ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 13: SAKAYA

675 37 9
By angelodc035

Maulan sa kagubatan ng Isla ng Dalangan. Ang malawak nitong kagubatan at nagtatayugang mga kabundukan ay nakagagawa ng sariling klima sa buong isla. Kaya nga kahit kainitan sa ibang mga kapuluan ay nananatiling malalago ang mga halaman at puno sa isla ng Dalangan.

Nababalutan ng hiwaga ang Isla ng Dalangan. May mga guho ng mga lumang gusali na nagsasabing may kabihasnang naganap dito libong taon na ang nakaraan. Mga labi ng matandang sibilisasyong sinasabing pinagmulan ng mga diyos at diyosa.
May nagsasabi naman na ang isla ay bumaba mula sa kalangitan at nagpalutang-lutang sa karagatan. Ito raw ang sinakyan ng mga sinaunang ninuno ng mga diyos at diyosa na lumikha kay Gaia.

Sa islang ito kadalasan sinasanay ang mga  Malagbi, o ang mga hindi purong Engkanto at Diwata. Dito ay hinihinang nila ang kapangyarihan at kakayahang namana nila sa kanilang mga magulang.

Si Odessa ay isang Malagbi, isang kakaibang Malagbi sapagkat dumadaloy din sa kanya ang dugo ng isang makapangyarihang Sangre. Tatlong katauhan na kasalukuyang lumalabas ang mga kapangyarihan nito.

Naging mabagal ang paglitaw ng kanyang mga kapangyarihan dahil na rin sa nilalabanan ng pagiging Diwata niya ang kakayahan nagmumula sa pagiging Sangre. Itim na kapangyarihan laban sa kapangyarihang nanggagaling sa kabutihan.

Pero sa kalagayan ni Odessa ay nakuhang tanggapin ng kanyang katawan ang mga kapangyarihan galing sa dalawa at bumabalanse sa kanyang pagkatao ay ang dugo ng mortal na nananalaytay din sa kanyang mga ugat. Sa tulong ng nektar ng Myrho pinipigilan nito ang pagkauhaw sa dugo ng tao at kakayahang makalakad sa ilalim ng sikat ng Araw.

Napakadilim sa loob ng kagubatan ng isla. Napakaputik ng daan dahil sa patuloy na pag-ulan sa buong maghapon. Sa tulong ni Danum ay gumawa ito ng isang napakalaking bula na naging pananggalang ni Odessa sa tubig ulan. Gumawa naman ng apoy sa kanang palad ni Odessa upang makita nila ang kanilang daraanan.

"Diyos na Danum, wala ka bang magagawa para mapatila ang ulan sa kagubatan na 'to?" Ang may pagkairitang tanong ni Odessa kay Danum.

"Odessa, kahit gustuhin ko man hindi ko magagawa dahil tulad ng sinabi ko kanina napakamisteryoso ng isla na 'to. Nakokontrol ng mga kabundukan ng isla ang klima rito. Ang tanging magagawa ko lang ay ang maprotektahan lang kita sa tubig ulan o sa ano mang puwersang nanggagaling sa tubig." Ang tugon ni Danum.

"Okay, sabi po ninyo diyos na Danum." Ang pabuntong-hiningang wika ni Odessa na sa mga sandaling iyon naalala niys si Randy na kanyang kasintahan.

"May naalala ka Odessa?" Ang biglang tanong ni Danum na nakatingin sa kanyang mukha.

"Huh? Na...naalala? Wala naman, bakit?" Ang sagot ni Odessa na nabigla sa tanong ni Danum.

"Nararamdaman ko na at nababasa ko sa iyong mukha Odessa. Sa iyong paghinga ay nararamdaman ko rin ang bigat ng bawat pagbitiw mo ng hangin."

Napatingin si Odessa kay Danum. Malungkot ang kanyang mga titig at pinipilit na ngumiti sa diyos ng tubig. Pero hindi niya kayang dayahin ang kanyang nararamdaman sa harap ng isang diyos. Marahang tumango si Odessa kay Danum.

"Pagdating natin sa puno ng Quebaluan sa tuktok ng isang burol, sasalubungin tayo ni Sakaya."

"Sakaya?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.

"Si Sakaya ang Engkantong nangangalaga sa Isla. Hihingi muna tayo ng permiso sa kanya bago natin gagawin ang pagsasanay. Siya ang gagabay sa atin sa puno ng Quebaluan." Ang paliwanag ni Danum.

