Under His Spell

由 thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... 更多

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata XXXVI

146K 4.8K 1.9K
由 thatpaintedmind

“Because of you I am ashamed of my life because it's empty.” – from the song Because of you by Kelly Clarkson

-

Katahimikan. Wala akong marinig. Napakatahimik ng paligid. Nakapikit ako ngunit gising na ang diwa ko. Nagising ako mula sa isang mahabang tulog. Kakagising ko lang... Pero bakit ang bigat-bigat ng dibdib ko?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Naga-adjust pa ang mata ko dahil sa liwanag, puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako?

Nang masanay na ang mata ko sa liwanag ay inilibot ko ang aking paningin. Nasa isa akong ospital.

Ospital...

Biglang nagsulputan ang mga imahe sa isip ko, mula sa pagpunta namin sa parke nina mama, hanggang sa puntahan ko si Dark dito, hanggang sa makita ko sina Tyler, at hanggang sa...

Oh no...

Bumilis ang paghinga ko, kasabay ng pagbukas ng pinto, iniluwa no'n ang pamilya ko.

"Light! Are you al--"

"Where's my baby?" Kaagad kong tanong na nakapagpatahimik sa kanila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang tila pakikisimpatya sa mga mata nila.

No...

"Okay lang siya, diba mama? Nandito pa siya sa sinapupunan ko, diba? Makikita ko pa siya, diba? Masisilayan niya pa ang mundo, a-at mayayakap ko pa siya. D-Diba? Mama? Papa? Dark? S-Sumagot naman kayo!"

Lumapit sa akin si papa at marahang hinawakan ang braso ko. Namumula ang mga mata niya, kitang-kita ko roon ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo.

"M-Mahina ang kapit ng bata, anak." Napailing-iling ako. No... This can't be. "T-The baby d-didn't make it..."

"No! You're lying! Mama! Papa's lying! Tell me! N-Nagsisinungaling lang siya diba? D-Diba Dark?" Humarap ako kay Dark na may nakikiusap na mga mata. Nakita ko ang pamumula na rin ng mga mata nito.

"I-I'm sorry Light, but d-dad is telling the truth..."

"No! Buhay pa ang baby ko! Buhay pa ang baby ko!"

"Light!"

Mabilis na lumapit sa akin sina mama at Dark nang nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak sa akin ni papa. Nagsimula na akong magwala.

Sinungaling! Sinungaling silang lahat! Hindi pa patay ang baby ko! Buhay pa siya! Buhay!

"No! Hindi ako iiwan ng baby ko! Hindi!"

"L-Light..."

Niyakap ako ni Dark pero pilit ko siyang tinutulak. Kailangan niyang sabihin sa akin na nagsisinungaling lang si papa, na buhay pa ang anak ko!

Biglang pumasok ang mga nurse, may pagmamadali sa kilos nila nang hawakan nila ako. Pilit akong nagpupumiglas at nagwawala pero may itinurok sila sa akin na nakapagpahina sa akin. Sinubukan silang pigilan ni mama pero niyakap ito ni papa para pigilan.

Ang huli kong nakita ay ang lumuluhang mukha ni Dark. Sinubukan kong abutin ang mukha niya para punasan ang mga luha niya pero nilamon na ako ng kadiliman.

Nang sumunod na magising ako, I feel numb, so numb. Nakadilat na ang mga mata ko pero nakatitig lang ako sa kisame. Flashes of voices rushed into my system, it was family's voice, they were saying that my baby's dead. Tila nage-echo sa utak ko ang sinasabi nila, ang mga masasakit na sinasabi nila. Gusto kong magwala, pero hindi ko magawa.

Hanggang sa makakita ako ng bulto sa gilid ko. Pero hindi ko iyon pinansin. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan.

"L-Light?"

It was Dark's voice. But I ignored him. Isa rin siyang sinungaling. Akala ko hindi niya ako pagsisinungalingan, pero ginawa niya. How could he tell me that my child is already gone?

"M-Mom, Light's awake,"

Dalawang bulto pa ang lumapit sa akin. I remained silent.

"I-I'll call the doctor," that was my father.

