I Love You since 1892 (Publis...

بواسطة UndeniablyGorgeous

125M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... المزيد

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Ang Wakas

2.6M 59.1K 135K
بواسطة UndeniablyGorgeous

(A/N: This is it! Thank you talaga dahil nakaabot na kayo hanggang dito yiee~ by the way, sa mga nakikita kong post sa fb, twitter and intragram using #iloveyousince1892 Thank you talaga! Let's spread JuaNela's love story sa buong mundo)


[Ang Wakas] Third Person's POV

Masayang nagkwekwentuhan at nagmamasid ang lahat ng turista na naglilibot ngayon sa Hacienda Montecarlos. Ang mansyon ng mga Montecarlos ay naging isa nang sikat na museo (museum) na kung saan napanatili ang lahat ng lumang kagamitan na halos apat na siglo na ang edad.

Bukas at libre sa lahat ang museo na ito at hindi pinapalagpas ng mga tao na nagbabakasyon sa San Alfonso ang bumisita sa makasaysayang tahanang ito na matibay pa ring nakatayo magpahanggang ngayon.

"Magandang Umaga... ako si Emily Isabella, tawagin niyo na lang akong Lola Emily... ako nga pala ang tagapangasiwa ngayon dito sa museo Montecarlos" nakangiting bati ng isang matandang babae na halos puti na ang buhok at nakapusod ito paikot sa kaniyang ulo, payat at kulubot na ang kaniyang balita ngunit maaaninag pa din kaniyang natatanging kagandahan.

Isa-isang kinamayan at binati ni Lola Emily ang labinlimang turista na halos mga Pilipino rin naman, sa tingin niya ay mga bakasyonista ang mga ito mula sa Metro Manila. Karamihan sa mga bisita ay may mga hawak na camera at mamahaling mga cellphone at lahat sila ay aliw na aliw sa pagkuha ng mga larawan sa loob ng mansyon.

"Halika kayo... sumunod kayo sa akin, ililibot ko kayo sa buong mansyon" nakangiting tugon ni Lola Emily at excited namang sumunod sa kaniya ang mga bisita. Una silang umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon kung saan matatagpuan ang mga kwarto. at habang tinatahak nila ang hagdan paakyat nagsimula nang magkwento si Lola Emily "Ang mansyong ito ay itinayo pa noong 18th century, ang kastilang si Patricio Montecarlos ang nagpagawa nito at nag-umpisa ng negosyo na kalaunan ay naging matagumpay kung kaya't lumawak ang kaniyang mga lupain at nakapagpatayo siya ng hacienda dito sa San Alfonso... napangasawa niya ang isang dalagang pilipina na si Felisidad Aguantar at nagkaanak sila ng kambal, isang lalaki at isang babae, ngunit namatay ang babaeng anak nila noong limang taon ito matapos apuyin ng lagnat" panimula ni Lola Emily, namangha naman ang mga bisita sa kanilang nalaman. At sabay-sabay nilang kinuhaan ng litrato ang ikalawang palapag ng mansyon na kung saan bumungad sa pinakagitna nila ang isang malaking bintana at may balkonahe ito.

"Nagpatuloy ang pagsalin ng apelyidong Montecarlos sa mga sumunod na henerasyon ngunit natigil lamang ito nang hindi nabibiyaan ng anak na lalaki si Don Alejandro at Donya Soledad Montecarlos dahil tatlong babae ang naging anak nila dahilan upang hindi na naisalin pa ang apelyidong Montecarlos" patuloy pa ni Lola Carmina, bumagal ang kanilang paglalakad dahil halos lahat ng kwarto ay hinihintuan ng mga bisita at kinukuhaan ng litrato.

Ang bawat detalye ng mga disenyo sa pintuan, upuan, bintana at mga aparador ay hinahangaan nila. Ibang klase talaga ang obra at ganda ng mga disenyo sa mga kagamitan noong sinaunang panahon.

"Ang pamilya ni Don Alejandro Montecarlos ang kahuli-huling nakapanatili ng karangyaan ng pamilyang ito dahil maraming trahedya ang nangyari sa pamilya ni Don Alejandro, namatay ang kaniyang pangalawang anak na si Josefina at namatay rin ang kaniyang asawa na si Donya Soledad... kasabay nito ay umusbong ang mga rebelde na nais makamit ang kalayaan dito sa San Alfonso at isa si Don Alejandro sa mga opisyal ng pamahalaan dito sa San Alfonso noong mga panahong iyon, taong 1892 nang sumiklab ang kaguluhan, napasok ng mga rebelde ang haciendang ito kung kaya't kinailangan tumakas ng pamilya Montecarlos at nagtungo sila sa Maynila, ngunit sa kasamaang palad ay sinundan din sila doon ng mga rebelde na naging dahilan nang pagkakabagok raw ng ulo ng bunsong anak ni Don Alejandro na si Carmelita Montecarlos, na-paralyze ang dalaga at makalipas lamang ang sampung taon ay namatay na rin ito" tugon pa ni Lola Emily, kasalukuyang nasa kwarto na silang lahat ni Carmelita ngayon at bakas sa mga itsura ng mga bisita na nalungkot sila sa kanilang narinig na trahedyang sinapit ng pamilya Montecarlos.

