SWEET ACCIDENT - COMPLETED 20...

By WeirdyGurl

524K 13.6K 1.5K

VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HE... More

PREFACE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
NOTE
Chapter 23 (Repost)
Chapter 24 (Repost)
Chapter 25 (Repost)

Chapter 22 (Repost)

10.7K 288 23
By WeirdyGurl

NOTE: Ang susunod na mga kabanata ay repost chapters for the convenience of those who cannot view the private chapters despite all the troubleshoots. To those who can view the private chaps you can just ignore, skip at baliwalain 'to gaya ng ginagawa ng crush sa inyo. Huwag ma stress mababasa n'yo rin 'to ng buo dahil mahal ko kayo. Ako ang mag-a-adjust haha. If only, alam kung 'di na mababalik ang private chaps to public 'di sana 'di ko na ginawa diba. Nasa huli din ang pagsisi. You don't need to follow me anymore, you can read it na for free. Thanks.




"TEXT, wala na ba talaga? Huwag ka namang ganyan saken. Alam kong namang napipilitan ka lang kay Danah lalo na't dinadala n'ya ang anak ninyo." Hinawakan ni Lyra ang kamay ni Text. "Alam kong mahal mo parin ako. Alam kong nagawa mo lang naman 'yon dahil saken... pero Text, hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa kanya. Hindi mo kailangang kalimutang ang kaligayahan mo dahil sa responsibilidad mo sa kanya." Gulat na may pagtataka ang ibinigay niyang tingin kay Text nang alisin nito ang kamay niya. Patuloy parin ang pagtulo ng kanyang mga luha. "T-Text?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo Lyra?" seryoso ang mukha nito. T-text? "Hindi responsibilidad saken si Danah at ang anak namin. Mahal ko siya. Siya ang kaligayahan ko. 'Yon ang totoo. I'm sorry, but I think you're not the same Lyra I love before. Ibang-iba ka na Lyra."

"T-Text, ano ba?!" sigaw niya. "Ako ang mahal mo. Kilala kita, a-alam kong, alam kong napipilitan ka lang bumawi sa kanya..." she couldn't hardly breath. Hindi pwede! Alam niyang siya talaga ang mahal ni Text at hindi si Danah. Matapang na sinalubong niya ang tingin ni Text. "Alam kong ginagawa mo lang ang tama... ang tama kahit 'di naman talaga 'yon ang gusto mo."

"Lyra hindi! Makinig ka saken." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. "Wala na tayo. Oo, ginawa ko 'yon dahil nasaktan ako. Patawad. Pero hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sayo. Mahal ko si Danah. Mahal na mahal." Bumuntong-hininga ito saka siya binitiwan. Naiwang nakatutulala lamang si Lyra. "Pero hindi ko inasahan na magagawa mo 'yon saken Lyra. Akala ko, maiintindihan mo ako."

Hindi matanggap ni Lyra ang sinabi sa kanya ni Text. Hindi siya naniniwala. Nagsisinungaling lang si Text.

"Lyra –"

Tumakbo na siya at iniwan si Text. Patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha sa mata. Hindi! Hindi! Hindi pwedeng mahalin ni Text si Danah. Namataan niya sa 'di kalayuan si Danah. Naikuyom niya ang mga kamay. Kasalanan lahat ng babaeng 'yon ang lahat! Kasalanan niya!

"Sandali lang,"

Akmang lalagpasan niya na lang ito nang tawagin siya nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

MAAGANG pumunta si Lyra sa bahay ng mga Silva. Nagtaka siya sa kakaibigang katahimikan ng buong bahay. Nasalubong niya si Mateo. Seryoso ang mukha nito nang magtama ang mga mata nila. Akmang lalagpasan siya nito nang tawagan niya.

"Teka lang Mat," nilingon niya ito.

"Kung hinahanap mo ang pinsan ko wala siya dito. Hanapin mo kung gusto mo total magaling ka namang humanap ng paraan." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Bakas sa tuno ng pananalita nito ang disgusto sa kanya.

"Hindi ako pumunta dito para kay Text. Kakausapin ko lang si Lola Consol."

"Suit yourself,"

"Saan si Danah?" dagdag na tanong niya na rin.