Naramdaman kong inalalayan akong umupo ni Dark. Nagpatangay lamang ako ngunit nanatiling malayo ang tingin ko.

"L-Light? Are you hungry? Tell us..."

My mother approached me, pero ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. Naramdaman ko iyon pero hindi ko madama. Ewan ko... Buhay pa ako pero... Para na akong patay.

Minutes later, I heard the door opened. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong lumapit sa akin ang isang babaeng naka-laboratory gown.

"Glad you're already awake, how are you feeling?"

She's obviously talking to me. But isn't it obvious too that I don't wanna talk to her? I don't wanna talk to anybody, to everybody.

"A-Anong nagyayari sa kanya, doc? B-Bakit hindi siya nagsasalita?"

"Seems like she's suffering from a trauma."

"Oh God,"

Muntik nang matumba si mama pero inalalayan siya agad ni papa. Wala na akong naiintindihan sa sinasabi nila. Ang nasa isip ko ngayon ay ang baby ko.

Mapapalaki ko naman siya kahit wala siyang tatay. Ako ang magsisilbing tatay niya, ayos lang iyon sa akin, basta para sa anak ko, gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Nakaramdam ako ng brasong pumalupot sa akin. Tinignan ko kung kanino iyon, kay mama. Lumuluha siya. Bakit siya umiiyak?

Hinaplos niya ang mukha ko habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Tinititigan ko lang siya.

"E-Everything's going to be alright." Pang-aalo ni papa kay mama, ngunit pati siya ay lumuluha.

Huminahon naman si mama. Pinunasan niya ang kanyang mukha bago pilit na ngumiti sa akin.

"G-Gutom ka ba anak? K-Kain ka, i-ito oh, binili namin ng papa mo, m-masarap 'to."

May kinuha siya mula sa paperbag. May nilagay silang mesa sa harapan ko at doon niya nilagay ang mga pagkain. Umupo siya sa tabi ko at sinimulan akong pakainin, sinusubuan niya ako, siya pa mismo ang nagbubuka ng bibig ko dahil hindi ko ginagawa. Wala nga akong balak nguyain ang pagkain pero naisip ko ang bata na nasa sinapupunan ko. Kailangan kong kumain para sa kanya, kailangan maging malusog ang baby ko. And so I tried to eat the food. Pero nakakatatlong subo pa lang ako ay tila punong-puno na ang tyan ko. Ayoko na.

"A-Anak, n-nakakatatlong subo ka pa lang."

Hindi ko siya pinansin, tinapon ko lang ang tingin ko sa malayo. Sari't saring alaala na naman ang bumabaha sa utak ko. At hinayaan kong tangayin ako no'n dahilan para tuluyan akong matulala.

Ganoon ang naging routine ko sa bawat araw ko. Magigising ako, aasikasuhin ako nina Dark, pakakainin, paliliguan, miski pagsisipilyuhin, nagpapatangay lang ako. Pero ni isa sa mga ginawa nila ay wala akong naramdaman. It's like I'm a living dead.

Hanggang sa namalayan ko na lang na lumalabas na kami ng ospital. Nakasakay ako sa wheelchair na tulak-tulak ni Dark. I don't know where we're heading, and I don't care. Ang mahalaga ay dapat palaging ligtas ang baby ko.

"There you go," wika ni Dark pagkatapos niya akong iupo sa isang sasakyan. Naramdaman kong kinabitan niya ako ng seatbelt bago siya tumabi sa akin.

Nagsimulang umandar ang sasakyan, nagsimula ring si Dark kausapin ako. Ganyan sila lagi, palagi akong kinakausap. Dahil kung hindi ako nagkakamali, narinig kong sinabi ng isang tao na kailangan lagi akong kausapin. And that pisses me off.

Hindi ba nila nahahalatang ayaw ko silang kausapin? Ni wala nga akong maintindihan sa sinasabi nila. Parang lahat ng naririnig ko ay pawang mga ingay lang. Hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi nila, blankong-blanko lang ang utak ko sa lahat ng oras.

