Ang Multo sa Manhole 3 (compl...

By elusive_conteuse

227K 10.7K 2.9K

GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and... More

Prologue
Yoghurt says 1
Yoghurt says 2
Yoghurt says 3
Yoghurt says 4
Yoghurt says 5
Yoghurt says 6
Yoghurt says 7
Yoghurt says 8
Yoghurt says 9
Yoghurt says 10
Yoghurt says 11
Yogurt says 12
Yogurt says 13
Yogurt says 14
Yogurt says 15
Yogurt says 16
A tease to season 2
Season 2: Yogurt says 17
Yogurt says 19
Season 2: Yogurt says 20
Season 2: Yogurt says 21
Season 2: Yogurt says 22
Season 2: Yogurt says 23
Season 2: Yogurt says 24
Yogurt says 25
Season 2: Yogurt says 26
Season 2: Yogurt says 27
Yogurt says 28
Yogurt says 29
Yogurt says 30
Yogurt says 31
Yogurt says 32
Yogurt says 33
Yogurt says 34
Yogurt says 35
Yogurt says 36
Yogurt says 37
Yogurt says 38
Yogurt says 39
Yogurt says 40
Yogurt says 41
Yogurt says 42
Yogurt says 43
Yogurt says 44
Yogurt says 45
Yogurt says 46
Yogurt says 47
Yogurt says 48
Yogurt says 49
Yogurt says 50
Yogurt says 51
Yogurt says 52
Epilogue
New story: Undressing Madori
AMSM4: a concept

Season 2: Yogurt says 18

3.6K 176 63
By elusive_conteuse


Eleison's POV

Umalis ako ng bahay samantalang natutulog pa si tito. Hindi naman kasi ako nakatulog; idlip lang kumpara kay tito na himbing na himbing. Walang bakas ng pagsisisi. Konsensya nga di tumalab e.

Ayoko ng magisnan pa niya ako sa bahay sa takot na baka ipaulit niya ang nangyari, ipagawa ang anumang naisin. Oo. Ako na ang iiwas, ang mag-aadjust. Baka kasi ang tingin niya kung hindi ako umiiwas e nasarapan ako at gusto ko pa mangyari 'yon.

Ayoko ng mangyari 'yon.

Pero hindi naman ibig sabihing iiwas ako e tatakasan ko na responsibilidad ko sa bahay. Ako pa rin ang nagsaing, ang naghugas, ang naglaba. Naglaba ako sa halip na matulog o gumawa ng assignment.

Sumagi ba sa isip kong lagyan ng lason pagkain at inumin ni tito o saksakin siya habang natutulog? Oo. Kaya lang hindi kaya ng isa kong pagkatao ang pumatay. Yong parte ng pagkatao kong nagdadalawang isip. 'Yong kj. 'Yong maarte. 'Yong "pabebe". Mga deskripsyong typical kina tito at Thadeuss.

Pero ito rin kasi yong typical kay Mark. Pero kumpara sa kanila, hindi niya 'to minamasama. Ngunit sa kasamaang palad, unti-unti ng nawawala.

Tulad na lang nang batiin ako ng mga nadadaanan ko pagpasok sa iskwela at hindi ako sumagot. Ni hindi ko nga nilingon.

Hindi ko kayang tugunin ang "Magandang umaga Eleison!" nila dahil alam ko ang gusto nila ay 'yong Eleison'g mabait, 'yong inosente, 'yong parang santo; hindi ako na pvta't parausan ng tito.

Pero kung ayokong madamay si Mark kailangan kong manlinlang. Kailangan kong magsinungaling sa kanya (para rin sa kanya) na buo pa ako.

Late ako kung dumating sa classroom ngunit natataong nauuna pa ako kesa sa mga professor sa pagpasok. As usual, maaga si Mark. Maihahambing ko siya sa asong nagwawasiwas ng buntot kapag makita ang amo. Gano'n kasi ang vibe niya. Parating masigla. Maligalig. Hindi nga lang ako nagpapahalata kung akin siyang tanawin; sapat na 'yong mahagip siya ng aking paningin.

