POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar

By CeCeLib

51.7M 1M 252K

She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of d... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
EPILOGUE

CHAPTER 4

1.6M 35.6K 10.3K
By CeCeLib

CHAPTER 4

WALA SA SARILI si Tess habang inililipat ang mga pinamili sa lalagyan at ang iba naman ay sa ref. Wala sa ginagawa niya ang isip niya kundi sa halik na pinagsaluhan nila ni Hunt.

Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng utak dahil parang sirang plakang paulit-ulit 'yon na bumabalik sa isipan niya.

Ang halik na 'yon...ang mapusok nitong paghalik sa kaniya. Hindi mapakali ang puso niya sa mabilis na pagtibok na hinahayaan lang niya. Hindi naman niya iyon mapipigilan. Pasasaan ba at titigil din 'yon sa pagtibok para kay Hunt.

Simpleng atraksiyon lang naman ang nararamdaman niya para sa binata.

Huminga siya ng malalim saka ipinilig ang ulo at mabilis na tinapos ang ginagawa. Pagkatapos ay pumasok siya sa maid's quarters.

Hindi pa siya nakakaupo sa maliit niyang kama, kaagad niyang narinig ang tsismisan ng mga nasa loob maliban nalang kay Sally na masuyo lang siyang nginitian.

"Alam mo ba, yong ambisyosang babae, gold digger talaga," ani Delia sabay simpleng sulyap sa kaniya.

"Sinabi mo pa." Nanunuyang tumawa si Wilma. "Nag-aambisyon yatang yumaman."

Umirap siya sa hangin saka umalis ng maid's quarter. Siya na naman pala ang laman ng headline. Hindi na siya nagtaka, lalo na't may nakakita sa kaniyang maid kanina na lumabas ng sasakyan ni Hunt.

Malalim siyang napabuntong-hininga saka wala sa sariling naglakad hanggang sa natagpuan niya ang sarili sa harden ng mansiyon.

Pagod siyang umupo sa bench saka pinagmasdan ang magagandang bulaklak sa loob ng harden. Kahit papaano ay napapakalma siya ng mga naggagandahang bulaklak na nandoon. Pero hindi 'yon sapat para mawala sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Hunt.

She could still taste of his lips. The way they moved against hers. Napakalambot ng mga labi nito habang ginagagad niya ang bawat paggalaw niyon, ginagaya ang paghalik nito habang mahinang napapahalinghing.

Tess bit her lower lip when she felt her nipples hardened at the memory of their kiss.

Oh, God...this was bad.

This was very, very bad. Wala pang lalaking nagparamdam sa kaniya ng ganito. She had been kiss before but never in her life did she felt like this, like her body was responding and tingling sensation is shooting through her belly.

Marahas siyang napailing saka malakas na nagpakawala ng buntong-hininga.

"Hindi...hindi mo dapat nararamdaman 'yon, Tess," pagkausap niya sa sarili. "Wala 'to. Pakalmahin mo ang sarili mo. Please lang, hindi 'to makakabuti sayo. Kalimutan mo nalang ang halik na 'yon. Walang ibig sabihin 'yon--"

"Ganoon ba kasama ang halik ko?"

Nahigit niya ang hininga ng marinig ang baritonong boses ni Hunt. Hindi siya gumalaw, nanatili siyang nakaupo habang naglalakad palapit sa kaniya ang binata.

"Bakit nandito ka?" Umupo ito sa tabi niya. "Dapat nagpapahinga ka na."

Huminga siya ng malalim. "Huwag kang maging mabait sakin. Kaya natsi-tsismis ako na gold digger, e."

"Kaya ba wala ka ngayon sa maid's quarters?" Usisa nito.

Isinandal niya ang katawan sa likod ng kinauupuang bench. "Big deal sa ibang katulong na lumabas ako sa kotse mo kanina. Big deal sa kanila ang lahat ng may kinalaman sayo. Bakit nga naman hindi? Amo ka namin."

"Amo." Mahina itong natawa. "Why does that word irritate the hell out of me?"

Bumaling siya sa binata saka nginitian ito. "Huwag kang mairita. Totoo namang amo kita."

"At katulong kita--"

"Alam ko rin 'yon." Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kaya nga dapat hindi mo ako hinalikan kasi hindi tama 'yon."

