Ang Syota Kong Astig! (Publis...

By Sweetmagnolia

24M 406K 101K

This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billi... More

ANG SYOTA KONG ASTIG!
Prologue
[1]BLAKE'S DAY
[2] GIRLFRIEND ON DUTY
[3] MEET MY WOMAN
[4] RECIPE OF HAPPY HEARTS
[5] LIFE AFTER NEW JERSEY
[6] BREAKING PROMISES
[7] HIDE AND SEEK
[8] TAMED GIRL GONE FIERCE AGAIN
[9] SELF-REFLECTION
[10] THINGS TO DEAL
[11] THE RETURN OF A FRIEND
[12] GIRLS NIGHT OUT
[13] THE ART OF WHITE LIES
[14] GIRLFRIENDS CONSPIRACY
[15] WOMEN AROUND HIM
[16] TRUST AND NEGLIGENCE
[17] PARTIALLY DEVOTED TO YOU
[18] WHEN THINGS GO RIGHT AND WRONG
[19] He's Into Her
[20] I Know It All
[21] The Past That Haunts
[22] A Whole New Fight
[23] Facing the Tiger's Eye
[24] Bad Rescue
[25] The Lost Love of the Lost Soul
[26] His Fragile Heart
[28] The Unlikely Encounter
[29] New Rules for the Old Role
[30] Into Her Realm
[31] A Day of Bizarre Love Expression
[32] Digging Inside Her Heart
[33] The Untouchable Ex
[34] Room for Temptations
[35] The Divine Story
[36] Unbeatable Hearts
[37] The Flavors of Love
[38] The Discoveries
[39] She Wants It Back
[40] Her Own Move
[41] The Root of All Evil part 1
[41] The Root of All Evil (Part 2)
[42] The Best Part of the Day (Final)
Epilogue

[27] One Step Away From Pain

426K 6.8K 1.7K
By Sweetmagnolia

                                                          °°°°

Nakabusangot na binubuklat ni Alex ang isang folder. Pinipilit niya ang sarili na intindihin ang binabasa ngunit hindi niya magawa dahil paulit-ulit siyang binabagabag ng pagtataka kung ano ang nangyari kina Blake at Debbie.

Sumunod sila ni Balatbat hanggang sa bahay ng lalaki at inorasan niya kung gaano katagal namalagi doon si Debbie. Isang oras at labing apat na minuto, kaya't hanggang sa mga sandaling ito ay hindi siya mapalagay dahil kung anu-anong pumapasok na bagay sa utak niya.

Inihatid kaya ni Debbie hanggang kuwarto si Blake?

Anong ginawa nila sa loob ng mahigit isang oras na yun?

Nag-usap?

Baka naman hinintay lamang ni Debbie na makatulog ang lalaki bago ito umalis.

O, h-hindi k-kaya b-baka may nangyari sa kanila ng higit pa sa mga naunang naisip niya?

Pero nasilip niya sa teleskopyo na mukhang malungkot at tila umiiyak si Debbie nang lumabas ito ng mansiyon. Nag-away ba ang dalawa? Sila na kaya? Ganun ba kabilis na ipinagpalit agad siya ni Blake?

Binatukan niya ang sarili.

Ano bang ipinag-aalala niya? Wala na siya sa lugar para isipin pa ang mga bagay na ito. Eh ano ngayon kung may nangyari sa kanila? Dapat niyang tanggapin ito ng maluwag sa dibdib o kung nasasaktan man siya ay wala siyang magagawa kundi tiisin ang lahat ng sakit. Ito ang sitwasyong pinili niya. Wala na siyang karapatang makialam o magselos dahil siya mismo ang nagbigay kay Blake ng kalayaan na magmahal ng iba.

Dapat nga ay maging panatag pa ang kalooban niya kung sakaling kay Debbie ito mapunta kesa naman sa mga babaeng kinakalantari nito sa mga bar at sa karerahan. Bumabalik na naman ang pagiging rebelde ng binata kaya di malayong matukso rin ito sa mga kaladkaring babaeng lumalandi dito. Alam niya ring punung-puno ng galit ang dibdib nito para sa kanya kaya't ibinubuhos na naman nito ang sakit at galit sa mga bagay na nakasanayan nitong gawin dati kasama ng mga barkada. Napakasakit mang tanggapin pero hindi niya maikakailang dapat niyang ipagpasalamat na nasa tabi nito si Debbie na totoong nag-aalala, nag-aalaga at nagmamahal dito.

