A Vampire's Love

By _xxvampitresse_

13.6K 223 28

NOT SO ORDINARY VAMPIRE'S STORY SYNOPSIS: Sa isang kwento hindi natin malalaman kung sino nga ba ang t... More

A VAMPIRE'S LOVE
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
AUTHOR'S ANNOUNCEMENT
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6

CHAPTER 3

761 19 3
By _xxvampitresse_

AN: Venice's bedroom image at the TOP.

ENJOY READING!

~ ~

Kanina pa ako naghihintay kay Ethan na kanina pa bumaba para kumuha ng makakain namin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakikinig ng mga music. Ang comfortable talaga sa feeling kapag nandito ako sa kwarto. Madilim kasi at hindi masyadong nabibigyan ng liwanag.

Siguro nagtataka kayo noh? Actually kasi ayaw ko sa mga matataong lugar. Ayaw ko sa maliliwanag. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa mga ganong bagay. Basta ang gusto ko lang ay palagi akong nasa madidilim na lugar.

Kaya naman napagpasyahan ko na gawing dark itong kwarto ko. Pero tamang-tama lang naman dahil kahit papaano ay may window din naman para makikita ko pa din yung view na nasa labas.

Ba't ang tagal naman ng lalaking yun?

Nagugutom na talaga ako eh! Nasa'n na ba kasi ang lalaking yun? Akala ko ba kukuha lang siya ng makakain namin? o baka naman naligaw siya dito sa bahay?

Napailing-iling naman ako sa aking naisip. Imposible naman yata yung naisip ko. Si Ethan maliligaw dito? IMPOSIBLE.

Sa huli ay napagpasyahan ko na din na bumaba para tingnan kung ano ba ang ginagawa ng lalaking yun.

Inilapag ko muna sa table ko ang phone ko and then lumabas na ako sa kwarto ko.

Habang papunta ako sa kusina namin ay may narinig akong parang nag-uusap. Pinakinggan ko naman ito kung sino at nagtago muna dito sa labas ng pinto ng kitchen and to my surprise ...

"Ethan alam mo naman kung ano talaga ang dapat na gagawin"

" I know what to do already . What I want is what I get. "

"Good to know"

Si Ethan at Madam Franca nag-uusap?!

Atsaka ano naman yung pinag-uusapan nila? Ang seryoso naman nila habang nag-uusap. Wag na nga lang ako tumuloy. Baka mamaya importante yung pinag-uusapan nila eh.

Tatalikod na sana ako ng nasagi ko ang vase and to my bad luck hindi ko man lang nasalo na naging dahilan upang makagawa ito ng ingay.

Bigla namang bumukas ang pinto. Oh no! What to do Venice? Baka mamaya sabihan ka pa nila na chismosa eh hindi naman . Hindi nga ba?

"Venice? Ka-kanina ka pa ba nandito?"

"U-uhm..." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kasi naman hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sa vase ba o sa kanila?

"Kadadating ko lang naman para sana tingnan ka kung bakit ang tagal mo dumating sa kwarto kasi nagugutom na ako kaya nga lang para namang may pinag-uusapan kayo ni Madam Franca na importante kaya hindi na sana ako tutuloy kaso eto nga .... may nabasag" mahinang sabi ko at napayuko.

Nilapitan naman ako ni Ethan at niyakap. Bakit parang kinakabahan si Ethan kanina? Yung para bang malapit na siyang mahuli mula sa isang kasalanan? O baka naman namamalikmata lang ako. Tama yung nga siguro.

"Sorry Venice natagalan ako kasi nagpaturo ako kay Ti- Madam Franca eh" dahilan naman ni Ethan. Nagpapaturo? Pero bakit parang feeling ko may iba pa talagang ibig sabihin yung pag-uusap nila kanina?

Napatango na lamang ako bilang sagot.

"Maam Venice, umakyat na ho kayo doon ni Ethan at ako na ang magpapahatid ng mga makakain ninyo" sabi naman ni Madam Franca. Iginaya naman ako ni Ethan paakyat.

Habang naglalakad kami pabalik ng kwarto ay tahimik lamang ako. Ang akward naman kasi eh.

Pagpasok namin ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kama ko at doon humiga. Napatingin naman ako sa kabilang side ng kama ko ng maramdamang parang lumubog iyon.

Nakita ko naman si Ethan na nakahiga din sa kama ko at nakatingin sa akin. Yung tingin na parang may gustong sabihin na hindi na masabi-sabi.

At ano naman ang ginagawa nito sa kama ko? Take note. KAMA ko.

"Ho-hoy, ba-bakit ka nakahiga dito ha? Kama ko kaya toh." nauutal na sambit ko. Ngumisi naman siya sa akin at mas lumapit papunta dito sa side ko.