"Pero gusto kitang halikan." Tumiim ang titig nito sa kaniya. "Kahit ngayon...gusto kitang halikan."

Napakurap-kurap siya saka napatitig sa binata. "Pero hindi puwede."

"Bakit? Kasi may boyfriend ka na?"

Tumango siya. "Oo."

"Paano kung wala akong pakialam?"

Namilog ang mata niya. "Bakit naman wala? May boyfriend na ako at--"

"At wala akong pakialam." Hinawakan nito ang baba niya saka inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Sa sobrang lapit ay nararamdaman niya ang paglapat ng mga labi nila. "So, what if you have a boyfriend? You'll break up with him and you'll come to me."

She blinked. "Paano ka nakakasiguro?"

He smirked. "Tessa, you kissed me back. Sa tingin mo, gaano ako kasigurado?"

Napakurap-kurap siya saka napangiti, "Paano kung sabihin kong wala namang halaga ang halik na 'yon?"

"Then I'll kiss you again. And this time, I'll make it worth your while." With that, he pressed his lips against hers and slid his tongue inside hers.

Nawala ang pagtutol sa isip niya. Nang lumapat ang labi ng binata sa kaniya, kaagad niyang tinanggap 'yon at tinugon. Walang inhisbisyon ang bawat paggalaw ng mga labi niya.

Napahawak siya sa balikat ni Hunt ng palalimin nito ang halik. Mas nanunudyo ang dila nito. Bahagyang kinagat ang mga labi niya at sinipsip ang dila niya. Hindi niya mapigilan ang mapadaing at matagpuan ang sariling ginagagad ang paggalaw ng labi nito. Hinahabol niya ang mga labi nito na gustong kumawala sa mga labi niya.

She didn't know why he was becoming insatiable by the second. Wala na ang inhibisyon sa katawan niya. Nakayakap na ang mga braso niya sa leeg ng binata at mapusok na tinutugon ang halik nito.

She was shameless alright. But, who cared? Gusto naman niya ang ginagawa.

She sucked his lower lip, then slid her tongue inside. At habang mainit na nakikipaghalikan sa binata, habol niya ang sariling hininga. Pero hindi siya no'n napigilan. Patuloy ang mapusok nilang halikan. Para silang mga uhaw sa halik at sabik na sabik sa bawat isa. Napasabunot siya sa buhok ng binata habang mas nagiging mainit ang bawat paggagad ng labi nila sa isa't-isa.

Naghiwalay lang ang mga labi nila ng hindi na sila parehong makahinga.

"Tessa..." Habol nito ang sariling hininga.

Ilang beses siyang huminga ng malalim. "Hunt."

Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito saka umangat ang kamay para haplusin ang pisngi niya. "Was our kiss worth your while?"

Sasagot sana siya ng mag-init ang pisngi niya dahil sa posisyon nilang dalawa. Nakaupo siya sa hita ng binata at magkadikit na magkadikit ang mga katawan nilang dalawa lalo na ang mga dibdib nila habang mahigpit siyang nakayakap sa leeg nito.

Hindi niya maalis ang tingin sa mapupungay na mata ni Hunt habang unti-unti niyang binigiyan ng distansiya ang mga katawan nila. "Ahm...ah, ahm--"

A sexy smile crossed his lips. "May halaga na ba ang halik na 'yon sayo?"

Bahagya niyang tinulak ang binata saka sinubukan niyang umalis sa pagkakaupo sa hita nito. Perons ipinalibot ng binata ang mga braso sa beywang niya para pigilan siya.

"Nope. Hindi ka puwedeng umalis." Niyakap siya nito sa beywang ng mahigpit. "Hinayaan na kitang makatakas kanina sa halik natin pero hindi sa pagkakataong ito. We will talk—no, scratch that—we need to talk about this."

Umiling siya. "Wala namang dapat pag-usapan." Pilit siyang kumakawala sa yakap nito. "May boyfriend ako--"

Inangkin ulit nito ang labi niya na ikinagulat niya saka hinuli ang mailap niyang mga mata. Matiim siyang tinitigan. "Kapag kasama mo ako, ako lang dapat ang nasa isip mo. Hindi ibang lalaki. Mas lalong hindi ang boyfriend mo."

