CHAPTER 2
(Shanine's POV)
"Girl! Ahitan natin kilay mo!" at akmang aahitan na nga ni Jhelly ang kilay ko. Andito ako ngayon sa kwarto nya na kasing laki ng buong bahay namin.
"Best naman eh. Ang usapan, magtratrabaho lang ako. Kakanta lang. Hindi makikipagdate!"
"Ay nako. Bawasan lang natin. Ang kapal eh. Kakanta ka sa harap ng maraming tao, dapat maganda ka."
At wala na ako nagawa, naahit na nya eh!
"At itong buhok mo, kulutin natin para parehas tayo." Napatayo ako sa sinabi nya
"Best! Pati ba naman buhok ko?" nakakainis na, magmumukha akong maarte neto eh.
"Ok lang yan, di naman permanent eh! Make-up-an narin kita. Light lang promise!"
"Hay, sige na nga bahala ka!" at umupo na ulit ako sa harap ng salamin na may ilaw na nakapalibot.
After 15 minutes!
"TADA!"
Iminulat ko ang mata ko at nakakita ako ng Diyosa! haha Ako ba to? Ang ganda ko talaga!
"Nice! Mukha na akong tao!"
"I told you Best!" Iniwan nya ako at pumasok sa isang lagusan. Ano kaya yun? Sinundan ko sya at tumambad sa akin ang isang pwesto ng tindahan ng mga magagarang damit sa SM! Wow, nagteleport ba kami?
"Best, asan tayo?" tanong ko while looking around it
"Sa SM! hehehe joke! Nasa walk-in closet ko tayo!"
"Lahat ng ito sayo?"
"Hindi hindi, kay manong driver ata!" She said in a sarcastic tone. tumahimik nalang ako.
"Best, ito! This suits you!" at itinaas nya ang isang pink dress. Well, simple lang sya at hindi gaanong maikisi. Kaya kinuha ko narin at sinuot. Tama, bagay nga saken. Ang cute ko, my gosh! hihihi ay time out, hindi ako maarte noh!
Nag-ayos narin sya at nagpalit ng dress at umalis na kami. Konti na lang talaga eh mapagkakamalan na kaming kambal neto. Haha
--sa Restobar
"Best akyat na, ikaw na!"
Tumango lang ako at nagtungo na sa stage. Inayos ko ang tayo ng mikropono at sumenyas na sa gitarista sa gilid.
"Good evening! I'm Shanine! And from now on, I'll be singing for all of you :) This song is entitled CRAZIER by taylor swift"
Nagpalakpakan sila. Inayos ko ulit ang mic at nagsimula ng kumanta.
"I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
Till you open the door there's so much more
I've never seen it before"
Mula sa pagkakatungo ay itinunghay ko ang ulo ko at tiningnan ang lahat ng audience. Nakita ko si jhelly na hanggang tenga ang ngiti habang naka-two thumbs up!
"I was trying to fly but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything"
Hinawakan ko ang mic at ang mic stand nito.
"You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier"
Kinuha ko ang mic, tumayo ako at nilibot ang stage.
"I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue
And I wanted to know how that would feel
And you made it so real
You showed me something that I couldn't see
You opened my eyes and you made me believe"
Pumunta ako sa gitna at huminto sa paglakad.
"You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier"
Feel na feel ko ang kanta kasi naalala ko na naman si Rence. Kelan ba ako makaka-move on! Nababaliw na ako!
"Baby you showed me what living is for
I don't want to hide anymore
You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier"
Napahinto ako saglit kasi parang nakikita ko si Rence. Siya ba talaga yan? Nakatingin sya sakin ngayon at nakangiti? Namamalik-mata lang ata ako.
"Crazier, crazier"
At nagpalakpakan na ang lahat kaya napatingin ako sa ibang tao. Yumuko ako at tiningnan ulet ang direksyon kung san ko sya parang nakita. Wala na sya. Sabi na nga ba't ilusyon ko lang yun. Bumaba na ako at tinabihan ulit ang bestfriend ko.
"Best, ang galing mo. You're the best! Bibigyan kita ng bonus! hehe!"
"Ah eh, Ok cge!"
"Bakit parang di ka masaya? nagustuhan nila pagkanta mo oh!"
