Dear Future Boyfriend

Por MissMakata

399 7 4

Dear Future Boyfriend, kapag tinagalan mo pa. Sasakalin kita. De joke lang. Masama bang maghangad ng matino... Más

Dear Future Boyfriend
01 - The Masquerade

02 - Pretentions

69 2 2
Por MissMakata

CHAPTER 02

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Yung feeling na para kang binuhusan ng sobrang lamig na tubig.

Na freeze sandali yung utak ko.

Etong masungit na mokong na to?

BESTFRIEND KO NUNG BATA AKO?

NO WAY! HIGHWAY!

At mukhang pati sya, di sumasang-ayon sa sinabi nung Mommy nya. Dahil tumalikod na siya at umalis.

“Sige, hija, pasensya na sa anak ko ah, may sayad lang talaga yan. Sumunod ka nalang sa loob, magsisimula na yung party eh.”

Pero di na ako sumunod. Babalik nalang sana ako dun kay Kevin kasi natanaw ko sya na mukhang busy sa pages-serve ng drinks sa mga babae kaya doon nalang ako sa gilid puwesto.

I can’t believe this.

Yung lalaking yun ba yung tinutukoy ni Mommy kanina na friend ko dati? Why can’t I remember him? Saka sa pagkakaalala ko, loner ako nung bata ako, lagi lang nasa bahay at nagkukulong lang sa kwarto.

“Good evening. Thank you for coming to the 18th birthday of my son, Zairus.”

Tinanaw ko yung babae sa stage, sya yung kanina eh, at hila-hila nya yung si Zairus na mukhang ayaw pang pumunta dun sa stage.

“As you all know, this is also a welcome party para sa amin since 11 years din kami sa States. Wear you masks for the small dance event and please enjoy the night.”

Tumalikod na ako at umalis. Wala na din naman akong gagawin dito eh, buti pang umuwi nalang.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. What’s new? Eh lagi naman akong maaga pumasok eh. Lagi nga akong una sa classroom eh.

“BESTFRIEND! GOOOOOD MOOOORNINGGGGG!!!”

Tahimik akon nagbabasa ng libro sa gilid ng may biglang yumakap sa likod ko. Sino pa ba? Eh di si Beatrice Anne Poncia, ang one and only friend ko.

 “Naka-drugs ka teh? Bakit ang hyper mo?”

Umupo na siya sa upuan nya sa tabi ko at ngiting-ngiti parin sya. Yung tipong super-duper good mood. Ano nanamang kinain nitong babaeng to?

“Sabay kasi kaming pumasok ni Vince eh, sinundo nya ako sa bahay namin, tapos sabi niya sabay din daw kaming magla-lunch.”

Tae, nakalimutan ko nanaman, may boypren na nga pala itong si Bea.

“Ah…” Yun lang ang nasabi ko, tae naman kasi.

SINO NALANG ANG KASABAY KO SA LUNCH MAMAYA?

Putakte tong Vince na to, panggulo sa buhay friendship ko.

“Hoy, Bea, paano mo ba nakilala yang Vince na yan? Saka 5 months ka na nyang nililigawan?! Bakit di ka man lang nagsasabi?”

“Ahh, basta! Secret! Eh ikaw kasi, sinasabi ko kaya yun sayo minsan, lutang ka lang talaga kaya di mo napapakinggan ng maayos yung mga sinasabi ko.”

“Eh, ganun? Sorry naman teh.”

“Sabi pala ni Vince kung gusto mong sumabay sa amin ng lunch, okay lang daw.”

Umiling ako. “Wag na. Maka-istorbo pa ako sa inyo.” Pero ang totoo gusto ko talagang sumama sa kanila. Wala akong kasama mamayang lunch! Putek. Kawawa naman ako. Huhuhuhu.

Pinalipas ko lang lahat ng subjects ng nagde-daydream. Laking tulong talaga pag sa likod ka nakaupo, walang pakialam sayo yung teacher. Mukha lang akong nerd kasi naka-salamin ako pero ang totoo, di naman ako ganun katalino. Eh sadyang malabo lang yung mata ko eh.

And then lunch came.

Umalis agad si Bea, obviously, sa labas sila ng school kakain since sa ibang school nag-aaral yung si Vince. Dito kasi sa school namin, maghapon yung classes. From 7AM to 3PM, so ang lunch namin is 1 hour and a half and pinapayagan yung mga estudyanteng gusting lumabas ng school, may malapit lang kasing mall dito eh.

