Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

By DyslexicParanoia

3.7M 64.3K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... More

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 5

93.3K 1.5K 95
By DyslexicParanoia

Helga's P.O.V.

Hindi na bago sa akin ang may nababalitaang pinatay sa brutal na paraan. Pero ngayon pa lang talaga ako nakakita ng aktuwal na pagpaslang ng isang aswang.  Takot na takot ako, habang nadidinig ko ang mismong pagpunit at ang pagluluray-luray niya sa laman, at katawan ng kaibigan ni Jason.  Halos bumaliktad din ang sikmura ko sa masangsang na amoy ng pinaghalong dugo, at lamang loob nito.

Dati,  umaasa pa ako na sana ay totoong kathang isip lang ang mga aswang, na ang totoong pumapaslang sa kapwa tao, ay mga tao rin lang. Pero naglaho na ang pag-asa kong 'yon ngayon.

"Jason?!"  Nagtatakang bulalas ko nang makita ko siyang nakasandal sa may pintuan ng classroom ng huling klase ko.

Hinintay niya ako?

"H-Helga."  Nakangiti siya.

Shet.  Ito ang first time na ngumiti siya sa akin, ang guwapo-guwapo talaga niya. 'Yung klase ng kaguwapuhang mapapatanga ka talaga.  Maayos ang bagsak ng kanyang tuwid at itim na buhok. Maaliwalas ang kanyang mukha, parang nangungusap ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong, at may mga labing parang kay sarap kagatin at halikan.

Get a grip, Helga!

Hawakan mo ang panty mo.  Lagyan mo ng pardible ang garter nito. Bago tuluyang mapigtal!

"Sabi naman sa iyo, ihahatid na kita 'di ba?" aniya. "Saan ka ba umuuwi?"

"Walking distance lang naman mula dito ang dorm ko Jason, hindi mo na ako kailangang ihatid."

Echos, Helga! At nagpapa-cute ka pa talaga, ha?

Hindi na siya umimik. Pumunta na lang kami nang diretso sa parking lot ng eskuwelahan. Naroon pala ang kanyang lumang owner-type jeep.

"Ok lang ba sa iyo ang sumakay dito?" Naiilang na tanong niya.

"Oo naman, bakit naman hindi?"

"Mukha ka kasing mayaman, baka hindi ka sanay sumakay sa ganitong klaseng sasakyan."  At tinulungan niya akong umakyat sa passenger's seat, bago umikot  sa unahan para sumakay sa driver's seat.

"Mukha lang akong mamahalin, pero hindi ako mayaman 'no." At umandar na naman po ang pagiging narcissistic ko. "Buti ka nga may sasakyan, ako kahit skate board wala."

"Saan ba ang boarding house mo?"  tanong niya habang papalabas kami ng West gate.

"Iliko mo sa kanan, mga tatlong bloke mula rito."

"Doon din ang direksyon ng tinutuluyan ko ah, mas malayo nga lang ng kaunti ang sa amin, pero pwede ring lakarin."

"Saan ba ang dorm mo?"

"Hindi dorm ang tinutuluyan ko,"  aniya. "Isang bungalow ito na may limang kuwarto.  Naghahati-hati lang kami ng mga kabarkada ko sa renta para mas makatipid."

Pinagdadasal ko na sana ay mas bumagal pa ang pagtakbo ng sasakyan niya.  Pero dahil na rin sa lapit ng dorm ko, ay wala akong magagawa.

"Dito na ako, Jason."

"H-ha?  Ganun ba? S-sige."  Sabay silip niya sa gate.

 Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.  

Oh my shemay.  Bakit ganun? Bakit parang may glue ang pwet ko?  Bakit parang hindi ako makagalaw?  Bakit parang ayoko pang bumaba?

Parang kinakalawang ang kanang binti ko, sa paglakdaw palabas. Nakakainis! Hindi man lang ba niya ako iimbitahing magmiryenda sa labas? O di kaya naman ay magkuwentuhan man lang, kahit sa may fishbulan sa kanto?

"Ah, eh... Helga,"  sabi niya bago pa lumapat ang aking kanang paa sa lupa.

Uy. mukhang mang-iimbita na.

"Ano 'yun?!" Medyo kinabahan pa ako ha?

"P-pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?"  Kakamot-kamot pa siya sa ulo niya.

"Sure!"  Siyempre naman 'no.  "Give me your cellphone, ako na ang maglalagay sa contacts mo."  Iniabot niya ang kanyang... flip phone?  Madilim kanina nang ginamit niya itong phone  sa pagtawag niya sa kaibigan niya, kaya naman hindi ko napansin na ito pala ay isang...flip phone. Woah, smart phone era na ah. Ganito ba talaga kaya ka-old-fashioned ang lalaking ito?