Una kong ginagawa pagkaupo ay isukbit ang bag sa sandalan ng upuan. Pag-ginagawa ko 'yon hindi pwedeng hindi ako malingon sa direksyon ni Mark na ngayon ay nagre-ready ng tumayo sa kinauupuan.

Ihinarap ko ang katawan sa pisara, labas ang notebook at papel. Hanggang sa maamoy ko na ang pabango ni Mark at nagsitayuan ang balahibo ko. May gano'n siya sa'king epekto.

Usually, kung hindi siya sa likuran ko, sa kanan ko siya umuupo. Ngayon napili niyang umupo sa kanan ko at sa halip na magalit gawa ng pagsuway ko sa kanyang hintayin pagbabalik niya no'ng gabi,

"Napa'no yang pisngi mo?" ang una niyang bati.

Kita ko sa kunot ng noo niya na ayaw nya ang nakikita niya.

"Nakipag-away ako." sabi ko sabay bukas sa pahina ng librong may bookmark.

"Nakipag-away ka? Ikaw? Kanino? At bakit?" tanong niya, inusog na ang upuan palapit sa'kin. "Sabi ko naman sayo hintayin mo 'ko! Ka-bansot-an mo rin, e no?" pingot niya sa ilong ko.

"Wala e. Nangyari na." Hawi ko sa kamay niya at sinubukang magsulat.

Casual siyang umalis sa tabi ko ngunit pagbalik,

"Ah!" napaatras ako sa kinauupuan.

"Lagyan natin nito para mabilis gumaling!" dahilan pa niya, sinusubukan uli akong dampian no'ng pamahid na ginamit niya rin kay Yogurt. Pero kaya kaya nitong hilumin sugat ko? Kaya kaya niya?

"Ba't hindi mo na 'ko ni-reply-an after no'n?" tanong niya pero patuloy pa rin sa ginagawa. "Tinatawagan kita, hindi mo sinasagot."

"Okay na. Thank you, Mark." Sabi ko, pinigilan na sa ginagawa niya't bumalik sa pagsusulat. "Lowbat ako no'n. Sorry."

"Nagalit ba tito mo, sot?" Napadiin bigla sulat ko.

"Si tito? Hindi. Hindi siya nagalit." Sabi ko. "Birthday ko kaya pinagbigyan ako. May regalo pa nga akong natanggap e."

"Buti naman kung gano'n." Hinga niya nang maluwag. "Uhm siya nga pala, sabay ka sa'min ni Jolina mamaya kumain, ha? Ite-treat niya tayo. Pang post-birthday celebration mo raw."

"Naku yan talagang si bes. Ang daming pasabog." Ani ko. " Sige na Mark, balik ka na sa upuan mo. Gagawa pa ako assignment."

"Ay naku, kaya nga homework e. Sa bahay da't ginagawa."

Hind ko lang masabi sa kanya na 'Iba pinagawa sa'kin e.' Hindi pa ako handa.

Noong mag 12:30 inimbitahan na nga ako ni Jolina kumain sa labas, tulad ng sabi ni Mark. Hawak niya ako sa bisig para hindi raw ako tumakas at pinahawak niya naman si Mark sa aking kaliwa.

"Kailangan bang magkabilaan kayo?" tanong ko, tinitiis maglakad nang maayos.

"Hndi naman. Pinapaporma ko lang si Mark. Haha!"

Noong mkapasok na kami sa loob ng restaurant na pinili niya, pinaupo niya kaming magkatabi ni Mark. Snigurado niya munang nasunod namin siya bago kami iwan. Nang maya-maya,

"Deserve ko ba talaga 'yong kiss mo?"

Hindi ako makatingin nang maayos.

"Sa totoo lang Mark, hindi." Sabi ko. "You deserve better."

"Yes, uulitin niya! 'You deserve better' 'big sabihin sa lips yan!" kausap niya sa sarili pero masyadong malakas para hindi ko marinig.

"Tungaw, hindi yan ibig kong sabihin!" iling kong ulo.

"Aww. Sayang. E ano?"

Napaayos muna ako ng upo at nagseryoso.

"Ibig kong sabihing 'you deserve better' is... wag kang mag-settle sa'kin." Sabi ko. "Stop over lang ako. Hindi destination." Sana maunawaan niya ibig kong sabihin.

