Ms.Pakipot (Suplada) And Mr.T...

By ziah_dine

70.8K 2K 54

Imagine "The Ultimate Mr. Torpe " ay inlove naman kay " Ms. Pakipot" Torpe sya , pakipot naman yung is... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Author's Note:
Chapter 8
SKL ni AUTHOR:
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Kamsahamnida ๐ŸŽ‰ ๐Ÿ˜ โœจ
Chapter 12
Chapter 13
MIANHE ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ
Chapter 14
Chapter 15
Characters
Chapter 16
THEIR GOWNS/DRESS AND TUXEDO ๐Ÿ’ฏ๐Ÿ’ฏ๐Ÿ’ฏ
Chapter 17
Chapter 18
Chappie 18 ( part 2 )
CLARIFICATION :
NOTE !!!!
Chapter 19
Chapter 20
AUTHOR'S NOTE:
Special Chapter โœจ
M O R E P I C T U R E S ๐Ÿ“ธ โ™ฅ๏ธ
M R : P A R T 2 ๐Ÿ“ธ โ™ฅ๏ธ
NOTE ๐Ÿ“’

E P I L O G U E

1.8K 42 2
By ziah_dine




DREANNA'S   P.O.V

" Anak ang ganda mo talaga! Dalagang-dalaga kana talaga oh!" Sabi ni mommy at sumisinghut-singhot pa

Si mommy talaga ang O.A

"Mommy naman eh! Di pa ako ikakasal okay ? Pupunta lang ako ng event sa school" sabi ko kay mommy

Kung umiyak kasi akala mo ay magpapa-kasal na ako , eh pupunta lang naman ako ng event sa school

" Hay! Hayaan mo na ang mommy mo , natutuwa lang naman yan kasi ang ganda mo talaga ngayon anak" sabat naman ni daddy

"Ehhh ? So ? Ngayon lang ako naging maganda sa paningin nyo ?" Naka-nguso na tanong ko

" Hindi anak! Araw-araw kang maganda , syempre mana ka saakin eh" natutuwang sabi ni mommy

Hay! Ang childish talaga ng mommy ko , kanina lang umiiyak tapos ngayon tatawa-tawa

" Oh! Anak baka ma-late ka nyan , nasaan na ba ang escort mo ?" tanong ni daddy

Agad ko namang kinuha ang pouch ko at kinuha sa loob nun ang cellphone ko , pagkakuha ko ng cellphone ko ay nakita ko namang nag text si Sunny saakin.

~~ Bessy ~~

Hey! Bessy , On the way na ako
Be ready 💋

" Dad  si Sunny po kasi ang kasabay ko papuntang school , nag text na po sa saakin na papunta na sya dito " sabi ko

" Hmmm. Anong kayang itsura ng Bessy mo anak ?" tanong saakin ni mommy

" I don't know mom " sagot ko habang tumatawa

" Yieee! Sigurado ako na parehas kayong maganda ngayon ni Sunny , ang cute nyong tingnan" sabi ni mommy na parang kinikilig pa

Ok! Uma-take nanaman ang pagiging childish ng mommy ko , hindi po baliw or may sayad ang mommy ko! Sadyang may pagka-childish lang sya

* peep* * peep * * peep*

Nagulat kami ng may bumusina sa labas kaya nagsilabasan na kami nina mom and dad sa loob ng bahay , alam ko namang si Sunny na yan eh

" Good Evening po Tita!" Bati ni Sunny kay mom

"Oh! Good Evening Sunny , Ang pretty mo today " sabi naman ni mommy

" Thanks Tita , Good Evening Tito!"

" Good Evening Sunny" sagot naman ni daddy

Tapos ibinaling nya naman ang tingin nya saakin

" Woaahhh! DREANNA JANE SANDOVAL! IS THAT YOU ?" sabi nya at parang manghang-mangha pa sa nakikita nya

" Hmmm. Yes , the one and only" sabi ko naman

"Myghad! Bessy , talbog mo nanaman ang kagandahan ko" naka-pout na sabi nya

"Huy! Wag ka ngang mag-inarte dyan , parehas tayong maganda ngayon!" sabi ko

" Oo nga Sunny , Pretty ka rin naman today ah" sabat ni mommy

"Hehehe! Ano ka ba Tita , alam ko naman yun" sabi naman nya

" Oh! Tama na muna yan baka ma-late kayo sa event" sabat ni daddy

" Oo nga po Tito , Sige Tita at Tito una na po kami ni Bessy ah" Paalam ni Sunny

" Sige ingat kayo ah!" Sabay na sabi nina mommy at daddy

Tinanguan na lang namin sila tapos sabay na kaming pumasok ni Sunny sa loob ng kotse. Napansin ko namang duon sya sa driver seat umupo

"Huy! Bakit wala ang driver nyo ?" takang tanong ko dito

"Wala" simpleng sagot nya

" Bakit ?" tanong ko ulit

"Wala lang" tumatawang sagot nya

"Kaya dito kana umupo sa tabi ng driver's seat umupo" sabi nya at sinunod ko naman sya

*NORTH XEDIA UNIVERSITY*

Pagkatapos naming maka-hanap ng mapapag-parking-an ng sasakyan ni Sunny ay pumasok na kami sa entrance ng school event.

