His Dandelion [ONGOING]

By labusenpaiiii

99 23 0

#BOOK02 OF "I LOST HER" {Taehyung x Sujeong Fanfic} Isang babaeng kahit walang makita ay hindi parin nawawala... More

P r o l o g u e
C h a p t e r 0 1
C h a p t e r 0 2
C h a p t e r 02.5
C h a p t e r 0 3
C h a p t e r 0 4
C h a p t e r 0 6
C h a p t e r 0 7
C h a p t e r 0 8

C h a p t e r 0 5

5 2 0
By labusenpaiiii

JV's Pov

Kinagulat ko ng sabihin iyon ng anak ko.

Napaisip tuloy ako kung nagalit ba sya?

Anong mga naisip nya na kusa nya nalang yun nasabi na hindi pa nga kami tapos mag usap?

Kaya habang andidito pa kami sa shop at katabi ko ngayon si Larry ay sinubukan kong mag tanong sakanya.

"Larry.. Anong sa tingin mo sa naramdaman ni Julya? Yung kaninang nangyare na biglaan syang namaalam na hindi pa kami tapos mag usap" -Me

"Ummm.. Pagod nga lang siguro yun. Tsaka ano naman ikakagalit nya? JV, dalaga na mga anak natin, marunong na sila umitindi ng kahit anong problema. Kaya pahingain mo muna sya~" -Larry

"Ganun ba yun?" -Me

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Ano naman ikakagalit nya?" -Larry

"Noong bata pa sya, ayaw na ayaw nyang nagagalit ako sakanya kaya ayun... Pa minsan, nilalampasan nya iyon na kagaya ng ginawa nya kanina o minsan.. Lalambingin nya ako. Pero hindi naman nya ako nilambing eh" -Me

At kinagulat ko ng tumawa ng malakas si Larry na kung dati antipid din ng mga ngiti nya tas ngayon, grabe na ah!

Kaya may mga tao tuloy dito na nagsitinginan sakanya at wala naman akong nagawang pigilan sya dahil nga sa gulat ko.

"HAHAHAHAHAHH... Parang kang bata eh noh! Hindi ka lang nilambing, pa-ganyan ganyan ka na! Sino bang mas matanda sainyo ni Julya? Ikaw o sya?!😂😂😂" -Larry

Kaya hindi ko napigilang batukan sya pero tumawa parin sya na may kasamang iling.

"Ang GAGO mong kausapin. Nag aalala na nga ako sa anak ko tas nagpapatawa ka pa!" -Me

"HHAAHAHH... Anong inaalala mo sakanya? Eh okay naman sya eh. Hindi yun galit sayo, okay?! At may bukas o mamaya na kausapin mo sya" -Larry

Hindi na ako sumagot pa, pero napapaisip parin ako.

At mabuting dumating na si Zy dito.

"Zy, okay lang ba sya? Nahuli ka ba nya?" -Me

"Oo, okay lang sya dahil umuwi lang naman sya sa bahay ninyo. Nasundan ko sya ng mabuti at hindi nya ako nahuli" -Zy

"Salamat" -Me

Tumango lamang sya at mabuti din yun.

Sya kasi inutusan kong sundan si Julya na wag sya dapat magpahalata.

.....

Yassi's Pov

Sa totoo lang, nag aaalala din ako kay Ate Julya.

Yung reaksyon nya nun ng nag paalam sya bigla sa tatay nya. Wala naman syang reaksyon pero... Di ko alam.

At sa ngayon ay nandidito pa ako sa shop na tinutulungan din sila. Wala pa naman kaming hws eh.


"Yassi?" -Zy

"Ah.. Kuya Zy? Ano ho yun?" -Me

"Ako kasi inutusan ng tatay ni Julya na sundan sya at wag ka ding mag alala dahil safe sya dahil umuwi lang sya sa bahay nila" -Kuya Zy

"Salamat, Kuya Zy😊" -Me

Pero bago pang maka alis nun si Kuya Zy ay may pahabol pa syang sinabi saakin.