"Why Venice? Is there any problem?" he said while smirking. Why does I feel like he's seducing me?

"Wala no. Kasi naman kama ko to eh. Nakahiga ako dito tapos bigla ka nalang humihiga dito sa tabi ko" salamat naman at hindi ako nautal habang sinasabi ko yun kanina.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi ni Ethan. Bakit parang nag-iba yata ang mood niya ngayon? I mean, parang hindi siya to eh.

"Bakit? May gagawin ba tayo? wala naman diba? O baka naman may gusto kang gawin tayo? " Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. gosh!Hindi ako tanga para hindi ko malaman kung ano ang tinutukoy niya. Is this Ethan? Ano ba ang sinasabi nang lalaking toh.

Hinampas ko naman siya at tumawa lamang siya sa mga pinaggagawa ko.

" Manyak ka!! Ang manyak mo talaga! Hindi ka naman ganito ah!" sigaw ko sa kanya sabay hampas ng mga unan na napupulot ko.

"Enough! hahahaha I'm just joking hahaha Your face was so priceless Venice hahaha" sabi niya habang tumatawa at talagang hawak hawak niya pa yung tiyan niya. Mabulunan ka sana.

Naiinis na tumayo ako mula sa pagkakahiga ng marinig ko na may kumakatok sa pintuan ko. Binuksan ko naman ito at nakita ko ang mga maid namin may dalang pagkain. Pinapasok ko naman sila at pinalagay ang mga pagkain sa table ko at agad naman silang lumabas.

Sinarado ko naman ang pintuan at dumiretso sa table. Nakaramdam naman ako ng biglang gutom.

Habang kumakain ako ay biglang may nagsalita sa likuran ko.

"So, your not going to invite me to join with you?" sabi ni Ethan. Hindi ko naman siya pinansin dahil sa naiinis ako sa kanya. Hindi naman kasi ako maka move on sa joke niya kanina eh. Tapos pinagtatawanan niya pa ako kanina. *pout*

"Fine. I'm sorry okay? I don't want you to get mad at me. Please, pansinin mo naman ako" pagmamakaawa niya sabay yakap sa akin ng patalikod.

Inalis ko naman ang yakap niya at nilingon siya. Nakita ko naman siya na parang nagsisisisi sa ginawa niya.

Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Okay. Ikaw naman kasi eh pinagtatawanan mo ako kanina" pagrereklamo ko. Tumawa naman siya at pinisil ang magkabila kong pisngi. Ang sakit.

"Ang cute mo naman kasi kanina and besides your not only cute but beautiful also. Oh! beautiful is not the right term for you Venice because you are more than that." sabi niya. Nag pout naman ako sa sinabi niya.

"Binobola mo naman ako eh"

"No I'm not" pagtatangi niya naman.

Sus!Hindi ako naniniwala sa lalaking toh.

"Fine. Let's eat na nga lang Ethan. Gutom pa ako eh " yaya ko sa kanya na ikinatawwa naman niya. Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha na din ng makakain.

Tahimik lang kaming kumain at ng natapos na ay pinakuha na namin sa mga kasamabahay ang mga plato namin.

And here we are sitting together while watching movie. Nakahiga ako sa balikat niya and then him in the other side is holding my hand while his eyes is focus on watching.

Siguro kung iba ang makakakita sa amin na ganito ang posisyon namin ay iisipin talaga nila na kami na ni Ethan. Pero hindi. We're just friends. Only friends. Nothing more, nothing less.

"Venice" basag ni Ethan sa katahimikan.

"Hmm?"

"You know how much I care for you and You know how much your important to me right? " Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. Bakit ang weird naman yata ni Ethan ngayon? Pero ang sweet at the same time.

"Oo naman. Alam ko yun. Bakit mo naman natanong?" takang sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin at ngumiti.

Alam ko namang importante ako para kay Ethan at ganun din naman siya sa akin. Ethan is important to me. Very important. He is my friend at mahal na mahal ko tong lalaking toh bilang isang kaibigan.

"Wala. I'm just wondering" sabi niya naman na lalo ko pang ipinagkataka. Ano naman ang iniisip ng lalaking toh?

"Ano nga?" pagpupumilit ko sa kanya.

"Nevermind. Just forget about it. Okay?"

"Okay" pagsuko ko. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin. Syempre kahit papaano ay nirerespeto ko pa din ang desisyon niya. Hihintayin ko nalang na siya ang kusang magsasabi sa akin ng tungkol diyan.

"Are you mad?" tanong niya. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti sabay iling.

"You sure?" paninigurado niya.

"Yeah" maikli kong sabi sa kanya. Humarap naman ako sa Tv at nanonood uli.

