ANDREW's POV:
"Andres,ikaw na nga ang tumapos nitong ginagawa ko at ako'y pinapatawag daw sa mansiyon", utos sa akin ni Tata Pepe.
"Opo,Tata", sinunod ko ang ginagawa niyang pag-aayos ng dayami sa may kuralan.
"Mawalang-galang na po,Tang pero bakit po kayo pinapatawag sa mansiyon? Wala naman pong problema dito sa bakahan,ah",hindi ko maiwasang magtanong paano'y ipinatawag na ang matanda noong nakaraan buwan dahil daw sa pagkakasakit ng mga hayop.
At kahit papaano ay nababahala siya para sa matanda dahil may pagkasensitibo pa naman ito. Masabihan lang ng kanilang amo ay naninikip na ang dibdib.
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa marahil ay nakita nito ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Kakausapin lang ako ni Don Jaime tungkol sa pagdating ng anak niya dito sa hacienda. Sige na at baka ako ay gabihin. Ikaw na ang bahala dito,ha, Andres",tumango siya dito.
Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa matapos matanaw na lumiko na ang matanda patungo sa hacienda.
Maya-maya pa ay napansin na niya ang pagtatakipsilim kaya gumayak na din siya pauwi sa kanyang barung-barong na nasa loob din ng napakalawak na hacienda ng mga San Rafael.
Isa siya sa napakaraming tauhan dito. Kanya-kanyang lugar ng pagtatrabahuhan ---mayroong nasa manukan,niyugan,sakahan,isdaan,babuyan,bakahan at iba pang taniman.
Napakayaman ng mga San Rafael ngunit hindi mo mapakikita ang pagiging iba nito sa mga trabahador.
Sabagay,galing naman daw sa hirap ang matandang si Don Jaime kaya napakababang-loob nito at madaling lapitan.
Mga ilang buwan pa lang mula ng mapadpad ako sa lugar na ito ay hindi na ako naiba sa kanila.Katulad na lang ni Tata Pepe,parang anak na ang turing nito sa akin. Maging ang iba pang taga-rito ay mababait at mapagbigay din kaya nagustuhan ko na ang lugar na ito.Hindi ito iba sa lugar na kinalakhan ko menos na nga lang ng presensya ng mga magulang kong halos lahat ng desisyon ko ay pinapakialaman.
Dito naramdaman ko ang pagiging ganap na malaya.
Miss ko man sila ay hindi ko na gusto pang bumalik sa bahay para lang maging sunod-sunuran sa mga magulang.
Hiling ko lang sana ay magtagal pa ako dito.
---------------------------
ALLYSA's POV:
Naalimpungatan ako sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ang side table clock ko.
8:04 am
Oh shocks!
Wala pa akong tulog mula sa pagpaparty sa isang bagong bukas na bar sa Makati kagabi.
Whoever disrupted my sleep ay mapuputulan ko talaga ng leeg!
"Hello",inis na bungad ko sa kabilang linya.
"Hija,you need to go home.Ang papa mo...",nininyerbos na sagot ng ina niya.
"Mom,what is it this time?",putol niya sa kung anumang sasabihin nito.
Sinabi ko na sa inyong kung sinuman ang tumawag ay malalagot sa akin.
"You need to talk to him. He called Attorney Atienza earlier this morning and they were talking about changing your father's last will and testament", hysterical na ang pagsasalita ng kanyang ina.
"Mom, I don't have time for this. You called me para lang sabihin na ipapabago ng Papa ang kanyang testamento.What's new?"
"Hindi ito katulad ng dati,hija. He is changing it without you as his heiress. Honestly,ok lang naman sa akin kung ibigay ni Jaime lahat sa charity o sa mga trabahante natin ang lahat ng naipundar namin. I don't care at all,mamamatay din naman kami ng papa mo at mabubuhay ka na naman ng wala ang mana mo diba?"
I groaned. Alam na alam ni mama ang weakness niya.
"O,siya sige.Pumunta ka na lang dito kung may time ka ha?", putol nito sa kabilang linya.
Nagmamadali na akong bumangon para maligo. Kailangan kung puntahan agad ang papa to shake some sense out of him.
He can't be serious about taking me out of his last will?
Pagkatapos ng madaliang pag-aayos ay pinaharurot ko na ang aking kotse papunta sa mansiyon.
"Papa, nandito na ako. What do you want from me this time?", hindi ko na mapigilan ang sumigaw pagpasok ko sa mansiyon.Alam kong alam ng papa na darating ako dito.
Nakita ko ang isang katulong na nahihintakutang lumapit sa akin.
"Senyorita,kayo po pala...."
"Sabihin mo sa papa na nadito na ako,bilis",mataray kung utos sa kanya.
