Revenge of an Ex (Finished)

By Eurekaa

1M 25.8K 2.6K

(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerle... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Garrett)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue

Chapter 18

32.8K 830 52
By Eurekaa


Typo errors are a lot.

Chapter 18
Bad blood


"Sir, ito lang po ba ang ipapagawa niyo?" I smiled forcefully at this asshole matapos niya akong utusan na ipaphotocopy na naman itong mga files na ito at ibigay sa lahat ng department ng building. Nahiya naman kasi ako. Baka kasi gusto niyang dagdagan pa tutal parang isang libro na itong ipapaxerox ko.

Huminto naman ito sa pagtatype nito sa laptop at tinaasan pa ako ng kilay. Oh my god talaga! Gustong-gusto ko nang kalmutin ang face niya!

"Why, Ms. Dela Vega? Gusto mo pa bang dagdagan ko ang mga ipapagawa ko sayo?" He answered back, like he was challenging me. Huminga naman ako ng malalim. Kung hindi ko lang talaga boss 'tong gagong 'to, baka nasampal ko na siya - left and right pa! Ugh! So nakakainis!

"Nahiya naman po kasi ako sa inyo, Sir. Baka kasi gusto rin po ninyo ipaphotocopy sa akin ang dictionary." I replied sarcastically. I suddenly saw him smirked at me pagkatapos ay may kinuha naman itong file sa drawer ng office table nito - my eyes got widened when he handed it to me.

"There. You requested na dagdagan ko pa. 300 copies for that file, Ms. Dela Vega and same, give it to all of the departments here. Now, go." Hindi naman ako agad nakapagsalita at nanatiling nakatitig lang sa file na ibinigay niya sa akin.

"Ms. Dela Vega, makakaalis ka na." Inulit niya pa kaya naman napatingin na talaga ako sa kanya. Umuusok na talaga ako sa galit! Nakakainis na talaga siya!

"At your service, mahal na kamahalan!" I hissed at inis na inis na tinalikuran siya. Lumabas naman agad ako sa office niya.
God! Makakapatay ata ako ng tao!

I took a deep breath. He's so impossible! Almost two weeks na akong nagtratrabaho dito bilang assistant niya at ang tanging ipinapagawa niya lang sa 'kin ay ang magpaphotocopy, timplahan siya ng kape, magstestaple sa mga photocopies tapos ibigay iyon sa lahat ng mga department. Hindi rin niya ako kinakausap maliban lang sa utusan ako. Though ayaw ko rin naman siyang kausapin aside that I loathe him for making my Dad chose him as the inheritor of DV Industries. In short, bad vibes ako sa kanya forever.

If ganito pala ang training na gusto ni Dad, paano ko magugustuhan ang paghahandle ng company namin?

This Garrett is even making fun of me! Imbis na itrain niya ako - or even baka matuwa pa ako na ipasasali niya ako sa mga board meetings niya kaso hindi - ginagawa niya akong alipin! Like I was a low life peasant or servant - in short, para akong yaya na inutus-utusan lang! At mukhang tuwang-tuwa naman ang mokong sa pagpapahirap sa 'kin!

I could even sense na parang pangpersonalan na ang pagpapahirap niya sa 'kin. Just because I left him, just because I chose my happiness ay paghihigantihan niya ako! He's so infuriating! Hindi lang iyon, selfish and greedy pa! And of course, he doesn't want to train me kasi gusto niyang makuha ang DV Industries!

Ugh! So nakakaasar! Hindi rin niya ako pinayagan isuot ang mga gusto kong outfits but instead, he forced me to wear this assistant uniform na so manang! A pencil skirt, flat shoes, a blouse na may blazer pa! So cheap and prude!

Kung hindi lang talaga siya ang pinili ni Daddy bilang tagapagmana ng mga ari-arian namin ay wala sana ako dito and probably living my glamorous life in France to the fullest! I'm so gipit and so blackmailed.

I'm so tired of being an alipin! Hindi ako ipinanganak para gawing yaya lang. Idagdag ng ayokong makipagfriends sa mga tao dito kasi puro lang sila mga oportunista! Just because I'm a famous international model, gusto na nila akong maging friend at isama sa mga clique nila, so desperate and so manggagamit! Hindi ko naman pwedeng tawagan sina Iris at Felicity dahil they're so busy na rin with their careers.

I'm so really doomed. Haggard na nga, stressed pa! Damn it.

Kasalanan talaga ng peasant na iyon!

Is business really for me?

God! I'm so frustrated!

