I Know Places (COMPLETED)

By Ellisire

1.3K 93 19

You stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Alex's Letter

27

47 2 0
By Ellisire

Shin's POV

"Andito na pala yung bugarets." Sabi ni Delanxe pagkapasok ko sa classroom.

"Best actress!" Pang-aasar sakin ng mga kaklase namin at tinawanan ko lang sila. Alam na pala nila na acting lang, ano ba 'yan!

"Pagkatapos ka naming hintayin na magising, iiwan mo na lang kami basta?" Sabi ni Alex at umirap sa akin habang umiiling pa ang ulo. 

"Hoy babae, halika nga rito. 'Yang mga 'yan na lang lagi mong kasama eh." Sabi ni Brigitte at pinaupo ako sa gitna nila ni Delanxe.

"Miss niyo ako?" Natatawa kong tanong sa kanila at lumayo sila sa akin. Ano bang problema nitong dalawang 'to? Papaupuin ako malapit sa kanila tapos lalayo. Abnormal.

"Ikaw ha! Porkit kayo na ni Kris mo hindi ka na sumasama samin?" Pagsesermon sa akin ni Brigitte. Tumingin naman ako sa mga kaklase ko at mukhang wala namang nakarinig sa kanila nung sinabi ni Brigitte.

"Wag kang maingay! Gusto mo bang kutusan kita dyan? Sinabi nang bawal ipagkalat."Pagsesermon ko naman sa kanya then she apologetically smiled bago ako simangutan uit. 

"Wag kang change topic dyan! Delanxe tulungan mo nga ako dito! 'Di ako mananalo rito e." Pagsusumbong ni Brigitte kay Delanxe na walang pakielam sa amin. 

"Kahit naman kakampi mo ko di tayo mananalo dyan. Walang preno bibig nyan." Pang-aasar pa sa akin ni Delanxe at hinampas ko naman siya sa balikat. 

"Wow! Mas okay na 'yong maingay kesa mamaho hininga ko sa pananahimik." Sabi ko sabay irap sa kanya at inirapan din naman niya ako pabalik habang hinihimas ang balikat niyang hinampas ko. 

"Tignan mo, nagtabi-tabi sila para mag-away." Mahinang sabi ni Keneth na nasa likod naming tatlo.

"Siyempre walang magpapatalo sa mga babae, no. Amazona yang tatlong yan, e. Lalo na si Shin." Pagdagdag pa ni Kevin.

"Kahit sino namang kasama niyang si Shin, laging nagkakaron ng away." Sawsaw pa ni Alex.

"Ayan ba yung sinasabi nilang backstabbsing?" Bulong samin ni Brigitte. Anong backstabbsing?!

"Sa tingin ko nga." Bulong naman ni Delanxe at nagtaasan ang kilay nilang dalawa. Minsan hindi ko rin alam kung bakit ganitong mga kaibigan ang naka palibot sa akin, matino naman ako. 

"BINA-BACKSTABS NIYO BA SI SHIN?!!" Sigaw nung dalawa sa tatlo at napatintin naman sa kanila yung lahat ng tao dito sa room. Oh god.

"Kanina lang sila ang magkakaaway, ngayon tayo na inaaway nila." Sabi ni Keneth at bumuntong hininga.

"Hay nako mga babae nga naman." Sabi naman ni Kevin at humalukipkip habang natatawa na rin ako sa mga pakulo nila. 

"Buti na lang lalaki tayo, 'no?" Natatawang sabi ni Alex at nakipag-apir dun sa dalawa.

"Bad kayo!" Sabi sa kanila ni Brigitte at padabog na umupo sa upuan niya.

 "Ikaw rin, bad ka!" Sigaw niya nung mapatingin siya sa akin.

"Ano na namang ginawa ko sayo?" Natatawa kong tanong. Napaka talaga nitong babaeng 'to, hindi ko na malaman kung ano ang trip sa buhay! 

"Ba't 'di ka sumasagot sa mga text ko?! Pati tawag ko?! Kasama mo lagi yang boylet mo kaya hindi mo na kami naaalala!" Parang bata niyang sabi pumamewang pa sa harap ko. 

"Aba? Kailan ka tumawag at nag-text sakin, aber?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Aba! Lagi akong tumatawag sayo, 'no!" Pagdedepensa niya pa sa sarili niya at natawa naman ako. 

"Sakin o kay Blake?" Pang-asar kong tanong sa kanya at saglit naman siyang natigilan. 

"Mas madalas kay Blake pero tumatawag pa rin naman ako sayo kapag hindi sinasagot ni Blake yung tawag ko!"