"Di naglaon ay inatake rin sa puso si Don Alejandro na ikinamatay nito, si Maria Montecarlos na lang ang natitirang pag-asa ng pamilya at ng hacienda, nagpakasal si Maria Montecarlos kay Eduardo Agbayani na dati nilang hardinero, biniyayaan lamang sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Carmen, hindi na naibalik pa ni Maria ang lahat ng negosyo ng pamilya Montecarlos dahil kakatapos lamang ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at mga Amerikano, ang kaniyang asawa na si Eduardo ay sumuporta rin sa mga panig ng Pilipino magmula pa noong digmaan sa pagitan ng Espanyol at mga Pilipino" patuloy pa ni Lola Emily at ipinakita niya sa mga bisita ang mga bolo, sundan, itak at mahahabang baril na nakatago sa master's bedroom.

Manghang-mangha naman ang mga bisita at isa-isa silang nagpakuha ng litrato katabi ang mga antigong armas na iyon. Bawal ito hawakan kung kaya't maingat silang tumabi rito upang hindi nila ito masagi.

"Ang mansyong ito ay naging tahanan ng mga sumunod na henerasyon hanggang sa aking Lola Carmina, ngunit ang anak niya na si Carmenia na aking ina ay sa Maynila na lumaki at nakapag-asawa kung kaya't hindi kami lumaki dito sa San Alfonso..." tugon pa ni Lola Emily at bumaba na sila sa hagdan, hindi mapawi ang kaniyang mga ngiti habang pinagmamasdan ang mga itsura ng mga turista na tuwang-tuwa at manghang-mangha ngayon sa mga nakikita nila.

"Tatlo kaming magkakapatid, ang panganay sa amin ay si Carmela Isabella, sumunod naman si Jenny Isablla at ako naman ang bunso sa kanila" patuloy pa ni Lola Emily at ipinakita ang family picture nila na nakasabit sa dingding pababa ng hagdan. Kuha ito noong graduation ni Carmela sa college.

Nakababa na silang lahat ngayon sa salas at nagtungo sila sa kusina, "Ang pamilya Montecarlos ay may espesyal na putahe... ito ay ang Kaldereta ala Montecarlos style, ang putaheng ito ay nagmula kay Felisidad Aguantar-Montecarlos at nagpasalin-salin hanggang ngayon" nakangiting tugon ni Lola Emily at pinakita niya ang mga lumang palayok, sandok, plato, kubyertos at iba pa na nakalagak sa kusina.

"Edi master niyo rin po ang Kaldereta ala Montecarlos style Lola?" nakangiting tugon nung isang magandang babae na nasa edad 30 pataas. Mahaba ang kaniyang buhok at meztisang-meztisa siya.

"Oo naman, kung may oras nga lang ako ipapatikim ko sa inyo" masayang tugon ni Lola Emily at nakatuwaan naman silang lahat.

"Aasahan po namin yan Lola ah, babalik kami dito para matikman ang inyong luto" sabi pa nung isang lalaki na matangkad at maginoo na nasa edad 30 pataas din. Magkahawak kamay sila ngayon nung babaeng meztisa.

"Osige... isang malaking karangalan para sa akin ang maibahagi ko sa inyo ang aming putahe... kailan naman kayo makakabalik? Taga-dito ba kayo sa San Alfonso?" nakangiting tanong ni Lola Carmina doon sa lalaki at babaeng nakipagbiruan sa kaniya. Naglalakad na sila ngayon papunta sa hapag-kainan ng mansyon, bawal rin ito upuan at hawakan kung kaya't hanggang sa pagkuha ng litrato lamang ang mga bisita.

"May bahay po ang pamilya ng asawa ko dito sa San Alfonso at nagbakasyon lang po kami dito, galing pa po kami sa Italy" sagot nung babaeng mestiza at nakakahawa ang ngiti nito. Inakbayan naman siya nung lalaking maginoo.

"Mag-asawa pala kayo? Pasensiya na akala ko ay magkasintahan lang kayo, ang babata niyo pa tingnan" biro pa ni Lola Emily at nagtawanan sila.

"Masyadong atat po kasi magpakasal sa'kin ang lalaking to kaya pinagbigyan ko na lang" biro pa nung babaeng meztisa at natawa naman sa hiya yung asawa niyang lalaki na mukhang aminado naman.

"Nakakatuwa naman kayo, naalala ko tuloy noong kabataan ko pa, ganyan rin kami ng asawa kong si Lorenzo" nakangiting tugon ni Lola Emily. Nasa salas na sila ngayon at napatigil yung babaeng meztisa sa malaking piyano na nakalagay sa gilid ng salas. Agad kinuha nung babaeng meztisa yung camera niya at pinaulanan ng pictures ang lumang piano.

