Life is Unfair

By peculiarauthor

211 18 5

The world is against us. Life itself doesn't want us to happen. But will destiny make its own way? Is destin... More

Life is Unfair
Prologue
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

24 3 3
By peculiarauthor

Chapter 2

"Ate, bababa ka ba o hindi? " pagalit na tanong ng kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya. Ang aga-aga eh. Dinaig pa ang may period.

"Babababa? Banana?" Tawang-tawa ako habang sinasabi un sa tono ng minions. Samantalang mas nainis pa ata tong si Jason. Ang sama na kung makatingin. Well, makababa na nga. Baka matuluyan na tong mainis sa akin.

"Ok. Ok. Hahaha" natatawa ko pa ring sabi. Sinamahan ko pa to ng pag tataas ng kamay para ipakitang sumusuko na ako.

"Tss." Bugnot na pinatunog niya ang alarm ng sasakyan.

"Bat ang tagal niyong bumaba? " Bungad na tanong sa amin ni Latrell. Naaalibadbaran na naman ako sa pagmumukha netong pinsan ko na to. The usual playboy smile.

"Ask ate. Psh." Busangot pa ring sabi ni Jason. Pinagtinginan tuloy ako ng mga pinsan ko.

"Oooops! " sabay taas ko ng kamay at iling. Di ko pa rin mapigilang matawa. Hahaha

"Wala akong ginagawang masama. May period lang talaga si little dear bruh." Sabay nagtawanan kami. Haha poor lil brother.

"Whatever. Tara na. Maglalakad pa tayo."pag iiba niya ng usapan.

Papunta sa mga rooms namin, pinagtitinginan kami. Hindi ko lang alam sa mga pinsan ko kung sanay na ba sila or sadyang wala lang silang pake. Kasi ako nai-intimidate ako eh. Di ako sanay na nasa akin ang atensyon. Sabagay, nasa dugo daw talaga namin ang magagansa at gwapo. Palaging bukambibig ni Aud.

I have a big family tree. Apat na magkakapatid sila dad. My father is the eldest tapos sinundan nila tito Greg, tito Darwin and tita Lanny. Tapos, 10 kaming magpipinsan. Dalawa lang kaming anak ni dad. Me and Jason. Samantala, ang mga anak ni tito Greg ay sina Latrell, Audrey and Renzo. Kay Tito Darwin naman ay sina Jameson, Clark and Nicole. Kay tita Lanny naman ay sina Armando and Arvany. See? A bit big for a family right?

"Sabay-sabay na tayo pauwi ha. May practice ba tayo kuya Lat mamaya?" Tanong ni Clark kay Latrell. Malapit na kasi silang dumating sa klase nila.

"Ah oo. Kita-kita na lang mamaya sa gym." Sagot ni Latrell kay Clark.

"Sige pala ate, mauna na kami." Paalam ng kapatid ko sa amin. Magkakasama na silang nagtungo sa klase nila. Magkakaklase kasi sila nila Nics at Renz. Samantala, kami naman nila Audrey, Clark at Arvanny ang magkakasama kasi kami ang magkakaklase. Tapos sila Latrell, Jameson at Armando ang mga graduating sa amin. Mga magkakaklase din sila.

"Okay class. We have a new student. Please be nice to him." Panimula ng Prof namin. Curious ako kung sino ba yang bagong lipat na studyante kaya sinilip ko. Nahigit ko ang hininga ko ng mapagtanto kung sino ung nasa harap ngayon.

"Cous. Ang gwapo oh. Crush ko ata to." Bulong sa akin ni Aud na kinikilig-kilig pa.

"Kaso mukhang fvckboi eh." Singit naman ni Vanny. Hindi ko sila pinansing dalawa kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. The man I loved years ago is my classmate... Again.

