero hindi yun si Kuya Xavier. Iba ang boses ng tumawag saakin.
Pero kahit iba ay parang narinig ko na ang boses nya noon. Di ako sigurado kung sya yun.
"Ihahatid na kita"
Parang pamiliar talaga ang boses.
At kinagulat ko ng hawakan nya ang isang kamay ko na sabay inilakad nya ako.
"Saan mo ako dadalhin? Sino ka?" -Me
"Syempre dadalhin kita sa classroom mo"
At kinapansin ko pa nun na malamig ang kamay nya at ang lambot pa. Parang kamay ng babae lang.
Hindi nalang ako sumagot nun at sumusunod na lamang sakanya. Pero habang naglalakad kami ay pati ang amoy nya, pamiliar saakin.
"Andito ka na!"
Pero bago pa sya makaalis ay may pahabol pa akong sinabi.
"Teka lang.. " -Me
"Ano yun?"
"Salamat😊 pero pwede ko bang malaman pangalan mo?" -Me. Ngumiti talaga ako pero ng mag tanong ako ay nawala yun.
At narinig kong napabuntong hininga sya na umaasa akong sasabihin na nya ang pangalan nya kaso
"Sige.. Pupunta na din ako ng classroom ko"
Kaso hindi naman nya sinagot ang tanong ko kaya hindi ko na sya tinawag pa o hinabol.
"O.MA.GADDD"
At bigla naman akong nagulat ng may baklang sumigaw sa likod hahahha
Isa din sya sa mga kaibigan ko.
"Ano yun, Gurlalu~~ Si Travis talaga taga hatid mo dito?! Nasaan si Yassi?!"
"Si Travis yun?!" -Me
"Yes, gurl! Hindi nya ba sinabi sayo?"
"Hindi tsaka hindi ko naman kagustuhang ihatid nya ako eh, sya namang kusang mag hatid daw saakin dito. Pero kilala ko si Travis pero hindi ko alam na sya yun" -Me.
Kaya lalo pa syang kinilig nun.
"At si Yassi pala, may sakit daw kaya di muna sya makakapasok ngayon" -Me
Wala na akong narinig na sagot nya kaya nag aya na akong pumasok na sa classroom.
Pero... Iba pala classroom ni Travis. Hindi pala kami magka klase. Pero ka year din ba namin sya?
Kaya ng makaupo na ako nun ay since ang katabi ko dito ay yung bakla na yun, kaya sya ang tatanongin ko.
"Nga pala.. Ano palang year nung lalakeng yun?" -Me
"Yieeeee crush mo na sya ner😆?"
"Hala.. Hindi noh! Nag tatanong lang" -Me
"Ahahahahhha ang ganda mo talaga, gurlalu!!! Ka year din natin sya"
Kaya pala. Kaya ba sinabi ng tatay nya na makipag kaibigan ako sakanya? Pero paano naman? Tatay nya nga si Kuya Harry at possi bleng hindi papayag si Tatay at ang iba pa na makipag kaibigan ako sakanya. Hindi ko alam gagawin ko.
Tsaka bakit hinatid nya ako? Anong nangyare? Dahil sa kabulagan ko na naman ba?! Kaya ko na nga sarili ko eh.
......
Third Person's Pov
Sorry talaga sainyong lahat. Napilitan akong gawin ito eh. Bampira man ako pero... Mas lumakas na lalo si Harry ngayon.
Malakas din naman sya noon pero ngayon ay lalo na syang lumakas pa at nauso na din saaming mga bampira at lobo ang mga klaseng kapangyarihan at nanggaling yun sa bagong libro namin, kumbaga ay yung librong yun ay connectado saamin.
At kung sinong mamatay saaming mga nilalang ay mawawala sila dun sa libro, kumbaga nakalagay dun ang mga pangalan namin. Bampira man o lobo.
Nagulat nga kami ng mailagay yun eh at masasama din mga may anak dito, kagaya ni Yassi.
"Oy tapos mo na ba yan?"
Kinagulat ko ng biglang may sumulpot dito at si Harry naman talaga yun eh.
"Hindi ko pa tapos ito, Master at dahil nakulangan pa ako" -Me
Kaya tinignan nya ng mabuti kung ano ang kulang na iyon at yun ang isa sa mga dapat ko pang gagamitin sa experiment.
"Sige. Bibilhan kita at aalis na ako ngayon. Magpa hinga ka muna"
Tumango na lamang ako.
Yassi's Pov
Nang maidilat ko na ang mga mata ko ay katabi ko na si Popshie dito. Pero di naman sya nakaiga kundi nakaupo lang sya sa upuan na nasa side ko.
"Popshie?" -Me
"Ano ng nararamdaman mo?" -Popshie
"Masama parin pero.. Bakit ho kayo nandito? May kailangan ba akong malaman? Pumasok na ba si Ate Julya? Nasabi na ba ni Tito JV kay Kuya Xavier na sya na muna mag hahatid kay Ate Julya at hanggang pauwi din?" -Me
Napatulala tuloy si Popshie saakin, kaya natawa nalang ako😅
"Hahahaa.. Sorry, Popshie. Bigla ko naisip si Ate Julya. Eh kailangan doble protekta na ako sakanya..." -Me. Oops🙊..
