Killy POV.
Inhale...
Exhale.
Inhale...
Exhale.
Kinalma ko muna ang sarili ko saka naghanap ng tela para sa gown ko. Bukas na ang mask pary at 8:54 na ng gabi. Matutulog pa ako dahil ayoko magmukhang zombie sa party.
"Kill, pa'no 'yong maskara mo? 'Yon ang pinaka mahirap na gagawin," nababahalang sabi ni Jane.
Napatampal na lang ako sa noo ko nang mapagtantong tama si Jane. ‘Yong mask ko! Ano nang gagawin ko? Ubos oras 'to at hindi ko alam kung masusulusyunan ko ba ‘to kaagad. Ugh! This is so frustrating!
Humanda ka sa akin Aimee! Papatayin talaga kita kapag nagmukha akong zombie sa party! Kakainin ko ang utak mo!!
"Jane, sige na, umalis ka na. Matulog ka na. Gabi na at kailangan mo nang magpahinga."
"Oh, sige. Basta puntahan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong."
Nginitian ko siya at tumango. "Sige, salamat."
Umalis na siya at ako naman ay inayos na ang patahian dito. May nakita akong puting tela pero may design sa baba na mga itim na bulaklak. Kinuha ko nalang 'yong tube doon sa may gown na sinira ni Aimee at pinagdugtong ang telang nakita ko at ang tube
Nung ingaat ko ‘yong damit, biglang akong napa-isip. Hindi ako na-satisfy sa kinalabasan.
"Parang may kulang." Kinalkal ko ang mga damitan ko. May nakita ako sleeve na hanggang wrist, kulay puti din sya kaya puwede. Kinuha ko 'yon at tinahi sa gown na sosoutin ko. Nang matapos, mas maganda pa to kaysa sa tube na gown ko na sinira nila Aimee
Nang makita ko ang oras ay 10:57 na. Ang haba na ng oras na iginugol ko aa paggawa ng gown na ‘to. Hindi ko na magagawa ang maskara. Biglang pumasok sa isip ko si Liam.
Tama! Si Liam na lang papagawain ko. Sana okay lang sa kaniya.
Nag-teleport ako papunta sa lumang building kung saan nandoon ang kuwarto ni Liam. Nang magteleport ako ay sa 4th floor lang ang puwede. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang deretso sa kuwarto niya. Ah, basta! Sana pumayag siya.
Umakyat ako sa rooftop pero hindi ko nakita si Liam. Oo nga pala, naglilibot siya ngayon.
Umupo ako sa sofa at nakita ko sa may table sa gilid ko ang isang pulang maskara. Itinabi ko doon ang maskara at ang pearls at diamonds na nasa garapon. Habang nagpapalinga-linga ako rito, bigala akong dinalaw ng antok. Humiga ako sa sofa at umidlip sandali.
Nagising ako nang may maramdaman akong nakatingin sa akin at ramdam kong sobrang lapit niya lang dahil nararamdaman ko ang hininga niyang tumatama sa mukha ko.
Nang buksan ko ang mata ko, nakita ko si Liam na sobrang lapit sa muka ko. Konting galaw ko lang mahahalikan ko na siya!
Napatitig ako sa pula at berde niyang mata. Ang ganda ng mga ito, parang scarlet eyes din siya.
"Hindi ka ba natatakot sa mga mata ko?" tanong niya. Lumayo na siya sa akin dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Hay, salamat naman!
Umupo ako sa sofa dahil nakakahiya naman sa kaniya kung nakahiga pa rin ako. Felling bahay lang ang peg!
"Hindi ako natatakot sa mga mata mo. Para sa akin hindi naman sila nakakatakot pagmasdan. Sa katunayan, gandang-ganda at manghang-mangha ako sa mga mata. No'ng una naiingit ako sa ganda ng mata mo, hindi sila nakakasawang titigan." Nginitian ko siya at tumingin sa nakabibighani niyang mga mata.
Ang mga mata niya ay parang scarlet eyes lang din. Ngunit mas makinang ang Scarlet eyes ng mga Nightbloods. Ito rin ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa amin. Although, hindi naman totally galing sa scarlet eyes ang lakas at kapangyarihan namin. Siguro mga 10 percent lang.
"Talaga?" paninigurado niya. Malamig ang kaniyang tinig pero ramdam kong natuwa siya sa sinabi ko tungkol sa mata niya.
"Talagang-talaga." Napansin ng mata ko ang makinang na bagay sa may table, at doon nakita ko ang maskara ko na maayos na at may mga design na. Mas maganda pa ito kaysa sa ginawa ko na sinira naman nila Aimee.
"Ginawa ko na. Alam ko naman na 'yan lang ang pinunta mo rito," Aniya. Napangiti ako. Sobrang saya ko!
Dahil sa galak ay niyakap ko si Liam. "Salamat! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Liam! Makaka-attend na ako sa Mask Party ng dahil sa ‘yo. Thank you! Thank you so much!" Hindi siya nagsalita kaya nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Kaagad akong kumalas. "S-Sorry," paghingi ko ng paumanhin. Napakagat aki sa aking pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
Nahihiya ako sa ginawa ko! Nadala lang naman ako ng emosyon ko. Alam kong wala namang masama sa yakap pero nakakahiya pa rin dahil bigla-bigla ko na lang ginawa 'yon!
Ngunit nagulat ako at hindi ako nakapag-react kaagad nang hatakin ako ni Liam palapit sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit
"L-Liam! A-Ano bang ginagawa mo?!" Nagpupumiglas ako pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakayakap niya. "May problema ka ba? Kung makayakap ka kasi parang unan ang niyayakap mo." Hinayaan ko na lang. Ang hirap kasing kumawala sa yakap ng mokong na ‘to!
"Sana nga unan ka na lang para lagi kitang katabi at kayakap sa pagtulog ko."
"L-Liam."
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nakatingin siya sa mga mata ko at gano'n din ako sa kaniya.
"May relasyon ba kayo ni Prince Zack??" Biglang tanong niya.
Is this guy is crazy??
"Wala," walang pag-aalinlangan kong tugon.
"Bakit gano'n na lang siya makadikit sa ‘yo at bakit sobra siya kung makalapit?" seryosong tanong niya "Hindi lang 'yon! Sa kuwarto mo pa siya natutulog!" Hindi naman natulog sa kuwarto ko si kuya. May pinag-usapan lang kami at umalis na siya kaagad, pero syempre hindi alam ‘yon ni Liam.
"Ano naman? Huwag mong sabihin na nagseselos ka?" Natigilan siya sa tanong ko pero naka-recover naman siya kaagad.
"Sagutin mo na lang ako, please." Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Nag-please siya! At sa akin pa! Hindi ko pa siya naririnig na mag-please at mag-sorry kahit na kailan at kahit na kanino.
I'm confused. What the h*ll is happening to him? Is he sick?
"Wala kaming relasyon ng Prince Zack. Hindi rin siya natulog sa kuwarto ko. Sinabi niya lang 'yon para makapag-usap kami. Wala namang masama kung may matutulog na lalake sa kuwarto ko, basta may malalim na dahilan. Kahit ikaw pa ang matulog sa kwarto ko, okay lang sa akin. Walang kaso 'yon," sabi ko na ikinagulat niya. "'Yon ay kung nasa mood ako." Pahabol ko at binigyan siya ng nakakalokong ngisi. "Teka nga! Bakit ba natin 'to pinag-uusapan, ha?! 'Wag mong sabihin na nagseselos ka kay Prince?!" Tiningnan ko siya at umiwas sya ng tingin. Guilty. "Umamin ka nga! May gusto ka ba sa akin?" Namula siya at hindi makatingin sa akin. "Silence means yes," mapang-asar kong sabi habang may nakakalokong ngiti na naka-ukit sa aking mukha. Binibiro ko lang siya, alam ko naman wala siyang gusto sa akin.
"O-Oo na! G-Gusto na kita!" Natigilan ako sa sinabi niya.
"A-Ano?!" W-Wait! Tama ba ang pagkakarinig ko? May gusto siya sa akin? "K-Kailan pa?"
"I said yes, I like you." Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga at para bang nahihiya siya sa ginawa niya ngayon, which is really freakin' embarrassing, kung ako ang nasa posisyon niya. "Una palang kitang makita nagustuhan na kita. No'ng ginamot mo ako lalo kitang nagustuhan at kapag lagi kong nakikita ang mga ngiti mo mas lalo kitang nagugustuhan. I like you Killy. I really really like you, and I think I love you." Pag-amin niya habang deretsong nakatingin sa aking mga mata.
T-The heck! Paulit-ulit na nag-echoe sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Hindi puwede 'to! Baka masaktan ko lang siya...
Bumalik ako sa reyalidad at naramdaman ko ang isang patak ng luha sa mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan.
"I'm sorry, Liam. Hindi 'ata ako ang babae para sa 'y. I don't know what love is, kahit nga mga love story hindi ko pinapanood. You like me? Baka naman nalilito ka lang sa nararamdaman mo. Baka naman—" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin.
This is not good!
"Walang akong pakialam kahit hindi mo alam kung ano man ang love na 'yan. Ang mahalaga ay gusto kita at mas magiging mahalaga kung gano'n din ang nararamdaman mo. Hindi ko man kayang gawing happy ending ang magiging istorya natin, ang mahalaga ay maging happy ka. Mas lalo akong magiging masaya kung lagi kang nakangiti sa harap ko." Bulong niya sa tenga ko. "You're my love, my strength, my queen, my world, and my everything. Gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang. Makikipagpatayan ako para lang sa 'yo. Hindi ako katulad ng ibang lalake d'yan na manloloko, hindi kita lolokohin, pangako." Napangiti ako sa sinabi niya. Tama ba 'tong nararamdaman ko? Dapat ko nga ba siyang pagbigyan? H-Hindi ko alam... Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
"I don't know what to say." Bulong ko sa kaniya na ikinatawa niya ng marahan at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.
Nang humarap siya sa akin. Natigilan ako dahil may masayang ngiti sa kaniyang mukha. A genuine smile that makes my heart beat so freakin' fast.
"Marunong ka pala ngumiti? At ang guwapo mong tingnan." Yeah, I praised him.
"Gwapo naman talaga ako kahit hindi ako nakangiti. Alam mo ba na ang daming babae na gusto akong makausap? Pero ikaw ang kauna-unahang babaeng kinausap ko ng matino. Maraming babae ang gustong makapasok dito, at maraming babaeng naghahabol sa akin," pagyayabang niya.
"Ang hangin! Grabe! Paki-off nga no'ng pesteng aircon," mapang-uyam kong wika.
"Hahaha! Ang cute-cute mo." Pinanggigilan niya ang pisngi ko habang patuloy na bumubungisngis na parang bata.
T-Tumawa siya! Bakit ang sexy sa pandinig ko no'ng tawa niya? Pero teka! Anong sabi niya? Cute raw ako? Hoy! Maganda ako, okay?! Hindi ako cute dahil maganda ako! Itatak nya 'yan sa kokote niya! Kainis siya!
"Ano ba! Hindi ako cute, 'no! Maganda ako, okay?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi, cute ka," pagpupumilit niya.
"Maganda nga sabi, eh!" may pagkainis kong saad.
"Cute."
"Maganda!"
"Cute."
"Maganda!"
"Cute."
"Ewan sa 'yo! Diyan ka na nga!" Tinalikuran ko siya dahil sa sobrang inis. Ayokong ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman totoo tungkol sa akin. Hindi ako cute! Maganda ako!
Sabi ng parents at kapatid ko.
"Oo na, Maganda ka na. Ito naman nagtampo 'agad," aniya sa malambing na tinig.
Inirapan ko nga. "Mauuna na ako. Kailangan ko pang magpahinga para sa party bukas. Salamat ulit sa pag-ayos nito," sabi ko.
Tumalikod na ako sa kaniya upang pumunta sa pinto at makalabas na pero pinigilan niya ako.
"Dito ka na lang matulog. Tabi tayo," sabi nya habang nakahawak sa kamay ko. Ramdam kong umakyat lahat ng dugo sa mukha ko kaya naman daglian kong binawi ang kamay ko at huminga ng malalim upang mawala ang pamumula ng mukha ko.
Nababaliw na ba siya?
"Nakikita mo ba 'to, Liam?" Ipinakita ko sakanya ang kamo ko. "Gusto mo ba na magkamarka sa mata?!" Pagbabanta ko sa kaniya
"A-Ah... S-Sige, m-matulog ka na. Alam mo namang ayokong napupuyat ka, 'di ba? Sige na, pahinga ka na." Kinuha ko ang maskara ko, saka tumapat sa pinto.
"Good night," sabi ko sa kaniya.
"Good night, see you tomorrow," nakangiting tugon niya
"Yeah, see you " sabi ko at sinara na ang pinto.
Nag teleport na ako papunta sa kuwarto ko. Inilagay ko sa drawer ko 'yong maskara for safety then natulog na ako.
Itutuloy.