"Umalis na si Danah." Mapang-uyam siya nitong nginitian. "Pakasaya ka na."

Tila sinipa ang dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa siya ay nalungkot siya. Naisip niya si Text. Naipikit niya ang mga mata at mariing napabuntong-hininga. Umalis na si Danah.





BLANKO ang ekpresyon na ibinigay ni Text kay Lyra nang makita siya nito sa labas ng simbahan. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya ito nilapitan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" kinabahan siya nang hindi ito sumagot agad. "Please, Text." Pakiusap niya. Bumuntong-hininga ito bago tumango. "Salamat."

Tahimik na pumasok sila sa loob ng simbahan at naupo sa pinakalikod na upuan.

Tahimik lang talaga ito sa tabi niya. Bumigat ang nararamdaman niya. Sa nakikita niya kay Text ngayon tila nawala lahat ng rason nitong mabuhay at maging masaya. Malayong-malayo sa masayahin na Text na nakilala at minahal niya.

Pagod na pagod ang anyo nito.

Mabigat sa loob, nasasaktan siya para rito. Alam niya kasing siya ang may kasalanan kung bakit nasasaktan ito ngayon.

Humugot siya ng malalim na hininga bago ulit nagsalita.

"Bago ko sabihin ang nararamdaman ko gusto kong sabihin mo muna lahat ng gusto mong sabihin saken Text. Lahat ng galit mo. Lahat ng sama ng loob. Tatanggapin ko 'yon. Alam kong masyado na akong unfair sayo. Kaya heto, ito na ang pagkakataon mo. Makikinig ako."

They were silent for a moment.

"Dalawang beses," simula nito. "Dalawang beses Lyra. Dalawang beses mo akong sinaktan. Masakit na noong unang... nang sumuko ka... pero mas masakit ang ikalawa."

Naninikip ang dibdib niya. Damang-dama niya ang paghihirap ni Text. Ang lahat ng sakit na ibinigay niya rito. Huminga siya dahil kapag 'di niya 'yon ginawa 'di na siya makakahinga.

"Hindi lang si Danah ang nawala saken... nawala din saken ang pag-asa na makasama silang dalawa ng anak namin. Umasa ako, umasa ako Lyra na mauunawaan mo ako. Pero bakit nagawa mo parin saken 'yon? Gusto kong magalit pero pagod na pagod na ako. Pagod na akong magalit dahil alam kong 'di parin nun maibabalik si Danah saken. Alam kong may kasalanan din ako. Siguro nga, nagkulang ako sayo sa mga panahon na 'yon kaya sumuko ka. Pero hindi ko na maibabalik 'yon. Hindi ko na maibabalik ang dati Lyra. "

Parang dinurog ang puso niya nang makitang tahimik na umiiyak si Text sa tabi niya. Gusto niya itong yakapin at aluin pero alam niyang hindi siya ang tamang tao na makakapagbalik sa kaligayan nito. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang maiyak. Patawarin mo ako Text.

"A-Ang sakit Lyra. Ang sakit, sakit. But I know, I deserved it. Tama lang na iniwan ako ni Danah. Wala akong kwentang tao. Sinaktan ko siya. Ginamit ko siya dahil hinayaan ko ang sariling kainin ako ng galit ko sayo. Tama lang na kabayaran ito sa mga ginawa ko. She doesn't deserved a man who couldn't forgive his painful past."

"T-Text... h-huwag mong sabihin 'yan. Kung mahal mo siya dapat ipaglaban mo siya. Alam kong mali ang ginawa ko. Patawad. Kasalanan ko lahat ng 'to. Nagpadaig ako sa selos at pagsisi sa ginawa ko sayo. Kasalanan ko dahil hindi kita pinaniwalaan na mahal mo ako. Kasalanan ko dahil naging mahina ako... natakot ako na baka iwan mo lang ako. Dahil doon, naging makasarili ako. Sarili ko lang ang inisip ko. Ako ang dahilan kung bakit nagawa mo 'yon."

"There is no one to be blamed Lyra. Nangyari ang lahat ng 'yon dahil 'yon ang resulta ng mga ginawa natin. At dapat tanggapin natin 'yon." Mapait na ngumiti ito sa kanya. "Sometimes, we just have to learn how to live with the pain and move on from a painful past. Huwag mong sisihin ang sarili mo Lyra."