Tumango si Odessa at pilit na inaaninag ang maputik na daan sa kanilang dinaraanan. Ngayon ay paakyat na sila sa isang burol,  marahil ay ito na ang burol na tinutukoy ni Danum sa kanya.

"Malayo pa ba tayo?" Ang naging tanong ni Odessa na naiinip na rin sa kanilang paglalakbay.

"Malapit na."

"Gaano ba kalayo ang sinasabi mong malapit na? Nang marating natin ang dalampasigan ay maliwanag pa at nandiyan pa ang araw. Baka naman abutin pa tayo ng umaga nito sa sinasabi mong malapit na." Ang medyo naiirita ng wika ni Odessa.

Ngumiti si Danum at tinapik sa balikat si Odessa. "Patience is a virtue. Di ba isa iyan sa mga natutunan mo sa mga paaralan ng mga tao? Gusto mo ng makaalis dito sa isla at makapiling kaagad ang mga kaibigan at ka-i-bi-gan mo. Kaya kailangan mo si Patience." Ang ngingiti-ngiting tugon ni Danum na tila nang-iinsulto. "Isa ka ngang elemento ng apoy Odessa.  Kaagad nagliliyab, kaagad nagpapakita ng lakas, pero baka yan din ang magpapabagsak sa'yo kung hindi mo matutunang kontrolin ang apoy sa iyong katauhan. "

"Huh?  Anong ibig mong sabihin diyos na Danum?"

"Huwag mong hayaang tupukin ng apoy ang kabuuan ng iyong pagkatao.  Tandaan mo nasa 'yo ang tatlong katauhan, isang Mortal, Sangre at ang pagiging diwata na isang Elemental. Huwag mong hahayaang maghari ang kahit man lang isa sa'yong katauhan lalo na ang pagiging Sangre mo. Puwede kang maging mabuti o masama,  depende kung alin sa mga katauhan mo ang susundin mo. Hayaan mong maghari kung ano ang nasa loob ng iyong puso.  Pakinggan mo Odessa." Kinuha ni Danum ang kanang kamay ni Odessa at itinapat iyon sa kaliwang dibdib ng dalaga. "...ano ang nararamdaman mo kaibigang Odessa? "

Ipinikit ni Odessa ang kanyang mga mata at pilit na pinakinggan ang mumunting tunog na nanggagaling doon.  Napangiti siya ng marinig ang mga pagtibok ng kanyang puso.

Lub dub...  Lub dub... Lub dub...

Dahil sa haba ng panahon mula ng maging isa siyang Sangre ay hindi na niya narinig pa ang tunog ng pagtibok ng kanyang puso.  Ngayon ay lubos ang kanyang kaligayahan dahil nalaman niyang buhay siya tulad ng isang mortal na tao. Hindi siya pinatay ng kamandag ng isang Sangre.

"Yan ang dahilan bakit nananatili pa rin sa'yo ang pagiging tao. Huwag mong hahayaang mawala yang mga mumunting mga pintig sa'yong puso Odessa, dahil yan ang babalanse sa iyong katauhan para maging masama o mabuti."

Tila nabuhayan ang loob ni Odessa ng marinig niya sa mga bibig ni Danum na buhay pa rin ang pagiging mortal sa kanyang katauhan. Ito ang dahilan bakit patuloy pa rin nasa mga tao ang kanyang puso na patuloy pa rin niyang ipinagtatanggol sa mga anak ng buwan.

"Salamat diyos na Danum. Salamat... " Ang halos maiyak na wika ni Odessa.

Ngumiti lang si Danum at hinawakan ang kamay ni Odessa. "Nandito na tayo Odessa." Ang sabi ni Danum.

"Huh?"

Iginala ni Odessa ang kanyang mga mata sa kabuuan ng madilim na paligid. Wala siyang ibang makita kundi ang mga naglalakihang katawan ng mga nagtataasang puno at isang mumunting dampa na napapaligiran ng mga halamang baging.

Gawa sa kahoy ang kubo at halos magiba na ito sa kalumaan. May kung anong alaala ang pumasok bigla sa kanyang isipan na nagbigay ng matinding sakit sa kanyang ulo. Napahawak si Odessa sa kanyang sintido at napangisngis. Muli ay tumingin siya at kinilabutan ng biglang na lamang nagbago ang lahat sa paligid niya.

Ang pagkakaalam niya ng mga sandaling iyon ay gabi, pero bigla na lamang silang nasa ilalim na ng sikat ng araw. Walang bakas ng ano mang palatandaan ng malakas na ulan. Napakatingkad ng mga kulay ng mga dahon ng bawat mga puno at ang mga halamang baging na nakapulupot sa mga naglalakihang katawan at sanga ay punong-puno ng mga naggagandahan at makukulay na  bulaklak.