"We're here,"

Ibinaba ako ni Dark ng sasakyan para muli akong ilagay sa wheelchair. Dumiretso kami sa isang kwarto. Binuhat niya ako patungo sa kama at inilapag ako roon. Kasunod namin ang isang katulong na naglapag ng pagkain sa maliit na mesa bago siya mabilis ding umalis.

Why do people leave so fast?

"Light,"

Hinawakan ni Dark ang mukha ko para ipaharap ako sa kanya. Walang emosyon akong tumingin sa kanya.

"You need to eat. Here,"

Itinapat niya sa bibig ko ang kutsara, nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Sinubukan niyang ibuka ang bibig ko pero hinarap ko ang mukha ko sa kabilang gilid para iiwas ang aking labi. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

"Wait for me here, I'll just get your medicine for a while, okay?"

Nawala sa paningin ko si Dark. Nanatili lang ako sa pwesto ko katulad ng lagi kong ginagawa. Hanggang sa biglang tumunog ang tyan ko. Wala sa sarili akong napatingin doon. Tinitigan ko iyon sandali bago dahan-dahang umangat ang kamay ko para haplusin ang aking tyan. Gutom na ang baby ko.

"B-Baby..." Tila namamaos ang aking boses. "G-Gutom ka na, anak?"

Hinaplos-haplos ko ang aking tyan. I know my baby is inside. "P-Pasensya na ha, w-wala kasing gana ang mommy. I... I feel so empty. P-Pero buti na lang at nandito ka para damayan ako."

These last few days, ang anak ko lang ang kadamay ko. Oo, kinakausap ko siya kapag wala akong ibang kasama. Siya ang nagbibigay dahilan sa akin para mabuhay. Siya ang nagbibigay liwanag sa akin. Siya ang nagpapakalma sa akin tuwing pakiramdam ko ay gusto ko nang magwala. Kaya hindi ko kakayanin kapag nawala siya... Ang anghel ko...

"H-Hey," napatingin ako kay Dark na umupo sa tabi ko. Nakabalik na pala siya. Narinig niya kaya ang pagkausap ko sa anak ko? Sa pamangkin niya?

Namumula ang mata ni Dark at ang bigat ng paghinga niya. He's smiling... Just to stop his tears from falling.

"A-Aren't you really hungry? A-Anong gusto mo? Ibibigay ko. K-Kahit ano. Gusto mo ba lumabas tayo? Ipapasyal kita. Kahit saan, kahit gaano kalayo, g-gagawan ko ng paraan. Do you want to visit Disneyland? M-Masaya doon. H-How about London--"

Napatigil siya nang umangat ang kamay ko para punasan ng kanyang pisngi. May tubig kasing tumulo mula sa mga mata niya. Pero imbis na mawala ang tubig na iyon, ay mas lalo pang nadagdagan. Narinig ko ang kanyang pagsinghap ng hangin bago niya mahigpit na hinawakan ang kamay kong nasa kanyang pisngi, isinandal niya ang kanyang pisngi doon saka siya mariing pumikit.

"My Light," rinig kong bulong niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Bakit parang may kumukurot sa puso ko habang nakikita siyang umiiyak?

Dumilat siya at pilit na ngumiti sa akin.

"O-Or do you want to know what my job is? D-Diba kinukulit mo ako noon tungkol do'n?"

Inipit niya ang aking mga takas na buhok sa aking tenga bago siya muling nasalita. "I'm a psychiatrist..."

Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.

"I took that course several years ago because I almost got crazy when I lost you. Naagapan 'yon, pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na sisihin ang aking sarili sa pagkawala mo. That's why I decided to be a psychiatrist. Perhaps, if I'll be one, I'll be able to handle my problems, I'll be able to understand things, and I'll be able to get a grip of myself. I took that career because of my own issue, pero hindi ko inaasahan na gagamitin ko din sayo itong trabaho ko, na magiging psychiatrist mo rin ako."

I was just staring at him the whole time he was talking. Pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Tila naiintindihan ko na ang mga iyon. But still... I don't know what to react and even how to react.

Hinapit ako ni Dark papalapit sa kanya. Marahan niyang ipinatong ang ulo ko sa kanyang balikat.

"And as a psychiatrist of yours, in order for you to move forward, you must first accept the truth. For how will you be able to move forward if something keeps on pulling you back?"

Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo bago niya ako inalalayang tumayo.

"I... I need to show you something." Dark said with a little hesitance on his face, but later on it was replaced with determination.

And the next thing I knew, I'm already on his car while he's driving to somewhere. Unti-unti akong napahawak sa dibdib ko nang makaramdam ako ng mabilis na pagkabog ng kung ano sa loob no'n. May hindi ako magandang nararamdaman. Ano 'to?

Napapikit ako. I don't like this feeling. Parang unti-unting nawawala ang pagkamanhid ng katawan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil for the first time, I don't feel numb, o dapat ba akong matakot dahil mas maganda na ang walang maramdaman kaysa ang masaktan?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtigil ng aming sinasakyang kotse. Maingat akong binaba ni Dark. I'm not on my wheelchair today, kaya todo alalay siya sa akin sa paglalakad ko. Hindi kasi ako basta-basta naglalakad hangga't hindi ako pinapalakad.

Napatingin ako sa paligid. This place looks familiar. And I don't like here...

Huminto na kami ni Dark. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Nang tignan ko siya ay nakatitig siya sa isang bagay, wala sa sarili kong sinundan iyon ng tingin... Na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Nakita ko ang isang bagay na nagpahiling sa akin na maging manhid na lang habangbuhay.

Zarina Light Vergara's little angel

Nanginig ang labi ko...

My child's tomb...

B-But... M-My baby's still alive... M-My little angel's still alive...

"I-I know, it's hard to accept the truth. But it's harder if you'll be forever trapped in a lie. I know it's painful, but I'm here, we're here, we'll never leave your side, Light. You don't have to walk alone, we're here for you. Always. Forever."

For the first time in these past few days, my eyes became blurry due to my tears. I'm crying again... Because I'm feeling this deep pain again...

"A-Anak... Anak ko..."

Lumuhod ako at hinayaang isubsob ang sarili sa libingan ng anak ko, pilit ko iyong niyayakap. Humagulgol ako, sinigaw ng paulit-ulit ang katagang 'anak', na para bang pag ginawa ko iyon ay babalik siya, kahit alam ko naman nang hindi na. Hindi na siya babalik pa... Hindi na maibabalik ang anak ko.

But no... B-Baka may paraan pa.

Tumingala ako para tignan si Dark. His tightening jaw shows how much he is suppressing his tears from falling.

"D-Diba naibalik mo ako? K-Kaya mo rin bang ibalik ang anak ko?"

Napapikit siya sa sinabi ko at napatingala. He's breathing heavily, while I'm looking at him with full of hope.

"D-Diba makapangyarihan ka? K-Kaya kaya mo iyong gawin? D-Diba?"

"L-Light..." Tumingin siya sa akin at suminghap ng hangin. "I... I am no God. I-I can't do that... I'm so sorry."

Napaiyak akong muli sa sinabi niya. Bakit hindi niya kaya?! Ako nga naibalik niya, pero bakit iyong anak ko hindi?!

"Why can't you?! I-I want to be with my child, Dark. I-I want to be with my child. W-Wala na bang paraan para magkasama kami?" I asked him desperately.

And that question made me stop. Bumilis ang tibok ng puso ko. "There is," naibulong ko bigla sa hangin.

"Light," pagtawag sa akin ni Dark. May babala sa boses niya. Tila alam niya kung ano ang pumasok sa utak ko at hindi niya iyon nagustuhan.

Tumingin ako sa kanya. "I-If I were to be dead, w-will I see my baby?"

"Light!"

"I-I will, right?"

"Let's go home!"

Akmang lalapit siya sa akin kaya humigpit ang kapit ko sa libingan ng anak ko. Panic striked me.

"No! Don't take me away from my baby! Go away!"

Sinusubukan niyang hulihin ang braso ko pero marahan kong tinutulak ang kamay niya. Hanggang sa tumigil na siya, bumuntong hininga siya na tila ba wala na siyang magagawa sa gusto ko. Akala ko hahayaan niya na nga ako, pero ganoon na lamang ang takot ko nang maglabas siya ng isang injection.