Bakit ba ang bait-bait mo Text? She doesn't deserved any of his goodness. Malaki ang kasalanan niya rito. Pero bakit Text? Bakit ang bait-bait mo parin saken?

Tuluyan na siyang napaiyak.

"I'm sorry, Text!" hikbi niya. "Sorry dahil nasaktan kita. Sorry dahil doon sa sinabi ko umalis si Danah. Kung may magagawa lang ako... kung may magagawa lang ako para bumalik si Danah. Sabihin mo lang Text. G-Gagawin ko."

"Don't cry," ngumiti ito bago itinuon ang tingin sa altar. "Mahalaga ka din saken Lyra. Ikaw ang unang babaeng minahal ko... kaya gusto ko, patawarin mo ang sarili mo. Maging masaya ka. Kahit man lang makita kitang ngumingiti ulit, okay na ako. Huwag mo na akong alalahanin."

"T-Text?"

"Masakit, oo. Pero alam kong 'di ako nag-iisa."

Sinundan niya ang tingin ni Text. Napatitig siya sa malaking cross sa harap ng altar. Dahil doon, mas naiyak pa siya. Dios ko, Text doesn't deserved this pain. Sana po ay ibigay N'YO po sa kanya ang kaligayahan niya. Sana po. Please po. Kahit itong hiling ko na lang na ito ang matupad.

"I-I'm sorry," she can't help but sobbed.




ILANG araw nang nagkukulong sa silid nito si Danah. Simula nang umuwi siya ay 'di pa niya kinakausap ang mga magulang niya. Hindi niya naman pinapababayaan ang sarili dahil makakasama 'yon sa baby. Kaya lang 'di niya talaga magawang sabihin sa mga magulang niya ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Text.

Wala siyang lakas na loob na magkwento lalo na't nasasaktan lang siya kapag naiisip niya 'yon. Naiiyak na lang siyang mag-isa. Si Font na nga lang ang karamay niya pero 'di parin niya ito magawang sagutin. Font could only sigh whenever he tries to bring up Text in their conversation.

Nasasaktan siya nang sobra. The pain is killing her inside. Mahal na mahal niya si Text. Umasa siyang hindi siya nito lolokohin at sasaktan gaya nang ginawa ni Blank sa kanya. Masakit dahil sa ibang tao pa niya nalaman.

Hindi niya lang talaga matanggap ang paggamit nito sa kanya. Nalilito tuloy ang puso niya kung totoo nga ba lahat ng mga sinabi nito sa kanya... kung totoo lahat nang ipinaramdam nito sa kanya.

Nagsimula na namang manikip ang dibdib niya. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na hindi umiyak. Akala niya kapag iniyak niya lahat mawawala na 'yong sakit pero bakit ganun... hindi parin mawala?

She needed this space.

She needed this time to think.

But why is it so painful?





HINDI magawang tignan ni Font nang deretso ang mga magulang. Langya naman kasi! Tingin pa lang ng Daddy niya parang mangangayayat na ang bulsa niya kapag 'di parin siya magsasalita. Kung bakit kasi 'di parin sinasabi ni Ate ang totoong kalagayan nito. Wala siyang idea kung bakit ito biglang nagpasundo sa airport noong isang araw. Hindi ito nagsasalita.

Aish. Isa pa 'tong Mommy niya na kulang na lang ay gawin siyang janitor sa bahay para ma corner lang siya. At ngayon, nagsanib-pwersa pa ang dalawa para kastiguhin siya. Pack juice naman oh! Kung kailan naghihingalo ang wallet niya.

"Kapag 'di kapa nagsalita na bata ka simulan mo na ang pagnonobena sa ATM card mo at paplantsahin ko na 'yan." seryosong babala sa kanya ng ama. "Speak!"

Napangiwi lang siya. Alam niyang seryoso ang ama. The gentle and humor in his voice is gone, tanda na malapit ka na nitong sipain sa garden. Gusto niya ring kausapin si kuya Text kaso 'di niya naman ma contact. Ewan kung saan na 'yon? Aish!

"Ano ba Font," hopeless na tinignan siya ng mommy niya. "Nag-aalala na kami sa ate mo. Alam naming may alam ka."