Napailing siya habang iniisip ang paraan ng pagbuhos ng sama ng loob ni Blake. Ngayon niya lang napagtanto na hindi pa rin pala ito lubusang nagbabago. Lumalabas pa rin ang pagiging mas bata nito sa kanilang dalawa. Kunsabagay, ano ba naman ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito? Eto na yata ang pinakamasakit na naranasan nito pagkalipas ng napakahabang panahon kaya natural lamang na pansamantala itong malihis sa katinuan. Bukod sa trabaho, isa rin ito sa dahilan kung bakit kahit patago ay inaalam niya ang ilan sa mga galaw nito. Inaasahan niya na rin na bibilang ng napakahabang panahon para mapatawad siya nito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Kinapa niya ang dibdib. Napakasakit masaksihan kung papaano nahihirapan ang taong mahal niya. Hindi man niya ipinapakita pero mas dobleng hiwa sa dibdib ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip kung gaano pa rin ito nasasaktan. Sana bumilis ang takbo ng panahon. Sana bukas wala ng sakit na maramdaman si Blake. Tanggap niya kung habambuhay siya nitong kamuhian subalit patuloy siyang masasaktan hangga’t alam niyang nasasaktan pa rin ito.

“It’s Sunday and yet you’re here early. Anong files na naman ba ang binubuklat mo?”

Nagmulat siya ng mga mata at mabilis niyang binago ang hilatsa ng kanyang mukha. Ngumiti siya pagkakita kay James na noon ay nakaupo na pala sa harap ng mesa niya.

“May binabasa lang akong impormasyon tungkol sa isang tao. Ikaw, bakit ka nandito? Ayaw mo rin bang mag-off? Naku! Kawawa na naman ang kaibigan ko, nag-eexpect pa mandin yun ng date ngayon.”

Tumawa ng mahina si James. “May meeting kami nina chief tungkol sa binubuo naming undercover team.”

“Ah ganun ba. Pagbutihin mo yang kaso na iyan ha. Di ba first time mong maglead ng undercover team, sana maging successful pa rin. Akalain mo yun, sinong mag-iisip na magiging magaling ka rin pala pagdating sa pakikipagbakbakan sa labas,” masiglang puri ni Alex.

Pasimpleng pinagmasdan ni James si Alex habang abala ang huli sa pagbuklat ng mga pahina ng binabasang files. “Hey, did Margareth tell you something?”

Napaangat ng ulo ang dalaga at nagtatakang tumingin sa maaliwalas na mukha ng kausap. “Wala. Bakit may dapat ba siyang sabihin sa akin?”

Sumagot ng ngiti ang binatang kapitan. “Maybe.”

“Bad or good?” pangungulit ng babae.

“I don’t want to ruin her news. Gusto niyang siya mismo ang magsabi sa yo.”

“Aish! Pinapasabik mo naman ako eh!” Namilog ang mga mata ni Alex nang biglang may sumagi sa kanyang isipan. “ T-Teka…h-huwag mong sabihing magkakapamangkin na ako?”

Natawa ulit si James. “No.”

“Magsasama na kayo? Finally, tinanggap mo na rin ang offer niya na maglive-in na kayo?”

“No.”

“Hays, ano ba talaga?!”

“Huwag na. Hayaan mo nang si Margareth ang magsabi sayo.”

“Ano ba?! Tatawagan ko na si Marge.”

“Forget about it, she wants to tell it to you personally.”

Kumunot ang noo ng dalaga, unti-unting lumaki ang mga butas ng ilong at naniningkit ang mga matang tiningnan ang ngingiti-ngiti lamang na kaharap. "Nang-aasar ka ha!"

“By the way whose file are you reading?” mabilis na pag-iba ng lalaki sa paksa.

“Kay Tyron Garcia,” nakairap na sagot ng dalaga.

“Bakit mo ulit binabasa yan?”

“Pinag-aaralan kong mabuti. Since wala na si Sophia, nag-iisip ako ng paraan kung papaano muling mapapalapit sa kanya.”

“He’s the son of your enemy. Why would you want to get closer to him?” takang tanong ni James.

Tumingin si Alex sa kausap at dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi. “ Kaya nga ako makikipagclose sa kanya dahil tatay niya si Mr. Garcia. Balak ko siyang gawing panangga sa kasamaan ng ama niya.” Mabilis na nagpalit ng timpla ang mukha niya at parang wala lang na nagtanong sa kasamahan. ”Oo nga pala, anong pinagkakaabalahan ngayon ng kapatid mong si Marianne?”

