CAN’T REMEMBER TO FORGET YOU
EPILOGUE –
Relationships are like penis. Keeping in touch will make it stronger.
Sharlin’s POV
Epilogue na. Pero unlike any other stories, walang nangyari sa epilogue ng storya namin ni Marvin.
Siguro sa ganun lang talaga kami. I better yet forget him.
I must forget him.
If only I can remember to do so.
I was a fool. What the hell am I thinking with my pussy?
Ilang lingo na rin yung lumipas mula nung sabatan namin ni Marvin.
Well, hindi yun sabatan kasi I haven’t gave him the chance to explain.
Wala na rin namang dapat i-eplain. He just said it. Labels will just complicate things. Mas mabuti na yung ganun lang kami. But I don’t want that. Ayokong maging parausan.
Tumunog yung cellphone ko. And yeah, palagi akong umaasa na si Marvin yung nagtext.
Kaso, hindi.
Walang ibang way para man lang magkaron kami ng communication. I can’t have the guts to text or call him first. Pag dumadaan ako sa bahay nila, sinisilip ko kung nandyan sya sa garden nila at nakatulala. Madalas kasi syang tumambay dun.
Kaso, wala.
Nililibot ko yung neighbourhood namin at nagbabakasakali na baka andyan lang sya sa paligid. Nakasalubong ko na ang lahat, yung mga ex ko, yung tindera sa kanto, si Ate Amy, at yung aso nila. Pero sya? Wala.
I was aching. It was an inevitable pain but bearable. I hope.
Days, weeks, and months passed. Marvin and I lost communication. Kung dati may mga pa-GM GM pa kaming nalalaman, ngayon, kahit blank message wala. I tried to stop thinking about him. At nagawa ko naman yun sa tulong ni Cyrus.
Cyrus was my crush back in my college days. Chinito at gentleman. Nagparamdam sya sakin dati. Kaso may boyfriend ako nun. In short, nganga ang Sha-rus loveteam.
Pero ngayon, he started courting me again. Actually, ayos naman sya e. Sweet at talagang papakiligin ka sagad sa balunbalunan.
Tulad na lang ngayon. We’re having dinner and he’s so makwento and funny.
Being with Cyrus quite changed me. Medyo nag lie low ako sa pagpapakalasing at pagpapaka-party girl. I’ve turned into a lady.
Dresses have been my bestfriend. Kung dati e kelangan muna akong kaladkarin bago pumunta sa isang boutique ng mga bestida, ngayon e halos kada linggo e namamasyal ako dun. Syempre, kailangang every now and then ay i-check ko yung sales nila. Updated dapat lagi yung wardrobe ko. At dapat ako lang yung may ganung klase ng damit. Nakakaloka naman kung me makakasalubong akong kaparehas ng damit. Kung hindi kami mapagkakamalang kambal, baka merong intermission number.
I tried dressing up for Cyrus. Yes, you may say that I am trying to impress him.
“Hindi na kita nakikitang naka-tshirt saka jeans a.” Si Cy.
Tumingin lang ako sa kanya. Ayaw nya ba sa itsura ko ngayon?
Para pa man din to sa kanya.
Huminga sya ng malalim. Hinawakan nya yung kamay ko.
Minsanan lang mangyari to. Tong hahawakan nya yung mga kamay ko. Pero diba dapat, may kilig akong mararamdaman man lang? Yung para bang kuryente na dadaloy sakin? Yung katulad nung hinawakan ako ni…
Hindi. Hindi tama. Kailangan ko na syang kalimutan.
“You don’t have to wear differently. Kung saan ka kumportable, duon ka. You won’t be lesser for me just because you’re not girly and all. I like you. Walang magbabago dun. Kesyo nakapantalon ka o saya, ikaw pa rin yan, Sharlin.”
I smiled. Wala, gusto ko lang ngumiti. Ano bang gusto nyong reaksyon ko? And I can’t find the words to say.
Matagal-tagal na ring nanliligaw si Cyrus. Pero di ko pa rin sya masagot-sagot. Paranoia?
O may iba akong hinihintay?
Why can’t I keep you out of my mind Marvin?
Marvin’s POV
I miss her.
Her voice.
The smell of her hair.
Her touch.
Her tshirt and jeans.
Her smiles.
Her carefree vibe.
The heck. Miss na miss ko na sya.
“Kuya, tulala ka na naman.”
Si Jasper pala.
“O. Ano kelangan mo?”