"Pero--"

"You kissed me back, Tessa." Madilim ang mukha nito. "Hindi kita pinilit. Inakit, oo, pero hindi kita pinilit."

Akmang sasagot siya ng makarinig siya ng papalapit na yabag. Alam niyang narinig din yon ni Hunt dahil kahit ito ay natigilan at lumuwang ang pagkakayakap nito sa kaniya. Mabilis niyang binaklas ang pagkakayakap ni Hunt sa beywang niya saka nagmamadaling umalis sa pagkakaupo sa hita nito.

"Matutulog na ako," aniya saka malalaki ang hakbang na iniwan ang binata sa harden.

Ang lakas ng kabog ng puso niya lalo na ng makasalubong si Manang Flor.

"Oh, Tessa, bakit gising ka pa? Matulog ka na," ani ng mayordoma. "I-do-double check ko lang ang mga lock."

Mabilis siyang tumango saka nagmamadaling nagtungo sa maid's quarter. Nang makapasok, kaagad siyang nahiga sa kama niya at nagkumot at ipinikit ang mga mata. Pero maramot ang antok sa kaniya. Ayaw siyang patolugin nito.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Hunt. Hindi mawala sa isip niya ang matigas na bagay na kumukuskus kanina sa pagkababae niya habang nakaupo siya sa hita ng binata.

She could still feel that tingling sensation spreading through her as his erect length rubbed against her womanhood.

Mariing niyang pinikit ang mga mata saka humigpit ang hawak niya sa kumot.

Hindi ito maganda. Hindi talaga 'to maganda! Kilala ko ang katawan ko. Itong nararamdaman ko, iba ang patutunguhan nito kapag nagpatuloy.

This could end horribly or happily for her. Isa lang sa dalawa ang patutunguhan nitong sinisigaw ng katawan at puso niya. At natatakot siya, kasi malaki ang posibilidad na masaktan lang siya, lalo na't may tinatago siyang sekreto.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pinilit na makatulog. Pero kahit sa panaginip, nandoon pa rin si Hunt at ang mapusok nilang halikan.



"O, TESSA, MAY pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ni Manang Flor habang nagba-vacuum at siya naman ay maingat na naghuhugas ng mga pinggan na ginamit nila sa pag-agahan. "Linggo ngayon. Day off ng lahat ng katulong sa mansiyon. Uuwi ka ba sa inyo?"

Umiling siya. "Dito lang ho ako," aniya. "Si Sally po, umuwi?"

"Oo, taga Panggasinan si Sally. Ilang oras lang naman ang biyahe mula rito."

Napatango-tango siya saka maingat na inilagay ang mga hinugasang pinggan sa lalagyan. "Si Señorito ho? Dito lang ba siya sa bahay?" Pasimple niyang tanong.

"Tuwing linggo, nasa farm si señorito," anang mayordoma. "Marami siyang ginagawa do'n. Minsan umuuwi siya gabing-gabi na kaya nga nakakapagpahinga kami kapag linggo kasi wala siya rito sa bahay."

"Ah." Kahit papaano ay nakahinga siya. "Ako lang pala ang tao rito ngayon."

"Oo, kaya huwag kang basta-basta magbubukas ng gate sa mga taong hindi mo kilala. Kahit kilala mo, huwag mong papapasukin ng basta-basta," bilin ni Manang Flor. "Makinig ka sakin, Tessa. Ayaw na ayaw ni señorito na may pumapasok ditong ibang tao sa bahay niya na hindi niya kilala."

Tumango siya. "Opo, Manang Flor."

"Oh, siya, tapos na ako. May pagkain sa ref. Initin mo nalang kung magutom ka," ani Manang Flor saka nagpaalam na. "Yong bilin ko, huwag kalilimutan."

Tumango siya saka sumunod kay Manang Flor hanggang sa gate para isara 'yon pagkalabas nito.

Nang ma-i-lock niya ang gate, kaagad siyang pumasok sa kabahayan at nagtungo sa maid's quarter para mahiga at magpahinga.