Natulala siya sa ganda ng kanina'y halos nasisira ng bahay. Pero ngayon ay bahagi ito ng napakalaking puno at natural na ipinorma ang bahay sa katawan nito.

Sa likod ng puno ay isang napakalinaw at malinis na lawa na napapaligiran ng mga punong natatakpan ng mga kumpol-kumpol na pulang mga bulaklak sa bawat sanga ng mga ito. Isang napakagandang tanawin na kabaligtaran sa mundong kinagisnan niya, ang mundo ng mga tao. Nakaramdam siya ng panghihinayang sa mundong patuloy na sinisira at hindi pinahahalagahan ng mga tao.

"Bakit ka naparito, Malagbi?!"

Isang may-kanipisang boses ng babae ang biglang pumukaw sa atensiyon ni Odessa. Sinundan niya ang kinaroroonan ng boses at doon ay nakita niya ang isang matangkad at puting babae na nakatayo sa harapan ng malaking puno na kung saan naroroon ang napakagandang bahay.

"Sino ka?!" Ang malakas na tanong ni Odessa sa babae na napansin niya ang napakaputi at mahabang buhok nito.

"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan lalo na sa tulad mong dayo sa lugar na ito?" Ang tugon ng babae habang tila nakalutang itong papalapit sa kanya.

Biglang naalala ni Odessa ang nabanggit kanina ni Danum tungkol sa tagapangalaga sa isla. Pero napansin niya na wala roon si Danum. Saan nagpunta ang Diyos ng tubig?

"Tila mayroong hinahanap ang iyong mga mata, Odessa?" Ang nakangiting tanong ng babae sa kanya.

"Kilala mo ako?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.

"Sino'ng hindi makakakilala sa isang Malagbi na tinutukoy ng isang propesiya? Marami sa mga anak ng buwan ang nagnanais na ikaw ay mapatay Odessa lalo na't naririto ka sa mundo na kung saan sila malakas." Ang wika ng babae kay Odessa.

Ramdam ni Odessa na may kakaiba sa kanyang nararamdaman habang papalapit sa kanya ang babae. Sinubukan niyang ihanda ang kanyang kapangyarihan pero hindi niya maramdaman ang enerhiyang dumadaloy sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malamig at nanginginig ang kanyang mga kalamnan sa katawan.

"Huwag mo ng subukang gamitin ang iyong kapangyarihan Odessa, dahil kung gusto lang kitang patayin ay kanina ko pa dapat ginawa. Lalo na walang malakas na kapangyarihan ang puwedeng magamit laban sa akin kapag naririto sa aking isla.

"Sino ka at nasaan si, Danum?" Ang matigas na tanong ni Odessa sa babae.

"Sino ako?" Humalakhak ng malakas ang babae at hinawakan ang balikat ni Odessa.

"Ikaw si Sakaya?!" Ang biglang naalala ni Odessa.

Humarap ang babae kay Odessa at nagbigay pugay sa kanya.

"Ako nga Odessa. Ako si Sakaya ang tagapangalaga sa Isla ng Dalangan. Ang islang ginawang sasakyan ng mga diyos at diyosa sa pagpunta nila rito sa inyong napakabata pang Mundo." Ang matigas na tugon  ni Sakaya sa tanong ni Odessa.

Halos hindi makapaniwala si Odessa sa kanyang narinig. Nanatiling nakanganga ang kanyang bibig at namangha sa taglay na kagandahan ni Sakaya.

"Kung gayon ikaw ang tinutukoy ni Danum na sasalubong at tutulong sa amin para sa mga Pilunlualan." Ang nagagalak na wika ni Odessa.

"Pilunlualan?...oo nga pala, isa ka palang Malagbi at hindi puro ang dugo kaya hindi mo pa alam kung paano makakita at gumawa ng mga lagusan."

"Sana  matulungan mo akong matutunan ang paghahanap at makagawa ng Pilunlualan.  Nagsusumamo ako sa'yo Sakaya.  Tatanawin ko ng utang ng loob ang gagawin mong pagtulong sa akin. "
Ang pakiusap ni Odessa kay Sakaya na alam niyang hindi ito tatanggihan ng Engkantada.

"Bakit ka humihingi ng tulong sa akin Odessa? Hindi ba ikaw ang anak ng pinakamakapangyarihang diwata sa ikatlong mundo? At ikaw ang tinutukoy ng propesiya di ba?" Ang naging tugon ni Sakaya.