"Eh kasi parang nakita ko sya!"
"Sino?"
"Si Rence!"
"Hahahaha kaya pala.. Kalimutan mo na yung gag*ng yun best! Oh uminom ka muna!"
"Ano to? Alak? No thanks!"
"Ok, sabe mo eh!"
Nagkwentuhan lang kami ni best. Naputol lang to nang magpalakpakan ang tao sa sususnod na kakanta. Lalaki eh, hindi ko makita ang mukha kasi nakatalikod, muntanga nga lang. Infairness ganda voice! It reminds me of.. RENCE?? Humarap si boy at tama ba ang nakikita ko? Si Rence ba to?
"First time I laid my eyes on someone like you
I can't forget the hour, that moment with you
Then I have realized, love is growing deep inside
I feel the beating of my heart"
Ang ganda parin ng boses nya. Naalala ko tuloy nung kinakanta namin to nang sabay. Bagay talaga ang boses nya sa kantang to. ( I'll be there by Julie Ann)
"Coz' every day, every night, I keep looking at the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there... "
At ngayon nakatingin sya sa direksyon ko!
"Best, kilala ka ba nyan? bakit nakatingin sayo?" tanong ni jhelly
"Best, sya si Rence!" Sabi ko sa kanya nang hindi inaalis ang mata sa kanya.
"Talaga best? Mukhang pupunta sya dito oh! Ano gagawin mo!"
"Akin na yan!" binigay nga ng bruha sakin ang alak at tinungga ang lahat ng laman ng baso.
"Best, ok ka lang?" tanong niya
Hindi ako makasagot.
"Spending my days and nights just thinking of you
How you make me wanna smile with the things that you do
When will I hear you say, love is coming on your way
And that you start to feel the same"
Napatulala ako sa Rence na ito na unti-unting lumalapit sa akin.
"Coz' every day, every night, I keep looking at the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there"
Eto na sya sa harap ko, naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko na nakita ko ulet sya ng malapitan? Inabot nya ang kamay ko at hinila nya ako sa kamay. Pinagmamasdan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko habang dinadala nya ako sa stage.
"Coz' every day, every night, I keep looking at the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms"
Ang gwapo parin nya. Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong nya. Nakakaakit parin ang mapupula nyang labi. Pero mas nagmukhang matured sya ngayon na mas bumagay sa kanya.
"Coz' every day, every night, I keep looking at the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end"
Teka bakit nga ba ako kinikilig sa manlolokong to? In just seconds, naalala ko na naman ang ginawa nila sakin ni Yuri, at sobrang galit na galit na ako ngayong kaharap ko sya. Gusto ko syang sapakin!
"We belong together," hinawakan nya ang dalawa kong kamay at mas inilapit sa mukha nya.
"always and forever" Naiinis na ako..
"Call my name and I'll be there"
*PAK!*
Oo, sinampal ko sya. Di ko na matake ang pagmumukha nya! Biglang tumulo ang luha ko. Hawak hawak ngayon ng lalaking nasa harap ko ang pisngi nya. Halatang nagulat ang lahat at nagsimula na silang magbulungan. Dali-dali akong bumaba ng stage at tumakbo palabas ng resto. Ramdam kong hinahabol ako ni Rence kaya mas binilisan ko ang takbo. Sa exit ng bar, hinarang ako ni Jhelly. Napahinto ako at tinignan ko sya. Siguro tumakbo ito kasi hinihingal sya eh. Niyakap ko sya, at ganun din naman sya.
"Shanine!" Boses yun ni Rence, napatingin ako sa likod ko at nakita siya. Pero ibinalik ko ang tingin ko kay Jhelly at binigyan ko sya ng 'i-want-to-be-alone-look' at nagets naman nya ako kaya tumakbo na ulit ako ng sobrang bilis.
"SHANINE! TEKA LANG!"