Hindi ko na lang ipinahalata ang pagkagulat ko.  Bagkus, ay tahimik inilagay ko na lang ang number ko. "O, ayan."  Sabay balik ko sa precious phone niya sa kanya.  Walastik, at talagang ingat na ingat pa siya sa pagtabi noon sa bulsa niya.

Akmang baba na ako nang...

"A... eh... Helga?"

Uy mukhang magyayaya na siyang magmiryenda.

"M-mag-iingat ka ha?"

What?  (Dismaya mode.)  Akala ko naman imbitasyon na. Hmp. Makababa na nga... Guwapo nga, pero makunat pa yata ito sa goma.

"Ikaw rin. Salamat sa paghatid. Bye."  Iyon at ang plastic kong ngiti na may matching kaway pa. Nasa mismong harapan na ako ng gate ng dorm ko.

"Bye." Kumaway rin siya at pinaandar na ang sasakyan niya paalis.

Kainis!  'Yun lang 'yun?  Wala man lang bang flying kiss? Hay naku! Ano ba naman kasi itong iniisip ko? Para inihatid lang naman niya ako, feeling ko na agad, nililigawan na niya ako. Ewan ko ba, sakit nga yata itong narcissism ko.

"Hoy Helga, di ba si Jason 'yung naghatid sa 'yo?"  Bungad ng roommate ko habang nagbibihis ako.  Nakasilip pala siya sa bintana kanina.

Ganun ba talaga kasikat si Jason?

"Ano naman kung si Jason nga?"

"Nanliligaw ba siya sa 'yo?

I wish.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Dati kasi 'yang nanligaw doon sa kabarkada ko."

Oh really?!

"So, anong nangyari?"  Kunyari ay hindi ako masyadong interesado, itinuloy ko lang ang pag-aayos ko sa sarili ko.

"Guwapo nga pero sobrang malamya raw, ubod ng konserbatibo, boring, at pureza, kaya hayun, binasted niya." Sinasabi niya 'yon habang nilalaro niya ang lapis na hawak-hawak niya.  Nag-aaral kasi ito nang dinatnan ko.  "Ang sinagot niya ay 'yung barkada niyang si Mike.  Mas cool daw kasing kasama, bukod sa mas sikat sa campus.  Guwapo rin 'yun, tisoy."

Pureza?  Meaning... poor siya?  Naku, baka 'yun ang dahilan kung bakit hindi man lang niya ako niyayang magmiryenda.

"O, eh kamusta naman 'yung friend mo at ang Mike na 'yun? Sila pa ba?"

"Hindi na," Nakanguso siya, "Kaya nga nagsisisi siya na si Mike ang sinagot niya.  Babaero raw pala kasi 'yun, at sex lang ang habol sa kanya. Sweet daw sa una, pero nang makuha na ni Mike ang precious V niya, hayun, bigla na lang daw nanlamig at ipinagpalit na siya sa iba."

What? Ang sama naman ng Mike na 'yun. Para tuloy kahit hindi ko pa man din nakikita, gusto ko ng kapunin.

"Eh gago pala ang manunulot na 'yun eh."

"Sinabi mo... Lahat ng nililigawan ni Jason, sinusulot n'on. Kaya ikaw, mag-iingat ka. Kung ikaw ang bagong nililigawan ni Jason, mas malamang na ikaw na ang susunod na biktima."

"Ganon? Gaano ba kaguwapo ang lintek na Mike na 'yan at mukhang kinarir na ang pang-aagaw?"

"Oo.  Parang trophy niya yata 'yun kapag nakakaisa siya sa ibang lalaki. Mabait at tahimik kasi si Jason, kaya feeling niya siguro mas madali itong agawan. Guwapo siya, bolero at persistent. Kung may Mr. Suave, siya na nga si Mr. Suave.  Kaya ang advise ko lang sa iyo, mag-iingat ka. Ang ganda-ganda mo pa naman, I'm sure hindi magdadalawang-isip 'yun na ikaw ay isahan.

Ako?  Maganda? Jeez, thanks.  Ok din 'tong roommate ko, masyadong nagsasabi ng totoo.

Alam ko namang maganda talaga ako, pero may kalidad naman ang pagkababae ko 'no. Hindi naman siguro ako mananatiling virgin, sa ganda kong ito, kung basta-basta lang akong nag-papaisa 'no.

Ano sila hilo?