Feeling ko gusto ko ng magpahinga. Gusto ko ng matulog. Nakakaantok kasi yung movie.

Napahikab naman ako at naramdaman ko naman na inihiga ako ni Ethan sa lap niya. Kaya tumingin ako sa kanya.

"You are really beautiful. A Goddess." sabi niya habang nakingiting nakatingin sa akin.

"Ayan ka na naman" sabi ko sa kanya

"That's a fact. I'm saying what I think is right" sabi pa niya. Umiling na lamang ako at pumikit kasi inaantok na talaga ako eh

"Thats why I'm going to do anything just to get you. For you to be mine Because no matter what happen your going to be mine and I wouldn't let you to be with others even him, my bestfriend " Narinig kong may sinasabi pa siya kaso hindi ko marinig sa sobrang hina at dala na din siguro ng pagka antok ko. Naramdaman ko na lamang na hinalikan niya ako sa noo.

Palagi niya yang ginagawa sa akin sa tuwing matutulog ako kaya sanay na ako diyan.

Nagising naman ako sa isang malambot na kama. Naramdaman ko naman na parang may nakadaghan sa akin or should I say nakayakap. Tiningnan ko naman kung sino ito and hindi naman ako nagulat sa nakita ko.

It was him. Ethan.

He's sleeping peacefully while hugging me.

Napangiti naman ako ng makita ko siyang natutulog ng mahimbing. Nakaharap ang mukha niya sa side ko dahilan upang makita ko siya. Habang ang isa niyang kamay ay nakayak sa bewang ko.

This is the first time na natulog akong nakayakap siya sa akin.

Napatingin naman ako sa wall clock at tiningnan ang oras.

It's 8:36 already.

Ganun na ba kami katagal na natulog? Ang bilis naman ng oras.

Napatingin naman ako kay Ethan at dahan dahan siyang tinapik upang gisingin.

"Ethan" sabay tapik ko sa pisngi niya.

"Ethan, wake up."

"Hmmmm" ungol niya pero nakapikit pa din siya.

"It's 8:36 already Ethan" sabi ko sa kanya kaya naman napamulat siya.

"Hmmm.. okay?" patanong na sagot niya at pumikit muli.

Inalis ko naman ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa bewang ko. Napatingin naman siya sa posisyon namin at ngumiti.

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga at inayos ang damit ko. Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko din siyang bumabangon na din.

"I'm going home may kailangan pa kasi akong gawin eh" sabi ni Ethan habang chinecheck niya ang phone niya.

Pumunta naman ako sa kanya at ngumiti.

"Okay. Basta mag-iingat ka" sabi ko. Niyakap niya naman ako at niyakap ko din siya pabalik.

"Yes. For you Venice I'll take care" bulong niya sa akin habang yakap yakap ako ng mahigpit.

Bumitiw naman siya sa yakap at ganun din ako.

"Thanks Ethan" pasasalamat ko sa kanya dahil ahit papaano ay may nakasama ako dito .

"No need to thank me Venice. Well, It's me who need to thank you for letting me stay here since then" sabi niya na ikinangiti ko.

"Ofcourse Ethan your welcome here. Since your my friend. "sagot ko. Nakita ko naman na biglang lumungkot yung mga mata niya pero bumalik din muli sa dati. Bakit? May nasabi ba akong masama? Wala naman diba?

"That explains well." sabi niya habang tumatango-tango pa.

"Okay. aalis na ako Venice. You take care too okay? " sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Yes I will" sagot ko. Ngumiti naman siya at lumabas na sa kwarto ko.

Napahinga naman ako ng maluwag at umupo sa kama. Bakit parang habang tumatagal mas lalong nagiging weird si Ethan? Yung parang mas lalo siyang nagiging sweet sa akin as day passess by. Or baka naman nag-aassume lang ako?

Aisshh.. Bahala na nga.

Ganun naman talaga si Ethan sayo Venice ah. Dati pa.

Napailing-iling na lang ako at napagpasyahan ng magpa sound muna. I really love music as well. In fact, gumagawa nga ako minsan ng kanta eh. Pero hindi yun alam ng family ko.

Music gives me freedom . A kind of freedom na nakakaisip ka ng mga bagay na alam mong hindi mangyayari sayo. Sa totoong buhay. Music is my escape from reality since then. Kaya naman malaking bagay sa akin ang musika. Dahil ang musika ay parang buhay ko na din.

~ ~ ~

Kinikilig ako kay Ethan. Kayo ba ganun din?

Just comment and give your thoughts about this chappy. And also don't forget to share na din this story okay? Thank you :*

COMMENT. VOTE

Continue Reading

You'll Also Like

932K 24.7K 61
Vivienne didn't believe in vampires until she started to suspect her prince might be one. Which will she sacrifice - humanity or love? ...