Nagulat naman ako ng biglang mag bulungan ang mga tao sa paligid at halatang kami ang pinaguusapan nila .

" Myghad! Sya ba si Dreanna Sandoval ? Infairness ang ganda nya ngayon" girl 1

"OMG! Girls! Ang ganda ng suot nila ngayon!" girl 2

" Ang cute tingnan ni Sunny" girl 3

"Pre! Si Dreanna oh! " boy 1

" Oo nga! Ang Ganda!" boy 2

" Ang Ganda nila ngayon ni Sunny" boy 3

Eto ang ayaw ko sa lahat eh! Ang maging CENTER OF ATTENTION!

Tiningnan ko ang wrist watch ko at 5:50 pm pa lang naman. Malapit na mag-simula ang event . 6:00 ang start ng event eh




HANS   P.O.V

8:20 pm na kaya ibig sabihin ay voting na. At pag nanalo ka sa voting ay makakasali ka sa "TOP 10 CAMPUS CRUSH " ang maganda pa duon ay pag nalaman nilang matataas ang school activities mo tapos nasali kapa sa list ng campus crush ay pwede kang mag advance classes , yung para bang nauuna ka sa mga lessons nyo sa room.

Dati na ako nakasali sa list na yan , ang highest rank ko sa list na yan ay  Top 3 .

Yung Top 1 and Top 2 ay mahirap kalabanin dahil bukod sa maitsura sila ay mga seniors student na sila sa school. Pero wala na sila dito ngayon , naka graduate na sila dito last year.

" Good Evening Students!" Bati nung dean namin sa harap

" Good Evening Dean!" Bati naming mga students

"Mukhang mahihirapan kayong magbotohan ah , ang gaganda at ang ga-gwapo kasi lahat ng mga students ngayon" biro ng dean namin

" So ? Start na tayo ng votings para mabilis na nating malaman ang winners or ang Top 10 list natin" dagdag pa ng dean



9:00 na ngayon at time na para sabihin ang mga winners , kung tatanungin nyo ako kung sinong binoto ko ? Walang iba kundi si Dreanna.

Nagulat ako nung kinalabit ako ng pinsan ko , problema nito ?

" Ano ?" Tanong ko dito

" Ako ba yung binoto mo ?" Nakangiting tanong nya

" Asa! Hindi no!" sabi ko sakanya

Nakita ko namang na-irita sya saakin .

" Tsk! Wengya ka! Ikaw pa naman binoto ko!" Inis na sabi nya

" At sino namang binoto mo aber ?" Tanong nya habang naka-taas pa ang kilay

" Si Dreanna" simpleng sagot ko

Nakita ko namang nabago ang expression nya. Mula sa pagiging pagka-irita ay naging masayahin. Tsk! Pabago-bago ng mood

" Yieee! Talaga !? Myghad! Dapat pala sya binoto ko! " parang kinikilig na sabi nya

Hindi ko na sya muling pinakinggan pa dahil ang ingay nya kaka-daldal . Ang sakit sa tenga. 



DREANNA'S    P.O.V

9:00 p.m na ngayon at sasabihin na ang mga winners . Kung tatanungin nyo ako kung sinong binoto ko ? Si Hans ang binoto ko , Ang gwapo nya kasi talaga ngayon gabi ^_^

" Handa na ba kayong malaman kung sino ang bago nating Top 10 Campus Crush !?"
Sabi ng Dean sa stage

" HANDA NA PO!" Sigaw naman naming mga students

Biglang namang may umilaw na malaking screen sa harap at andun nakalista ang mga winners na tinaguriang Top 10 Campus Crush

NORTH XEDIA UNIVERSITY , TOP 10 CAMPUS CRUSH

1. HANS DREW MENDEZ
2. DREANNA JANE SANDOVAL
3. JASHNIEL LEE CORAZON
4. JESSA JANIZE MANDRIANO
5. JOHN MIGUEL SUAREZ
6.  SUNNY DEL VEGAS
7.   SEAN XYDREW MELENDEZ
8.  MIA DELA CRUZ
9.  SANDRA YSABELLE FUENTES
10. DRAKE JOSEPH AGUILAR

After kong makita yung list ay agad ako nanigas sa kinauupuan ko , Totoo ba yan !? Top 2 ako sa list ng Campus Crush! Myghad! Why Me !?!? Kung panaginip lang to , please gisingin nyo ako! Parang ayoko ipikit ang mga mata ko dahil feeling ko pag ipinikit ko ang mga ito ay mawawala ang name ko sa list!