●●●

I retreated tiredly into my seat sa table na napili ko sa canteen ng building namin. Lunch break ko na kasi sa mga oras na iyon after I was done doing all the tasks given by that asshole. Nakakapagod! Thirty floors ang meron sa building na iyon at halos lahat ng floor ay napuntahan ko na para ibigay lang 'yung mga photocopies.

"Hi, Sereen!" I looked up tiredly when someone called me. Nasa harap ko naman ngayon si Eula Garbo - 'yung HR representative na sumama sa 'kin 'nung first day ko sa trabaho. Sa lahat ng employees doon, siya lang ang kinakausap ko. Siya lang kasi ang feel kong hindi cheap.

"Hi, Eul." I replied as I yawned. Tanghali pa pero heto, pagod na ako. Umupo naman siya sa harap ko.

"Sabay na tayo maglunch." Anito sa 'kin at nilagay sa table ang dala nitong lunchbox. I smiled. Cute kasi siyang tignan.

"Cute." I commented genuinely. Napangiti rin naman siya sa sinabi ko.

"Ang husband ko kasi ang gumagawa ng lunch ko. Seaman kasi siya tapos tuwing vacation niya, siya 'yung nagluluto at naghahanda ng baon ko." She added sheepishly. Mas lalo naman akong napangiti sa sinabi niya. Somehow, I wished someone would do that to me as well.

'Nung bata kasi ako, si Yaya Jeni kasi lahat ng gumagawa 'nun sa 'kin. Dad was nowhere to be found. Busy kasi siya palagi sa trabaho niya. Tapos si Mommy... May ibang pamilya na rin kasi siya so she's too focused on her own kids as well. Pero okay lang naman 'yun sa 'kin, nasanay din naman ako.

"Mahal na reyna!"  Napahinto naman ako sa pagprapratice ko para sa cheerdance namin nang may sumigaw. From afar, I saw Garrett waving at me. Napansin ko rin ang dala-dala niyang plastic.

I excused myself to my teammates at kaagad siyang nilapitan. I eyed him suspiciously, "Hey."

"Pumunta kasi ako kanina sa 7/11 to buy some energy drinks for my practice later. But then I saw a cookies and cream flavored ice cream sa kanila kaya binili ko na lang din. I know this is your favorite."  Kinuha naman niya mula sa plastic ang binili niyang isang bucket ng cookies and cream ice cream. Naupo naman kaming dalawa sa bleachers.

"Oh my god," I beamed as I excitedly opened it. Ni hindi pa nga ako nakapaglunch sa araw na iyon dahil sa practice namin, "I so love this. God, thank you, peasant!" Kinain ko na agad ang ice cream. Narinig ko naman ang pagtawa niya. What I really like about him is that my peasant is really spontaneous.

"You're welcome. How's the practice?"

Huminga naman ako ng malalim. I pouted, "Nakakapressure. Magaling din kasi talaga ang cheerleading team ng ibang department... And I don't even know kung mananalo kami." I honestly said as I ate the ice cream again. For those weeks of being together, medyo nagiging close na rin kaming dalawa.

"Ganun ba?" He paused, "Okay lang naman kapag hindi kayo nanalo, as long as you did your best and you enjoyed your dance, right? Saka, don't worry mahal na reyna. I'll bring my whole team to cheer you during your competition. Sa harap pa kami mismo uupo para marinig mo talaga ang cheer namin. Your boyfriend's moral support plus special participation from his team." Napalingon naman ako sa kanya at kinindatan pa ako. Napailing naman ako at natatawang hinampas ang balikat niya.

We just both laughed at each other.

"Sereen, are you crying?" I came back to my senses when Eula called my attention.

Napaayos naman ako ng upo, "H-Huh?"

"Ano kasi, parang may luha ka sa mata mo." Agad ko namang pinahid ang luhang sinasabi niya gamit ang kamay ko. It was wet. Oh god. Did I just reminiscence?

Erase it, Sereen. Hindi ka bumalik sa Pilipinas para i-alala ang mga mapapait na memories na iyon. You're only here for the training.

"Uhm, Sereen, pwede bang magtanong?" She suddenly asked curiously.

"Sure."

"Mag-ex ba talaga kayo ni Sir Laurent? I mean, bakit kayo nagkahiwalay?"

Hindi naman ako agad nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko kasi inaasahan 'yung tanong niya.

I breathed hard and just smiled at her sweetly. Matagal naman kaming wala so wala namang problema kung sasagutin ko ang tanong niya, "I chose my happiness." I simply answered. I broke up with him because I thought I was happy when Aidan came back to me again... then I left him for France because I want to be happy for my new life.