"Pasensiya na po Lola Emily, talagang nagkakaganiyan ang misis ko kapag nakakakita siya ng piano" natatawang tugon nung lalaking maginoo, at natawa na lang si Lola Emily habang abala naman ang iba pang turista sa paglilibot sa salas. Hinayaan muna ni Lola Emily na kumuha sila ng mga litrato bago niya ipagpatuloy ang pagkwekwento sa kanila.

Biglang napatingin yung lalaking maginoo sa malaking painting na nasa sentro ng salas. Nakasabit ito sa dingding at talagang mapupukaw ang atensyon ng lahat ng makakakita dito. "Lola Emily, sino po ang babaeng iyan?" tanong nung lalaking maginoo sabay turo doon sa babaeng nasa painting.

"Ah... mahiwaga ang painting na iyan, alam mo bang kamukhang-kamukha ng babaeng iyan ang ate Carmela ko, pero ang obrang iyan ay naipinta pa noong taong 1892, kung kaya't malaking palaisipan sa amin kung bakit 'Carmela Isabella' ang title ng painting na yan" sagot ni Lola Emily, napatango-tango naman yung lalaking maginoo at parang nahiwagaan din siya sa kaniyang narinig.

"Hawig niyo rin naman po ang babaeng nasa painting, dahil siguro iisang dugo lang ang pinagmulan ng inyong lahi kaya magkakahawig po kayo" tugon pa nung lalaking maginoo, napatango at napangiti naman si Lola Emily.

"Siguro tama ka nga, iisang dugo lang ang dumadaloy sa aming lahat" pagsang-ayon naman ni Lola Emily. At agad niyang tinawag ang lahat sa gitna upang ipagpatuloy na niya ang pagkwekwento niya.

Lumapit naman silang lahat at nakapalibot na sila ngayon sa painting na 'Carmela Isabella' at may isang mesa sa ibaba nito kung saan nakalagay ang sunog na diary na nakapaloob sa glass upang ma-preserve at hindi mahawakan.

Nakasabit din sa gilid ng painting ang family picture ng pamilya Montecarlos, pamilya Flores at pamilya Corpuz at pamilya Valdez at pamilya Alfonso. May mga iginuhit na larawan naman na nakasabit din sa gilid, ito ay ang mga larawan nila Tatang Caloy/Ca-tapang, Mercedes, Cristeta, Aling Trinidad, Bergilo, Andoy, Emilia at mga bumubuo sa samahan nila Ca-tapang.

"Ang aking kapatid na si Ate Carmela ang nanguna sa muling pag-sasaayos ng hacienda Montecarlos at gawin itong museo, taong 2016 nang umpisahan namin ang pagsasaayos nito at taong 2018 naman nabuksan ang museo na ito sa publiko, si Ate Carmela ang tinaguriang founder ng museo na ito, siya ay isang propesor ng History at narrating din niya ang bawat rehiyon ng Pilipinas upang ipalaganap ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kasaysayan, marami siyang natanggap na parangal dahil sa kaniyang layunin at misyong ipakilala muli sa mga kabataan ang kasaysayan ng Pilipinas" patuloy ni Lola Emily, halos walang kurap namang nakikinig ng mabuti sa kaniya ang lahat ng bisita.

"Ngunit hindi na siya nag-asawa pa, tumandang dalaga si ate Carmela pero kahit ganoon ay masaya at puno pa rin siya ng pag-asa, naalala ko nga na minsan niyang sinabi sa akin noon na hindi niya naramdamang may kulang sa buhay niya kahit wala siyang asawa dahil alam niyang ang puso niya ay tumitibok pa rin sa taong inspirasyon niya kahit matagal ng wala ito... 60 years old noon si Ate Carmela nang unti-unting mawala ang kaniyang pandinig, nagtataka nga kami kasi may peklat siya sa tenga na parang nadamplisan ng bala kaya madalas noon sumasakit ang tenga at ulo niya... hindi naglaon ay sumakabilang buhay na rin si ate Carmela sa edad na 65" tugon pa ni Lola Emily at naglakad siya papalapit doon sa family picture ng mga Corpuz at Valdez. Na kung saan magkatabing nakatayo si Kapitan Corpuz at Ignacio Corpuz sa isang larawan, habang sa kabilang larawan naman ay magkatabing nakaupo si Diosdado Valdez at Julieta Valdez habang nakatayo sa likod nila si Ginoong Valentino Valdez.

"Ito ang pamilya Corpuz at Valdez, sila ay malapit na kaibigan rin ng pamilya Montecarlos noon hanggang sa nagkagulo ang lahat at nagkaaway-away sila, ngunit pinili pa rin ni ate Carmela na ilagay ang larawan nila dito bilang alaala sa kanila" tugon pa ni Lola Emily, isa-isa namang nagsilapitan yung mga bisita at sinuring mabuti yung mga black'n white na larawan.