Pero wala akong naririnig mula sa kanya e kaya napaangat na ako ng ulo. Hinihintay niya lang palang lingunin ko siya bago,

"Bakit mas marunong ka pa sa pasahero?" aniya. "Kung gusto niyang bumaba na sa stop over, desisyon niya 'yon. Ginusto niya 'yon. Hindi lahat ng tao nakikibandwagon, sot. Ibahin mo 'ko."

'Iba ka naman talaga Mark e. Di ko maikakaila. Kaya nga you deserve better. Hindi tulad ko na mababa ang lipad.' Kimkim ko sa'king sagot.

Maya-maya dumating na rin si Jolina kasunod ang isang crew, dala ang order.

"Salamat, Kiko!" himas pa nito sa balbas no'ng lalaki sabay, "Kiko, si Eleison nga pala. Single 'yan."

Makikipagkamay sana 'yong Kiko kung hindi lang tinampal ni Mark ang kamay nito.

"Pa-follow up daw no'ng halo-halo do'n o! Dali! Puntahan mo." Pagsisinungaling niya. Nang makaalis,

"Bastos ka e, no?" sinumpak nya ng sago si Jolina.

"Sorna bes!" hingi ng tawad ng isa.

"Sorry!? Lul!" Matampuhin rin ito minsan si Mark.

"Anyway, happy belated birthday beshy!" akap sa'kin ni Jolina. "Actually ikaw lang talaga dapat ite-treat ko kaso 'yong isa diyan, naka-epoxy ang mukha. Nagpalibre pa." Parinig niya kay Mark na siya namang inikutan lang ng mata.

"O pa'no, kain na tayo! Warla na belly ko e!"

"Kampon ka talaga ng dilim e, no?" tapik ni Mark sa kamay ni Jolina nang aktong kakamayin ang fried chicken. "Magdasal muna tayo! Di ba, sot?" siko ni Mark sa'kin.

"Ha? Dasal? Naku wag na. Di na kailangan no'n." Sabi ko. Hanggang sa pati kamay ko tapikin niya nang aktong kukuhain ko yong dapat sanang kukuhain ni Jolina.

"Pinagsasabi mong 'di na kailangan!? Kailangan!" ani Mark.

"Bakit ba big deal sayo magdasal, Mark? Wala naman dito papa mo e. Wala sayong magbibigay ng isang daan!" tawa ko.

Hindi siya natuwa.

"Sige, ako na magle-lead ng prayer." Ako niya; yumuko na si Jolina't pumikit samantalang ako pinagmamasdan lang si Mark at kung paanong ang galing niya ng magdasal, humingi ng pasasalamat sa Diyos. Sumagi tuloy sa'kin, 'Bakit ko ba siya inimpluwensiyahan?'

After no'n, kumain na nga kami nang hindi na inungkat pa ang tungkol do'n. Kahit na alam kong hindi niya palalampasin 'yon.

Ilang sandali lang, tinapat ni Jolina ang cellphone sa aming dalawa at kami'y kinuhaan.

"Bes, smile naman diyan." Aniya.

"Jolina kumakain tayo." Saway ni Mark.

"Pang post lang naman sa Instagram!? Gigil mo ko a!?" aniya pero click naman ng click sa cp niya. Nang suriin ni Jolina ang mga kuha,

"Beshy, halata dito yang pasa mo sa mukha. Yaan mo, ifi-filter natin para fresh!" sabi niya. "Bakit ka nga pala nakipag-jombag in the first place? Paki-explain!"

Casual lang naman ang pagtatanong na 'yon, 'yong tipong okay lang kahit di na sagutin. Pero ang tingin ni Mark sa'kin napaka-seryoso. Parang nag-eexpect nga siya ng matinong explanation.

"May mga lasing kasi sa kanto no'n. Tinatawag ako ng mga pangalan. Napuno ako kasi lagi nilang ginagawa yon e." Tumingin ako saglit kay Mark; hindi siya kumbinsido. Hanggang sa idugtong ko, "Dalawa lang naman pisngi ko tama ba? Ibig sabihin sa pangatlo, gantihan mo na."

Alam ni Mark na sa kanya galing ang huli kong sinabi. Para tulo siyang nagsisisi kung bakit niya pa sinabi yon in the first place.