“She’s teaching in a university.”

“May karelasyon ba siya ngayon?”

Naamoy ni James ang malisyosong tanong ng kausap. “ Why are you asking?”

 “Pwede ko ba siyang ireto dito kay Tyron?”

Humalukipkip ang binata at nagdududang tiningnan ang kausap. “May itinatago ka pa rin bang galit sa kapatid ko?”

“Wala na.”

“Then why do you want to involve her in the mess you’re planning to create? I know what’s running inside your mind now, Captain Valdemor."

“Masama bang humingi ako ng tulong kung para naman ito sa world peace?” pabirong sagot ni Alex.

“Ba’t si Marianne pa, marami ka naming pwedeng hingan ng tulong dyan ah.”

“Dahil ex siya ni Blake. hindi ko alam kung coincidence ba o may pagkakapareho sila ng taste, napansin ko lang kasi na mahilig itong si Tyron sa mga babaeng nagkagusto dati kay Blake,” katwiran ng dalaga.

"Then why don't you do it yourself. You're not an exemption, nakakalimutan mo na bang ex-girlfriend ka rin ni Blake," walang pag-aalinlangang sabi ni James.

Natigilan si Alex. Kumunot ang noo nito at halatang napaisip.

"How's the character of that guy? Is he bad or good?"

"Uhmmmm... Sa maiksing panahong pagkakakilala ko sa kanya, eh medyo okay at  mukhang mabait naman siya. Saka ayon din kay Sophia ay naging mabuting boyfriend naman ito sa kanya. Ewan ko nga ba kung paano nagkaanak ng ganito si Pablo Garcia."

"Then forget about what I said, huwag mong ireto ang sarili mo sa kanya" mabilis na bawi ng binata nang mapansing mukhang siniseryoso ng kausap ang sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Tama nang kaming dalawa lang ni Blake ang nasaktan mo, mean girl!" sabay tayo ng lalaki at walang paalam na lumabas ito ng pinto.

"A-Anong s-sinaktan?! H-Hoy k-kung m-makapagsalita ka parang ang sama-sama kong babae ha!" nauutal na pahabol ni Alex sa kasamahang hindi na muling lumingon pa....

                                                               -----

Pupungas-pungas na tumagilid si Blake sa kanyang pagkakahiga. Gumapang ang isa niyang kamay para kapain ang katawan ng katabi sa kama.

"W-Wifey..." ungol niya.

Walang sumagot kaya muli niya itong tinawag.

"Alex..."

Wala siyang makapang katabi kaya't dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. At noon ay napagtanto niyang walang ibang naroroon sa kama maliban sa kanya at sa mga unan.

Iginala niya ang mga mata. Maliwanag na ang paligid. Ano ang nangyari? Parang totoong-totoo ang panaginip niya na muli niyang nakatabi ang dating kasintahan.

Bigla siyang natigilan hanggang unti-unting nagising ang buong diwa niya nang maalala ang mga nangyari. Napatingin siya sa kanyang katawan. Wala siyang suot maliban sa boxer short. Nanlalaki ang mga matang napabalikwas siya ng bangon.

Mabilis na nagsuot siya ng walking short at T-shirt at saka nanghihinang naupo sa gilid ng kama habang inaalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Napangiwi siya ng bahagyang makaramdam ng pananakit sa kaliwang pisngi niya.

Pak!

Agad na naglaro sa isipan niya ang sandaling sinampal siya ng malakas ni Debbie.

Nawala na naman siya sa tuwid na pag-iisip at may nagawa na naman siyang malaking pagkakamali. Sa sobrang kalasingan, napagkamalan niyang si Alex ang kaibigan. Sinapo niya ng mga palad ang mukha at sinabunutan ang sarili habang unti-unting bumabalik sa kanyang isipan ang mga eksenang muntik nang may mangyari sa kanila ni Debbie.

Natigil lamang ang lahat sapagkat binigyan siya ng isang malakas na sampal ng babae dahil tinawag niya ito sa pangalan ng dating kasintahan. Natauhan siya ng ilang saglit subalit pagkatapos nun ay wala na siyang maalala pa at marahil ay tuluyan na siyang nakatulog.

Inalis niya ang mga palad sa mukha. Nag-angat siya ng mga paningin at muling natigilan. Napapangangang tumingin siya ng diretso sa dingding. May isang bagay pa siyang naaalala....

At hindi niya alam kung totoo ba ito o ilusyon niya lamang, gaya ng nakita niyang imahe ni Alex.