***

"Hi Helga."  Tinig iyon ng isang lalaki habang naglalakad ako papasok sa eskwela.  Kainis.  Inaantok pa ako.  Hindi kasi ako pinatulog ng mga nakita ko kahapon, bukod sa napuyat ako sa paghihintay kung magte-text man lang ba si Jason. Punyemas, halos lumuwa na ang mata ko sa kahihintay, pero ni miss call eh wala. Hmmm. Hindi kaya, wala lang siyang load?

Nilingon ko ang may-ari ng tinig.

"O, Alfonso, ikaw pala." Sabay takip ng bibig ko sa paghikab. Kita ko naman sa peripheral vision ko, na nakasabay na siya sa akin sa paglalakad.

"Mukhang puyat yata ka ah."

"Oo, may exams kasi ako." I lied.

"Ah, ganun ba?  Hmmm... may free time ka ba ngayon?"

"May tatlong klase akong magkakasunod, pagkatapos n'on, pupunta lang ako sa library sandali for my research, and then 'yun... free na ako, bakit?

"Ah eh... gusto sana kitang maimbitahang magmiryenda." Kinakamot niya ang sintido niya.  "Anong oras ang tapos ng research mo?"

"Naku... hindi ko sigurado kung anong oras.  Depende kung matatapos ko agad. Pero sige, mga alas-tres siguro tapos na ako."

"Wala ka bang lunch break?"

"May half-hour interval ako bago ang huling subject ko. Magku-quick lunch lang siguro ako."

"I see... well, I'll see you at three then. Dadaanan na lang kita sa library kung ok lang sa iyo."

"Oo, sige."  Sabay hikab ulit.

"So... paano, tatakbo na ako,"  aniya, nang makalampas kami sa loob ng West gate ng campus. "Medyo late na kasi ako sa first class ko. Kita na lang tayo mamaya, ok?"

Wala sa tamang huwisyong, tumango lang ako.

Kamusta naman 'yun? Parang kumurap lang ako ng isang beses, eh ang bilis niyang naglaho.  Ganun ba siya kabilis tumakbo?

Either mabilis nga siya, o ako lang ang slow, sa sobrang puyat.

"Akala ko ba hindi mo boyfriend 'yun?"

Nagulat ako kay Jason. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa tabi ko.

"Hindi nga."

"Whatever." Nakasimangot siya.

"Eh sa hindi nga eh. Kulit mo."

"Kung hindi eh bakit narinig ko na magkikita kayo mamaya?"

Ano ba naman ang lalaking ito? Ang lakas ng radar. Ni hindi pa nga nagsi-sink in sa akin ang pagpayag ko kay Alfonso, ini-interrogate na niya agad ako?

"Porke ba magkikita, boyfriend na?  Hindi ba pwedeng magkaibigan lang na nagkayayaang magmiryenda?"

"Magkaibigan nga ba o magka-ibigan?"

Aba.... teka nga. Ano ba ang ipinagmamaktol ng lalaking ito?

"Tapatin mo nga ako," mataray kong sambit sa kanya. "Nagseselos ka ba?"

"Ako? Magseselos? Eh bakit naman ako magseselos?" Hindi siya nakatingin sa akin.  "Doon sa lalaking takot sa bawang na 'yun... magseselos ako? Tsss.."

Katahimikan.

At noon na kami unti-unting nagkatinginan. Parehong gulat ang aming ekspresyon, at sabay pa yatang nagtindigan ang aming mga balahibo.

Bakit ba hindi ko naalala 'yun?  Naku! Hindi kaya aswang din Alfonso? Hindi kaya, iniimbita niya ako, para ako na ang susunod niyang maging hapunan?

Oh no!

Sayang naman ang aking gorgeous body kung lulurayin lang ako ng aswang 'no. Kung bakit kasi pumayag ako agad.

Hindi pa kami nakaka-recover sa kilabot nang may narinig kaming nagkakagulo. Napatingin kami sa mga ito.

"May patay! May patay!"  sigaw ng isang estudyanteng babae.

"Sino? Anong nangyari?"  bulung-bulungan ng mga dumadaan.

"May nakita raw na luray-luray na katawan ng isang estudyanteng lalaki, doon sa isa sa mga lumang classroom sa Engineering building,"  sagot ng isa.

Nagkatinginan ulit kami ni Jason.  This time, ay napansin ko na ang eyebags niya.  Mukhang hindi rin siya nakatulog.  Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ko, at saka niya ako hinila papalayo sa mga tao.

[Itutuloy]

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 31.1K 100
Editing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding...
832K 33.7K 49
King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Socce...
1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
4.3M 121K 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Vill...