"Ito naman ay mga ginuhit na larawan lamang dahil ang pagkakaroon ng pictures noon ay tanging mayayamang pamilya lamang ang nakakapagbayad, ito ang mga ginuhit na larawan ng sinasabing rebeldeng grupo ni Ca-tapang na sinamahan ni Eduardo Agbayani na asawa ni Maria Montecarlos, hindi naging matagumpay ang kanilang samahan nang mamatay ang kanilang pinuno na si Ca-tapang, ngunit hindi naman nabigo ang mga kasapi nito dahil noong taong 1896 nang sumiklab na ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol ay nakiisa sila sa panig ng mga Pilipino" patuloy pa ni Lola Emily. Napatango at namangha naman ang mga bisita dahil sa nalaman nila.

Naglakad naman sila papunta sa kabilang section ng mga larawan, "Ito ang pamilya Flores, sila ang humalili nang matangggal sa pwesto ang noo'y gobernadorcillo na si Don Mariano Alfonso... sinasabing naging madugo at marahas ang pamumuno ni Gobernador Vicente Flores dahilan para mag-alsa ang mga mamamayan ng San Alfonso, ang kaniyang panganay na anak naman na si Natasha ay nagkaroon ng sakit na Tuberculosis na ikinamatay nito, samantala ang pangalawang anak naman at unico Hijo na si Leandro Flores ay naging heneral ng hukbong Katila dito sa Pilipinas ngunit napatay ito ng mga rebeldeng grupo ni Ca-tapang noong taong 1892, at ang bunsong anak naman ni Gobernador Flores na si Helena Flores ay nanirahan na sa Espanya at nakapag-asawa ito ng binatang Kastila doon" tugon pa ni Lola Emily, namangha naman ang mga bisita sa larawan ng pamilya Flores dahil kitang-kita ang sobrang karangyaan ng mga ito lalo na ang pangingibabaw ng dugong Kastila nila.

"Ito naman ang pamilya Montecarlos ang may-ari ng hacienda at mansyong ito, kuha ang larawang iyan noong ika-26 na anibersaryo ng kasal nila Don Alejandro at Donya Soledad, sinasabing iyan na raw ang huling larawan na kompleto pa ang kanilang pamilya dahil kinabukasan matapos kuhaan sila ng larawan, namatay si Josefina Montecarlos" tugon pa ni Lola Emily, bakas naman ang lungkot sa mukha ng mga bisita.

Naglakad na sila sa pinaka-huling larawan na malapit sa painting. "Ito naman ang pamilya Alfonso----" hindi na natapos ni Lola Emily yung sasabihin niya kasi biglang lumapit yung lalaking maginoo kanina at nanlaki ang mga mata niya habang tinititigan ng mabuti ang family picture ng mga Alfonso.

"S-sila po ang pamilya Alfonso na sinasabing naunang nanirahan dito sa bayan ng San Alfonso? At ang pamilya nila ay ilang siglo ring namuno dito sa San Alfonso?" gulat na tanong nung lalaking maginoo, napatango naman si Lola Emily.

"Tama ka Hijo... teka, paano mo nalaman ang lahat ng iyan?" nakangiting tanong ni Lola Emily, nakatingin na ang lahat ng tao sa kanila at nakatutok rin ang mga tenga nila.

Lumapit naman yung babaeng meztisa at hinawakan niya yung kamay nung lalaking maginoo na asawa niya, hindi niya kasi narinig ang pagkwekwento ni Lola Emily kanina dahil naka-focus siya doon sa lumang piano.

"Tama nga si Lolo, buti na lang po pumunta talaga kami dito... sinabi po kasi niya sa amin na kapag dumating na po kami dito sa San Alfonso kailangan daw po naming bumisita dito sa museo Montecarlos" sagot nung lalaking maginoo. Napangiti naman si Lola Emily.

"Talaga? kakilala ba namin ang iyong Lolo? Marahil ay alam niya rin ang museo na ito" sabi pa ni Lola Emily, ngumiti at tumango naman yung lalaking maginoo.

"Juanito Alfonso IV or John po ang pangalan ng Lolo ko, sa Italy na po siya nanirahan nung binate siya at doon na rin po siya nakapag-asawa ng isang Pilipina rin, doon na rin po pinanganak ang papa ko at doon na rin po ako lumaki" nakangiting tugon nung lalaking maginoo dahilan para mapangiti ng todo si Lola Emily.

"Talaga? kilala ko si John, magkaibigan sila noon ni ate Carmela... nako! Akala ko pa nga magkakatuluyan sila pero mukhang hindi sila nagkakasundo kaya pinalaya na lang nila ang isa't-isa" tugon ni Lola Emily, bakas sa mga mukha nung lalaking maginoo ang labis na saya dahil kilala pala ni Lola Emily ang Lolo John niya.

"Dapat po pala namin kayong pasalamat ng mabuti dahil ang sabi po ni Lolo John, ang kaibigan niya daw pong si Carmela ang naglikom ng mga donasyon upang mapaayos ang hacienda Alfonso na ngayon ay tinirhan na po ng kapatid kong babae at ng pamilya niya dahil nasa Italy naman po ang trabaho ko at ng asawa ko, doon na rin po nag-aaral ang mga anak namin" tugon pa nung maginoong lalaki. Gulat namang napatingin sa kanila si Lola Emily.