Nakakahalata na ba kaya si Mark? Akala ko ba Eleison ang plano e wag siyang bigyan ng pagdududahan?

Sa gitna ng pag-iiscroll ni Jolina sa cp no'ng matapos na kaming kumain, may pinakita siya sa aming video sa facebook na nagpapakita ng pang-aabuso ng isang lalaki sa isang bata. Kuha itong cctv camera kung kaya walang boses pero kitang-kita naman namin kung pa'no ihampas ang bata sa pader.

"Tanginang lalaking 'to! Hindi na naawa sa bata!" sambit ni Mark napailing ng ulo.

"Sinong amang gagawa niyan sa sarili niyang anak, right? He must go to hell." Sabi ni Jolina.

"Tingin ko hindi siya 'yong ama kung kaya gano'n niya na lang maltratuhin ang bata. Siguro tito niya 'to. Naging makulit siguro 'yong bata; hindi sumusunod sa tito kaya ayon, lumabas pagkademonyo. Tangina ng mga taong ganyan. Mamatay na si-" Tinakpan ni Mark ang bibig ko.

"Sot, tama na. Di bagay sayo magmura!"

"Tangina ba't ikaw pwede?" Alis ko sa kamay niya.

"Bes, chill." Ani Jolina.

"Sabi na e, may problema ka." Napalagay si Mark ng kamay sa baba. "Sabihin mo sa'kin sot. Please?"

"Tungaw! Wala akong problema! Sobrang apektado lang talaga ako sa video." Sabi ko. "Si bes kasi e, pinakita pa yan." Sisi ko kay Jolina.

Maya-maya nagyaya na akong bumalik sa school. Ako at si Jolina na lang ang magkakapitbisig ng mga oras na yon dahil itong si Mark napiling magpahuli. Sa likuran namin.

Sa klase, nararamdaman kong gustong makipagkwentuhan ni Mark, tulad ng ginagawa naming noon. Kaso ang hirap ng pinapagawa ni tito na magpanggap na walang nangyari.

Ang gusto ko kasi mangyari wag na siyang kausapin dahil sobrang nakakahiya para sa katulad kong marumi ang pag-gugulan pa niya ng panahon. But at the same time kung iiwasan ko siya makakaramdam naman siya na parang may mali.

Uh. Madali sana 'to kung hindi kita mahal, Mark. Kung kaklase lang turing ko sayo.

Nang mag-uwian, nakutuban kong pasimpleng sumusunod si Mark. Huminto ako ng lakad, humarap sa ngayo'y nagpapatay malisyang lalaki.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Di, no. Asa ka." Lagay niya ng kamay sa bulsa't tingin sa malayo. "Sisiguraduhin ko lang ligtas kang umuwi."

Lumapit ako't pinuntirya ang kanyang dibdib.

"Ayoko ng hinahatid ako, Mark. Ba't ba ang kulit mo!? Wag mo kong ituring na babae. Kaya ko magcommute mag-isa."

"Fine. Ayaw mo magpahatid? Mauna na lang ako do'n sa bahay niyo." Ika niya nagsisimula ng maglakad. "Kitakits na lang."

Hinabol ko siya.

"Bakit ka ba pupunta sa'min!? Bawal!"

"E pa'no kung sinabi kong hindi ako sa inyo pupunta, pagbabawalan mo pa rin ako? Sot, ako ang commuter. Kahit sa'n ko gusto pumunta, pupunta ako. Wag mo kong pagbawalan." Pang-iinis niya.

Sa inis ko,

"Pag pumunta ka sa'min, hindi na kita kakausapin kelanman."

"Yan! Pag-usapang 'pagpunta sa bahay' big deal sayo. Pero pag-usapang 'hinulog sa manhole', mga seryosong bagay, binabalewala mo. Bakit ba 'sot? May tinatago ka ba?"

"Wala akong tinatago! Ayaw lang kita do'n!"

"Bakit nga!?"

Ayokong gumagawa ng iskandalo sa daan kaya,

"Hindi ka talaga madala sa isang pakiusapan, ha?" hawak ko ang kamay niya at hinila sa school chapel. Wala na masyadong nagpupunta sa lugar na 'to 'pag ganitong oras.