Tinatamad siyang gumalaw kaya naman matutulog nalang siya. Pero talagang maramot na naman ang antok sa kaniya kaya naman nayayamot siyang lumabas ng maid's quarter at nagtungo sa sala. Binuksan niya ang T.V. saka nanuod sa Lifestyle Network.

Ilang minuto palang siyang nanunuod ng makarinig siya ng pababang yabag mula sa hagdan. Awtomatikong nag-angat siya ng tingin at natigilan ng makitang bumaba si Hunt sa hagdan habang may kausap sa cellphone.

Pinatay niya ang T.V. agad at walang ingay na naglakad patungo sa kusina. Gusto niyang iwasan ang binata hangga't maaari.

Mamaya na siya lalabas kapag nakalabas na si Hunt.

Pero ilang minuto palang siya na tumatambay sa kusina ng biglang pumasok doon ang binata.

"Day off mo ngayon. Bakit nandito ka pa?" Anang baritonong boses ni Hunt. "Dito ka lang ba sa bahay?"

Nag-iwas siya ng tingin dito. "Oo."

"Bakit?" Nagsalin ito ng malamig na tubig sa baso saka uminom. "Hindi ka man lang ba bibisitahin ng boyfriend mo?" May iritasyon sa boses nito.

"Busy siya," mabilis niyang sagot saka mas ipinagsiksikan ang sarili sa gilid ng island counter. "Saka tinatamad akong lumabas."

"Okay," ani Hunt na parang wala lang ang paliwanag niya saka naglakad palapit sa kaniya. Kapagkuwan ay bigla nalang siyang hinalikan sa gilid ng labi saka bumulong sa tainga niya, "magbihis ka. Isasama kita sa farm."

Namimilog ang matang nag-angat siya ng tingin dito. "Ha? Ayoko."

"Come on." Pamimilit nito saka hinalikan na naman siya sa labi. "Hindi ako mapapakali sa farm kung iiwan kitang mag-isa rito. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yong pinag-aalala ako."

Sumikdo ang puso niya. "A-ayos lang naman ako rito--"

"Magbihis ka na. Hihintayin kita sa kotse." Pagkasabi niyon ay isang beses pa siya nitong hinalikan bago siya nito iniwan sa kusina.

Napakurap-kurap nalang si Tess sa papalayong bulto ni Hunt.

Anong nangyari? Bakit panay ang halik nito sa kaniya? Hindi naman sa ayaw niya pero bakit? Gusto niyang malaman kung anong rason nito.

Naiiling siyang pumasok sa quarter para magbihis.

Simpleng itim na jeans at puting blouse ang suot niya. Pinaresan niya iyon ng flip-flops saka tinali niya ang medyo may kahabaang buhok bago nagtungo sa garahe.

Kaagad niyang pinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso niya ng makasakay siya sa kotse ni Hunt.

"Aabutin tayo ng gabi sa farm kaya dadaan muna tayo sa restaurant. Kakain muna tayo," sabi ni Hunt habang pinapausad ang sasakyan palabas ng gate. "Saan mo gustong kuma-- who the hell is that?"

Kunot ang nuong tumingin siya sa dinadaanan at umawang ang labi niya ng makita ang pamilyar na kotse ni Lucifer.

"Oh my God," mahina niyang sambit ng bumukas ang pinto ng sasakyan na nakaharang sa daraanan nila saka lumabas doon si Lucifer. Naka sun-glasses ito at naka-bullcap. "Luci? Anong ginagawa niya rito?"

"Kilala mo siya?" May iritasyon sa boses ni Hunt.

Mabilis siyang tumango saka nagmamadaling binuksan ang pinto ng sasakyan saka lumabas.

"Luci!" Malapad ang ngiting sigaw niya sa pangalan ng binata na palinga-linga na parang may hinahanap.

Inalis nito ang bullcap na suot saka bahagyang ibinaba ang sunglasses na suot. Nang makita siya ay ngumiti ito ng malapad sa kanya.

"My baby!" Sinalubong siya nito ng yakap saka binuhat at inikot na malakas niyang ikinatawa. "Nuong isang araw pa kita hinahanap. Buti nalang sinabi sakin ni Gladz kung nasaan ka. I can't believe that I havd to blackmail her for answers." He clicked his tongue. "Baby, ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo? Ano na naman itong kabaliwang pinasok mo? Nuong huli kitang makita, waitress ka. Ngayon naman ito? Nag-iisip ka ba?"

