Under His Spell

Por thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... Más

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata XXXVIII

146K 4.3K 886
Por thatpaintedmind

"O-Oh, I'm Timothy Lloyd, nice to me you, too. Do you know we're just about to talk about Ms. Zarina's love life when you came? I guess this is destiny."

Mas lumaki ang ngiti ni Axle. "Yeah, we're really meant to be."

Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Axle sa upuan ko para magkalapit pa kami lalo. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Timmy kaya lumapad ang ngiti niya.

"Aww, Axle is so sweet. How long have you guys been together?"

Kaagad akong napailing sa sinabi ni, Timmy. "We're not together."

"Wait... What? Are you serious?" I can clearly hear the disappointment on Timmy's voice.

"Yes I am serious, Axle and I were just... uh, dating." Tila nag-aalinlangan ko pang sabi. Kaagad namang nagliwanag ang mga mata ni Timmy.

"That's almost the same, silly! I'm pretty sure you guys will end up together really soon! I can already sense it, thinking that Axle just kissed you awhile ago and you have no complain. That is something, dear."

I just smiled. I don't know what to say. Maybe because, he has a point.

"Yeah, someday, my Zarina will realize that she can't live without me. I can't wait for that day to come. Damn, I'll be the happiest man alive."







"Ano iyong mga pinagsasasabi mo kanina?" Maktol ko kaagad pagkapasok namin ng sasakyan niya.

Katatapos lang ng interview at ihahatid na ako ni Axle pauwi. Ayaw ko ngang sumabay sa kanya pero nalaman ko na lang na pinauna na pala niya iyong driver ko pagkarating na pagkarating niya pa lang dito kanina. Tsk. Kulit.

"Bakit? Kinilig ka 'no? Aminin!" Umikot ang bilog ng mga mata ko.

"Ewan ko sayo. Ang dami mong kabaklaan."

"Anong kabaklaan?! Sinong bakla?!"

"Ikaw. Puro ka kaya kabaklaan."

Natahimik ito sandali. Akala ko nga wala na siyang balak magsalita pero maya-maya lang ay nagsalita rin.

"Kung kabaklaan ang tawag mo sa mga ginagawa ko para tuluyan ka nang maging akin, siguro nga puro talaga ako kabaklaan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung ibang sitwasyon lang 'to ay malamang tatawanan ko na siya sa sinabi niya o kaya naman ay iirapan.

Pero hindi ngayon, dahil walang halong biro ang boses niya. Seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatingin sa daan na bihira lang mangyari. Madalas kasi ay maaliwalas ang mukha niya.

Hindi ko napigilang mapalunok. Pinili ko na lang huwag magsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

And because of that, our whole travel became silent, which is very unusual. Knowing Axle, he has a very loud mouth... Unless when it comes to situation like this.

"Uh, thanks for the ride, Ax." Pagpapasalamat ko nang marating na namin ang building ng tinitirahan kong condominium.

Pero akmang bababa pa lang ako nang hulihin niya ang braso ko. Napalingon ako sa kanya. Ganoon pa rin ang timpla ng mukha niya, seryoso pa rin.

"I'm damn serious awhile ago, Zafina." Napalunok akong muli nang tawagin niya ako sa pangalan kong iyon. Kapag kami lang dalawa ay iyon ang tawag niya sa akin. Dahil doong pangalan niya raw ako nakilala, at hindi iyon magbabago, hindi ako magbabago sa paningin niya, that's what he said. "When I told you that I'll be the happiest man alive if you'll become mine, I'm serious. I'm damn serious everytime. Kung akala mo minsan nagbibiro lang ako, you're wrong. I'm just using a playful tone 'cause I don't want you to have an awkward atmosphere with me, just like what happened now. Pero tandaan mo sana Zafina, bawat katagang lumalabas sa bibig ko ay totoo."

I smiled at him. "I know, Ax."

Even though he's acting playfully most of the time, I know he won't play with me.

I smiled at him one last time bago na ako tuluyang bumaba ng kanyang kotse.

"And Zafina," Napalingon ako nang tawagin niya akong muli. Nakabukas ang kanyang bintana habang nakatingin sa akin.

He sweetly smiled at me before speaking, "Maghihintay ako... Maghihintay pa ako."

And with that, pinasibad niya na ang kanyang sasakyan. Pinagmasdan ko lang iyon hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa paningin ko.

After that, I went up to my condo unit and took a quick shower. Just wearing my sleepwear now, I jumped unto my bed and quickly reached for my phone.