"Talaga may mga anak na kayo?" tanong niya dahilan para matawa yung lalaking maginoo at babaeng meztisa. Nagsimula namang maglibot-libot muli yung ibang mga turista at nakatutok silang lahat ngayon sa dalawang malaking bookshelves sa na nasa gilid ng salas sa tabi ng piano.

"Opo naman Lola, masyado kasing patay na patay sakin tong asawa ko kaya hindi na niya ako pinakawalan pa, dalawa na po anak namin, isang babae at isang lalaki" sagot nung babaeng meztisa. Ilang saglit pa biglang may dalagitang lumapit sa kanila, naka-maikling shorts ito at kulay red ang buhok, animo'y Rockstar, nasa edad 12 lamang ito.

"Mom! I need to call my friends, let's go na to Manila ang baba ng signal dito" reklamo nung dalagitang Rockstar. Natawa naman sa kaniya si Lola Emily.

"Mamaya na Ashley, bumalik ka na muna sa kotse baka gising na ang kapatid mo" suway nung babaeng meztisa sa anak niya na nagtatantrums na.

"Ashley please stop... not here" suway nung lalaking maginoo sa anak niya na walang pake kahit nasa harapan sila ni Lola Emily.

"Kasama naman niya si yaya, tulog pa ata siya... and hindi ko trabaho ang patulugin ang kapatid ko... mom" pagmamaktol ni Ashley dahilan para hilahin siya nung babaeng mestiza papalayo kina Lola Emily dahil nakakahiya ang inaasal nito. Nagtungo sila sa kotseng nakaparada sa labas ng mansyon.

"Pasensiya na po Lola Emily, may pagka-spoiled brat talaga ang anak kong iyon... Oo nga po pala, hindi pa po ako nakakapagpakilala sa inyo... ako po si Juanito Alfonso VI (the sixth) pero Jun po ang tawag sa akin" pakilala nung lalaking maginoo at nagmano siya kay Lola Emily.

"Napakabuti mo namang Hijo, at huwag kang mag-alala alam mo bang ang ate Carmela ko ay ganyang-ganyan rin katulad ng dalagita mong anak, pero nang maka-graduate siya biglang nagbago ang lahat, naging responsable, magalang, masunurin, mabait at nagkaroon pa ng pangarap... naisip nga namin na baka nag-mature na talaga si ate Carmela kaya naging responsableng tao siya... at malay mo pagka-graduate din ng anak mo maipagmalaki mo na siya" tugon pa ni Lola Emily napangti naman si Jun.

"Sana nga po Lola Emily... " sagot ni Jun at napalingon siya doon sa dalawang bookshelves na malapit sa piano at nakapaloob ito sa malaking salamin upang hindi mahawakan. "Ano po iyon Lola?" tanong ni Jun sabay turo doon sa dalawang bookshelves.

"Ahh... tara halika tingnan mo kung gaano na katanda ang mga talaarawang iyan" tugon ni Lola Emily at naglakad sila papalapit doon sa mga bookshelves. Ang ibang turista naman ay umakyat muli sa itaas upang kumuha ng mga larawan at ang iba naman ay sa hardin namasyal at kumuha ng mga larawan. May limang estudyanteng nag-vovolunteer din sa museo Montecarlos upang i-tour ang mga bisita.

"Itong lagayan ng librong ito sa kaliwa ay mga talaarawan ni Ginoong Juanito Alfonso" sagot ni Lola Emily, nanlaki naman yung mga mata ni Jun. "Talaga po? Sa aking ninuno ang mga talaarawan na iyan?" tugon ni Jun, napatango-tango at napangiti naman si Lola Emily.

"Oo Hijo, ang mga talaarawang iyan ay natagpuan sa basement ng hacienda Alfonso at ibinigay ni Lolo Juaning ang mga iyan kay Ate Carmela... kung mapapansin mo sinimulan ni Ginoong Juanito magsulat ng talaarawan niya noong taong 1892 at ang pinakahuli ay noong 1963" tugon ni Lola Emily, hindi naman nakapagsalita si Jun dahil sa matinding pagkamangha sa mga nakikita at nalalaman niya ngayon. napaupo siya at napahawak siya doon sa glass upang tingnan mabuti yung mga talaarawang halos kulay brown na pero napanatili pa din.

"Sinasabing si Ginoong Juanito ay ipinanganak noong taong 1871 at namatay siya noong taong 1963... ibig sabihin nabuhay siya nang halos 92 na taon" patuloy pa ni Lola Emily. Dahan-dahang napatayo na si Jun pero hindi niya pa rin maaalis ang titig niya sa mga lumang talaarawan na iyon.

"Ang haba pala ng buhay ng ninuno ko... sana mabuhay din ako ng ganung kahaba" sambit pa ni Jun at natawa naman sila ni Lola Emily.