"Magtatabi ba kayo para mag-away?" Pag-awat sa amin ni Delanxe.

"Sus. Inggit ka lang kasi 'di ka namin pinapansin." Sabi ko sa kanya at natawa siya.

"Luh. Epal of the year. Abnormal mo, bakla." Sabi sa kanya ni Brigitte.

"Ako lang naman matino sating tatlo." Sabi ko at tuluyan na silang lumayo sa 'kin at naiwan naman akong mag-isa sa row namin ngayon. Ano ba talaga nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit ang lalakas ng trip nila? 

"Kaya sabi ko sa 'yo, tayong dalawa lang dapat ang laging magkasama eh." Sabi ni Blake sabay akbay sa 'kin.

"Ba't 'di ka makalapit sa 'kin kanina? Takot ka kay Brigitte, 'no?" Pang-aasar ko sa kanya at tinanggal niya rin naman yung pagkakaakbay niya sa 'kin at umalis.

Lumabas muna ako ng classroom at umupo sa may pasimano at natanaw ko naman yung ibang students. May mga naglalaro ng soccer, may nga nanonood lang, at merong mga katulad ko kapag nasa field, natutulog lang. Masarap kasi talaga matulog sa field, presko ang hangin tapos puro halaman pa. Ang lakas magbigay ng province vibes. 

"Boo!" Sigaw ng isang lalaki sa tenga ko kaya't napahawak ako sa puso ko. 

"GAGO KA!" Tili ko nung gulatin ako ng nasa likod ko.

"Minumura mo na ako?" Tanong sakin ni kuya Miere at sinuntok ko siya sa braso. 

"Ba't kasi nanggugulat ka? Kapag ako nahulog dito wala ka ng kapatid na maganda!" Sabi ko at bumaba sa pasimano dahil baka bigla pa akong itulak ni kuya. 

"Wala naman talaga akong kapatid na maganda." Pang-aasar niya at inirapan ko siya bago layasan. Ayaw ko na muna makipag-asaran sa kanya, wala ako sa mood. He's not worth my time. 

"Andyan syota mo." Sabi ko kay Delanxe at agad naman siyang lumabas. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. 

"Tang inang pag-ibig." Sabi ni Alex sa tabi ko.

"Walang ibang gagawin 'yang pag-ibig na 'yan kundi saktan tayo." Sabi niya pa at kinindatan ako.

"Drama mo. Libre mo na lang ako." Sabi ko at inakbayan siya saka kami naglakad papuntang cafeteria. 

"Hindi naman halatang nahihirapan kang akbayan ako, 'no?" Tanong sakin ni Alex at binatukan ko siya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Maangas na tanong ni Alex dun sa lalaking may skateboard.

"Hindi ako sa 'yo nakatingin." Sabi niya at ngumisi.

"May sinabi ba akong sa 'kin ka nakatingin?" Natatawa namang sabi ni Alex sabay tingin nang masama ron sa lalaki. Hindi na 'to maganda, napipikon na 'to. 

"'Wag kang umusap, pare." Sabi pa nung lalaki at napansin kong nag-igting yung panga ni Alex at doon na ako nakisali sa kanila.

"Tignan mo 'to, ililibre na lang ako maghahanap pa ng kaaway. Tara na, pabayaan mo na lang siya." Sabi ko at hinatak na siya palayo ron sa lalaki. 

"Di mo ba naaalala 'yong lalaking 'yon?" Tanong sakin ni Alex at kumunot naman ang noo ko. 

"Hindi." Tipid kong sagot dahil hindi naman ako interesadong malaman kung sino siya. 

"Siya yung muntik ka ng mabangga ng skateboard niya nung isang araw." Sabi ni Alex at tumango naman ako.

"Hindi naman masyadong halata na wala kang pake sa kanya, 'no?" Tanong niya sa 'kin at ngumiti ako.

"Hindi naman kasi dapat gawing big deal yung nangyari nung isang araw. Tapos na. Nangyari na. Let it go, naghahanap ka lang ng bagong kaaway eh." Sabi naman niya at tinawanan ako.

"Pero pwede mong gantihan." Sabi niya at ako naman ang natawa ngayon.

"Bakit ko siya gagantihan? Sayang lang sa oras. Pati hindi naman niya ko nasaktan." Pagdadahilan ko sa kanya at umiling siya. 

"Ako na lang gaganti para sa'yo." Sabi niya at nag-flex pa ng muscles niya at hinampas ko naman ito. 

"Pisatin ko pa 'yan eh, itago mo nga 'yan! Ang pangit tignan!" Singhal ko sa kanya at natawa naman siya nang malakas. 

