Arabella's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng klase, nagmadali ako para pumunta kay atheena
Tatakbo na sana ako palabas nang pigilan ako ni Jerome
"San ka pupunta?" Tanong niya
"H-ha nagmamadali kasi ako yung kaibigan ko kasi may problema" sabi ko
"Samahan kita" sabi niya
"Wag na baka kasi mailang siya sa lalaki" sabi ko tapos nauna na ako
Sumakay na ako agad ng jeep papuntang mall
Nakita kong nasa starbucks siya
"Uy atheena okay ka lang ba?" Tanong ko tapos umupo ako sa upuang nasa harapan niya
"Anong problema?" Muli kong tanong
"Eh kasi *hik* may bestfriend ako tapos nalaman kong pinaplastik lang niya ako at ginagamit *hik* anong gagawin ko?" Naiiyak niyang tanong
Niyakap ko siya tapos pinat pat ko yung likod niya
"Okay lang yan.. maybe hindi lang talaga siya yung bestfriend na para sayo" sabi ko
"Eh *hik* paano na ako wala na akong kaibigan*hik*" sabi niya habang nagpupunas ng luha
"Edi ako nalang bestfriend mo" sabi ko tapos lumiwanag na yung mukha niya
"Talagaaa?"tanong niya tapos niyakap ako
"Oo"
"Nagustuhan mo ba yang gift ko sayo?" Tanong niya sakin
Napatingin ako sa necklace ko
"Oo ang ganda nga eh kaso bakit parang nailaw?" Tanong ko sakanya
"Ahh pinagawa ko pa kasi yan kapag natatapatan siya ng ilaw, nailang ka ba? Gusto mo palitan ko?" Paliwanag niya saki
"No no wag na ang cute kayaa" sabi ko
"Ay uy arabella why dont you invite your boyfriend? Para naman magkakilala kami" sabi niya
"Okay lang sayo? Sige tatawagan ko gusto din kasi niya kanina sumama eh" sabi ko tapos tinawagan ko na si Jerome
Sabi niya 5mins daw andito na
Atheena's POV
5 mins palang dumating na si Jerome
"Hi baby siya si Atheena isa sa mga beatfriend ko" pagpapakilala niya sakin
"Hello marami akong narinig about you from ara" sabi ko tapos itinaas ko ang kamay ko para kamayan siya
Napangisi ako nang makita kong lumaki ang mga mata ni Jerome
Itinikom ang kamao
At nanunuot ng galit ang kanyang mga mata
"Baby upo ka" sabi nung panget tapos pinaupo si Jerome sa tabi niya
"Siya yung kinekwento ko sayo na may problema kaya pumunta ako dito" sabi ni Ara
"Ara i need to-" naputol yung sinasabi ni Jerome
"Wait lang naiihi lang ako cr lang" sabi ni Ara tapos umalis na siya
Atlast naiwan na din kaming dalawa
"Whats your plan?" Tanong niya sakin
"What plan?" Maangmaangan ko habang pinaglalaruan ko ang lalagyan ng coffee
"Sasabihin ko sakanya ang totoo" mariing sabi niya sakin
"Subukan mo.. para masundan yun kapatid mo sa kabaong" nakangisi kong sabi
"Don't you dare sinasabi ko sayo hindi mo ko matatakot" nagmamatigas niyan sabi
So ano?
Malakas ka na ngayon?
Paglalaban kita kahit mamatay pa ang lahat ng tao sa buong mundo
Dahil mahal kita
Kung alam mo lang
"Hindi ka natatakot? Then lets see" sabi ko
"Subukan mong sabihin ang totoo pati pamilya ni Ara gagalawin ko" galit kong sabi sakanya
"Ano bang gusto mo ha?!"
"Madali lang.. iwan mo si Ara at ako ang ipalit mo diyan sa puso mo" sabi ko tapos tinitigan ko ang dibdib niya
"Tingin mo napapantayan mo si Ara? Hindi.. hinding hindi ko siya ipagpapalit sa katulad mo" nagmamatigas niyang sabi
"Anong nangyari dito?" Pagbabalik ni Ara
"Nothing bestfrieend mauuna na ako ah baka kasi gabihin pa eh enjoy nalang kayo ng boyfriend mo" plastik kong pagkasabi sakanya
Nagcheek to cheek kani
Uch kadiri talaga
Umalis na ako agad at sumakay ako sa sasakyan
"Danny nasan yung pinapagawa ko sayo?" Tanog ko dun sa isa sa mga alagad ko
"Eto na po ma'am" sabi sakin sabay abot ng monitor
"Hahahahahaha this is just too perfect for me" bulong ko
Nakikita ko sa screen si Jerome at kung nasaan sila
Nasa kotse na sila ngayon
"Kuya sundan mo yung kotse na yan" utos ko at agad namang sinunod
Nakita kong tumigil ang kotse ni Jerome
"Give me the headphone" sabi ko at sinuot ko yun agad nang maibigay sakin
Sa wakas
Narinig ko nadin ang pinaguusapan nila
"Baby girl may kailangan kang malaman" narinigkong sabi ni Jerome
"Ano yun?"
"Layuan mo na si Atheena"
"Huh? Bakit naman kawawa na nga siya o"
"Basta iwasan mo siya" sabi ni Jerome at nakita kong kinuha niya yung cellphone ni Ara
Ts if i know buburahin niya number ko or ibblock
"IBALIK MO NGA YAN! ANO BANG NANGYAYARI SAYO JEROME HA?!"
"I TOLD YOU PARA SAYO TO"
"PARA SAKIN?! BAKIT BA HINDI KO MAINTINDIHAN EH KUNG SABIHIN MO KAYA YUNG DAHILAN?"
"Hindi pwede kaya pwede ba? Please baby girl ayokong magaway tayo sumunod ka nalang"
Natatawa nalang akohabang pinapanood ko ang super sweet convo nila
"Please jerome kaibigan ko siya at may problema siya"
"Ano bang iniisip mo?" Tanong ni ara sakanya
"Ok fine si atheena ang problema kasi siya yung pu-"
Kuya banggain mo
"Po? Mam bakit po"
"BANGGAIN MO!"
"AAAAAAAY!" tili ni Ara
Naputol ang sinasabi ni Jerome dahil binangga namin siya mula sa likod
Tinext ko si Jerome
Thats number 1 my first warning im telling you tatlo lang ang warnings na binibigay ko sayo
"Kuya lets go" utos ko tapos tinago ko nayung monitor
Sa huli
Ako parin ang makakakuha ng huling halakhak
Hahahahahhahahahaha
____
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