"Ugh! Nakakainis Rose! Nakita mo ba kung gaano siya kapresko? Nakita mo ba ung ginawa niya kanina sa cafeteria? " Galit na singhal ko sa kaibigan ko. Huling klase na namin to sa araw na to pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ung nangyaring pagkapahiya kanina.

"Ano ka ba Alex! Swerte mo na nga at napansin ka niya eh. Nakakainggit! " Nanghihinayang pang sabi ng kaibigan ko. I rolled my eyes to what she said. Alin ang swerte dun kung napansin niya? Gwapo lang siya pero pangit ng ugali. Nakakainis!

"Aish! Bwisit! Sino ba ang kaibigan mo?" Walang kwenta ang pag lalabas ko ng sama ng loob kay Rose kasi halatang-halata naman na ang kakampihan niya ay si Austin. Pag untugin ko pa sila eh.

"Good afternoon sir! Sorry I'm late! " Nakangisi niyang bati sa teacher namin sa harap. At anong late ang sinasabi niya? Diba sa kabilang section siya nabibilang? Don't tell me magiging magkaklase pala kami?

"Oh. Mr. de Silva, nakuha ko na ung request mo na magpalipat ng section. Simula bukas, sa section na 'to na ikaw papasok. Maliwanag ba? " litanya ng teacher namin. Aba't pwede pala un? Atsaka teka nga, bakit naman siya nagpalipat?

"Sir yes sir! " maligaya niyang tugon. Tuluyan na nga siyang nakapasok sa klase namin. Halatang-halata na natuwa ng husto ang mga kaklase kong babae sa narinig na balita. Pwes, magdiwang sila! Samantalang ako ay nanggagalaiti na dito.

"Dito ka pala sa Section A?" Sabi niya sa akin ng madaanan niya ako. Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinarayan ko lang siya. Imbes na mainis ko siya ay mas lalo lang niya ata etong ikinatuwa.

"Omg Alex! Crush ka ata niya. " Kinikilig na bulong sa akin ni Rose. I don't care. Di ko naman siya type.

"Walang pake. Makinig ka na nga lang kay sir." Tinignan ko kung saan siya nakaupo at saktong nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sa halip na umiwas siya ng tingin dahil sa kahihiyan ay kinindatan pa ako ng loko. Aba't sagad na talaga sa kakapalan ng mukha ang isang to ah.  So doon pala siya umupo sa likod. Sabagay, doon sa parteng iyon lang naman maraming bakante eh.

"Alex. Tara na uy! Kanina ka pa tulala jan ah? " Kuryosong tanong ni Clark sa akin.

"Oo nga. Pansin namin." Tatango-tangong sabi nila Aud at Vanny.

Pano ba naman. Hanggang ngayon, ang hirap pa rin paniwalaan na nandito si Austin. Na magkaklase kami. Kaya buong morning class ko ay wala ako sa sarili. Hinihintay ko nga siya tignan ako eh pero hindi niya ginawa. Ano ba yan! Bat umaasa pa ako. Kasalanan ko naman eh. Ok?

Ganun ata talaga. Hindi lahat ng tao ay dapat ine-expect mo na laging nanjan lalo na kapag ikaw mismo ang nang-iwan. Kahit na nangako pa silang di ka iiwan, once na napagod silang maghintay, aalis at aalis din sila. Iniwan mo eh. Kasalanan mo.

"Tara. Maglunch na tayo." Yaya ko sa Manila ng hindi sinasagot ang mga  makahulugang titig nila. Hindi ko alam kung bakit wala akong gana ngayon. Habang naglalakad papunta sa cafeteria may mga iilang babae na bumabati sa akin ng congratulations at papuri dahil sa pagkapanalo sa Ms.Cruise University. If I know, nagpapapansin lang naman sila kay Clark.

"Alex, anong sayo?" Tanong ni Clark. Siya na daw nagpresintang kukuha ng pagkain namin. Pinagkibit ko na lang ng balikat yun.