He sighed. "Mom, Dad, hindi ko talaga pwedeng sabihin sa inyo." Sige na nga, mag-diet ka muna bulsa. Masarap din namang maging beggar minsan. Naku! Kung 'di lang kita mahal ate. Ewan ko na lang talaga. "Hindi ko forte ang manghimasok. Hintayin na lang natin na mag open up sa atin si Ate. Let's just give her time. Kapag handa na siya, sasabihin niya rin sa atin ang lahat."

"Isang daan na lang baon mo."

"Magbabaon na lang ako." Saklap!

"Daddy! Mommy! Font!"

Nagulat sila nang marinig ang pagsigaw ni Danah. Kinabahan siya. Iniwan niya ang mga magulang at mabilis na inakyat ang ate niya sa taas. Sumunod din ang mga magulang niya.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay natigilan siya nang makitang tumutulo ang dugo sa mga binti ng ate niya. "Ate!" Mabilis na dinaluhan niya ang kapatid at pinasan.

Bakas sa mukha nito ang sakit at paghihirap. Humigpit ang pagkakahawak nito sa damit niya tila pinipigilan ang mapasigaw sa sakit. Pack juice! Nagmadali na siyang ilabas ang kapatid sa silid nito. Umagapay agad ang Mommy nila. Nauna ang Daddy nilang bumaba.

"Dios ko! Anong nangyari sayo Danah?" iyak ng mommy niya.

"Ihahanda ko ang sasakyan!" sigaw ng Daddy niya. "Kumapit ka lang anak!"

"A-Ang baby ko... Font..." bulong nito sa kanya. Lalo lang niyang binilisan ang mga hakbang. "Font... t-tulungan mo ko..."

"Kumapit ka ate, langya! Kumapit ka kung ayaw mong masapak kita." Biro niya na lang kahit sobrang kabado na siya. "Maliligtas natin si Baby." Please lang Lord, huwag sanang mawala si baby. Kahit na mamulubi na ako habang buhay. Iligtas n'yo lang ang pamangkin ko.

Pack juice! Ido-donate ko lahat ng ipon ko sa orphanage maligtas lang si baby.

Seryoso ako Lord.

Isang milyon na din 'yon!





"YOUR daughter is fine now," anunsyo ng doctor. "Stable na siya at pati na rin ang baby." Nakahinga siya nang maluwag. Seryoso ang mga mukha ng mga magulang niya kahit na mukhang gumaan na rin ang mga pakiramdam ng mga ito. "Iwasan niya lang ang pag-iisip ng kung ano which could lead to stress and depression. Tamang pahinga at pagkain ng masustansiya para mabalik ang lakas nilang pareho. Sa ngayon, okay na siya but we'll still have to observe her for her full recovery."

"Salamat, Doc,"

"You're welcome. Mauuna na ako."

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Ano bang nagyari sa kanila ni kuya Text? May koneksyon kaya 'yon sa Lyra na 'yon? Naputol lang ang pag-iisip niya nang dumating ang kambal. Paper was crying when she hurriedly hug their Mom. Lumapit naman sa kanya si Print.

"How's ate, kuya? Ang baby?"

Sinubukan niyang ngumiti, saka ginulo ang buhok nito. "Your monster ate is fine. Demonyita 'yon kaya matagal pa 'yong kukunin ni Lord." Biro niya. Masyadong mabigat ang pakiramdam ng mga tao doon. Hindi din 'yon maganda para sa mga kapatid. At saka, she's fine now. "Okay lang din ang baby. Cheer up!"

"Font," tawag sa kanya ng Daddy niya.

Seryoso ang tingin nito sa kanya. "Mag-usap tayo mamaya."





INALALAYAN si Danah ng Mommy niya na makahiga sa kama. Kaka-discharge niya lang mula sa ospital. Inayos nito ang kumot niya bago naupo sa gilid ng kama. Hindi niya maiwasang pisilin ang kamay ng Mommy niya. Tahimik lang ito simula nang sabihin niya ang totoo doon sa ospital. Dahil alam ng Daddy niya ang totoong relasyon nila ni Text, nagalit si Mommy kay Daddy.