Totoo bang may sinabi sa kanya si Debbie? Tama ba ang natatandaan niyang narinig niya mula sa bibig nito ang mga katagang 'mahal kita'?

Isa-isang bumabalik sa isip niya ang ang mga salitang binitawan ng babae. At unti-unting nagiging malinaw ang mga ito. Pati ang larawan ng mukha ng kaibigan habang nagtatapat ito sa kanya ay muling naglaro sa kanyang utak.

Madiin niyang ipinikit ang mga mata at muling napahilamos ang mga kamay sa mukha. Sana pwede niyang huwag paniwalaan ang lahat.

"What's going on? Bakit ganito ang mga nangyayari?" naguguluhang sambit niya.

Kumurap siya at paulit-ulit na umiling. Parang gusto niyang iuntog ng malakas ang ulo sa pader.

"How can you be so clueless and insensitive Blake!" pagalit niya sa sarili.

Tumayo siya at hinanap ang kanyang cellphone. Tatawagan niya si Debbie para muli na namang manghingi ng despensa dito. Ilang beses siyang tumawag subalit walang sumasagot. Hindi niya tiyak kung hindi ito naririnig o sadyang ayaw nitong sagutin. Hindi siya sumuko sa pagtawag hanggang sa pinatayan na lamang siya nito ng telepono.

Napapabuntong-hiningang itinapon niya ang cellphone sa kama. Kailangan niyang makausap ang babae bago pa man sila magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Tok. Tok. Tok.

"Blake, iho gising  ka na ba?"

Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili pagkarinig sa boses ng lolo. Pinagdadampot niya ang nagkalat na mga damit sa sahig at mabilis niya munang ikinalma ang sarili bago buksan ang pintuan.

"Good morning lo," mahinang bati niya.

Tiningnan siya ng ilang sandali ng kanyang lolo. Nakasuot lamang ito ng roba at nasa likod nito ang isang katulong na may dalang pagkain at tubig.

"I heard you were drunk again last night so I asked the maid to prepare some hot soup for you," sabi nito at sabay pasok sa kanyang kuwarto kasunod ang maid.

"T-Thanks."

Kinuha niya ang dalang tubig ng katulong bago pa man nito mailapag ang tray sa mesa at dire-diretsong ininom. Sinundan niya ng tingin ang lolo na noon ay iginagala ang mga paningin sa loob ng silid.

"Your room looks gloomy. Why don't you ask the maids to rearrange it? Or perhaps do you want me to ask an interior designer to do it for you?"

"No!" mabilis na tutol niya.

Napatingin sa kanya ang matanda. "Why? Dahil ba si Alex ang nag-arrange nito?" diretsong tanong nito.

Hindi siya nakasagot at kita niya kung papaano humugot ng isang malalim na buntong-hininga ang kausap.

"Do you still expect na babalikan ka niya?"

Nanatiling tikom ang kanyang bibig ngunit sa bandang huli ay dahan-dahan siyang umiling.

"G-Gusto kong isiping magbabago pa rin ang desisyon niya pero hindi na ako umaasa," mahinang sagot niya.

"So until when are you going to torture yourself? If you don't expect anymore, hindi ba mas mabuting simulan mo nang kumbinsihin ang sarili mo na kaya mo ng mabuhay ulit ng normal?"

“I want to…b-but the pain keeps coming back.”

Binuksan ng kanyang lolo ang kurtina ng mga bintana at ngumiti ng makahulugan. “Huwag mong hintayin na mawala ang sakit na iyan bago ka magsimula ng bagong buhay dahil hindi mo masasabi kung hanggang kailan mananatili yan dyan sa dibdib mo. Ang isipin mo ngayon ay kung papaano mo lalabanan yan. Hindi yan mawawala sa pamamagitan ng alak, barkada o mga babae. Kahit ilang pagogoodtimes pa ang gawin mo, nothing will change. At the end of the day, you’re still in pain…What you need to do is to be strong enough to face the truth.”

Napaupo siya sa kama. Itinukod niya ang magkabilaang siko sa kanyang mga hita at seryosong tumitig sa sahig habang nakikinig sa payo ng matandang kausap.

“As much as you want her to be back, I am hoping also that she will really change her decision. She’s already a granddaughter for me at nasasaktan din ako sa naging desisyon niya. Ngunit aaminin ko na ang nangyayari ngayon ay isa sa matagal ko nang kinakatakutan. I’m lying if I'll say that I had not seen this situation inside my head. Nung una ko pa lamang makita si Alex, I already sensed what kind of person she is. She’s a woman who has unbelievable heart. She’s very kind-hearted ngunit kasama nito ay isa rin siya sa mga taong nakilala ko na may pinakamatapang na puso. During the time she stood on your side as a bodyguard, there were moment when her eyes show nothing but fierce and fearlessness. She possessed this extraordinary passion to carry the weight of dangerous responsibilities.”