From: Axle

Sleep well. Dream of me, babe. 😘

A smile appeared on my face. I was just about to reply when something popped onto my notification bar. Nang tignan ko kung ano iyon ay nanigas ang kamay ko.

@******  commented on your story.

Napatitig ako doon. Gusto kong pindutin iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Mariin akong pumikit tsaka ko in-off ang phone ko at inilayo sa akin.

I don't want to be tempted. I don't wanna read those comments.

I sighed and pushed myself to sleep. It was hard, really, especially when you're tempted to do something that you shouldn't. The outcome? Well, it was already midnight when I was able to sleep. Kaya hindi na ako nagtaka nang late na ako magising, at late na rin makapunta sa trabaho.

"You're 3 hours late,"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita bago umikot ang swivel chair ko. Tumambad sa akin ang isang taong nakangisi, tuwang-tuwa pa siyang nagulat niya ako. Ugh, seriously.

Hindi ko na siya tatanungin pa kung paano siya nakapasok dito. Siya pa ba?

"No I'm not, I'm the boss here so it's my will kung anong oras ko gustong pumasok."

Lumapit ako sa kanya para ilapag ang bag ko sa aking mesa. Siya naman ay nanatili lang nakaupo sa upuan na dapat ay sa akin. Nanatili tuloy akong nakatayo sa harapan niya. Tsk.

"Where have you been?" Tanong nito.

I rolled my eyes before answering her question, "From my condo unit."

"If that so, then why are you late?"

"Because I slept late and so I got up late, that's why."

"Hmm, let me guess," humalukipkip ito at nakangising nagsalita habang may pilyong tingin sa akin. "You slept late due to reading the comments? Oh, let me rephrase that. You slept late due to contemplating whether to read the comments or not."

"The hell you care? Lumayas ka na nga sa upuan ko, Yassi. Lunes na lunes, nambi-bwisit ka. Wala ka bang trabaho?"

Hinila ko siya patayo, good thing nagpahila siya kundi ay ipapakaladkad ko talaga siya sa guards. Alam ko naman na kung bakit iyan nandito. Ano pa ba, kundi para manggulo.

Umupo na ako sa swivel chair ko habang siya ay humarap sa akin ng nakapameywang.

"Of course I do care, Zarina. Hindi mo ba talaga sila pagbibigyan?" I sighed. Here she comes again. "Kahit na i-declare mo na lang as completed iyon, is that really hard for you?"

Hindi ko na lamang siya pinansin, instead, I took one document on my table and start reading it.

"Update please, miss author."

Nawala ako sa binabasa ko nang magsalita si Yassi.

"We're still waiting, Ms. L."

Tumingin ako kay Yassi, she's looking at her phone while talking. Napabuga ako ng hangin. This girl is really a pain in the ass. She's reading the comments from my story. I know that since she mentioned Ms. L, which is my codename as an author in a certain writing application.

"Is there a continuation of this story of yours, Ms. —-"

"Stop it, Ventura." Napasimangot kaagad ito sa tinawag ko sa kanya

"Tsk, fine. Just quit calling me by my surname. It irritates me."

Hindi ko na siya pinansin pa, nakita ko namang nagtungo siya sa couch sa gitna ng office ko para magbasa ng magazine. I sighed in relief.

Binalik ko na ang atensyon ko sa dokumentong binabasa ko, pero ang utak ko ay lumilipad na patungkol sa kinukulit sa akin ni Yassi. I tried to concentrate but I failed. Mas lalo lang gumugulo ang utak ko. Ugh. This is Yassi's fault.

Yassi is the one I'm talking about last time, my closest friend here in US, and also... an avid reader of mine.

I closed my eyes as flashes of memories this past three years came rushing into me... On how I tried to move forward, to be precise.

After I realized how stupid I am way back then, my family and I immediately went here in U.S.. But that's not enough for me to move on. Distance is not enough. Although I was already studying to graduate, although I was already so busy, he still didn't left my mind. But no, it's not because I miss him. It's because of the regret that I am feeling that time, because of my massive anger towards him.

Ang malala pa, hindi ko alam kung paano ko mailalabas ang pagsisisi at galit ko no'n. Hindi ko naman gustong mag-alala pa ang pamilya ko sa akin kaya nanatili na lamang akong tahimik. That makes me feel like exploding any time because of too much emotions. Ang hirap itago ng tunay mong nararamdaman. Lalo na kapag masyado iyong malaki at marami para itago.