"Kung ano ung kila Aud at Vanny." Sabi ko sa kanya. Every lunch ay kaming apat ang magkakasabay. Except na lang kung wala si Clark at naglalandi. Wala na akong ibang masasabing malapit na kaibigan maliban sa mga pinsan ko. Well, I'm contented with them so there's no problem. Masaya na din naman ako eh kaya wala na akong irereklamo pa. Family first. Yan ang pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin.

"Ang gwapo talaga ni Austin. Swerte natin at kaklase natin siya." Kinikilig na sabi ni Aud. Nakikinig lang naman ako sa kanila eh.

"Oh? Magpaparty na ba tayo sa bahay mamaya?" Sarkastikong tugon naman ni Vanny. Etong dalawang to talaga lagi na lang nagaaway. Sabagay, opposite kasi silang dalawa. Si Aud yung tipong fasionista. Lagi nakabihis ng maganda at naka make up. Samantalang si Vanny naman ung simple. Jeans and sneakers lang sa kanya, okay na.

"Pag naging kami, edi go! " tumitili niyang sabi. I can't help but roll my eyes. Hinayaan ko na lang si Aud sa pagpapantasya niya kay Austin. Nanahimik na lang ako dito at nakikinig.

"O speaking of the devil." Sabi ni Vanny sa isang bored na tono sabay turo sa daan papasok ng cafeteria. Sh*t. Ang dito siya. Pero unlike kanina, may mga kasama na siya ngayon at puro pa mga babae. At ang mokong, tuwang-tuwa pa.

"Nakakainis. Ang daming lintang nakasabit sa kanya." Nanggagalaiting sabi ni Aud.

"Oh, bat nakasimangot tong dalawa? " tanong ni Clark kay Vanny. Andito na pala siya. Di ko man lang namalayan. Tapos na pala niyang makuha ung mga pagkain namin. Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain.

Isa na lang ang bakanteng lamesa at eto pa ung nasa tabi namin. Wala na bang imamalas ang araw na to? Naglalakad na sila patungo sa bakanteng lamesa. Nung dumaan siya'y nahagip niya ako ng tingin pero di niya ako pinansin. Talagang galit na galit siya sa akin. Wag siyang mag alala, tutulungan ko pa siya. Kainis.

"Ang bango niya Lex. Naamoy mo ba? " sabi sa akin ng pinsan ko. Duuuuh. May ilong din ako. Gusto ko sanang sabihin.

"Hindi eh. Mabango ba? "Sinabi ko na lang para manahimik siya. Kainis. Maganda naman ung gising ko kanina. Napagtripan ko pa nga si Jason eh. Bat ngayon, inis na inis ako? Argh! Saktong pag lingon ko kay Austin ay nakita ko siyang papalapit sa amin. Hala. Eto na ba un? Mag uusap na ba kami?

"Excuse me miss, ikaw ba si Arvanny Sevilla?" Tanong niya sa pinsan ko. Sh*t! Bakit ba kasi ako umaasang mag uusap kami. Tapos na kami. Tinapos ko na dati pa.

"Yup. Why? " walang ganang sinabi ni Vanny

"Ah kase magkagrupo tayo. Kasama ung Audrey, Alex, at Clark Sylvester. Pinapasabi ni Sir."

Nagkatinginan kaming magpipinsan sa sinabi ni Austin. Eto ung sinabi ni Sir kanina na may group activity daw kami at siya na daw bahalang maggroup. Nag ngising aso si Aud, samantalang walang pake sina Clark at Vanny. Samantalang ako, nagtataka.

"Alex! Partner kami ni Julio! Kinikilig na ako. Haha" tuwang tuwang sinabi ng kaibigan ko sa akin. May patulak-tulak pa siya sa akin na nalalaman. Nung napansin niyang wala ako sa mood ay natahimik siya.