Hindi ko dapat sinabi yun🙈
"Bakit, anak?" -Popshie
"Hehe.. Wala, Popshie. Alam nyo namang gaano ko kamahal yun😊💕" -Me
"Alam mo ba kapag lagi kayo magkasama ni Julya, yung kasayahan ninyo, yung pagiging samahan ninyo.. Naiisip ko din ang mag kambal sainyo" -Popshie
"Si Popshie! Marunong na talagang mag drama😂😂 Kakagising ko nga lang e.. " -Me
At sabay nalang kami napatawa.
"Pero, anak.. May dapat ba akong malaman?" -Popshie
Pero naisipan kong wag na muna nilang malaman ang mga iyon. Ako na muna ang bahala dun.
"Wala, Popshie😊" -Me. Sorry ho ._.
......
Lunch time🔔
Julya's Pov
"Uy, gurlalu.. Yayain mo na si Travis sa canteen!"
Kanina pa pumipilit itong katabi kong bakla. Kahit sabi ko na ngang ayoko ay ayan pa din sya😅
"Ay nako.. Oo na oo na. Yayayain ko na sya. Pero kung di sya pumayag ay wag na nating pilitin pa" -Me
Kaya natuwa na sya ng sobra kaso may isa pang taong sumingit saamin na pamiliar din saakin ang boses pero di ako nag kakamali na isa din sya sa mga kaibigan ko (kumbaga silang dalawa ay pinaka close ko pero hind lang naman silang dalawa)
"Ayy.. Wait.. Yayayain ninyo si Travis?"
"Oo. Bakit?" -Me. Sa pagka sabi nya nun ay parang may kunting alala.
"Nasa detention kasi sya ngayon. Umagang-umaga nga eh, ayunn.. Tumigas ang ulo kaya napasok dun at hanggang gabi sya dun"
Napa 'hala'nalang ako pero si bakla ay sobra namang maka react.
"Edi paano na natin mayayaya si Travis nyan, mga gurlalu😖😖"
"Puputahan ko sya. Pwede nyo ba ako masamahan dun?" -Me. First time ko kasing mapupunta dun at never ko pa yun nadaanan man lang. Wala mang taong bumabanggit saakin nun kundi ngayon lang.
At nag tanong pa muna si Bakla, "Sure ka ba? Kanina lang, ayaw mo. Tas ngayong, nasa detention sya. Bigla bigla mo na syang pupuntahan"
Hindi ko din alam kung bakit pero... Magaan ang loob ko sakanya. Kahit man ambastos nya ay naiintindihan ko sya.
"Basta samahan nyo lang ako, papunta sa detention at pwede nyo na ako iwanan dun" -Me.
.....
At nang masamahan na nila ako ay nagpasalamat na muna ako.
"Gurl, mag hahantay kami sayo"
Papasok na sana ako nun ng mag pasalamat na ako pero
"Huh? Hindi na! Ako ng bahala sa sarili ko. Salamat talaga sainyo" -Me
Mabuti nga'y walang nag babantay dito kaya pwede sinong makakapasok.
At nang makapasok na ako nun ay sobrang tahimik ng lugar na daig na nakakabingi.
"Travis?... Andyan ka ba?" -Me
"Oo, andito ako" -Travis
Bigla naman akong nagulat ng marinig ko sya agad sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo ditong bulag ka?! Paano mo nalaman na nandito ako?" -Travis
"May nag sabi saakin at pinunta kita dito" -Me
"Hahah.. Nagpapatawa ka ba?! Ay ang swerte ko namang magkaroon ng yayang tulad mo na bulag pa!" -Travis
"Bakit ka ba ganyan saakin? May nagawa ba akong masama sayo?!" -Me
Tahimik na naman ang paligid nun pero hinahantay ko lamang syang sumagot na maya't maya ay hinawakan nya ang kabilaan kong balikat at kinagulat ko ng tinulak nya ako ng kunti hanggang mapadikit ako sa pader.
"Travis, anong ginagawa mo?" -Me
"Wala. Gusto ko lang matignan ng mabuti ang mga mata mo" -Travis
Hindi ko napigilan mapalunok at nararamdaman kong malapit ang mukha nya sa mukha ko.
"Hmm.. Ang ganda mo pala noh! Kaso nga lang... " -Travis. Pinutol nya pa talaga ang sasabihin nya eh.
"Kaso nga lang ay bulag ako. Dba?" -Me
"Kaso nga lang ay.... Kalaban kita" -Travis
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako kagaya ninyo. Isang tao lamang ako at marunong man ako lumaban ay hindi yun gaanong malakas na" -Me
At naramdaman ko naman na napahawak sya sa pisngi ko hanggang dahan-dahan nyang maipunta iyon sa leeg ko.
Gusto ko man sya maitulak na kaso.... Baka bigla nya ako attakehin.
"Kawawa ka talaga saakin, Julya Tremaine" -Travis
"Wag mong sabihing kakagatin mo ko..?" -Me
Hanggang ngayon kasi ay nakahawak parin sya leeg ko habang minamasdan nya pa iyon.
"Ummm..... Pwede ko bang gawin.. Ngayon na?" -Travis
Napapikit na lamang ako.
Pero please... Wag nyang gagawin. Gusto ko talaga sya itulak pero.... Nanghihina ata ako pagkarating sakanya. Pleasee... Tulungan nyo ako.... Nanay.. . .