"Hey bro!" Sigaw nila Zac matapos pumasok sa kwarto ko "What the!" Tumayo ako at lumapit sakanila "What on earth are you guys doing here?" Tanong ko nang makalapit na ako sakanila.
"Wala lang, we're just bored.." tamad na sinabi ni Max at humiga sa bed ko. Such freaks! Psh!
"Anyway," tumigin kaming lahat kay Zac "Max kayo parin ba ni Bella?" I rolled my eyes "The hell I care?" Sinabayan ko ang pagsabi ni Max ganun din ang ginawa ni Tim
"Guys laro tayo?" Si Tim "Maglaro ka!" Sarcastic na sinabi ni Zac.
Yan si Zac "The always sarcastic" sa grupo namin "Dali na kasi mag laro tayo! Marami namang computer si Pat e!" Sigaw naman ni Tim, siya ang The isip bata sa grupo.
I rolled my eyes on them bago ako tumingin sa computer ko. Siguro mapagkakamalan na akong bakla kaka irap sakanila. Lagi nalang nagbabangayan ang dalawang yan.
"Ano hanggang scroll baba kanalang ba?" Tanong ni Max sa gilid ko. Tumingin ako sakaniya. Pinagpatuloy ko lang ang pag scroll at pagdada naman ni Max hanggang sa may nasagip ang aking mga mata sa isang litrato ng isang babae.
Pinindot ko ito para lumaki ang picture, black straight hair, medyo big eyes, long lashes, cute cheeks *i smiled* kissable lips- teka kelan pa ba ako nag describe ng mukha ng babae?
"Woah!!" Sigaw ni Max sa gilid ko. Bigla nalang niya akong itinulak at inagaw ang mouse na hawak ko.
Hindi nalang ako pumalag at tumingin sa screen. Pinindot niya ang pangalan at viniew niya ang profile niya "sh*t! Ang ganda niya!" Siniko ko siya dahil ang lakas ng pagkakasabi niya! Nasabi ko na bang siya ang Babaero sa aming lahat?
"Tumabi ka nga!" Tinulak ko siya at inagaw rin ang mouse pero pumalag siya at tinulak pa ako ng malakas kaya nalaglag ako sa upuan na mahaba psh!
Hinila ko palayo ng upuang inuupuan niya at kinuha ko ang swivel chair ko sa gilid at umupo sa tapat ng computer ko.
"Bro sino yan?" Lumapit na sina Zac at Tim malapit saamin ni Max, patay!
"Ha sino?" Tinanggal ko na ang tab ng facebook at humarap sakanilang lahat at itinaas ang dalawa kong kilay.
"Ang kj nito!" si Tim "sino yun?" si Zac "Bro anong pangalan nun? Ang ganda niya!" si Max. "Wehh!?" Sabay sina Zac at Tim.
"Friend mo ba yun sa Facebook?" Tanong ni max, nagkibit balikat nalang ako "ano pangalan ulit?" Kinuha ni Max ang cellphone niya at tumingin saakin "ewan.." nakangiti kong sinabi.
"What's with the smile? Ang creepy!" Si Tim "Oo nga!" Si Zac "For the first time in history nagkasundo rin kayong dalawa." Pagiiba ko nang topic.
"Oo dahil for the first time in history and to your anatomy nakangiti ka nang ganyang kalaki!" Si Zac "Type mo no?" Si Max "weh? Isang Patrick De Guzman? Maaatrack sa isang babae? Hell no!" Si Zac.
Di parin nawawala ang ngiti ko. Oo I've never smiled like this before. All I can say is this feeling is really weird.
"Pero seryoso paano mo makikita ang profile niya kung hindi mo siya friend on facebook?" Nagkibit balikat ako "maybe friend ng friend ko?" sagot ko.
Tumango siya. Tumunog ang phone ni Max "yes Bell?" Tumayo si Max at lumabas sa kwarto.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang facebook, in an instant nakita ko kaagad ang picture niya right after kong buksan ang facebook ko.
Pinindot ko ito at pinagmasdan uli ang kanyang mukha. Those eyes... kakaiba.
Napahawak ako sa aking dibdib. Shit! Ano to?
Would you rather?
Written by Dariuxxe
Author's note: Hi guys so this is my first book na maipublish (kasi marami akong drafts) so ayon! Anyway this is a work of fiction, lahat ng characters, events, places at kung anu-ano pa ay kathang isip lamang ng inyong dearest author! Hope you guys would love this or like it. Sana maenjoy niyo reading this book!
Warning: Please do not copy the idea of making this book or any lines, characters etc.
PS: Please avoid any wrong grammar or any typos :).
Lovelots, Dariuxxe ❤❤❤