At dahil wala akong ~*fRiEndZ*~ dito sa school, nag-decide nalang ako na mag-mall mag-isa.

Buhay nga naman ng single. Ang lonely. Huhuhu.

After ko kumain, naglakad-lakad nalang ako, tutal mahaba pa naman yung time ko eh. At sa kahabaan ng mall, eh may narinig nagsisigaw na babae sa di kalayuan, at mukhang umiiyak din sya.

“You can’t do this to me Zai! You can’t break-up with me!”

Sinisigawan nya yung lalaking nakatalikod sa direksyon ko, tapos pinapaligiran na din sila ng mga babaeng chismosa. Putek naman tong mag-jowa na to, sa mall pa napiling mag-away. Eksena talaga?

“Shut up okay! I told you, I don’t like you anymore!”

Maglalakad na sana palayo yung guy nung hinaltak nung girl yung braso nya. Maganda naman si ate, bakit sya nagpapaka-pathetic?

“No Zairus! You can’t leave me!”

Zairus daw? Parang narinig ko na yung pangalan na yun? Saan nga ba, sa TV ba o sa lib ko yun nabasa? Ah, ewan. Tatalikod na sana ako at malalakad papunta sa escalator ng marinig ko yung dalawang babaeng nag-uusap.

“Gwapo nung guy noh? Kaya siguro ayaw nung babae makipag-break.”

“Kahit ako gf nun, naku, I’d die pag nakipag-break yun sakin.”

“Asa ka, ako liligawan nun noh.”

 “Nangarap ka, magpapakasal na kaya kami.”

Sabi nung dalawang babae sa naglalakad palayo. Gwapo daw? Hala, matignan nga! Nakatalikod kasi yung guy eh! Naglakad ako palapit sa commotion. At mukhang marami na ngang nakikiusyoso, puro babae pa.

“Don’t touch me! What part of I don’t like you can’t you understand? HUH?!”

Tae, di ko makita yung mukha nung guy. Ang liit ko kasi tapos andaming nakaharang. Teka, parang kilala ko yung boses na yun? Sino ba kasi yun! Tss.

“No! Ayoko! May ibang babae ka na ano?! Is that why you don’t like me anymore?”

Saktong-sakto, paran plinano, naitulak ako nung isang babae papunta sa bandang gitna, siguro dahil sa sobrang sikip eh naitulak niya ako, nakita ko nalang ang sarili kong nasa gitna, sa tabi nung mag-jowang nag-aayaw.

At nung napatingin ako dun sa guy…

“IKAW?!” ⊙▂⊙      

“YOU?!”   ⊙▂⊙

Siya…. Siya yung masungit na guy sa party. Yung may birthday. SYA YUN!

“What the heck? Who is this ugly nerd?!”

Napatingin ako dun sa girl. Maikli an buhok nya, maputi, makinis at napaka-ganda, pupurihin ko pa sana sya kaso ang sama ng tingin nya sa akin eh.

“Hey, don’t you dare talk like that to my girlfriend.”

Tinanggal nya yung kapit nung babae sa braso nya at lumapit sya sa akin at hinawakan nya yung kamay ko. Wait, what on earth is happening?! O_O

“I’m sorry that you have to witness that, Innah.”

HA? ANO DAW?

.

..

Processing…

..

ANO ANG SINASABI NG KOLOKOY NA TO? AT BAKIT ANG LAGKIT NG TINGIN NYA SA AKIN??!! WAAAAHHH!!!!

.

.

.

Processing…

.

.

.

“Are you joking Zairus?! Ipagpapalit mo ako dyan sa nerd na yan?! Are you insane?!”

Then it dawned on me. He called me his girlfriend. He held my hands. For what? To escape this girl? Who cares? His eyes are locked on mine, parang sinasabi na please sakyan mo naman ako, maawa ka na.

“E—Excuse me? Ako, nerd?! Dahil ba naka-salamin at malabo ang mata nerd na agad? At least di ako mukhang espasol na tinubuan ng mukha at katawan! Di ako mukhang multo na sobrang puti!”

“What did you say? YOU BITCH!”