Mabilis naman itong umalis para sundin ang utos niya.
Actually, hindi naman siya ganoon kabrutal kung mag-utos sa mga kasambahay nila nagkataon lang talaga na mainit ang ulo niya. Idagdag pang kulang siya sa tulog.
Hindi nga nagtagal ay bumungad sa pintuan ng library ang nakakunot-noong si Don Jaime San Rafael, Kaya pati ang mga trabahador nito ay namana ang kabutihang loob ng Don,ang kanyang papa.
"There is no need for you to shout,hija. Nakita mo bang takot na takot si Rosita sa iyo. Be kind to everyone please.Where are your manners?"
"Halika't sumunod ka sa akin", I rolled my eyes as I follow him papasok ng library.
As always hindi mawawala sa papa niya ang pangangaral tungkol sa kababaang-loob. That is why most of the people na nakakakilala sa kanila ay sasabihing ni katiting na pag-uugali ng mga magulang niya ay wala siyang nakuha.
Ang mama rin niya ay isa ding simpleng tao na hindi mo kariringgan ng masama tungkol sa kahit na kanino.
Pagpasok niya ay nakita niya sa loob si Attorney Atienza at ang kanyang mama. Nasa harapan ng mga ito ang papeles na sa hula niya ay ang bagong testamento ng papa.
Nakahinga siya ng maluwang ng makitang wala pang pirma ang mga ito.
"Maupo ka muna,anak", pukaw ni mama sa kanya.
Tumikhim ang papa niya bago nagsimulang magsalita.
"Alam nating lahat kung bakit tayo naririto. I ordered Attorney Atienza to change my last will and testament. "Gusto kong narito ka ,hija para malaman mong may konting pagbabagong mangyayari sa last will ko."
"Sa bagong testamento ay iisang pag-aari ko na lang ang mapupunta sa iyo - ang rancho. The rest of my properties and businesses will be given equally sa mga tauhan natin and the two charities stipulated in the will", tumingin muna ito sa mama niya bago nagpatuloy.
"Your mother and I decided about this. Sa tingin kasi namin ay wala ka namang intensiyong pangasiwaan ang kabuhayan natin."
I was shocked. Totoo nga ang sinasabi ng Mama.Before I could react ay nagpatuloy pa si Papa. "Also,the ranch will be given to you conditionally. Attorney, please tell my daughter the conditions stipulated in the will"
What the...? At talagang may kondisyon pa?
Tumikhim muna ang abogado nang makita ang pagkakakunot ng noo ko.
"It will be only given to you if you will stay there and manage it for a month, hija. Titingnan ng papa mo kung kaya mo bang mapalago ito dahil kung hindi it will be included on the list of the properties for the ranch workers."
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Nag-isip muna siya ng ilang segundo bago bumaling sa kanyang ama.
"Papa, I promise I will change kung gusto ninyo, papasok na ako sa Builders & Co. para maging empleyado ulit doon. Just don't do this. Anak ninyo ako, bakit kailangan kung maghirap?"
"Hindi ito paghihirap,anak. Malalaman mo na lang ang kahulugan ng ginagawa namin kung ikaw mismo ay magiging masigasig sa pangangasiwa ng mga negosyo natin."
"And another thing, you were given chances before, not only once maraming beses na pero hindi mo pa rin kami sinunod. This time naman siguro ay maaapreciate mo na ang paghihirap namin kung sa rancho ka na maglalagi."
"Iyon na nga Papa, hindi nga ako nakatagal sa loob ng opisina, paano pa kaya sa rancho na puro hayop at halaman ang makikita ko doon?" nagsusumamo na ang mukha niya ngunit wala man lang reaksyon ang kanyang ama.
"Now, it is up to you. Hindi ka na namin pipilitin sa gusto mo. Maaari ko na sigurong pirmahan ang mga papeles na ito, Attorney Atienza?"
"No....!!"
Nasa akto na ito ng pagpirma ng sumigaw ako.
"Alright then.I'll stay at the ranch
"Ok. It is settled. Bukas na bukas din ay pupunta ka na sa rancho."
I think hanggang dito muna tayo, Attorney. Salamat sa oras mo. I'll call you kung anuman ang mangyari", makahulugang ngumiti ang kanyang Papa habang nakikipagkamay dito na ikinatawa naman ng abogado.
"Sige, magpapaalam na din ako sa inyo", tugon ni Attorney Atienza.
Nang maiwan kami ay binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang magulang ko.
"Huwag kang ganyan,hija. Mabuti pang mag-empake ka na for your one-month stay at the ranch."
Iyon lang at naiwan akong nagngingitngit.
waaahhhh....Naiimagine ko na ang ingay at amoy ng mga hayop sa hacienda.