"Mom," tawag niya nang umiyak ito.

Mabilis na pinunasan nito ang mga mata at tinapik ang likod ng kamay niya. "Huwag mo akong alalahanin anak. Okay lang si Mommy." Ngumiti man ito ay hindi naman umabot sa mga mata nito.

"Sorry, sorry po dahil nagsinungaling kami nila Daddy. Ayoko lang naman na mag-alala ka Mommy. Sana, hindi ka na magalit kay Daddy."

"Hindi ako galit sa Daddy mo. I'm just a little upset. Masakit isipin, bilang ina mo, na wala pala akong idea sa kung anong nagyayari sa buhay ng anak ko. Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo. I could have done something. I could have lessen the pain you're feeling right now. It felt like, I've failed being a mother to you."

"Mommy," mahigpit na hinawakan niya ang kamay nito. "Huwag n'yong sabihan 'yan. You're the best mother in the world. We are so blessed to have you as a mother."

"I know, I know," mapait na ngumiti ito. "Pero hindi ko lang talaga maiwasang masaktan para sayo anak. Alam na alam ko ang nararamdaman mo ngayon." Lumipat ito sa tabi niya. Umunan siya sa braso ng Mommy niya. "Alam kong masakit anak, pero gusto kong kayanin mo."

Nagsimulang manubig ang mga mata niya, tumango siya.

"Masakit dahil mahal mo siya." Tumango ulit siya. "Hindi ko personal na kilala si Text pero naniniwala akong may mabuting puso ang batang 'yon. Siguro nga, naging mahina siya kaya nagawa niya 'yon. Pero ayokong pagsisihan mong hindi mo siya pinakinggan anak. Huwag kang gumaya saken."

"Paano kung hindi 'yon ang gusto mong marinig?"

"Mas mabuti nang masaktan sa katotohanan kaysa ang patuloy na umasa sa kasinungalingan. Sa sitwasyon namin ng Daddy mo noon nahirapan akong pakinggan siya dahil sa ilang beses na niloko niya ako. Nahirapan na akong paniwalaan siya... idagdag pang bruha din siyang kagaya ko." Natawa silang pareho. "Pero sinasabi ko ito hindi dahil tino-tolerate ko ang ginawang panloloko sayo ni Text. Sinasabi ko sayo 'to dahil ayoko na may pagsisihan ka sa bandang huli. Kung sakali man... hindi makakaligtas saken ang Text na 'yon. Makakalbo 'yon ng Daddy mo. Sure ako, doon." Tumawa ang Mommy niya.

Napabuntong-hininga siya, bago napangiti. "Mahal ko si Text, Mommy. Pero 'di ko alam kung mahal niya din ako."

"Sinabi niyang mahal ka niya?" tumango siya. "Paniwalaan mo kung anong nasa puso mo. May dalawang klase ng mahal kita, anak. 'Yong totoo at hindi. Totoo 'yon kapag naramdaman mo."

"Salamat, Mommy."

"Sa ngayon, huwag mo munang dibdibin ang lahat. Ipahinga mo muna ang utak at puso mo. Baka lumaking may sama ng loob 'yang apo ko kapag lumabas." Her mother chuckled.

"Hindi ah, tignan mo Mommy, paglabas ni Baby mukha siyang kerubin. Magiging kamukha niya ang Dad –" natigilan siya. Nahuli naman niya ang mapanuksong ngiti ng Mommy niya nang iangat niya ang tingin rito. "Don't me Mommy! Magalit ka kay Text. Saka muna siya mahalin kapag nagsisi na ang gagong 'yon."

"Oo na! Oo na! Mana ka talaga saken."

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Mabigat na mabigat ang loob niya nang wala siyang mapagsabihan ng nararamdaman. Iba parin talaga kapag nandiyan ang pamilya mo sa tabi. Alam mong 'di ka nag-iisa.

"OKAY ka na ba Text?" nakangiting tanong ni Father Semon sa kanya. Nakangiting tumango siya kahit hindi pa siya totoong okay. "So tuloy na tuloy na ang pag-alis mo bukas?"

"Opo, pero babalik naman ako dito –"

"Sa kasal n'yong dalawa."