Tumingin siya sa kanyang lolo at tumingin din ito sa seryosong mukha niya.

“That what she used to be Blake…. and that what she’s going to be in the future, " madiin ngunit mahinahong bigkas nito. "Don’t doubt her love for you dahil kahit imposible, sinubukan niyang baguhin ang sarili niya para bumagay sa mundo mo...yun nga lang ay nagkaroon ng hangganan ang ginawa niyang pagsasakripisyo. At kung anuman ang dahilan niya, siguro ay napakabigat nito para ipagpalit niya ang kaligayahang hatid ng pag-iibigan niyo. I don’t believe that she doesn’t love you anymore but I believe that she has a huge reason why she gave up on loving you. She’s a woman who’s willing to sacrifice her own happiness over responsibilities at wala na tayong magagawa doon kundi ang igalang at tanggapin ang desisyon niyang ito. Kaya’t huwag mong iisiping ikaw lamang ang nasasaktan sa inyong dalawa ngayon. Kung nahihirapan ka tiyak na mas nahihirapan siya because the burden of conscience for causing you pain may add more to her suffering…”

Tumabi sa kanya ang kanyang lolo at nakangiting inakbayan siya nito.

“Simple lang ang gusto kong sabihin iho…if you want to continue loving her, then don’t stop loving her. But this time, love her without asking anything in return. Kung sadyang kayo ay para sa sa isa’t isa, kusa siyang babalik sayo. Maaring ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kayo kaya’t tadhana rin ang gagawa ng paraan para magkabalikan kayo… But if you want to let her go, then let her go peacefully. Start moving on without doing harm to yourself dahil kahit anumang pagpapahirap ang gawin mo sa sarili ngayon hindi nito mababago ang sitwasyon. You’ve done your part to win her back but nothing changed kaya’t hayaan mong ang kapalaran ang magdikta kung ano ang mangyayari kinabukasan. Move on without ruining yourself because you don’t know what will happen next…maaring bumalik si Alex or maybe there’s a greater love waiting for you out there. But whichever it is, at least you’re prepared to face your fate nang buo pa rin ang pagkatao mo.”

Tinapik siya ng malakas sa balikat ng lolo. “Come on be a man in handling your heartbreak! Wala akong apong lalambot-lambot! Nakakalimutan mo na bang isa kang Monteverde!” tatawa-tawang sabi nito.

Tumingin siya sa mukha ng kanyang lolo at gumanti ng mahinang tawa. Hindi niya maikakaila na gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga narinig na payo nito. Nakadagdag rin ang katotohanang pagkalipas ng mahabang panahon ngayon lang ulit siya nito inalo at ngayon lang ulit ito nakipag-usap ng masinsinan bilang isang lolo. Napangiti siya sa isipan at bahagyang lumakas ang kanyang kalooban sapagkat sa mga sandaling iyon muli siyang napaalalahanang meron pa nga pala siyang pamilyang nag-aaruga at nagmamahal din sa kanya.

“T-Thanks lolo…I-I will do my best to follow your advices and I’m sorry if I’m making things difficult for you now,” tugon niya nang may tipid na ngiti.

Masiglang tinapik ulit siya ng matanda sa balikat, tumayo ito at muling naglakad-lakad sa kuwarto. “Do you want to take a break from work? You can fly abroad for the meantime. Take a vacation and refresh your mind. You were successful in launching your product. Maganda ang reception dito ng mga costumers and the board were quite impressed by your performance so I think I owe you a treat. Na-move din naman ng apat na buwan ang botohan para sa appointment ng bagong CEO so you have enough time to take a break.”

Ngumiti siya at umiling. “No thanks Lo. Your offer is very tempting but I choose to face this problem without running away from it. I will overcome everything nang hindi ko kailangang magpakalayo-layo kay Alex. Sabi niyo nga wala kayong duwag na apo.”

“Well if that’s what you want then ikaw ang bahala pero kung sakaling magbago ang isip mo sabhin mo lang sa akin.”

“Yes Grandpa.”

“I’m going back to my room now. If you need anything just tell your grandpa.”

“Yes. I will.”