"Ganun ba?" Nagkibit-balikat naman ito, "Curious lang kasi ako kay Sir. Hindi kasi siya palakausap sa 'ming mga employees niya. I mean, tahimik lang siyang tao. Then 'nung dumating ka, mas lalo akong naintriga nang sinabi mong mag-ex kayo tapos kinonfirm pa ni Sir." Naalala ko naman 'yung first meeting naming dalawa. 'Nung nagkasagutan kami and in the end, ako pa rin 'yung talo.

"Eul, may asawa na ba siya?" I asked her curiously. Though wala naman akong nakikitang wedding ring sa kamay ng asshole na iyon. Sa pagkakaalala ko, 27 na siguro siya this year.

"Hindi ko alam eh. Hindi talaga kasi palakwento si Sir. Tahimik lang talaga siya. Ni wala nga kaming mga empleyadong machismis tungkol sa kanya. Very private person din kasi siya."

I felt silent at what she just answered. Bigla ay napaisip naman ako. I somehow was thinking of a plan.

"Saka mamaya, manuod tayo ng game nila, ha?" Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Sa 30th floor, may exclusive basketball court kasi si Sir Laurent dito, every Friday afternoon ay may laro siya together with some of the male employees. Parang pastime activity nila? Let's watch! You'll enjoy it!"

I smiled as I said okay to her.

I suddenly devised a plan.

●●●

Naupo naman kami ni Eula sa bleachers nang dumating na kami sa exclusive basketball court na sinasabi niya ng L&M building. At talaga ngang totoong exclusive talaga ang court na iyon dahil the whole 30th floor ay talagang basketball gym lang.

May mga L&M employees din namang nakikinuod sa game. Five minutes na lang kasi ay magsisimula na ang laro at alam ko ring halos lahat ng L&M employees ay tapos na sa kani-kanilang trabaho sa mga oras na iyon.

"Ayan na si Sir," Siniko pa ako ni Eula nang pumasok na sa court si Garrett kasama ang mga employees niya, "Team ni Sir ang mga maintenance crew versus the Finance department male employees ngayon."

Garrett was wearing a jersey with a number five written on it. Ito 'yung jersey number niya sa CABA Basketball team 'nung college days namin. I suddenly felt silent. I really thought tumigil na siya sa paglalaro ng basketball kasi I've noticed he's too focused on being a businessman.

Naalala ko pa kasi 'nung minsang sinabi niya sa 'kin na pinayagan na rin siya ng Lolo niya na maging professional basketball player after niyang makagraduate ng college. He really wanted to become a famous basketball player other than being a heir to their airlines. And that was like four years ago...

But then... when I saw him standing on that business suit, I realized na hindi niya tinuloy 'yung pangarap na iyon. I wonder why...

But somehow, I'm still glad he's still playing the sport.

Napansin ko naman ang paglingon niya sa direksyon namin. He seemed shocked to see me at first - ngunit agad din naman itong umiwas at kinausap ang mga players niyang empleyado. I sensed that he really doesn't want me here.

Nagsimula na rin 'yung game. Everyone was cheering out loud to their favored team. Si Garrett naman ay napapansin kong hindi sineseryoso 'yung laro, like he was just enjoying playing it with his employees. Tumatawa pa nga siya at nakikipaghigh-five sa mga employees niya tuwing nakakascore ang mga ito. It seemed like it was really just a friendly match. Sa tingin ko naman ay kahit nandoon ang boss nila, hindi naiintimidate ang mga empleyado sa pakikipaglaro dito.

Of course, I know his style... It was still the same back in our college days.

The flow of the game was smooth. Ang team ni Garrett ay siyang nangunguna. Kahit hindi siya seryosong naglalaro sa game ay sila pa rin 'yung lamang.

Huminga na lang ako ng malalim saka tumayo. Nabubuwisit kasi ako sa sarili ko. Palagi ko kasing inaalala ang mga bagay na dapat hindi inaalala. Naiinis ako sa self ko kasi dapat akong mainis ng todo sa asshole na ito pero dahil sa mga nakakainis na mga memories na iyon ay lagi akong napapaisip sa kanya!

Tumalikod na ako dahil ayoko ng manuod. Nag-excuse na ako kay Eula na umuwi na dahil may importanteng lakad pa ako although wala naman talaga. Pero bago pa man ako makaalis  doon ay narinig ko ang pagsigaw at ang pagsinghap ng mga employees sa court.

"Si Sir, naaksidente!"

I then turned my head back at the court and saw Garrett lying on the floor, holding his right knee. Agad naman siyang pinalibutan ng mga empleyado niya para tulungan siya.

Napataas na lang ako ng kilay.

Buti nga.



//

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 392K 41
Macario Karangalan Sandoval
1M 25.8K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...
2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...