Eto na naman ako, tinatakbuhan ang taong hanggang ngayon ay mahal ko pa. Hanggang kailan ba? Pero alam kong ito ang mas tama dahil ayoko nang umasa. Ano bang gusto nya? Magpapakita sya saken tapos kakantahan ako? NAKAKAINIS NA SIYA! MASYADO NA NYA AKONG PINAPAASA! Mas binilisan ko ang pagtakbo ko at hindi ko na naman alam kung san naman ako dadalhin ng mga paa ko. It rained again. Basang basa na ako. Ang kulot kong buhok ay straight na ulet. Ang light make-up ko ay paniguradong lusaw na. Ilang beses narin akong kamuntik madulas. Takbo parin ako nang takbo kahit na gamit ko ang high heels ni Jhelly. Sa kaka takbo ko ay natapilok ako.
"Ar-Ouch!!" Hinimas ko ang paa kong natapilok, at nakita kong nasira ang takong ng high heels na gamit ko. Nagsimula na naman akong umiyak nang malakas! Hindi naman dahil sa nasira kong sapatos at sa pagkakatapilok ko kundi dahil sa nawawasak kong puso na litung-lito.
"Miss ok ka lang?"
"Hoy, *sniff* MR. SAPATOS! Wag mo akong kausapin,ok? *sniff*" Kinakausap ko ngayon ang sapatos na hawak ko. Nababaliw na ata ako. Kasi para talagang nagsalita sya eh.
"Hindi ako sapatos! Pwede ba, tumayo ka na jan? Ok ka lang ba?"
"Ang sabi ko--" nagulat ako at napahinto sa pagsalita nang may biglang lalaking lumitaw sa harap ko. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa nakita ko!
"UWAAAAHH! MULTO!!! TULUNGAN NYO AKO! rrff rfff rfff" Biglang tinakpan kasi ng multo ang bibig ko. Hindi ako makasigaw ng ayos!
"Tumigil ka ngang baliw ka! Hindi ako multo, kaya please lang tumahimik ka jan?" At inalis na nya ang kamay nya sa bibig ko.
"uptha! huh huh huh" Para bang naubusan ako nang hangin at ngayun ay naghahabol ng hininga.
"Hindi ka multo?"
"Hindi nga, ang kulet!" at umupo sya sa tabi ko sa gitna ng kalsada.
"Talaga?"
"Bakit ba? Ang gwapo ko kaya!"
"Pfft! Hahaha Gwapo ka? hahaha!"
"Mas maganda ka pala pag tumatawa!" sinabi nya yun habang may konting ngiti sa labi.
"Ha?"Napatigil tuloy ako sa pagtawa at feeling ko namumula na ako.
"Kanina pa kasi kita sinusundan at para kang engot na iyak nang iyak!" bigla tuloy akong nalungkot uli.
"oh, iiyak ka na naman?" tiningnan ko ulit sya at nakita ko na naman ang mukha nya! Natatawa na naman ako. hahaha
"Ano ba kasi yang nasa mukha mo?"
"Alin?"
"Yang itim? Holloween ba ngayon? Costume mo ba yan?"
"Tungaw! Eyeliner yan. kumalat ata dahil sa ulan!"
"Ahh! bakit ba kasi ang kapal ng eyeliner mo? Bakla ka ba?"
"Bakla ako? Halikan kita jan eh!"
"Joke! hihi" Ayoko ngang ibigay first kiss ko sa stranger! pero di naman sya mukhang rapist.
"Emo ka noh? Uso kasi yan ngayon! Yung longhair na One-sided bangs,thick eyeliner at black attire! It really defines you!"
"Marami nga nagsasabi saken na emo ako! Well, I don't care! All of you can call me anything you wanted! Basta wag nyo lang ako huhusgahan dahil di nyo naman alam ang kwento ng buhay ko!" Feeling ko tuloy mas marami syang problema sakin.
"Ok, I'm sorry!"
"Sorry for what?"
"Kasi--" naputol yung sasabihin ko kasi bigla nya akong inalalayan patayo.
"Tara na nga, ang lakas ng ulan oh, magkwekwentuhan pa tayo? San ba bahay mo? Uwe ka na kaya!"
"Ah, eh." tumingin ako sa paligid. Di naman pala kalayuan ang lugar na to sa bahay ko.
"Dun ang bahay namen!" sabay turo ko sa munting tahanan namen
"Hatid na kita?"
"Naku wag na. Salamat! Ano nga pala name mo?"
"Secret! Let's just be strangers, ok?" at umalis na sya. Tss ang labo naman nun. masyadong loner! Ayaw ng friends? Ok! -__-