"Ikaw? Sino partner mo? Hindi ba si RJ? " tanong niya. Umirap ako. Bigla na lang sumulpot ang pinakakinaiinisan kong lalaki sa likod ko. Magiging walang kwenta ata ang prom ko dahil sa magiging partner ko.

"Hi Rose. Guess what, Alex and I are partners!"masayang balita ni Austin kay Rose. Edi siya na masaya. Sa hindi ako natutuwa eh. Tss.

"Ha-ha-ha ang saya! " sarkastiko kong sinabi sabay talim ng titig kay Austin. Hindi ko alam kung ano na naman ginawa niya pero ang alam ko, si RJ dapat ang magiging partner ko eh.

"Ano na naman bang ginawa mo ha? Ano? Tinakot mo si RJ? Binugbog mo siya para ikaw maging partner ko? Ha? Ano? Binayara mo na naman ba ang mga teachers?" Naiinis at frustrated kong paratang. I know how his mind works. Ilang beses ko na siyang sinabihang tigilan ako kasi hindi naman siya seryoso eh. Alam kong laro lang to lahat para sa kanya. Challenge lang ako.

"Ganon ba tingin mo sa akin? Ganyan ba kababa tingin mo sa akin? Tingin mo ba wala akong karapatang magbago? " malamig na utas niya sa akin. Magsasalita sana ako at sisinghalan ko pa siya ng mga masasakit na salita ng bigla siyang umalis. Nakayuko.

"Grabe ka naman Sylvester makapagsalita. Kapalit ng pagiging partner ka, isang linggong nangako si Austin na mag cocommunity service." Umiiling na sinabi ng kaibigan ni Austin.

"Atsaka hindi pa ba obvious sayo na seryoso siya? 6 na buwan ka na niyang hinahabol at sa anim na buwan na yun wala man lang siyang naging babae." Dugtong pa ng isa nilang kasama na tila disappointed.

Gusto ko sana ipagtanggol ang sarili ko sa kanila pero wala lumalabas sa bibig ko. Gusto kong sabihin na imbento lang sila. Na masamang ugali si Austin. Shit! Pero pag naaalala ko ung expresyon niya kanina di ko mapigilang mahabag. Kasalanan ko ba talaga?

"Te-teka. Bat kasama ka sa grupo namin? I mean, pano nangyari un. Diba letter "D" ang surname mo?" Nagtatakang tanong ko. Ngumisi lang siya sa akin bago nagsalita.

"Ano sa tingin mo miss? " sabay titig niya ng malalim sa akin. Sinasabi ko na nga ba! Wala talagang pinagbago. Tingin niya, kaya niya pa rin paikutin ang ulo ng lahat. Nakakainis.

"Ano na naman ginawa mo?  Ha?! " medyo pagalit na sabi ko. Nagulat sila Aud sa asta ko. Tila ba nagtatanong ang mga titig nila. Nagawa pa ulet niya akong ngisian. Ngising demenyo.

"Wala. Anong akala mo? Ginawa ko para sayo? Wag ka masyadong umasa. Marami ng nagbago Alexandria Celistine. Marami na." Malamig na sinabi niya bago tuluyang umalis ng Cafeteria.



Author's note*

Sorry for the typos guys. Don't have a time to edit. Sensyaaaa.

Continue Reading

You'll Also Like

73.5K 12.4K 127
අවිනිශ්චිත හැගීම් ජාලාවක විනිශ්චය
26.5K 5.7K 34
OPEN! Join a community of passionate readers, where the love of literature meets a welcoming and professional atmosphere.
18.8K 3.3K 71
"ඔබ සූර්යයා නම්, මම ඉකරස් වෙමි. පිළිස්සී බිම ඇදවැටී මිය යාමට ඉරණම් ලද මෝඩයා වෙමි ! එහෙත් ඉටියෙන් ඇලවූ පියාපත් වලින් පවා මම ඔබ වෙත පියඹා එමින් සිටියෙ...
28K 3.9K 43
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...