Hindi naman sa ayaw ko , It's just that na nagulat ako! Super shock! Nabalik naman ako sa realidad ko nung may kumalabit saakin.

" Huhuhu! Sino bang binoto mo Bessy !? Ang taas-taas mo , Top 6 lang ako tapos Top 2 ka!" ngusong sabi nya

" Tsk! Pasalamat kana lang at nasama ka pa!" Sabi ko dito

" Eh sino ba kasing binoto mo ?" Tanong nya saakin habang nakataas pa ang kilay nya

Agad naman ako napa-iwas ng tingin sa tanong nya

"Huy! Tinatanong kita kung sino!?" pagkukulit nya pa saakin

" Basta!"sabi ko

" HAHAHAHA! Easy lang , nagtatanong lang eh 'wag ka manigaw" natatawang sabi nya

" Tsk!" nasabi ko na lamang at di na sya pinansin

" Congratulations sa mga students na nasali sa Top 10 Campus Crush!" Sabi ng Dean sa stage.

" So ? Ang Top 1 Campus Crush natin sa list ay si HANS DREW MENDEZ , Mr.Mendez pwede ka bang umakyat dito sa harap ng stage at para marinig namin ang pahayag mo ?" Dagdag pa ng dean

Agad namang tumayo si Hans at pumunta sa harap ng stage

" Good Evening everyone! First of all gusto kong mag thank you kay God dahil sa opportunity na ito , second is sainyo , sa lahat ng bumoto saakin at para naman sa mga hindi bumoto saakin ay okay lang kasi nirerespeto ko naman kong sinong binoto nyo . Once again thank you guys! Thanks for this  wonderful night everyone!" sabi nya

9:50 p.m na ngayon at malapit na mag- 10:00 which is magsasayaw na with partners.

"May gusto ka pa bang idagdag ?" sabi ng Dean

" Meron pa po sana ?" sagot nya habang naka-tingin saakin

Pero wait! Saakin ba talaga ? Hays! Baka naman napa-paranoid lang ako .

" Sige , continue " sabi nung Dean

" Alam kong mukha akong tanga sa sasabihin ko kasi ang layo ng sasabihin ko ngayon sa topic ng occasion ngayon" panimula nya

Nagsimula namang mag bulungan ang mga ibang tao sa paligid.

"Anong sinasabi nya ?" Girl 1

" Di ko gets yung gusto iparating ni Prince Hans" Girl 2

" Ano daw yun pre ?" Boy 1

" Di ko din alam eh " Boy 2

Maski ako ay di ko alam ang gustong ipahiwatig ni Hans pero hindi ko maitatangging kinakabahan ako.

" Curios kayo no ? So , para mas madali mag kwe-kwento na lang ako" dagdag pa ni Hans

" Sabihin nating may isang lalaki. Yung lalaking yun sya yung tipong lalaki na walang paki-alam sa mundo o sa paligid nya , para sakanya kasi lahat ng bagay ay kayang makuha , wala rin syang kinakatakutan . Isang araw may nabangga syang babae  at aminado syang galit na galit sya sa babae na yun , ang sama ng ugali nya no ? Nabangga lang tapos nagalit na kaagad. Agad namang nag-sorry sakanya ang babae pero nung makita nya ang itsura o mukha nung babae ay parang huminto ang mundo , parang nag slow motion lahat , parang nabura lahat ng inis nya sa babae . Alam nyang  mahirap paniwalaan pero ganun talaga ang nangyari sakanya. Simula nung banggan session nila nung babae ay hindi na nawala sa isip nya ang babae , hindi nya alam kung bakit pero mas lalo pa syang natuwa nung malaman nyang classmate nya ito. May nakapagsabi sakanya na Love At First Sight daw ang tawag dun , nung una ay hindi sya naniwala dahil hindi sya makapaniwala na sa unang pagkikita palang nila ay na-inlove na sya sa babae pero tumagal ang panahon kalaunan ay nasabi nya na nga sa sarili nya na mahal nya na ang babae . Nung mga panahon na yun ay nakaramdam din sya ng selos pero nasasaktan sya pag naiisip nyang wala syang karapatan sa dalaga. Bakit hindi sya umamin ? Yun din naman ang nasa isip nung lalaki eh pero natatakot sya sa pag-reject sakanya ng babae pero naisip nya na paano kung may maka-una sakanya ? Paano kung may mahal palang ibang lalaki ang dalaga ? Pero ang pinaka-masarap pakinggan sa lahat kahit walang kasiguraduhan ay yung " Paano kung hinihintay ka lang din pala nya ?" Gustong - gusto nang umamin ng lalaki sa babae at ngayon araw na ito sya aamin"        mahabang sabi ni Hans

Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ang sakit. Siguro si Jessa yung tinutukoy nya , Hayst! Masaya ako para sakanila . Goodluck na lang sakanila.