"Pero... "

"Walang ibang makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo Odessa. Nasa'yo ang katangiang namana mo sa iyong mga magulang at lalabas lamang lahat ng katangian na yan kung nakahanda mo na siyang harapin... "

"Huh? Harapin sino? " Ang nagtatakang tanong ni Odessa kay Sakaya.

Gumuhit ang mga ngiti sa pisngi ni Sakaya at palihim na itinago iyon kay Odessa.

"Siya! " Ang malakas na tugon ni Sakaya sabay turo sa isang babaeng nakatayo sa itaas ng puno na sing- puti ng niyebe ang buong katawan at mga sanga. Ang dahon nito ay katulad sa kulay ng purong dugo.

Halos hindi makapaniwala si Odessa sa kanyang nakita sa pinaka tuktok ng puno. Naroroon ang isang babae na kamukhang-kamukha niya.

"Talunin mo ang  Odessang Sangre, bago ka makakalapit sa Sagradong puno ng mga diyos at diyosa ng ikatlong mundo, ang puno ng Quebaluan. Pilit nilang pipigilan ang iyong paglapit sa puno para hindi ka magtatagumpay sa iyong misyon sa pagparito mo sa isla.

Nakaramdam ng takot si Odessa ng mga sandaling iyon lalo na ng lumundag ang Odessang Sangre mula sa napakataas na tuktok ng puno ng Quebaluan at walang ano mang lumapag sa harapan niya.

"Ngayon talunin mo si Odessang Sangre, Odessa!!!" Ang tuwang -tuwang wika ni Sakaya kay Odessa.

Natulala si Odessa lalo ng nasa harapan na niya ang Odessang Sangre. Nakita niya na nanginginig na isinara ni Odessang Sangre ang kanyang mga kamao at ipinusisyon na ang kanyang katawan para simulan na ang makipaglaban sa kanya.  Nakangisi itong humarap kay Odessa ang Sangre na kamukhang-kamukha niya.

Paano lalabanan ni Odessa ang babaeng Sangre sa kanyang harapan lalo na't siya at ang babae ay iisa?  Bahagi siya ng kanyang katauhan na dapat niyang harapin at talunin.

Hindi inaasahan ni Odessa ang paang dumapo sa kanyang panga na mabilis na pinakawalan ni Odessang Sangre.

Tumilapon ng ilang metro si Odessa at tumama sa matigas na katawan ng malaking puno. Bumagsak sa masukal na sahig ng kagubatan si Odessa at ramdam niya ang sakit ng kanyang panga. Halos mapangisngis siya sa sobrang sakit ng sinubukan niyang tumayo.

Nagtataka siya bakit tila ngayon lamang niya naramdaman ang sobrang sakit? Sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya naramdaman na tila mahina ang kanyang katawan.  Pero hinding-hindi siya magpapatalo  kahit kanino.  Kaagad ay ipinosisyon niya ang katawan niya para lumaban kay Odessang Sangre. Ngunit isang bolang apoy ang muntik ng tumama sa kanya kung hindi lang siya kaagad na nakailag dito.

Tumingin si Odessa sa pinanggalingan ng bolang apoy at doon ay halos mapasigaw siya sa pagkabigla ng makita ang isa pang babae sa kanyang harapan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang babaeng kamukha niya na may dala-dalang bolang apoy sa palad nito at nakahanda ng ibato iyon sa kanya.

Ngayon ay napagtanto niya na siya ngayon ang mortal na Odessa.  Wala siyang kapangyarihan at bilang mortal na lalaban sa kanila.  Paano niya lalabanin ang dalawa kung isa na lamang siyang mortal na walang kapangyarihan? Napaisip siya kung tama ba na nagtiwala siya kay Danum na bigla na lamang naglaho nat iniwan sa kamay ni Sakaya?

----------------

Awoooooooooooohhhhhh!!!

Ang halos sabay-sabay na pag-alulong ng mga taong-lobo na sunod-sunod na pumaligid sa grupo nina Kapitan Ben at Father Mexo, malapit sa lumang gusali.

Mabilis na bumalik sa dating kinaroroonan nila ang mga tanod na inutusan ng matandang kapitan para hulihin ang papatakas na sina Alex na kasama ang mga bata,  ang kanyang asawa at ang wala pa ring malay na si Caren.