Humakbang ito patungo sa pinto ngunit muli itong lumingon sa kanya nang nakakunot ang noo.

“By the way, I happened to saw Debbie last night when I was on my way to the kitchen. She looked upset and almost crying. Did you two had a fight?”

Napapalunok na iniwas niya ang mga tingin sa lolo. “No. W-We didn’t...,” mahinang sagot niya.

Muli itong humarap sa kanya.

“That woman… she likes you, right?” diretsong tanong nito.

Napaubo siya ng mahina. Ngumiti siya ng pilit habang hindi pa rin makatingin ng diretso sa kausap. “What are you talking about Lolo? You know that she’s just a close friend,” kinakabahang sagot niya.

“She’s been overprotective and excessively caring for you nowadays. Hindi yan gawain ng simpleng kaibigan lamang,” dagdag usisa nito.

“It’s because she’s aware that I’m having a hard time nowadays,” mabilis na katwiran niya.

Hinigpitan ng matanda ang sinturon ng suot nitong roba at muling naupo sa kanyang tabi. “Hindi naman sa nangingialam ako, pero sa palagay ko there’s a chance for the two of you to be more than just friends.”

“Ano bang pinagsasabi niyo lolo? Not because I listened to your advices, pwede niyo na akong biruin ng ganito,” natatawang sagot niya.

Napakibit ng balikat ang kanyang lolo. “Debbie is not bad for you. Practically speaking, I think she’s a perfect suit for you. It’s not that I’m pushing her towards you, all I mean is that I don’t want you to close your heart for the possibility of loving new person… Sabi nga nila, minsan ang gamot daw para humilom ang sakit ng dating pag-ibig ay ang pagdating ng bagong pag-ibig.”

Ngumiti siya ng bukal sa kalooban at tumingin sa lolo ng may sinseridad. “Thank you for being such an open minded grandfather… pero hayaan niyo hong ako ang magdesisyon tungkol sa bagay na yan."...

                                                          -----

Nagmamaneho si Blake papuntang Fairview. Pupuntahan niya si Debbie. Kailangan niyang makausap ang kaibigan dahil ayaw niyang matapos ang araw na hindi nila napag-uusapan ang nangyari. Hindi solusyon ang pag-iwas kaya't habang maaga ay dapat maging malinaw ang lahat sa kanilang dalawa.

Habang nagmamaneho, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga payo ng kanyang lolo. Lahat ng mga sinabi nito ay may punto. At dahil sa suportang natanggap mula dito, pakiramdam niya ay kakayanin niya na ang lahat ng sakit na pinagdadaanan niya. Meron pa rin pala siyang lakas na masasandalan. Nakaramdam din siya ng hiya sa sarili dahil sa pagiging pasaway niya nitong mga nagdaang araw. Unti-unti niyang napagtanto na siguro kaya't sadyang kinausap na siya ng lolo dahil hindi na rin nito maatim ang pinaggagawa niya.

Nagkaroon ng linaw ang kanyang isipan kaya't simula sa araw na ito ay lalabanan niya lahat ng sakit sa tamang pamamaraan. Anong klaseng lalaki siya kung basta-basta na lamang siyang papatalo sa ganitong pagsubok?

Natigil ang malalim niyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagmadali siya sa pagdampot sa pag-aakalang si Debbie na ang tumatawag. Ngunit bahagyang nadismaya siya nang hindi kilalang numero ang lumabas. Nagsuot siya ng headseat at mahinahong sinagot ang tawag.

"Hello."

Bumilang ang ilang segundo bago may sumagot. "H-Hi Blake," nag-aalangang wika ng isang boses babae.

"Yes? Who's this?" takang tanong niya.

"M-Margareth."

Natahimik siya ng ilang sandali at ramdam niya ang biglang pagkabog ng kanyang dibdib.

"Oh, yes Marge. How are you? Napatawag ka," kunway masiglang sabi niya.

"A-Are you busy?" tanong nito.

"Hindi naman. Why?"

"P-Pwede ba tayong magkita?"

Hindi agad siya nakaimik. Nakaramdam na naman siya ng takot. Nag-aalala siya na baka sa kabila ng lakas ng loob na naipon niya ay panghinaan na naman siya ng loob matapos makita ang mga taong magpapaalala sa kanya kay Alex.

"Where are you?" tanong niya.

"Andito ako sa bakeshop."

"Susubukan kong dumaan. May pupuntahan pa kasi ako," malamig na sagot niya.

"Okay. Hihintayin kita."

"But Marge....I can't promise kung makakadaan nga ako."