"Magdadasal tayo?" ani Mark.

Pinatong ko ang mga kamay sa kanyang balikat at pinaupo siya sa pahabang upuan. Samantalang ako, lumuhod sa harapan niya; tinatago ang kaba sa gagawin ko sa kanya.

"Hindi tayo magdadasal, Mark." Ani ko sabay himas sa ibaba ni Mark. Agad siyang napalagay ng kamay doon.

"Sot! Ano ka ba!? Nasa chapel tayo! Nakakabastos kay Bro!" turo niya sa may altar.

"Kahoy lang yan, Mark. Hayaan mo Siya." Sabi ko. "Alam ko gusto mong landiin kita, tama?" Pilit kong nilalagay ang kamay sa pagitan ng kanyang hita; may nakaumbok na kasi doon.

"Tama na!" ang sigaw niya.

"Anong tama na? Hindi ko pa nga nasusubo ti-"

"Sabi ko tama na!"

At tinulak niya ako. Pareho kaming natigilan. Habang pinupulot ko ang mga nagkalat kong gamit, bumalik siya ng upo ngunit ngayo'y natatakpan na ng kamay ang kanyang mukha.

"I'm sorry, sot." Sabi niya.

"Wag kang magsorry. Kungwari na lang hindi nangyari 'to." Sabi ko. "At pakiusap, iwasan mo na ako." At nauna na akong lumabas.

Binastos ko si Mark. 'Yong taong mahal ko, hinalay ko. Gustong-gusto ko agad mag-sorry. Kaso kung gagawin ko 'yon papaaminin na naman niya ako tulad ng ginawa niya nang mapaamin niyang hinulog nga ako sa manhole.

Tama lang siguro yong ginawa ko. Para may rason ang paglayo niya. Para isipin niyang wala akong pinagkaiba; na katawan lang ang habol ko sa kanya.

Nang makarating sa amin, patay na naman ang ilaw sa baba. Hindi nagpasugal si tito. At magpapatuloy ata 'to hanggang sa magbalik sina tita. Pero sana talaga nagpasugal na lang siya. Ako kasi ang ginagawa niyang libangan e. At sana bilisan na nila tita; para may mapagsumbungan ako ng kahayupan ni tito.

Hindi ko kasi kayang magsumbong sa mga kapitbahay dahil hindi nila ito seseryosohin. Baka nga pagtsismisan pa ako e. Hindi rin ako makapagsumbong sa barangay dahil may koneksyon siya doon. At kung nagkataon man, hihingan nila ako ng ebidensya.

At anong ebidensya ang meron ako? Maghubad? Ipakita sa kanila ang likuran ko't isadula 'yong mga posisyong pinagawa sa'kin ni tito? Ni ang Diyos nga hindi ako natulungan, sila pa kaya?

Pagkaakyat ko sa amin, diretso sana kagad ako para magsaing. 'Yon ang routine e. Pero nabigla ako no'ng makita kong humawak si tito ng sandok. Nagluluto siya ng itlog.

Hindi na ako nagmano sa kanya dahil insulto ata ang dating nito sa kanya. Sinandukan niya ako ng pagkain sasabihin ko pa nga lang sanang mamaya na ako kakain. Wala tuloy akong choice kundi sabayan siya. Magkatapat kami. Kung paanong nagagawa kong lunukin ang pagkaing gawa ng kamay niya, hindi ko matanto.

"Kamusta klase?" tanong nya. Alam kong tungkol kay Mark ang tinutumbok niya.

"Hindi na kami magkaibigan." Sabi ko.

"Kwinento mo sa kanya? Nagsumbong ka?" humigpit ang hawak niya sa kutsara.

"Hindi." Sabi ko. "Sinubukan kong isubo ang kanya. Tinulak niya ako. Galit siya sa ginawa ko."

"Magaling!" puri niya. "Ta mo, kasisimula mo pa lang kahapon, t!t! na ka'gad hanap mo."

"Tito hindi ako gutom sa ari." Sabi ko. "Ginawa ko lang 'yon para magkaron siya ng rason na layuan ako. Para hindi na siya madamay."

"Ang bait mo talaga. Kaya 'yong mga katulad mo masarap pag praktisan e. Hindi lumalaban." Ngisi pa niya. "Kamusta itlog ko masarap ba?"