Susugurin sana ako nung babae nung humarang si Zairus sa harap ko at sya yung tumanggap ng sampal nung girl. Ouch, ang lutong nung sampal na yun ah. (O__O)

“I—I’m sorry, I didn’t mean it Zai…”

“Well, that’s means goodbye. Ayoko nang makita ka ulit.”

Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko sabay hinila nya ako palayo hanggang sa nakarating kami sa parking lot, tapos binitawan nya yung kamay ko, sumakay sya sa kotse nya na parang aalis na.

“Hey! Ano yan? Aalis kana?”

 Binaba nya yung bintana ng kotse nya at ngumiti na parang nag-aasar, “Don’t tell me you take that seriously? Di ako mag-gi-girlfriend ng nerd noh.”

*Plak*

“OUCH! Why did you do that? Bakit mo ako binatukan?!”

“Eh ang assuming mo pala eh, noh? What I mean is after kita tulungang takasan yung babaeng yun, eh ganun–ganun lang?! DI KA MAN LANG MAGTE-THANK YOU?!”

“Eh di thank you. Psh.” Binaba nya yung salamin ng kotse at pinatakbo na yung kotse. (O__O)

WHAT THE HECK IS THAT?

“HOY! YOUR WELCOME AH! ANG SINCERE MONG MASUNGIT KA!”

Sigaw ko habang papalayo yung kotse nya. Bastos yun ah, hinila-hila ako sa gulo nya tapos iiwan ako bigla? Ang arogante pa, thank you lang ang hinihingi ko eh. Takte.

“Psh. Akala mo kung sinong gwapo.”

Well, gwapo nga naman sya.

Pag hindi sya nagsusungit!

Kanina, nung tinitigan nya ako, para akong na-hypnotize na tulungan sya

 Ang cute kasi ng mata nya eh! Tapos antangos pa ng ilong and his lips are so luscious—WAIT! Di ka dapat nag-iisip ng ganyan Innah! Jerk ang masungit na yun!

At tinawag nya pa akong girlfriend kanina. EW. YUCK. First time na may tumawag saking ganun tapos sya pa!!! EWWWWWWWW!!!!!!!!!

Chineck ko yung wristwatch, HALA! PATAY!

Late na ako! 10 minutes nalang! Eh kung lalakarin ko yung school eh, 25 minutes yun! PUTEK, Kasalanan to nung Zairus Sungit na yun eh!

Lumabas ako sa mall. Bahala na. Tatakbuhin ko nalang. Di ako pwedeng umabsent! Long test namin ngayon sa Physics eh! Ang tanging chance ko na makapasa!

Tumakbo na ako, buti nalang talaga nag-flats ako ngayon! Naku! Wag ko lang  ulit makita yung Zairus na yun! Iihawin ko sya ng buhay!

Tumatakbo na ako. Shit! 5 minutes nalang! Sana late pumasok yung teacher namin! Huhuhuhu!

Sa kalagitnaan ng pagtakbo eh may bigla ba namang black na motorcycle ang huminto sa harap ko.

“ANAK NG TINAPA! Late na nga ako masasagasaan pa! MALAS!”

“Chill.” Tinanggal nung nagda-drive ng motor yung helmet nya at OH-LA-LA. “Wag ka masyadong highblood.”  Gosh. Ang ganda ng ngiti niyaaaaaaa. (*´∀'*)

“Kevin?”

Humigingal-hingal pa ako. Takte! Si Kevin pala! Waaaah!!! *u*

“Hi, Innah. Sabi ko na nga ikaw yan eh, Medyo iba lang ang itsura mo pag ganyang magulo ang buhok mo at naka-salamin ka.”

“Hah? Teka, paano mo ko nakilala, eh diba naka-mask ako nung party?”

“Eh nakita kita nung paalis ka na eh, nakatanggal na yung mask mo nun. Tinatawag kita kaso di ka lumilingon.”

“Ahh.. ganun ba…” Napatingin ako sa lupa. Gosh. Mas gwapo sya ng ganitong maliwanag! Lagi pang nakangiti! Waaahh… Sakto namang napatingin ako sa wristwatch ko. Jusko! 3 minutes nalang!

“Ay, Kevin! I have to go! Male-late na ako eh! Bye!” Tatakbo na sana ulit ako palayo nung mahablot nya yung kamay ko.

“You won’t make it on time, ang bagal mong tumakbo eh. Sakay na, ihahatid nalang kita.”