"May kwento sa akin noon si ate Carmela na kaya raw nabuhay ng ganoong katagal si Ginoong Juanito ay dahil may babaeng nagligas sa kaniya sa kamatayan at napagtagumpayan nito ang misyon niya" sagot pa ni Lola Emily at nagtungo naman sila sa katabing bookshelves na puno rin ng mga talaarawan at nakapaloob din ito sa malaking glass. Ang kinaibahan nga lang ay mukhang hindi ito kasing luma ng mga talaaaran ni Ginoong Juanito.

"Kay ate Carmela naman ang mga talaarawan na iyan, nagsimula siyang magsulat ng talaarawan noong taong 2016 at ang pinakahuli niyang naisulat ay noong taong 2061 bago siya mamamatay" tugon ni Lola Emily napalingon naman sa kaniya si Jun.

"Ano pong ikinamatay ni Lola Carmela?" tanong ni Jun, napahinga naman ng malalim si Lola Emily.

"Maayos naman ang kalusugan niya bukod nga lang sa hindi na siya nakakarinig ay wala naman siyang ibang komplikasyon sa katawan, kaya nga nagulat na lamang kami nang isang araw ay hindi na siya nagising pa" malungkot na saad ni Lola Emily, tinapik naman ni Jun ang balikat niya bilang pakikiramay sa kalungkutan ng matanda.

"Halos pitong taon na rin ang nakararaan pero parang hindi pa rin ako sanay na hindi na namin kapiling si Ate Carmela" patuloy pa ni Lola Emily. Taong 2068 na ngayon at 58 na si Lola Emily pero maagang kumulubot ang kaniyang balat at maaga ring pumuti ang kaniyang buhok kung kaya't ayos lang sa kaniya na tawagin na siyang Lola, wala namang problema sa kaniya iyon.

Napatitig ulit si Jun sa sandamak-mak na talaarawan ni Carmela na nakalagak sa bookshelf na iyon sa tabi naman ng mga lumang talaarawan ni Ginoong Juanito. nahihiwagaan siya at pakiramdam niya ay parang konektado ang dalawa.

Ilang saglit pa may isang batang babae ang lumapit sa kanila at humawak ito sa palda ni Lola Emily, "Oh, apo? Anong kailangan mo?" magiliw na tanong ni Lola Emily doon sa batang babae na 5 years old lang. maputi, makinis at pinkish ang balat nito, mapupungay rin ang kaniyang mga mata at agaw pansin ang mahaba nitong pilik mata. Maganda ang hubog ng ilong at mapula ang mga labi. Mahaba at medyo kulot rin ang buhok nito na nakapusod sa likod ng kaniyang ulo.

May sampaguitang nakasabit sa tenga ng batang babae at nakasuot ito ng putting bestida "Punta kami ni mommy sa church... sama ka Lola?" malambing na tugon nung batang babae at nais nitong magpakarga, sinubukan naman siyang buhatin ni Lola Emily pero natawa sila pareho kasi naingat niya lang kaunti ang bata.

"Matanda na si Lola... ako na lang ang kakarga sayo" tugon ni Jun dun sa bata, at akmang kakargahin na niya ito nang biglang dumating yung babaeng meztisa na asawa niya at may kasama itong batang lalaki na medyo gulo pa ang buhok at kinukusot nito ang kaniyang mata dahil kakagising lamang. 6 years old na ang batang lalaki, maamo ang mga mata nito at matangos ang ilong, medyo maputi rin ang kaniyang balat na halatang namana niya sa kaniyang nanay. Manipis rin ang kaniyang labi at kahit sa murang edad pa lang ay bakas na ang tinataglay nitong kagwapuhan.

"Honey... pagsabihan mo si Ashley, dahil sa ingay niya nagising tuloy ang kapatid niya" medyo naiinis na tugon nung babaeng meztisa, agad naman siyang inakbayan at nilambing ni Jun. "Honey... ako ng bahala kay Ashley, smile ka na" paglalambing niya pa, unti-unti namang napangiti yung babaeng meztisa dahil sa paglalambing ng kaniyang asawa.

"Ah... Oo nga pala... Lola Emily di ko pa po pala nabanggit ang pangalan ng aking asawa... siya po si Kristina" pakilala ni Jun dun sa babaeng meztisa na asawa niya. agad namang napangiti si Kristina at nagmano kay Lola Emily.

"Kitang-kita ang inyong wagas na pagmamahalan... nawa'y lahat ng magsing-irog ay katulad niyo" papuri pa ni Lola Emily sa kanila, nagkatinginan naman si Jun at Kristina sa isa't-isa at sabay silang napangiti. Napatingin naman si Lola Emily doon sa batang lalaki na kasama ni Kristina.

"Sino ang napakagwapong munting ginoo na ito? Anong pangalan mo Hijo?" magiliw na tanong ni Lola Emily doon sa batang lalaki, napayuko siya at itinapat niya ang kaniyang kamay upang magmano yung batang lalaki sa kaniya.

"Oh... tinatanong ka ni Lola... what's your name daw?" nakangiting tugon ni Kristina sa kaniyang anak, medyo nahiya pa yung batang lalaki pero nagmano rin ito kay Lola Emily at napangiti sabay tago sa likod ng mommy niya.