"Nga pala.. Sa kaharap na kita kaya ikaw nalang sasabihan ko at paki sabi nalang sa iba na aalis muna ako at mawawala ng ilang araw" -Kuya Zy

"Bakit naman, Kuya Zy? Saan ka pupunta?" -Me

"May aasikasuhin lang ako pero babalik din naman ako" -Kuya Zy

"Pwede mo rin ba sabihin saakin kung anong aasikasuhin mo?" -Me

"Hindi pwede eh. Sorry. Basta paki sabi nalang sakanila at aalis na ako ngayon" -Kuya Zy

Hindi na ako sumagot pa at napatango nalang ako na walang reaksyon man lang sa mukha ko at kaya umalis na sya.

Ano kayang klaseng aasikasuhin nya? Pwede ko ba syang sundan? Pero bampira sya eh at hindi pa ako magaling sa pagtatagong style na yan na para masundan ko lang sya.

Bigla kasi ako nacurious eh dahil seryoso ang pag sasabi nya nun saakin na parang importante talaga at masama ang kutob ko ah!


Pero sa hindi ko na mapigilan pa ay sinundan ko nga sya pero nag paalam muna ako kina Momshie at Popshie na sabay pag mamadaling alis ko.


Naisipan kong maging lobo muna at umakyat ako mula sa bubong ng shop at yun ang ginawa ko habang susundan sya ay sa taas lamang ako lalakad, mapapuno man o bubong.


At kahit ngayon ay hindi ko na sya makita pa pero ginamit ko yung lakas ng pang amoy ko at lalo pang naging dilaw ang mga mata ko na ibig sabihin ay naamoy ko sya na kung saan sya pumunta.

.....

At nang nagawa ko ng masundan sya ay mabuti talaga hindi nya ako nahuli.


Hanggang nga sa nakarating na sya sa pupuntahan nya. Anlayo nga eh at hindi ang bahay nya ang pinuntahan nya dahil alam ko bahay nya.

Hindi ko nga alam itong lugar na ito pero minabuti ko din ang mga dinaanan ko para di ako maligaw, pabalik sa shop.



At maya't maya ay bumukas nun ang pintuan at totoo ang nakikita ko O.O

Pero sandali lang iyon dahil halatang nag mamadali si Kuya Zy na pumasok na.


At para sigurado ay lumapit pa ako lalo sa pinuntahan nya para makita yung taong kinausap nya.

Hindi naman ako sisilip sa may bintana kundi lalapit lang ako para marinig ko pa lalo ang pag uusapan nila.


Ito ang mga narinig ko:

"So kailan mo gagawin ang pinapagawa ko sayo? Ayoko patagalin ito ah!"

"Sa tamang panahon pa, Master! At hindi ko talaga yun papatagalin para sainyo. Gagawin ko na agad ang pinapagawa nyo pang experiment---"

"Pero dito mo na gawin para walang makahuli pa sayo!  Ready na dyan mga gagamitin mo kaya mag simula ka na ngayon"

"Opo, Master"

..


Master?! Si Harry?! Master nya si Harry?!

Paano sila nagkakilala?! HOW?!


Hindi ko inaakala na magiging ganyan si Kuya Zy kay Harry!

Kailangan na nilang malaman talaga ito pero napatigil ako ng may makitang malaking shadow sa harap ko na parang isang tao.

At pagka lingon ay tama nga hinala ko.

Yun ay si Travis na nag pupula na naman ang mga mata at dahil nakita nya ako ng isang lobo. Pero hindi naman nya ako kilala eh kung anong klaseng lobo ako.

Kaya hindi ko na sya pinansin pa at nilagpasan na sya pero syempre ay nag panggap akong mabait na lobo hahahaha para di sya mapaisip na nag palit lamang ako.


Pero nagka mali ako..


"Saan ka pupunta, Yassi? Hindi mo ba ako nakita?! Bulag ka na din ba?!" -Travis

Ayan na naman sya😬

Kaya nag palit na ako ng anyo at na bbeastmode na naman ang aking itsura😠


"ALAM MO! NAKAKAINIS KA NA TALAGA EH! ANG SARAP SIRAIN NA ANG PAG MUMUKHA MO! ALAM MO DIN BA YUN?!" -Me. Hindi ko na ding napigilang mapalakas ang boses ko kahit malapitang nandidito parin ako pero wala na ako pakealam.