Malungkot akong tumayo sa kinauupuan ko at lalabas na sana para magpahangin kaso napahinto ako sa pag lalakad nung parang umiiyak si Hans sa stage.

" Mahal na mahal kita! At ngayon sa harapan nyong lahat aamin ako sa nararamdaman ko! Hindi ko na itatago ang nararamdaman ko! Pagod na ako sa katitingin sayo mula sa malayo! Kung may mahal kang iba okay lang saakin basta ang mahalaga ay masabi ko sayo ngayon ang tunay ko nararamdaman para sayo!" Pasigaw nyang sabi sa stage

Naramdaman ko naman ang bulungan ng paligid.

" Ouch! Sino kaya yun ?" Girl 1

" Huhuhu! Sino kaya ang girl na yun ?" Girl 2

" Is Hans confessing? Omo! His so sweet!" Girl 3

Napatawa naman ako ng mapait sa isip ko , Oo! Ang sweet ni Hans , halata naman na para kay Jessa yun. Hindi ko na napigilan at nagsituluan na ang mga luha ko. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon!

" DREANNA JANE SANDOVAL! Mahal na mahal kita!" Dagdag pa ni Hans

Nagulat ako sa narinig ko , humarap ako sa stage para makita si Hans  at nakita ko si Hans na umiiyak sa harap ng stage. Naguguluhan ako! Bakit pangalan ko ang sinabi nya ?

" Mahal na Mahal kita!" umiiyak nyang sabi sa stage

Nag bulungan na ulit ang mga tao sa paligid

" Omo! Si Dreanna ang lucky girl!" Girl 1

" Myghad! Umiiyak si Prince Hans!" Girl 2

" Shems! Nakakakilig ang scene na ito!" Girl 3

Nakita ko namang deretso ang tingin saakin ni Hans mula dito sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko , hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Maya-maya lang ay nagulat ako ng andito na sya sa harap ko.

" Wala ka man lang bang sasabihin ?" Nakangiting tanong nya saakin

Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na andaming naka-paligid saaming students.

" Wala naman sigurong masama kung itatanong ko to saiyo diba ?" Sabi nya pa

Napa-kunot naman ang noo ko sa sinabi nya at nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko.

" Dreanna , Can I court you ?" Tanong nya saakin ng nakaluhod

Sasagutin ko na sana sya kaso may naisip ako at dahil na-isip ko ay napa-irap ako.

" Manliligaw ka saakin ? Eh diba kayo ni Jessa ?" Mataray na sabi ko

Nagulat ako nung tumawa sya at talagang naka-hawak pa sya sa tyan na para bang yung sinabi ko ay isang nakakatawang joke.

Tumayo naman sya mula sa pagkakaluhod at lumapit saakin .

" She's my cousin " sabi nya saakin

Nagulat ako sa sinabi nya at para namang napahiya ako dun kaya umiwas ako ng tingin ko sakanya.

" So ? Can I court you ?" Tanong nya ulit saakin

Tumingin naman ako sakanya at ngumiti sabay sabing

" Yes!" masayang sabi ko

" 10:25 na! Dance with your partner time na!" sabi ng Dean sa harap ng stage

Humarap naman saakin si Hans at inilahad ang kamay saakin.

" May I dance with you?" Tanong nya

Ngumiti naman ako at inabot ang kamay ko sa kamay nya.

Parang dati lang ay puro taguan feelings tapos ngayon aminan feelings na! HAHAHAHA! Hindi ko makakalimutan ang gabing to! Sobrang saya ko talaga!

I'm Dreanna Jane Sandoval ang Ms.Pakipot at si Hans Drew Mendez na ubod nang torpe , Ooopsss! Hindi na pala sya torpe kasi naka-amin na sya 😉😂

AND THIS IS OUR STORY



          

                                                                 * THE END *

Continue Reading

You'll Also Like

1M 89.9K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
41.3K 5.1K 73
Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a woun...
14.6K 252 8
Ang maamo at mala angel na mukha ni Yvonne ang bibihag sa chickboy at billionaryo na sina Alexander Gerrard at Darren Silverio .. Micaella_mhae (Sta...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...