"Okay lang, hihintayin pa rin kita."

Ibinaba niya ang telepono at ibinalik ang buong atensiyon sa daan. Nagtatalo ang kanyang puso't isipan hanggang sa pagkalipas ng ilang minuto ay hindi rin siya nakatiis. Kinabig niya ang manibela at tinahak ang daan patungo sa bakeshop ni Margareth.

Nagulat si Margareth sa bigla-bigla niyang pagsulpot. Napapamaang itong sumalubong sa kanya sa may pintuan.

"Hi!" nakangiting bati niya.

"Come in. Akala ko mamaya ka pa makakapunta," sabay gabay nito sa kanya patungo sa isang mesa.

"M-Medyo malapit lang kasi ako dito nang tumawag ka kaya't naisipan kong dumaan na lang muna," pagsisinungaling niya.

"Ganun ba. Halika, maupo ka. I'll get you a coffee first," masigla ngunit natatarantang wika nito na para bang kahit papaano ay namiss din nito ang mga sandaling masaya silang nagkakasama.

"Thanks," sabay upo niya.

"Do you want something to eat? Meron ka bang tinapay na gustong irequest?"

"Nope. Thank you. Coffee is enough."

Tumalikod si Margareth at hinabol niya ito ng tingin. Napapakuyakoy siya sa kaba habang hinihintay itong muling lumapit sa kanya. Inikot niya ang mga paningin sa bakeshop at ramdam niya ang kirot na humihiwa sa kanyang dibdib sa muling pagbabalik sa kanyang alaala ng mga sandaling magkasama silang pumupunta dito ni Alex para bisitahin si Margareth. Napatingin siya sa mesang madalas nilang pwestuhang tatlo na minsan ay kasama rin si James. Parang nauulinigan niya ulit ang mga biruan, ang masasayang kuwentuhan at ang mga asaran.

Inayos niya ang kuwelyo ng suot na polo shirt. Pakiramdam niya ay para siyang sinasakal ng mga alaalang gusto niya sana munang kalimutan. Naglabas siya ng panyo. Pinahiran niya ang noo na noon ay alam niyang unti-unting pinapapawisan.

Bumalik si Margareth bitbit ang dalawang tasa ng kape.

"Here," nakangiting sabi nito habang inilalapag ang kape sa mesa.

"Thank you."

Naupo sa harap niya ang babae. Tiningnan niya ang maaliwalas na mukha nito. Ang unang bagay na gustong lumabas sa bibig niya ay ang tanungin ito kung kelan nito huling nakita si Alex, kung okay lang ba ito, kung inaalagaan ba nitong mabuti ang sarili.... subalit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magpakita ng anumang bakas ng kahinaan.

"Kumusta ka na? You're looking great,"nakangiting umpisa nito.

"I'm alright. Why do you want to see me?" diretsong tanong niya sa kaharap sabay inom ng kape.

Naglaho ang mga ngiti sa mukha ng kausap at seryoso itong tumingin sa kanya habang nakatukod ang mga siko sa mesa.

"B-Blake are you serious about quitting on Alex?"

Natawa siya ng mahina sa tanong ng babae. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Who quitted whom? Hindi ba dapat ay ang kaibigan mo ang kinakausap mo tungkol diyan?"

Unti-unting lumungkot ang mukha ni Margareth. Tumingin ito sa kanya nang may mapait na ngiti.

"Gustuhin ko man siyang kausapin pero alam mo naman kung gaano katigas ang dibdib at ulo nun. Blake, talaga bang sumusuko ka na sa kaibigan ko?"

"I've done everything Margareth. Lahat na yata ng klase ng pagmamakaawa nagawa ko na pero walang nangyari at mas lalo lamang akong pinagtutulakan papalayo ni Alex. Wala na nga akong pinipiling lugar eh. Sa headquarters, sa bahay niya, sa kalsada.... lahat ng pwede kong gawin, sinubukan ko na...Hanggang sa marealize ko na siguro nga ayaw niya na talaga. Siguro nga wala na akong magagawa pa para muli niya akong balikan. At habang dumadaan ang araw, unti-unti kong narerealize  na mas madali pa ang magmove on at tanggaping hindi niya na ako mahal kaysa araw-araw na pagmamakawang ginawa ko pero harap-harapan naman akong pinagtutulakan papalayo."

"Hindi mo pa ginawa lahat Blake."

Natigilan siya at napaisip. "What do you mean?"