"Pwede bang wag mong lakasan ang bibig mo!? Andito ka pa sa territoryo namin" -Travis

"Wala akong pakealam sa kabulukan ninyong territoryo! Kailan nyo pa nakilala si Kuya Zy?" -Me

"Hindi ko alam" -Travis

"SAGUTIN MO AKO NG MAAYOS KUNDI SISIRAIN KO N----" -Me


Hindi na nya ako pinagpatuloy pa at tinakpan nya bigla ang bibig ko na sabay binuhat nya ako ng mabilis papunta sa likod ng puno na may kunting kalayuan ito sa sinasabi nyang territoryo nila.

"DBA SABI KONG WAG MONG LAKASAN ANG BIBIG MO! Muntikan na kaya tayo mahuli" -Travis

Tinutukan ko sya ng hintuturo ko na sabay sabing "WAG NA WAG MO ULI GAGAWIN SAAKIN YUN KUNDI HINDI LANG MUKHA ANG SISIRAIN KO SAYO KUNDI PATI BUHAY MO NA!" -Me

"Kung hindi ko tinakpan ang bibig mo ay mahuhuli tayo! Bobo ka ba?! O sadyang bobo ka talaga?!" -Travis

Sumusobra na tong lalakeng toh ah!😤😤


"Gusto mo talaga ng away noh!? Na may kasamang sugat sugat sa kahit saan parte ng katawan! Game ako dyan!" -Me


Pero tinalikuran nya lang ako at hindi na sumagot pa. Hinantay ko syang makasagot man pero hindi na talaga.


"HOY! KINAKAUSAP PA KITA AH! BALIK KA DITO!" -Me



At mabuting napatigil ko din sya😏




Pero kinagulat ko ng tumakbo sya ng sobrang bilis hanggang sa mapa sandal nya ako sa may puno at ang isang kamay nya ay nakahawak nun sa balikat ko while ang isang kamay nya pa ay nakalagay na sa sinasandalan kong puno.

At pumula pa lalo ang mga mata nya at sobrang seryoso nya na pati din ang mukha nya ay lapit na lapit na sa mukha ko.


"Tanginang pakawalan mo ako!" -Me

"Papakawalan kita kung papayag kang makipag kaibigan saakin si Julya" -Travis

"Anong pinag sasabi mo!? Hinding hindi ko yun magagawa sakanya! Anong binabalak mo?!" -Me

"Tsk.. Kung hindi mo ako tutulungan ay kikidnapin ko sya at hindi na sya pwedeng makabalik pa sainyo at seryoso kong gagawin yun sa kaibigan mo!" -Travis

Hindi ko na pinatagal pang makasandal dito at tinulak ko sya ng malakas. Pero kahit malakas na yun ay nakatayo pa din sya at hindi man lang sya natumba kundi sinlide nya kasi ang kanyang mga paa.


"Hinding hindi parin ako papayag! Hindi ako yung kaibigang mang bibigay nalang sa alam ko namang masamang nilalang! At subukan mo syang galawin, tutuluyan talaga kitang PATAYIN at seryoso din ako!" -Me


Bakit ba nagpapatagal pa ako?! Dapat nga hindi ko na sya kinakausap pa eh!


Kaya umalis na ako nun pero ng palakad na ako ay may pahabol pa syang sinabi saakin.

"Tandaan mo lang ang sinabi ko sayo, Yassi! Hindi ko babawiin yun" -Travis


Pero hindi na ako sumagot pa at tuluyang umalis na talaga ako.



Bakit kaya gusto nyang makipag kaibigan kay Ate Julya?! Alam kong may balak talaga syang gawin eh!



Kaya dapat ay dodoblehin ko pang protektahan si Ate Julya!

Continue Reading

You'll Also Like

68.3K 1.9K 48
BINI ships Oneshots Compilation.
270K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
19K 694 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone