NICO’s
Maaga ako gumising kasi kelangan ko pa umuwi sa condo ko dahil papasok pko…
Nagpaalam nko kay mac, josh at migs… sumakay ng elevator paakyat…
Oo, sa taas lang ng building na to ang unit ko. Hahaha.
Habang nagliligo ako… naisip kong asarin ulit si Victoria…
Agad agad akong nagpunas ng katawan at kinuha ang phone ko…
---------------------------------------------------
To: Victoria.
Good morning Honeyyy!
------------------------------------------------
Habang ngbibihis ako, tumunog na ung fone ko…
Bzzt bzzzt
-----------------------------------------------
From: Victoria.
HONEY MO MUKA MO!!!!! MUKA KANG PAA!
------------------------------------------------
Aba. Aba. Grabe to ah! Ako mukhang paa?! Gwapong paa ko naman. Sinusubukan nya talaga ako ah.
-------------------------------------------------
To: Victoria.
Gusto mo tlgang mging babae ha!!! Humanda ka.
--------------------------------------------
Nagbihis ako agad at bumaba na…
*********************
VIC’s
Ang aga aga nya talaga mambwisit. Grabe ha!!!! Ako pa talaga humanda!
Dub Dub Dub Dub Dub.
Ano ba naman tong dibdib koooooo! Ayoko na nito! Palitan ko kaya tong puso ko! Maharot masyado eh!!!
Nagdadrive nko papunta sa bahay ni chel para sunduin sya…
Nung kasama ko na sya at nakarating na kami sa tapat ng school…
Chel: Dito ka nalang mgpark. Puno sa loob eh.
Vic: Ah oo. Maaga naman uwi natin dba?
Chel: Oo.
*Pak pak pak pak*
Hinampas hampas ako ni chel.
Vic: ANOO BA YUN?!
Chel: Vicccccccc! Kukunin na ata ko ni San Pedro!!!!!!!!!!!! Tignan mo oh! Ang gwapoooooooo!
Tinuro nya yung lalaking nakasandal sa black na sports car na nakapark malapit sa gate ng school namin. Naka-jeans sya… shades… black leather jacket at plain white tshirt. Mejo mahaba yung buhok nya sa harap na may pagka-kulay brown.
Vic: tsss. Kukunin ni san pedro ka dyan!! bumaba ka na nga!
Agad agad naman syang bumaba… ako din bumbaba na. at pinindot yung lock ng kotse ko…
Nung nglalakad na kami papalapit sa gate… binuksan ko yung bag ko pra kunin ung id ko… kinurot ako ni chel…
Vic: ARAY!
Chel: Viccc! Papalapit dito ung gwapo.
Pagtingin ko… Oo nga papalapit dto. >///< Ang gwapo ngaaaaaaaaaa!
Nagiging babae na ata ako! Anoo baaa! Hindiiiiiii pwedeeeeeeee!
Tinry ko maging plain yung reaction ng muka ko… -____-
Vic: oo. Di ako bulag.
Maya maya lang… biglang huminto sa harap ko yung lalakeng gawa sa langit. Pero nung nagtanggal sya ng shades…. Napagtanto kong gawa sya ni Lucifer! >.<
Nico: Good morning honey!!!!!!
Honey nya mukha nyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Susuntukin ko na sana sya… pero as usual… nasalo na nman nya yung kamay ko. Pero ngulat ako nung hintak nya ko papalapit sakanya at…
*TSSSSUP*
Nico: Byeeeeeee!
Tumakbo sya agad papuntang kotse at pinaharurot to.
*vrrooooommmm*
Vic: *blink* *blink* *blink*
Hawak hawak ko nag pisngi ko.
Namumula ako >///<
Galit at may halong dub dub dub dub..,
Chel: Oh my ghaaaaaaaaad vic. Kiniss ka nya! Honey ka ni Nico?!!!
Vic: KADIRI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Humanda sya skennnnnnnn! HUMANDAAAAA SYAAAAAAA!
Nakatikom na yung kamay ko…. Uminom ako ng maraming tubig para kumalma. Kelangan ko makaisip kung paano ko gaganti sakanya.
Lunch break….
Chel: Vic. Okay kna? Hahahaha.
Tumango lang ako. Nkakainis tlga. Ang aga ko mawala sa mood.
Vic: Text ko nalang sila eds. Dun tayo kumain sa Bonita.
Chel: Okidoki.