"Hindi mo pa nagawang maghintay.... Maghintay ka lang... matatapos din yang pansamantalang pagkabaliw ulit ni Alex sa trabaho. Hindi ako naniniwalang hindi ka na niya mahal. Mahal ka pa rin niya at alam ko na kahit siya ay nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon."

Tumitig siya sa tasa ng kape at bumuntong-hininga. "She's hurt dahil mas pinili niyang masaktan. And for now I can't do anything about her pain coz I'm also dealing with my own."

Hinawakan ni Margareth ang palad niya at tumingin sa kanya nang may nagmamakaawang mukha. "Please Blake huwag mo siyang hayaang mawala sayo. Wala lang sa sarili ngayon si Alex kaya ka niya pinagtutulakan papalayo."

"You're wrong Margareth. She's with her real self now kaya niya ako pinagtutulakan papalayo."

Bumitiw sa palad niya ang babae at lumikot ang mga mata nito na para bang hirap kung saan maghahanap ng ipapaliwanag. "P-Pero mahal ka niya Blake. M-Mahal na mahal ka ni Alex at kung ano man ang ginagawa niya ngayon ay tiyak na may mabigat siyang dahilan. Pakiramdam ko ay sinasadya niya lang magmatigas. Hintayin mo siya, nakikiusap ako, intindihin mo muna siya at lalong huwag ka munang magmamahal ng iba."

Masarap paniwalaan ang sinasabi ng kausap. Pero saan niya mang anggulong tingnang hindi niya makita ang pagmamahal ni Alex na tinutukoy nito.

"Tao rin ako Margareth. Mahal na mahal ko ang kaibigan mo pero hindi ako robot para sundin ang gusto mong mangyari. Nasasaktan din ako, umaasa din ako, nalulungkot din ako at higit sa lahat ay napapagod din ako."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Margareth nang mapagtanto nito kung papaano siya nagmamatigas.

"Why are you doing this Margareth?" seryosong tanong niya.

"D-Dahil gusto kung sumaya ulit si Alex. G-Gusto kong matapos na ang pinagdadaanan niyong ito. Dahil gusto kong magkabalikan kayo," naluluhang paliwanag nito.

Muli siyang bumuntong-hininga at tumingin ng seryoso sa nakikiusap na kaharap.

"Sino ba ang ayaw maging masaya? Sino ba ang ayaw magmahal? But for the first time in my life, ngayon ko lang naramdaman na these things are beyond my control. Nagising na ako sa katotohanang may sarili din akong buhay na dapat asikasuhin....." tumigil siya ng ilang sandali, nagdalawang-isip kung itutuloy pa ba ang sasabihin. "I decided to stop loving Alex and from now on I'm willing to accept what the future holds for me."

Nagulat si Margareth sa sinabi niya at nanlalaki ang mga matang tumitig ito sa kanya.

"B-Blake..."

"I have to leave now. May importante pa akong taong dapat puntahan. Thanks for the coffee," kaswal na paalam niya.

Tumayo siya at naglakad patungong pintuan. Pinipiga ang dibdib niya sa sakit. Pakiramdam niya ay siya naman ngayon ang nakikipaghiwalay kay Alex.

"James and I are getting married! "

Bigla siyang natigilan at napalingon sa babae na noon ay nakatayo na at naluluha pa ring nakatingin sa kanya.

"Pakiusap mahalin mo ulit siya Blake. Ayokong sa pinakamasayang araw ng buhay ko ay nasasaktan ang kaibigan ko..."

Tumulo ang luha sa pisngi ni Margareth. Nahirapan siyang tingnan ito at kasabay nito ay naramdaman niyang may tumarak sa dibdib niya dahil sa balitang narinig. Hindi ba dapat sila ni Alex ang ikakasal? Hindi ba dapat mauuna muna silang magsasama ng masaya? Hindi ba dapat ay sila muna ang magiging pamilya?

Naiintindihan niya ang nararamdaman ng nakikiusap na babae. Pero anong magagawa niya kung ang mismong pinakamasasayang araw sa buhay niya ay hindi niya rin kayang maibalik.

"Congratulations," tanging nasabi niya nang may pagmamatigas, saka siya dire-diretsong naglakad patungo sa sasakyan habang naiwang nanghihina at natutulalang nakaupo si Margareth sa mesa...

Continue Reading

You'll Also Like

285K 7.4K 27
CANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si...
33.2M 406K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.
628K 30.4K 71
A highschooler time traveled into a game called "The Pauper's fairytale" and lived in a kingdom named Pierro. She was a princess there but her father...
839 94 69
~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical t...