Magsasalita pa sana si Lola Emily pero biglang yumakap ulit sa kaniya yung batang babae na apo niya na kanina pa nakatulala sa kanilang lahat. "Oo apo sasama ako sa inyo sa simbahan... pero mamaya pa ang misa at natutulog pa ang mama mo, kaya maglaro ka muna" malambing na tugon ni Lola Emily sa apo niya, napangiti naman yung batang babae at agad kumaripas ng takbo papunta sa salas.

Napatingin naman sa kaniya yung batang lalaki at pinagmasdan ang ginagawa nito habang paikot-ikot sa buong mansyon at kinakalabit niya yung mga bisita at ngingitian ang mga ito.

"Ang ganda po ng apo niyo... may lahi po ba kayong kastila?" nakangiting tanong ni Kristina kay Lola Emily, natawa naman ng marahan si Lola Emily.

"Ang mga ninuno namin Oo... pero pilipino naman ang napangasawa ko at Pilipino rin ang napangasawa ng anak kong si Paula, kaya nga nagtaka kami na mukhang may lahi ang anak nila" natatawang sagot ni Lola Emily.

"Pansin ko lang po Lola Emily, yung kuwintas na bilog na gawa sa kahoy na suot po ngayon ng inyong apo ay yung kuwintas rin na suot ng babaeng nasa painting na iyon?" tanong naman ni Jun sabay turo doon sa painting na 'Carmela Isabella'

Napatango naman si Lola Emily at napangiti ng todo "Oo... iyon nga ang kuwintas na iyon, naging malapit kasi ang anak kong si Paula kay ate Carmela, parang anak na rin ang turing ni ate Carmela sa anak kong si Paula kung kaya't bago mamatay si ate Carmela ipinamana niya yung kuwintas na iyon sa aking anak" sagot ni Lola Emily. Pinagmamasdan na nila ngayon yung apo niya na magiliw na kumakaway at nginingitian ang mga turista.

"Sobrang pinapahalagahan ni ate Carmela ang kuwintas na iyon, palagi niyang suot iyon at hindi niya inaalis sa leeg niya, minsan na niyang sinabi sa akin noon na ang kuwintas daw na iyon ang nagpatibay sa loob niya noong dumaan siya sa maraming pagsubok" patuloy pa ni Lola Emily. Napatango-tango naman si Kristina at Jun at nagpatuloy pa sila sa pagkwekwentuhan.

"Ma... laro din ako" paalam nung batang lalaki kay Kristina. Napatingin naman sa kaniya sila Lola Emily, Jun at Kristina.

"Sige na... maglaro ka na muna Juanito mamaya pa naman tayo aalis" tugon ni Kristina sa anak niya. agad namang napangiti ang batang lalaki at nagtatatalon itong bumitaw sa pagkakahawak ng mommy niya.

"Juanito Alfonso rin ang pangalan ng anak niyo?" tanong ni Lola Emily at bakas sa mukha niya ang pagkamangha.

"Opo Lola... Juanito Alfonso VII (the seventh) po ang pangalan niya" nakangiting sagot ni Jun at inakbayan niya si Kristina.

"Nakakatuwa naman kayo... napanatili niyo hanggang sa ikapitong henerasyon ang pangalan ni Ginoong Juanito Alfonso" nakangiting tugon ni Lola Emily at tuwang-tuwa siya.

"Oo nga pala... may ipapakita pa ako sa inyong mga bulaklak sa hardin na itinanim pa ni ate Carmela" magiliw na saad ni Lola Emily at sumunod naman sa kaniya sila Jun at Kristina papunta sa hardin. Pero bago sila makalabas ng bahay tinawag muna ni Krsitina ang anak niya. "Juanito... dito ka lang sa loob ah, babalik kami" bilin ni Kristina kay Juanito at napatango naman ito sabay thumbs up. Natawa naman sila Jun, Kristina at Emily at nagtungo na sila sa hardin.

Ilang sandali pa, napatingin si Juanito doon sa batang babae na apo ni Lola Emily, nakatayo ngayon yung batang babae sa tapat ng painting na 'Carmela Isabella' at pinagmamasdan niya ito. Lumapit na si Juanito at kinalabit niya yung batang babae.

"Sino siya?" tanong ni Juanito, tinitigan lang siya nung batang babae sandali bago ito nagsalita.

"Di ko alam... sino ka ba?" pagtataray nung batang babae sa kaniya. Nagitla naman si Juanito pero natawa din siya kasi mukhang inaaway siya nung bata.

"Juanito Alfonso VII (The seventh) ang pangalan ko... at isusumbong kita kay mommy at daddy kasi nangangaway ka" banat ni Juanito at dahil dun napa-pamewang naman yung batang babae at hinarap siya. napatingin naman sa kanila yung ibang turista at natatawa sila kasi ang liit-liit pa ng dalawang batang iyon pero nagbabangayan na, may ibang turista na kinuhaan pa sila ng picture dahil sa kakyutan nila.