"Eto na, boss!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko pagkatapos. 

"Sweet niyo naman." Sabi ng lalaking nasa likod namin kaya parehas kaming napalingon ni Alex.

"Kris!" Sabay naming tawag dito.

"Out muna ako, sir! Pero, malinis po ang konsensya ko. Yung girlfriend mo ang nanglandi sa akin." Sabi ni Alex at kinindatan ako bago manakbo papalayo samin.

Pinangdilatan ako ng mata ni Kris at tinaasan ko naman siya ng kilay. Don't tell me he bought Alex's bullshit? 

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa akin at ngumiti ako sa kanya. 

"Pupunta kami dapat sa cefeteria eh. Bibili kami ng pagkain. Nagpapalibre ako kay Alex." Sabi ko sa kanya at tinignan niya lang ako. 

"Where's your money? Nakalimutan mo ba?" Tanong niya at umiling ako sa kanya. 

"Nasa bag ko, eh si Alex kasi nasa kanya na 'yong wallet niya kaya nagpalibre na lang ako sa kanya." Pagpapaliwanag ko sa kanya at sinimangutan niya ako bago niya ako layasan. 

Ano bang meron sa mga tao ngayon at ang hilig na layasan ako? 

"Tara." Sabi niya at automatic na napasunod ako sa kanya habang nakatungo. Lintek para akong batang pinagalitan ng tatay! 

"Anong oras class mo?" Mahina kong tanong sa kanya trying to lighten the mood. Kinakabahan kasi ako eh! 

"10." Masungit niyang sagot at tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. 

"Eh bakit ang aga mo? Malapit pa lang mag-8." Tanong ko pa ulit sa kanya.

"Just because." Medyo iritable niyang sagot sa akin at tumango ako. 

Okay, Kris fucking Montealegre, this is my last straw of patience for your attitude. 

"Bakit ka nga pala napunta dito?" Tanong ko ulit pero bumuntong hininga na lang siya. 

Ano bang problema nito?!

"San kayo pupunta?" Tanong samin ni kuya Miere ng mapadaan kami sa room namin dahil nag-uusap pa rin sila ni Delanxe sa tapat. 

"Hi Kris!" Pagbati naman sa kanya ni Delanxe at tinanguhan niya lang ito. 

"Dyan lang." Sabi ni Kris at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Bakit nakasimangot kayong dalawa?" Pagtatanong sa akin ni kuya Miere.

"Malay ko dyan sa lalaking 'yan, ang aga-aga binabadtrip ako." Sagot ko at padabog na sumunod kay Kris.

"Bago pa lang 'yang dalawang 'yan, nag-aaway na kaagad. Mataas pa naman pride niyang dalawang 'yan." Natatawang sabi ni kuya Miere.

"Feeling ko tiklop pa rin 'yang taong mahaba na 'yan kay Shin. Ikaw nga tiklop kay Shin, si Kris pa?" Natatawan namang sagot ni Delanxe.

Tawa pa sila dyan, pag-untugin ko sila eh.

Nakarating kami sa soccer field na tinatanaw ko lang kanina at umupo si Kris sa bleachers. Tumayo lang naman ako sa harapan niya at tinignan siya nang masama. 

"Umupo ka." Pag-uutos niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay at inangasan. 

"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo. Malapit na yung morning assembly." Sabi ko at tumingin sa malayo. Nakakayamot siya, eh. Pupunta lang ba siya rito para sungitan ako? Edi sana hindi na lang siya nagpunta!

Umiiling siyang tumayo kaya naman ngayon ay naka tingala na ako sa kanya. 

"Saranghae," he mouthed. At parang automatic naman na nawala ang yamot sa mukha kong maganda.

"I really want to scream that to your face right now." Sabi niya at ngumisi.

"I love you too, Kris." Nakangiti kong sagot sa kanya at nagliwanag bigla ang mukha niya. 

"What?" Tanong ko naman sa kanya nang nagmukha siyang natatae. Para siyang may gustong sabihin tapos hindi niya masabi. Abnormal. 

"Can I hug you?" Tanong niya at nanglaki ang mga mata ko, dahil hindi pa ako nakakasagot ay yakap-yakap na niya ako.

"Let's just say that it's a friendly hug." Sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"I gotta go." Sabi ko nung marinig ko ang warining bell. 5 minutes before the morning assembly.

"I love you, so so much" Sabi niya bago ako nanakbo palayo sa kanya.

I love you too.

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
87.6K 1.1K 3
A war that ends in love
579K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
20.2K 1K 16
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...