Until one day, I just found myself writing my own story on a certain application using my phone. Sa paraan na iyon, nailabas ko ang mga nakatago kong emosyon. Hindi tunay na pangalan ang mga inilagay ko roon kaya wala akong pakialam sa mga makakabasa. Hindi ko rin naman akalain na dadami ang magbabasa no'n. Natigil ang pagsusulat ko sa parteng nagtungo ako dito sa US, sa kadahilanang naging busy ako sa eskwela. Kaya naman ang daming nagtatanong tungkol sa susunod na kabanata.

Pero kahit na hindi na ako busy no'n, hindi ko na naisipan pang dugtungan ang nasimulan kong istorya. I just left it that way. I didn't even marked it as completed. Hindi rin naman kasi alam ng mga mambabasa ko na ang istorya kong iyong ay hango sa totoo kong buhay.

Until two years passed, I graduated and started my own business. I decided it to be a publishing company, because I realized writing is not just simply writing, it's also about expressing something you can't express in real life. And I want to acknowledge all the writers for that.

One year had passed again, and here I am now. Ang dating tinatakpak-tapakan, ngayon ay tinitingalaan.

"Anyway, nabasa ko na iyong naging interview mo kahapon, sinend sa akin ni Timmy. Balita ko nagpunta raw doon si Axle. Alam mo, magandang part 'yon."

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong magandang part ang pinagsasasabi nito.

"I mean, magandang part sa story mo. Iyong tipong malalaman ng readers mo na successful ka na at may bagong lovelife. Watcha think?"

"Get out,"

"'To naman, nagsa-suggest lang--"

"Out."

"Seryoso ka--"

"Out!"

"Eto na eto na! Beastmode agad? Eto na lumalabas na oh."

Naglakad na siya patungong pinto. Akala ko tutuloy-tuloy na siya pero nilingon niya pa ako.

"Sure ka ayaw mo iupdate 'yon? Magandang pa--"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang akmang ibabato ko sa kanya ang ballpen ko kaya agad siyang napakaripas ng takbo.

Napahilot na naman ako sa sentido ko. Ang babaeng iyon, parehas na parehas sila ni Axle. Ang kukulit.

But if you're wondering, no, hindi alam ni Axle ang pagsulat ko ng storya tungkol sa nakaraan ko. But he knows what happened three years ago, I told him the truth.

We met here in US accidentally a year ago. Dito na raw siya nagtatrabaho for a change, pero ang pamilya niya ay nasa Pilipinas... including Maxwell.

Dati, inaamin kong kinabahan ako nang magkita kami ni Axle dahil kapatid niya ang isa sa mga kaibigan ng taong ayaw ko nang makakrus pa ng landas. Kaya sinubukan kong iwasan si Axle. He was so confused about why I am avoiding him, wala naman daw siyang naaalalang may ginawa siyang mali. I was guilty so I explained to him what happened.

And so he assured me, wala raw siyang babanggitin sa kuya niya, dahil wala rin naman daw silang masyadong koneksyong dalawa dahil hindi sila ganoong close. And yes, that was the time I let him enter my life.

I looked at my phone when it suddenly beeped. I saw Yassi's name on it. Napataas ang isang kilay ko. Ano na namang tinext ng babaeng 'to?

Thinking it's important, I opened the message.

From: Yassi

Update this sentence, if you dare.

Napasimangot ako. If I dare?

Another message entered my phone.

From: Yassi

And they lived happily ever after...

Napatiim bagang ako. That's it. This is pure nonsense.

I was about to drop my phone when she added.

From: Yassi

... Separately ...

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit. Nanatili lang akong nakatitig sa isang salitang binigay niya sa akin.

And we lived happily ever after... Separately...?

A bitter smile automatically formed on my lips. Yeah, separately.

I moved on. I graduated. I became successful. I was able to reach my dream. I am stable now. Most importantly, I am happy now. And I am sure he is too...

Right?

Marahas akong napailing. I shouldn't be thinking about him. Mas maganda kung magfo-focus ako kung paano ko palalaguin pa lalo ang negosyo ko... At kung paano huwag ng magkrus pa ang landas namin.

Dahil hanggang ngayon, ayaw ko pa rin siyang makita. What for, diba? Kaya gagawin ko ang lahat para hindi na ulit kami magtagpo.

Sana nga lang ay hindi maging mapaglaro muli ang tadhana...

Seguir leyendo

También te gustarán

2.1K 137 21
(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
28.1K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ ◎ on going ◉ complete ◎ edited 「 TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...
82.6K 5.9K 20
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...