"Edi isumbong mo... susumbong din kita sa mommy at lola ko" hamon naman nung batang babae. Napatingin naman si Juanito sa kuwintas na suot niya na gawa sa kahoy.

"Carmela?... Carmela ang pangalan mo?" tanong niya dun sa batang babae. Napatingin naman yung batang babae doon sa kuwintas niya na kung saan nakaukit ang pangalang 'Carmela'

"Ang ganda ng pangalan mo... bagay sayo... nangangaway ka kasi, wala naman akong ginagawang masama sayo" buwelta naman ni Juanito at dahil dun napa-pout si Carmela at in-erapan na lang siya. sandali silang natahimik at hindi pa rin matigil yung pagpipicture sa kanila nung mga turista kasi ang cute nila tingnan.

Bakas sa mukha ni Carmela na naguilty siya kasi tinarayan niya si Juanito kaya sumulyap siya sandali dito bago nagsalita. "Ah! may secret akong sasabihin sayo" bawi ni Carmela at nakangiti na siya ngayon halatang nakikipagbati na siya sa batang inaway at tinarayan niya lang kanina.

Napangiti naman si Juanito at mukhang interesado siya sa sikretong sasabihin ng batang kausap niya. "May third eye ako" sabi ni Carmela, binigyan naman siya ni Juanito ng weeh-di-nga-look.

"Oo nga! Halika dali... tingnan mo to, ako lang ang nakakakita at nakakabasa nito" pagmamalaki pa ni Carmela at hinila niya si Juanito papalapit doon sa maliit na mesa kung saan nakalagay yung sunog na diary at may glass na nakapaloob dito para hindi mahawakan ng kung sino. Nasa itaas nung mesang iyon nakasabit ang mahiwagang painting.

"Sinabi ko na to kay mama at lola pero di nila nababasa... at ako lang ang nakakabasa nito kaya may third eye ako" nakangiting tugon ni Carmela at proud na proud siya. inilapit naman ni Juanito yung mukha niya doon sa glass, sumbsob na nga yung ilong at nguso niya doon sa salamin para titigang mabuti yung unang pahina ng sunog na diary.

"Nababasa ko rin naman eh" nakangiting tugon ni Juanito at isinubsob rin ni Carmela yung mukha niya doon sa salamin. "Talaga? anong nakasulat?" pag-usisa pa ni Carmela. Agad namang lumapit si Juanito sa kaniya at ibinulong nito sa tenga niya yung nabasa niya.

Nanlaki yung mga mata ni Carmela at hindi siya makapaniwala dahil nababasa rin pala ni Juanito ang nakasulat doon. "Wow! ang galing! Pareho tayong may third eye!" tugon ni Carmela at tuwang-tuwa siya.

Napangiti naman ng todo si Juanito at nag-thumbs up ito sa kaniya dahilan para mapangiti sa Carmela at magtaka kung bakit naka-thumbs up si Juanito.

"Ano yan?"

"Sign to na masaya ka at okay ka" nakangiting tugon ni Juanito, unti-unti namang napangiti si Carmela sabay thumbs up din sa kaniya.

Pareho silang natawa at sa mga oras na iyon ay napatitig sila sa mata ng isa'isa. Pareho nilang naramdaman ang pamilyar na saya, ngiti, kaba, kilig na animo'y nagkakilala na sila noon pa man. 

Ang umuusbong na pag-ibig at pag-asa na kung saan wala nang hahadlang pa, wala ng mabibigat na pagsubok, wala ng pighati, lungkot, galit, poot at sakit at wala ng buhay na magsasakripisyo makamtan lang ang pag-ibig na inaasam.

Sa huling pagkakataon ay napalingon ulit sila sa sunog na diary at binasa nila ng sabay ang nakasulat sa unang pahina nito...



Ang Pag-iibigan natin ay muling maisusulat sa Huling pagkakataon... at ito ang Kahilingan ko.

-Carmela Isabella

(Wakas)

*******************

Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang tagpuan at panahon sa istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas. Ang ilan sa mga makasaysayang lugar ay nabanggit din sa istoryang ito upang magbalik tanaw sa mga pook na naging bahagi na ng ating kasaysayan. Muli, ang mga kaganapan, pangyayari at trahedya sa kwentong ito ay walang kinalaman at walang katotohanan, hindi ito nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming Salamat! 

Note: Ang prequel ng "I Love you since 1892" ay ang "Our Asymptotic Love Story" pero mas unahin niyong basahin itong ILYS1892 bago niyo isunod ang OALS.

Plagiarism is a crime punishable by law.

© All Rights Reserved 2017


Narito ang kompletong collection ng libro ng I Love You since 1892 under ABS_CBN Publishing Inc.

For more updates, follow us on Instagram:

@ abscbnbooks

@ binibining_mia

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.3K 1.1K 73
A story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: Septemb...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
9.3K 695 7
Unearth the terrifying history of once a happy home. TRIGGER WARNING: This story contains, but not limited to vivid nightmare imagery, violence, gor...
56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...