------------------------------------------------
To: Eds.
Pnta kyong bonita. Papunta na kmi ni Chel.
-----------------------------------------------
From: Eds.
Cge. =)
----------------------------------------------
Naglalakad na kami ni chel papunta sa Bonita. Malapit lang kasi yun sa school. Isa syang restaurant na pasta at pizza ang tinda. At may lahing Mexican yung may ari kaya BONITA ang pangalan. Magandang tambayan kasi may music. Couch ang upuan. Pang barkada tlga. Dun kami minsan nakaen…
Umuorder nko ng kakainin…. Pagbalik ko sa table… saktong dumating sina eds at ian..
Ian: Oh anong nangyari syo vic? Wala ka sa mood?
Chel: Nako. Kaninang umaga pa yan ganyan.
Eds: Anong nangyre?
Chel: Paano pumunta si nico sa school. Tapos…. Kiniss sya. HAHAHAHHAHA!
Muntik na maibuga ni Eds at ian yung iniinom nila…
Eds: SINNNOOOO?!
Ian: Si NICOOO?!
Eds: YUNG NICO NI NICOLEEEE???!
Ian: YUNG SINUGOD NI VICTORIA SA SMOOTHE?!!!
Vic: Oo! Yung mukhang paa na gawa ni Lucifer!!!!!!
Chel: Tumpak!!!!!!!!!!
Eds & Ian: Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!
Ian: Unbelievable!! Hahahahahahaha!
Eds: Sheeet vic. Hahaha! Magiging babae ka na ba?!
Vic: Manahimik kaaaaa!
Chel: Hay nako! Wag nyo na asarin. Pikon na pikon na nga sya sa ginawa ni Nico eh!
Eds: Hahaha. Sige. Hindi na.
Ian: Eh ano balak mo?
Kanina ko pa din yan iniisip…..
Chel: Hay nako eds. Ang gara nga ng kotse non eh. Black na sports car. Di ko alam tatak. Hahaha. Bsta kabayo yung logo.
Ian: Ferrari?!
Eds: O baka Porsche?
Chel: Ewan ko.
Kotse… LIGHTBULB!!!
Vic: Hahahahaha! Kotse. Ang ganda ng kotse nya no? Oo. Ferrari na black. Magkano kaya gulong non???
Nagtaka naman sila sa sinabi ko at sa ngiti ko…. Kanina lang kse di ako ngumingiti pero ngayon, parang umabot sa batok ko yung ngiti ko ^______^
Eds: Anong binabalak mo haaa Victoria???!
Vic: Butasin ang gulong ng kotse nya. *SMIRK*
Ian: Hoy vic! Mahal ang gulong non!!!
Vic: Eh ano? Ako ba bibili?! Hahahaha *SMIRK*
Chel: Nasapian nanaman ng kung ano tong si Victoria!
Eds: HAHAHAHAHAH! Bahala ka vic. Basta wag kang magpapahuli. Kundi. DUROOOG KA!
Vic: Haha. Ako pa?! Ninja ata to!
Eds: Ay may nahanap na pla kaming OJT ground.
Chel: Saan nman?
Ian: In the beautiful city of LOS ANGELES! =)
Muntik na ako mabulunan…
Chel O___O
Vic O___O
Vic: Los Angeles?! As in California?!
Chel: As in… UNITED STATES OF AMERICA!!??!
Eds & Ian: Ah-huh! =)
Chel: Woooooow! Bigtime! Bigatin.
Eds: Well!
Vic: Kailan naman alis nyo???
Ian: The day after tomorrow.
Chel: Agad agad?!!!
Ian: Yeah. The papers are ready. The school arranged it for us.
Vic: Wow. Sosyalin! English English paaaaa!
Eds: Opkors. We need to be ready.
Vic: Hahahahaha! Tara. Dun tyo sa bahay mgdinner =) Despedida nyo na yun!
Ian: I like that idea huh.
Chel: Sakit sa tenga!!
Bumalik na kami sa school….
Nung uwian na… nauna kami ni chel sa condo at si ian at eds, may dinaanan lang ska bumili ng konting alak.
Sa condo…
Vic: Yaya? Andito na ako!
Manang: Ayy andyan ka na. Kumain ka na ba? Ay kasama mo pala si Chel.
Nagmano naman si chel kay yaya…
Vic: Di pa po. Di pa kami kumakain.
Manang: Anong gusto nyong hapunan?