"Father,"

"Hindi, ipangako mo na babalik ka dito para sa kasal n'yong dalawa. Kilala kita Text. Alam kong hindi mo pakakawalan si Danah... mahal mo 'yon. And when we love someone, we keep and treasure them forever."

Ngumiti siya. "Kayo talaga, Father. Humugot na din pala kayo."

Malutong at malakas na tumawa ito. "Aba'y lahat ng mga bagay ay hinuhugutan ng ng mga tao. Kaya ikaw, hugutin mo siya pabalik sayo. Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. But don't rush things my son. Bigyan mo din siya ng tamang panahon para mapatawad ka. Basta, manalig ka lang, our Lord is a great writer. HE already plotted your story... kaya lang, ikaw ang gusto NIYANG magbigay ng happy ending sa sarili mo."

"Paano ba 'yan Father hindi ho ako writer." Biro niya.

"Diyan tayo magkakaproblema."

Pareho silang natawa.

"Text!" sabay silang napalingon sa sumigaw. Hinihingal na lumapit ang pinsan niyang si Mateo sa kanila. "N-Nakuha... nakuha ko na ang cell phone mo. Kaya lang may tumawag sayo kanina. Tatawag lang daw ulit." Inabot nito sa kanya ang cell phone.

Nasira kasi 'yon nang mahulog sa lababo. Ilang araw niyang 'di nagamit ang cell phone dahil sinubukan din nilang patuyuin pati ang sim card.

"Buti na lang at 'di nasira ang sim card. Tsk, mukhang galit na galit sayo ang tumawag sayo. May nabanggit pa kasing ipa-assassinate ka raw. May kaaway ka ba?!"

Kumunot ang noo niya. "Wala." Sakto namang tumunog ulit ang cell phone niya rumehistro doon ang isang unknown number. Mabilis na sinagot niya ang tawag. "Hello? Sino 'to?"

"Ako pala 'yong gwapong, alagad ng sining na soon to be brother-in-law mo na sinayang mo."

"Font?!"

"Oo ako nga! Buti naman na contact ka na namin."

"S-Sorry, nasira kasi ang cell phone ko –"

"Alam mo bang isinugod namin si Ate dahil muntik na siyang makunan?"

Natigilan siya. Si Danah? Ang baby nila. Lumakas ang tibok ng puso niya. Kasabay nun ang matinding pag-alala niya sa mag-ina niya.

"K-Kumusta sila? Are they okay now? Kasama mo ba si Danah? Let me talk to her."

"Hindi ko kasama si Ate. Nasa bahay siya nagpapahinga. Nagmo-move on. Mina-master ang art of letting go. Tsk, boto pa naman ako sayo."

"S-Sorry. Pero, okay lang ba siya? Nakakain naman siya ng mabuti?"

"Oo naman, sa yaman namin. Oh siya, kakausapin ka ng father-in-law mo sana na sinayang mo rin. Dad, ikaw na gumisa sa 'sang 'to... Hello?" Napaayos siya nang tayo. "Is this from another side?"

"Tito?"

"Oh tama, ikaw nga, hoy bata, wala akong pakialam kung saang side ka pa ng Pilipinas. Magpakita ka saken at ipapakita ko sayo ang inahanda kong power point presentation sa kung gaano ako kaasar sa panloloko mo sa prinsesa ko. Binalaan na kita noong una. Huwag mong hintaying lunurin at kiskisan ko 'yang buhok mo ng pulang crepe paper."

"Pasensiya na po pero sige po."

"Prepare your explanation kung ayaw mong mawala sayo ang mag-ina mo."

"Opo,"

Nagkagulo naman sa kabilang linya. Narinig niya ang boses ni Font. "Dad mukha kang kidnapper. Kung makabanta wagas. Wow! Tumahimik kang bata ka. Madami ka pang utang saken." 'Yon lang at namatay na ang linya.

"Ano? Ano daw sabi?" tanong ng pinsan niya.

"Muntik nang makunan si Danah. Pero salamat sa Dios at naligtas siya."

"Salamat naman,"

"Aagahan ko na ang alis. Baka ngayong gabi na ako umalis."

"Mas mabuti pa."

Hintayin mo ako Danah.

Continue Reading

You'll Also Like

229K 809 5
The marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidi...
266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
64.4K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...