Naging Alerto ang lahat at inihanda ang kanilang mga armas sa napipintong pag-atake ng mga taong-lobo. Pinagpawisan ng malalamig na pawis ang mga tanod at halos maihi na naman sa takot si Kapitan Ben habang nakikita nilang palapit ng palapit ang mga naglalakihang mga taong-lobo.

Sabi ko na kasi sa'yo eh,  huwag na tayong sumali dito.

Malay ko ba na magiging ganito ang sitwasyon.

Natural bagong boss nila yan, ipagtatanggol at ipagtatanggol nila yan kahit wala pa siyang malay.

Ang pabulong na pagtatalo ng dalawang tanod habang papalapit na sa kanila ang mga taong-lobo.

Inihanda naman ni Father Mexo ang Katana para depensahan ang lahat ng mga taong naroroon kasama ang dalawa niyang kasamang seminarista.

Samantalang si Alex ay sinamahan ang mga batang sina Adrian at Margaux na umiiyak na sa takot ng mga sandaling iyon.

Nang halos wala ng limang metro ang layo ng mga taong lobo sa kanila ay tumigil sa paglapit ang mga ito, pero nakahanda pa rin silang lumaban ng patayan kung saka-sakaling umatake ang mga tao.

Mula sa mga pulutong ng mga taong-lobo ay isa sa pinakamalaki sa kanila ang lumapit kina kapitan Ben at mabilis na nagpalit ng anyo bilang isang tao.

Matangkad ang lalaki at balbas-sarado. May kapayatan ang pangangatawan pero namumutok ang kanyang mga kalamnan sa balikat at braso.  Malalim ang kanyang mga mata at matangos ang ilong.  Sa kanyang kaanyuan ay hindi siya Filipino kundi isa itong banyagang maaaring nagmula pa sa Europa.

Lumapit pa ang lalaki ng isa pang hakbang sa kanila bago ito nagsimulang magsalita.

"Ako si Angus at pangalawang lider ng aming angkan.  Lubos na nababahala ang aming babaeng Alpha sa nangyayari lalo na't nanganganib ang kanyang buhay sa kamay ng mga tulad ninyong mga walang utang na loob!" Ang nakakatakot na boses ni Angus at ipinagtuturo ang grupo nina Kapitan Ben.  "Hindi ibig sabihin na hindi pa siya gumigising ay hindi niya malalaman ang inyong mga balakin.  Ngayon para maiwasan ang pagbubuwis ng kahit isang buhay, hayaan niyo ng makaalis dito ang aming bagong pinuno at nangangako siya na walang buhay na masasawi kahit na isa! "

Nagkatinginan ang mga tanod at si Kapitan Ben.  Nagpalitan ng kuro-kuro at pagtatalo dahil matigas pa rin ang desisyon ng matandang kapitan. Pero batid nila na wala silang panama sa mga naglalakihan at gutom na gutom na mga taong-lobo kaya pumayag na rin ang matandang lider na hayaan ng umalis ang grupo ni Alex.

Tumango ang galit na galit at nanggigigil na si Kapitan Ben kaya itinabi nila ang sasakyan nilang tricycle para makadaan ang puting SUV na kung saan nakasakay si Caren.

Mabilis na pinaandar ni Alex ang SUV at sunimulan ng patakbuhin ito para mailayo na rin si Caren sa kapahamakan. 

Malayang nakaraan ang SUV na sumunod naman ang mga mahigit sa tatlong daang mga taong-lobo para lisanin na rin ang lugar. May takot man sa puso ni Alex para sa kanyang buhay maging ng kanyang asawa at mga bata, pero nananalig siya na hindi sila pababayaan ni Caren.

Awoooooohhh!!!

Awoooooohhh!!!

Ang sabay-sabay na pag-alulong ng mga taong-lobo,  palayo ng palayo sa Santuaryo.

Nang makaalis na sina Alex at ang mga taong lobo ay naiwan doon sina Kapitan Ben at ang kanyang mga tanod.  Naroroon din sina Father Mexo at ang dalawang seminarista na sina Kiel at Raul.

Masama ang mga titig ni Kapitan Ben sa pari pati na rin kina Kiel at Raul. Tinitigan din siya ni Father Mexo pero hindi mukha ng galit ang ipinakita nito, kundi ang tuwa na ginawa nila ang tamang desisyon at nailigtas na naman nila ang mga tao sa Santuaryo.

Sa loob ng SUV ay muling ipinikit ni Caren ang kanyang mga mata para bumalik sa kanyang mahimbing na pagtulog.

Continue Reading

You'll Also Like

Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...