“Wala naman. Napapansin ko lang na mas lalong nagiging tulala ka na ngayong mga nakaraang araw.”
“Ang tagalog mo ngayon, gago ka a. Tigilan mo nga ako. Ano ba kasi kailangan mo? Alam kong di ka sakin lalapit kung wala kang kailangan.”
“Wala nga, kuya. Kung tutuusin, gusto lang talaga kitang makausap.”
Oows? Ngayon pa lang kami nagkausap ng ganto ni Jasper. Syempre pa-cool din yun. San ka nakakita ng mga astigin na lalaki na nagha-heart to heart talk?
Banat na naman sya. “Si Sharlin yung pinoproblema mo no?”
Pano nakilala ng mokong na to si Sharlin? At shit naman. Nabanggit na naman pangalan nya. Sabi ng don’t speak bad words.
“Ts. Sige, magmoment ka.” Pinagpatuloy ko syang magsalita.
“Alam mo, ang ganda nya. Yung di nakakasawa. Parang ang saya-saya lang kasama. Di ko nga ma-gets kung bakit di mo inaraw-araw yung pakikipagkita sa kanya e. Sayang.”
“Jasp, kasi gusto nya ng matinong relasyon. Sa tingin mo ba maibibigay ko yun? Relationships are all about understanding, patience and compromise- three things I have absolutely no interest in pursuing.” Katwiran ko.
“No interest? O no courage?” Balik nya. “Utang na loob kuya, bente singko anyos ka na, umuurong pa rin yang totoy mo? Anong gusto mong mangyare? Hambambuhay kayong magdyug-dyugan hanggang sa maubos yang sperm cells mo? Alam nyo naman na may gusto kayo sa isa’t isa.”
“Hindi ko sya gusto no.”
“Ano lang? mahal mo? Kuya, eto, ipikit mo yung mga mata mo.”
“Ano na namang kalokohan to? Ako nga wag mong inuuto. Lumayas ka na nga sa harapan ko.”
“De kuya. To pwera loko, ipikit mo yung mga mata mo. Pag sya yung nakita mo, mahal mo nga sya.”
Ako tong loko-loko, ipinikit ko nga. At sya nga yung nakita ko.
Si Sharlin nga.
Si Sharlin na naka white tshirt, si Sharlin na naka itim na bestida, si Sharlin na nakakumot at nakapikit. The waves of her hair, her bright eyes, her smile… Lahat, si Sharlin.
“Kuya, takot ka lang. At ma-pride. Let go of your mad ego. Ano naman kung pinagsarhan ka nya ng pinto kahit na topless ka? Ano naman kung wala na kayong komunikasyon at me iba ng pumoporma sa kanya? Yan kasi, di mo na lang niligawan. Sasagutin ka naman nun e. Pano pag maunahan ka ng iba? E di nganga ka?”
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ate Amy sakin. “Kung maabutan mo pa syang mahal ka nya, e di masaya. Pero pag maabutan mo syang may mahal ng iba, buti nga sayo.”
Puta. Nababaliw na ko. Teka nga…
“Hoy Jasper!! Stalker ka ba namin ni Sharlin? Pano mo nalamang pinagsarhan nya ko ng pinto?”
“Malamang binasa ko yung Chapter 2! Du-uh. Pautang naman muna ako kuya ng bente.”
“Heh. Tigilan mo ko. Alis na!”
May nagtext sakin.
Psh. Forwarded quote.
Walang malayong kulangot sa malikot na hintuturo. It signifies determination, creativity and hope. Sana mainspired ka.
Hindi rin naman masyadong nananadya tong message na to no? Nakakagago.
Tama na siguro. Oo, may point si Jasper, si Ate Amy. Pero masaya na ngayon si Sharlin. Ni hindi na nga nya ako maalala itext. Kahit blanking message wala. Kahit GM wala.
Nakikita ko pa rin naman sya minsan. Nakabestida pa nga.
Nakabestida at bumababa sa kotse ng isang pangit na lalaki na ang saya sanang ikiskis yung gilagid sa papel de liha. Letse, naiinsecure ako dun a. Chinito. Papa. Yaaaaks! Bakla.
Bakit ko pa sya guguluhin diba? Bigyan nga ng tsansa na mag-explain at ipakita yung pagkalalaki ko, di nya maibigay. Pano pa kung tsansa na maging akin sya yung hingin ko?
Epilogue na. Tama na. Tama ng drama. Mahal ko, oo. Pero hindi na dapat ipilit at ipagsiksikan ang di na pwede. Baka dumugo.