Ngiti lang ang tugon niya saka niyakap si Lucifer sa beywang. "Na miss kita."

"Na miss din kita." Ginulo nito ang buhok niya saka bahagyang kumawala sa yakap niya. "Ikaw talaga ang sinadya ko rito sa Baguio. Mabuti nakita kita."

Lumapad ang ngiti niya. "Kailan ka pa bumalik sa Pilipinas?"

"Last week lang." Inayos nito ang buhok niyang ginulo nito. "Galing ako ng Bali. Nasa penthouse ko ang pasalubong mo."

"Yehey!" Napatalon siya sa tuwa saka masayang hinawakan ang kamay nito. "Ipasyal mo ako rito sa Baguio, please? Wala akong pera, e. Wala akong mabili na gusto ko. Ayoko naman ipagbili yong smart watch ko. Kasalanan 'to talaga ni Gladz--"

"You mean to say, kasalanan mo." Inakbayan siya nito. "Pumayag ka e, kaya kasalanan mo 'yon."

Sinimangutan niya ito saka naglalambing na yumakap sa beywang nito. "Huwag mo na akong pagalitan. Ilibre mo nalang ako ng pagkain."

Lucifer clicked his tongue. "You're taking advantage of me again, baby."

Akmang sasakay na siya sa kotse ni Lucifer ng marinig niya ang boses ni Hunt.

"Tessa, kailangan na nating pumunta sa farm."

Natigilan siya saka kagat ang labing bumaling siya kay Hunt. "Oo nga pala, señorito." Napangiwi siya saka tumingin kay Lucifer. "Sa ibang araw nalang pala tayo mamasyal."

Lucifer frowned. "Why?" Madilim ang mukha nitong humarap kay Hunt. "Ang alam ko off niya ngayon, so bakit siya sasama sa farm? It's her day off. Meaning free time niya para gawin ang gusto niya. And she will be spending her free time with me." Pagkasabi no'n ni Lucifer ay pinangko siya at isinakay sa passenger seat saka malalaki ang hakbang na umikot patungong driver's seat.

Kapagkuwan ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan palayo.

"Really? Señorito?" Lucifer asked, stifling a laugh.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Huwag mo nalang pansinin 'yon."

Lucifer clicked his tongue. "You never even called me that." Tiningnan siya nitong masama mula sa review mirror. "Nagtatampo ako sayo."

Matamis niya itong nginitian saka naglalambing na yumakap sa braso nito. "Luci naman, huwag ka nang magtampo."

Lucifer snorted. "Yeah, right."

She gave him a cheeky smile. "Huwag ka nang magtampo, please?"

"How can I?" Lucifer let out a sigh. "Ikaw yata ang pinakapaborito kong ex-girlfriend."

Mas lumapad ang ngiti niya. "See? Hindi na siya galit."

Lucifer chuckled. "Yeah, yeah... kumusta naman ang pagiging katulong mo? Kailan matatapos itong kabaliwan mo, ha?"

"It's fun." She grinned. "Lalo na't si Hunt ang boss ko."

"You still like him?"

Nginiti lang ang tinugon niya saka tumingin sa labas ng sasakyan at isinandal ang katawan sa likod ng kinauupuan.

"Mag-ingat ka sa kabaliwan mo, okay?"

Tumango siya. "Yes, señorito Lucifer."

"It's not funny. Shut up."

Mahina siyang natawa saka ibinaba ang bintana ng sasakyan at ninamnam niya ang malamig na hangin na tumatama sa mukha niya habang naglalakbay ulit ang isip niya sa pinagsaluhan nilang mapusok na halik ni Hunt. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2K 387 36
Lyrics of Your Favorite Songs Enjoy!! Hope you like it
41.4M 876K 27
With his amethyst eyes, to die for smile and gorgeous body, Lash Coleman was a very handsome male specimen. Girls fall at his feet, but he never catc...
19.6M 1M 75
Struggling with commitments, savage and independent Zehannah Sevil is ready to be single for the rest of her life. But as she continuously crosses pa...
23.6M 528K 23
SYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eater and spreader. It's her job and nobody...