Tugs.tugs.tugs.

Kinikilig yung puso ko, hanubayan!

“Ah, eh…”

“Sige na, sakay ka na. Eto oh.” Sinuot nya sa ulo ko yung isa pang helmet tapos inayos nya yung buhok ko para di maipit ng helmet. Waaaah! Ang sweet nya!!! ( >.< )

No choice na ako at dahil medyo malandi din ako (JOKE!), sumakay na din ako. “Kumapit ka sa akin. Ayokong mahulog ka eh.”

Pero nahulog na ako Kevin!

Nahulog na ako sayo!!

Charot!

Kumapit ako sa bewang na at pinatakbo na nya yung motor. Gosh, super bilis nya magpatakbo ng motor, para akong liliparin palayo. Napahigpit tuloy yung kapit ko sa bewang niya! Shocks. Kakahiya! Super nakayakap na ako sa likod nya eh!

“Andito na tayo.”

Wow. Wala pa atang minuto yun ah. Bumaba na ako sa motor at inabot sa kanya yung helmet. “Thank you Kevin ah.”

“Sus, wala yun. Sabi ko sayo eh, I’m Kevin Santiago, always at your service!” Ngumiti sya na halos ikamatay ng puso ko. Ano ba, Kevin! Wag ka masyadong ngumiti! Baka ikamatay ko eh!

After ko magba-bye, tumakbo na ulit ako sa loob ng campus, buti nalang talaga malapit lang yung building namin at pagdating ko saktong padating palang din yung teacher namin.

“Ui, Bespren, sino yung cute na naghatid sayo? Ayiiie… May lablayp na tapos di nagsasabi. Gumaganti ka noh?”

Sabi ni Bea habang nag-aayos kami ng mga upuan, cleaners kasi kami eh. “Hala, nakita mo ko kanina?”

“Oo, ang tagal mo kayang dumating kaya hinintay kita sa corridors, tapos natanaw kita sa gate na inihatid nung cute na guy na may astig na motor. Ikaw ah! May lovelife ka na rin pala ah!”

“Ui, di ko yun boyfriend!” I wish noh! Sana nga boyfriend ko nalang yun eh! “Kaibigan ko lang yung si Kevin.”

“Weh? Ikaw may friend na ganun ka-pogi? Saka since kelan ka pa naging friendly?”

“BEA! Boyfriend mo hinihintay ka na sa labas!” Biglang sigaw nung isa naming classmate. Mukhang nag-iba bigla yung ngiti ni Bea.

“Pakisabi wait lang!” Inayos nya agad yung bag nya, Yes! Mukhang nakalimutan nyang inaasar nya ako. Hahaha. Thank you Vince. Iniligtas mo ko ako sa pang-aasar ni bespren. “Una na ako BFF! Balitaan mo ako kay Papa Kevin mo ah! Bye!”

Hala, anu daw? Papa Kevin? HAHAHAHAHAHA.

Tengene. May sayad talaga yung Bea na yun.

Inayos ko na yung iba pang upuan, tapos kinuha ko na rin yung bag ko at naglakad na palabas ng school. Kainis, wala na tuloy akong kasabay sa pag-uwi. Nagka-lovelife lang si Bea, kinalimutan na ako. Huhuhu. Wait, ang drama ko masyado. Hahaha.

Bakit maraming tao sa gate?

“Wut-wut! Miss! Ang kinis ko naman!”

“Miss! Penge ng number mo!”

“Pwede ka bang ligawan Miss?”

Tae. Nakakita nanaman ba ng tao tong mga unggoy na to? Sino naman kayang pinagpe-pyestahan nila sa labas?

Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng may biglang humaltak sa braso ko. Takte, bakit ang daming hila ng hila sa akin sa story na to?

“YOU BITCH. Akala mo ba tapos na tayo?”

Napalunok ako.

Oh noes.

Pamilyar na magandang mukha, maputi at makinis na balat, at maikling buhok.

*gulp*

Sya yung girl. Yung ex nung Zairus na yun. At andami nyang kasamang mga babaeng mga mukhang kasali sa sorority.

Shit.

PATAY NA.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

A/N: Fast update. Ang boring ng buhay eh. 12AM na pala. O__O

May picture akong nilagay sa gilid oh. *u*

Seguir leyendo

También te gustarán

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...