Vic: Hmmmm? Menudo na lang yaya. Dagdagan mo ha? Kasi po dadating si eds at ian eh…
Tumango lang si yaya. Siniko naman ako ni chel. Sinesenyasan nya ko ngpaalam kay yaya na may dalang alak sila eds… kaso natatakot ako baka pagalitan ako ni yaya…
Vic: Ahhh yaya…
Manang: Hmmm?
Vic: Ano kase. He-he-he.
Tumingin sakin si yaya… ako nman… iniikot ko yung daliri ko sa lamesa… parang ngdadrawing ng circles…
Manang: Ano yun? Mag-iinuman kyo?? Sige =)
Napatingin ako sa yaya ko at niyakap syaaaaaaaa…. >:D<
Chel: Wow manang! Ang galing moooo ahhhh! Bagets na bagets ka tlga! =)))
Manang: Basta wag madami ha??
Vic: Opo yaya! =) Yihiii. The best ka talagaaaaa!
Kiniss ko sya sa pisngi. The besssst talaga tong yaya ko. Kaya di ko to pagpapalit eh!
Pumunta na ako sa kwarto para mgbihis… si chel naman nasa sala at naghahanap ng cd na pde panuodin… Nagsuot ako ng plain white shirt at shorts na maikli. Nagclip ako ng bangs pra di humarang sa mukha ko hbng kumakain…. Paglabas ko ng kwarto…. Lumingon skin si chel at nanglaki ang mata….
Chel: Woooooooow vic! ay Bianca pla. Namiss ko yang ganyang pananamt moo!!!
Yumakap sya sa akin… Narinig ko nman na tumawa si yaya.
Vic: Ano ka ba. Ngsuot lang ako ng ganito… Bianca na agad tawag mo sken.
Chel: Sempre… CHIX NA CHIX EHHHH! >.< Yiih. Kini-----
Tinakpan ko agad yung bibig nya…
Vic: ANG DALDAL MO TLGAAA!
Chel: Hahahah! Sorry naman.
Nagpunta naman ako sa kusina pra tulungan si yaya sa pagaayos ng kakainan…
Maya maya lang, nadinig ko nang dumating sila eds…
WITWEW! *Sipol ni Eds*
Vic: Hahahahah! Loko taalga kayo! Tara kaen naaa!
Eds: Wow vic. chix na chix ka.
Ian: Pagkaganyan ka lagi…. Tatambay nako dito sa condo mo… LAGI!!
Chel: Di naman sya papayag! Hahahaha =))
Vic: Magtigil nga kyo. Magpapalit nko ng damit.
Eds: Haha. Wag na. Hindi na. Promise.
Vic: Hahaha. Puro naman ganito damit ko eeh. >.<
Ian: Baket? Ayaw mo na ba maging tomboy?
Vic: Letse! Kumain nalang nga kyo. Yaya! Kain na.
Manang: Sge lang. Aausin ko muna yung mga damit dun sa kwarto. Kain lang kyo ha?
Eds, Ian & Chel: OPO!!!
Pagtapos naming kumain… niligpit ni chel yung pinagkainan at pumunta na kaming sala…
Eds: Vic. Ay Bianca pla. Bianca, race track kba???
Vic: Ha? Baket?
Eds: Ang ganda kse ng curve mo eh! Hahahahaha =))
Chel: Manyakol! Hahaha.
Ian: Haha. Bianca… can I get your temperature?
Vic: Why?
Ian: Coz I think you’re hoooot!
Binato ko sya ng unan… tumawa naman kaming lahat. Nagkwentuhan kami. Nag-asaran. Nagbiruan. Tpos non…
Eds: eh vic… kelan mo gagawin yung binabalak mo?
Vic: Ay oo nga no? Ngayon na?
Ian: Bakit? Nasaan ba sila?
Vic: Ewan ko? Sa smoothe siguro.
Chel: Paano mo naman nalaman?
Vic: Di ko sure. Teka…
Tinext ko si Migs. Tinanong ko kung asan sya sabi nya nsa smoothe sya kasama sina mac, josh at nico. Niyaya nya ko sumama pero sabi ko next time nalang.
Vic: Andun daw. Tara?
Ian: sure ka ba?
Tumango lang ako. Nagpunta ako ng kwarto at ngpalit ng damit. Tumayo nadin sila at ngpaalam ako kay yaya na lalabas lang kami saglit at babalik agad…
-------
** VOTE && COMMENT =)