"Magulang na." Sagot ko.

"Tangina mo, 'yong ulam 'yong tinutukoy ko. Gago!" buhos niya sa'kin no'ng tubig sa baso.

Alam ko naman talagang 'yong ulam ang tinutukoy niya subalit 'yon pa rin ang napili kong i-sagot para malaman niyang nandidiri ako sa kanya. Pero tulad no'ng makagat ko ang kanya't inakala kong nakaganti na ako, panandalian lang din ang pagkapanalo ko dahil do'n mismo sa hapagkainan, balak na naman akong gahasain ni tito.

Wag niyong isiping pamigay lang ako. Nanlaban ako. Ginawa ko lahat wag lang maulit ang kagabi. Pero kahit saang anggulo mo tignan, hindi pa rin patas. May abuse of power. Malakas siya. Sinuntok ko siya; sinuntok niya rin ako; doble pa ng suntok ko.

Mahuhubad niya na sana ang pambaba ko nang may marinig kaming kumakatok. At hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Mark ang nagsasabing,

"Tao po! Sot!? Andiyan ka na!?"

"Pvtangina akala ko ba galit sayo?" amba ni tito, napa-zipper na ng shorts nang di oras at bumaba. Samantalang ako, dumiretso sa bintana para siya ay makita.

"Anong ginagawa mo dito, Mark?"

Pagbukas ni tito sa pinto, kwinelyohan niya kagad si Mark.

"Ano bang kailangan mo, ha!?"

"Isasauli ko lang po cellphone ni Eleison. Nalaglag niya sa chapel kanina." Pakita niya rito, nagliwanag ang screen. Buti hindi nasira. Madaling kinuha ni tito ang cellphone at pagkaraa'y pinagsar'han na siya ng pinto. Ngunit napabukas siya nang,

"Kayo po ang sumuntok kay Eleison, ano?"

Hinarap ni tito si Mark at dinuro.

"Ano ngayon kung ako, ha? Papalag ka?"

Napaatras si Mark.

"Dinisiplina ko lang pamangkin ko dahil sumasama siya sa mga katulad mong pariwara."

"Noon ho 'yon. Hindi na ngayon." Ang sabi ni Mark sabay may hinagis. Yong Petrolem Jelly. "Pabigay ho yan kay Eleison. Para po sa pasa niyan. Wag niyo na sanang dagdagan pa."

Napatingin siya rito sa may bintana. Nakita niya siguro ako. Pero sana hindi 'yong luha ko. Napaiyak talaga ako kasi kahit na ginawan ko siya ng kasalanan nakuha niya pa ring pumunta rito, ibalik ang cellphone ko't dalhan pa ng bagay na 'yon. Makulit talaga siya.

Ilang sandali lang umakyat na rin si tito; inihagis ang cellphone ko. Nasalo ko naman pero no'ng inusisa ko, hindi na umiilaw. At may malaki ng crack ang screen.

"Bakit mo sinira!?" At alam mo 'yong nakakainis, 'yong sabihin niya bang, 'wala lang' sabay pakita no'ng petroleum jelly.

"Akin na 'yan! Bigay 'yan ni Mark sa'kin."

"Nanonood ka pala kanina."

"Oo." Sabi ko. "Para sa mukha ko 'yan 'To, amin na." Kuha ko ng pilit sa bagay na 'yon kaso imbes na makuha, kamay ko ang nakuha niya't hinahawakan ito nang mahigpit. Hanggang sa sabihin niya,

"Mabait pala 'yong lalaki, ano? Biro mo, dinalhan pa ako ng pampadulas."

Gusto ko ng mamatay.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 20.1K 39
Kakaibang kilig nina Chace at Bryce. || HEART SERIES: Thumping Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
8.2K 110 32
'To you who'll get my heart, I had a dream that I'll die, so, Can I ask you for a favor? Could you please help me take care Of what I'll be leaving...
1.6M 62.8K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
Still Us By Jino

Fanfiction

39K 1K 48
[COMPLETED | UNEDITED] The seventeen-year old Lucas Yao was asked to help Leo Yang cope with the new environment where he'll be staying for one schoo...