Napatitig ako sa kanya ng puno ng takot. Umiling-iling ako sa kanya. Nakita ko namang napatiim bagang siya sa ekspresyon ko, pero tinuloy niya pa rin. Mabilis siyang lumapit sa akin at tinurok ang bagay na iyon.

Kumawala ang isang butil ng luha sa aking mata habang unti-unti na akong napapapikit. Pero naramdaman kong pinunasan niya ang luha ko saka siya nagpakawala ng mga salita bago ako tuluyang nawalan ng malay. "I'm sorry, Light..."

I woke up when I heard a noise. Pagmulat ko ay napagtanto kong nasa kwarto ko na ako. Pero wala doon ang atensyon ko, kundi nasa ingay na naririnig ko.

"Bakit mo siya dinala doon, Dark?!" That was my mother's voice. Dahan-dahan akong umupo sa kama, sumasakit ang ulo ko pero ininda ko iyon. "You're a psychiatrist! Alam mo kung ano ang magiging reaksyon niya kapag dinala mo siya doon pero ginawa mo pa rin!"

Natigilan ako sa sinabi ni mama. Galit na galit ang tinig nito. Hindi ko man sila nakikita dahil nakasara ang pinto ng kwarto ko, alam kong si Dark ang sinisigawan niya. Napapikit ako. Parang biglang may kamay na pumisil sa puso ko ng napakahigpit.

Dark is being scolded because of me.  Napahinga ako ng malalim. Am I ruining my own family?

Nang dumilat ako ay nakita ko ang salamin kung saan kitang-kita ang repleksyon ko. Wala sa sarili akong napatayo para lumapit sa salaming iyon. Kitang-kita ko ang mga mata kong walang kaemo-emosyon. Kitang-kita ko ang tila patay ko nang mga mata, ang mga mata kong tila kinuhanan ng buhay.

Hinawakan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. At dahil doon ay nakita ko ang isang singsing sa aking daliri– singsing na may bituin na disenyon. Isang tao ang awtomatikong sumulpot sa utak ko.

Mapait akong napangiti. Tama nga sila... Kaya tayo nasasaktan ay dahil ginagawa nating mundo ang dapat tao lang. Kaya sa huli, tayo ang dehado, tayo ang wasak.

Minahal kita, Tyler. Sobra-sobra pa sa buhay ko. Handa akong magpakatanga sayo. Handa akong ibaba ang dignidad ko para sayo. Handa akong gawin ang lahat para sayo.

Pero ngayong nawala na ang anak ko? Napalitan na ng poot ang lahat ng pagmamahal ko sayo.

Parang apoy ang galit ko, unti-unti iyong lumalaki, unti-unting tinutupok ang buong pagkatao ko. Hanggang sa nakita ko na lang sa salamin na ang kaninang walang kaemo-emosyon kong mata ay napalitan ng galit, poot, at hinanakit.

"N-No, Zafina, I-I love you..."

Tila mas lalo pang nag-alab ang damdamin ko nang marinig ko ang boses niya sa aking isipan.

No, Tyler. You don't love me... Because you don't destroy people you love.

I loved you. But I realized, love is not enough for a person to plead, especially when the person you are pleading to already made up their mind. Love is not enough for a person to fight, especially when there's already nothing to fight for. Love is not enough for a person to stay, especially when the person you want to stay with already left your side.

So Tyler, don't expect for me to plead more, don't expect for me to fight longer, and don't expect for me to stay further.

I had enough, enough tears, enough pain, enough suffering, and enough realization. Hindi nga enough sa totoo lang, dahil sobra-sobra pa ang natanggap ko.

At iyon ang nag-udyok sa akin... Nag-udyok para sabihin ang mga salita na kahit kailan ay hindi ko inakalang sasabihin ko.

Pinikit ko ang mga mata ko bago ko binulong sa hangin ang mga katagang iyon... Mga katagang alam kong babago sa takbo ng buhay ko.





"Ayoko na, Tyler... Suko na 'ko."



-

A/N: Brace yourselves everyone. Next chapter would be 3 years later.

继续阅读

You'll Also Like

1.4M 62.1K 57
Freyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die f...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
41.2K 352 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
10.8M 353K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook