I Know Places (COMPLETED)

By Ellisire

1.3K 93 19

You stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Alex's Letter

25

43 1 0
By Ellisire

Shin's POV

Wala pa kong isang oras na nakakatulog pero nagising na agad 'yong diwa ko dahil sa pakiramdam na may nakatingin sa akin. Hindi ko muna idinilat ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko.

"Bakit ba hindi na lang natin patayin 'yan? Isang putok lang ng baril dyan oh." Narinig kong sabi ng isang lalaki na nanggaling sa likod ko.

"Gago ka ba? Kapag napatay natin 'yan tingin mo ligtas na kaagad buhay natin?" Rinig ko namang sagot ng isa pang lalaki.

"Eh madali nang patayin 'yong mga 'yon. Itong isang 'to masamang damo eh." Sagot ng isa pa at nakaramdam ako ng baril na nakatutok sa akin.

"Oh sige patayin mo na nang mapatay ka rin ni boss pagbalik mo sa Hide Out."

Hide Out?

"Asan ba cellphone nito nang malagyan na ng tracker?"

"Nalagyan mo na ba ng tracker 'yong sasakyan nito? Pati ng mga mic yung palibot ng unit?"

"Oo. Saglit lang hahanapin ko 'yong cellphone tapos sibat na tayo."

"Tara na." Sabi ulit nung isang boses pagkatapos ng katahimikan.

"Ba't ang tagal mo?! Pawis na pawis na ko ron at baka biglang magising 'yon tapos ikaw pa petiks-petiks ka na lang? Bilisan mo ngang bumaba!" Sabi nito at nawala na yung presensya nila sa paligid ko kaya agad kong idinilat ang mata ko.

Agad akong nagpunta sa balcony at nakita ko silang bumababa mula rito. Nagpalit lang ako ng damit at sinundan ko na sila palabas.

Matapos ang ilang minutong pagsunod sa kanila ay nakarating kami sa isang pamilyar na bahay.

Nakita kong maraming tao ang nakapalibot sa bahay at lahat sila may armas. This is not fucking good.

"Ano? Handa na ba kayo? Asintado na ba ni Snipe yung target?" Tanong nung lalaking nasa kwarto ko kanina at tumango naman ang isang lalaki at may tinignan sa isang puno.

Tinignan ko yung punong tinignan nito at nakakita ako ng sniper. Agad akong nanakbo papunta sa punong 'yon at dahan dahang inakyat ang puno at mabilis na pinatulog ang sniper.

I have to be the most quiet and careful as I can, one wrong move and this can all go down to hell.

Pinagmasdan ko ang bahay at nakitang may limang katao lang sa likod. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng bahay at agad na pumasok sa isang bintanang bukas bago pa sila lumingon sa gawi ko.

Sa isang bakanteng kwarto ako nakapasok at nakita ko namang walang tao kaya agad akong lumapit sa telepono dito at dinial ang number ng taong makakatulong sa amin ngayon.

"Auxilium." Sabi ko nang hindi na pinagsasalita ang sumagot at ibinaba na ang tawag. Lumabas na ako sa kwartong pinasukan ko at tumambad sakin ang sandamakmak na armadong lalaki.

Asan si kuya Jin? Imposibleng hindi niya ramdam 'tong mga 'to.

Isa-isa kong pinatumba ang mga lalaking umaatake sakin at sa lahat ng makakaya ko, hindi ako gumawa ng ingay. Ayaw ko ng magtawag pa ng bisita sa loob ng bahay.

Nang maubos ko sila ay agad akong nanakbo papunta sa kwarto ni kuya at nakita ko siyang himbing na himbing ang tulog. Anong nangyari sa kanya? May mali rito eh. Napakunot naman ang noo ko nung makakita ako ng mga bote ng alak sa kwarto niya.

"Kuya." Mahina kong paggising sa kanya.

"Kuya, tang ina gumising ka. Kaunti na lang oras natin." Sabi ko sabay sipa nang malakas sa paa ng kama niya dahilan para masira 'to at magising siya.

"Bumangon ka dyan. Ang dami mong bisita sa labas." Malamig kong sabi sa kanya.

"Bisita? Bakit hindi ko man lang sila naramdaman?" Tanong niya at napatingin naman ako sa kanya. I made sure that disappointment was written all over my face.

"Kaya ako nandito. Para tulungan kang asikasuhin ang mga bisita mo." Sabi ko habang sumisilip sa bintana niya at wala pa ring alam yung mga tao sa labas na tumba na halos lahat ng tao nila rito sa loob.

"Natawagan ko na sila Blake, puntahan mo na kaagad si Hiro tapos umalis na kayo. Ako na bahala rito." Sabi ko sa kanya pero hindi siya kumilos at nakatingin lang siya sa kawalan.

"Ngayon na." Madiin kong sabi sa kanya at tumango naman siya sa akin.

Lumabas na ako at agad kong sinalubong ang reaper at agad siyang sinipa sa panga upang matulog.

"Ba't mo pinatulog? Pano kapag nakaramdam yang mga yan?" Takang tanong ni kuya na ngayon ay nasa likod ko pa pala.

"Gusto mo pati ikaw patulugin ko?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Edi sana hindi mo na lang ako ginising." Sabi naman niya at sinapak ko siya sa mukha.

"Nababadtrip na ako sa 'yo. Get your shit together." Mariin kong sabi sa kanya at ako na ang nagpunta sa kwarto ni Hiro dahil mukha pa siyang wala sa wisyo.

Pero hindi pa ko tuluyang nakakalayo sa kwarto ni kuya ay may nakasalubong kaagad ako kaya agad ko itong sinipa sa panga para mawalan ito ng malay.

Ako kailangan ko ng tulog bakit hindi niyo ko mapatulog?

Nanakbo na ako papunta sa kwarto ni Hiro at pagbukas ko ng pinto ay napapalibutan si Hiro sa crib niya ng mga armadong lalaki.

"Oh. I see that the Leader is here." Natatawang sabi ng lalaki na nasa pinakaunahan.

"Leave the kid alone." Malamig kong sabi rito.

"Why? Can't you see? Kapag binuhay pa namin 'to hahaba pa ang angkan niyo. Dadami pa kayo. At possibleng siya pa ang sumunod na mafia leader."

"Ba't mo ba pinoproblema yon e patay ka na bago mangyari yun?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Sinong papatay sa akin? Ikaw?" Sabi niya at tumawa nang malakas kaya nagulantang si Hiro at nag-iiiyak.

"Leave the fucking baby alone." Mariin kong sabi dahil aminado akong nakakaramdam ako ng matinding takot para kay Hiro. Sino ba namang hindi? Hiro's innocent soul shouldn't be dragged with this mess.

"Pano kung ayoko?" Tanong niya at tinutukan ng baril si Hiro at nag-igting ang panga ko.

"Subukan mong hawakan 'yang batang 'yan at sinasabi ko sa 'yo ako mismo ang magbabaon sa'yo ng buhay sa kinakatayuan mo ngayon." Sabi ko at ikinasa naman niya ang baril.

Mabilis kong ibinuhos sa kanya ang milk formula ni Hiro at nang wala silang makita ay hinablot ko kaagad ang baril niya at binuhat si Hiro.

Isa-isa kong sinipa ang mga alagad niya palabas ng kwarto at nginisian niya ako.

"You know, it's not really nice to see you. Inaakala kong si Jin ang mahahakarap ko." Natatawa niyang sabi at natawa rin naman ako.

"I'm not really pleased to see you too." Sabi ko sa kanya.

"Let me have the baby and then I'll go." Sabi nito at natigilan ako.

"Leave my fucking baby alone." Sabi ni kuya Jin mula sa likod ko.

"I'm not making a deal with you. Si Sid na ang nakausap ko. At 'wag na 'wag kang magkakamaling lumapit sa 'kin at baka biglang sumabog ang utak nitong anak mo." Sabi niya at nagtutok ng baril sa aming dalawa ni Hiro.

"Deal." Mahina kong sabi at napatingin silang dalawa sa akin.

"Shin!" Hindi makapaniwalang sigaw sakin ni kuya.

"You'll leave us alone?" Tanong ko sa kanya at lumawak ang ngiti niya.

"Yes, ma'am." Nakangiti niyang sagot at lumapit naman ako sa kanya upang makipag shake hands.

"Wag kang lalapit sakin." Nagbabanta niyang sabi at tinawanan ko siya.

"Come on, we need to close our deal with formality." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at nung mahawakan ko nang maigi yung kamay niya ay agad ko siyang ibinalibag at kinuha mula sa kanya ang baril na hawak niya at binaril ko ang balikat niya.

"Kunin mo na si Hiro. Ako na bahala dito." Sabi ko kay kuya at tinignan niya muna ako nang masama bago huminga nang malalim.

"I think my baby is safer with you. Dalhin mo na siya sa bahay natin. Andito na sila Jonas. We'll talk later." Sabi niya habang lumalapit sa amin.

"You sure you don't need my help?" Tanong ko sa kanya.

"We can manage. Just please keep my baby safe." Sabi niya at tumango ako.

"Wait." Sabi ko nung napatingin ako kay Hiro.

"Bakit? May sugat ba baby ko?! May bangas ba?! Pasa?! May namamaga?! May dumudugo?! Ano?!" Nagpapanic niyang tanong sa akin at umiling lang ako sa kanya.

"Hindi yun."

"Eh ano?"

"Puro gatas na mukha niya." Sabi ko at napatawa siya. Binigyan ako ni kuya ng bimpo at may bag na isinukbit sa akin.

"Keep safe." Sabi nito sabay halik sa ulo ni Hiro na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Don't cry na, pangit. Andito na si tita." Bulong ko rito at lumabas na kami ng kwarto niya.

"Yo! Shin! Pabato nung vase!" Sigaw sakin ni kuya Trace mula sa baba at agad ko namang binato sa kanya yung vase sa tabi ko at hinampas niya yon sa ulo ng taong pinakamalapit sa kanya.

"Auxilium Datum." Sabi ni Blake mula sa likod ko at ngumiti naman ako.

"Fighting mga Oppa! Intayin namin kayo ni Hiro sa bahay!" Sigaw ko at nanakbo na palabas ng bahay ni kuya Jin at sumakay sa isang sasakyan na naghihintay samin ni Hiro.

"Okay lang ba kayo, Shin? Ang nanay Corazon niyo alalang alala na sa inyong magkakapatid." Sabi sa akin ng asawa ni nanay Corazon.

"Okay lang po ako pati si Hiro. Sigurado rin naman po ako na okay lang din sila kuya." Sagot ko at pinaandar na niya ang sasakyan.

"Shhh. Tama na iyak please? Andito na si tita mong dyosa." Sabi ko at niyakap si Hiro dahilan para humina nang humina ang pag-iyak niya hanggang sa tuluyan na itong mawala at makatulog na naman siya.

Ayokong maranasan ni Hiro ang mga naranasan naming magkakapatid nung bata pa kami. Ayokong makaramdam siya ng takot dahil pakiramdam niya walang poprotekta sa kanya. Ayokong umiyak siya habang nagtatago sa isang sulok na himihingi ng tulong. Ayokong maramdaman niya na parang walang nag-aalala sa kanya.

Kung meron man akong isang bagay na ipapangako kay Hiro, 'yon ang kaligtasan niya. I'll be glad to die if by all means he will live.

"Jusmiyo marimar!" Sigaw ni nanay Corazon nung nakita niya kami.

"Ano ayos lang ba kayo? Ang mga kuya mo asan? Wala ka man lang bang sugat? Halika't gagamutin ni nanay." Nag-aalalang sabi ni nanay sa 'kin at ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang kami, Nay. Ikaw naman masyado kang nag-aalala." Mahina kong sabi sa kanya.

"Kawawa naman itong bunso ko. Nako kung ako sa inyo ay matagal na akong pagod sa buhay ko." Sabi niya habang pinupunasan ako ng pawis.

Hindi ko kasi maibaba si Hiro at baka mag-iiiyak na naman. Ayoko ng dumagdag ang ingay. Masyado nang maingay sa loob ng utak ko.

"Pagod ka na ba? Magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito." Sabi ni nanay habang kinukuha si Hiro sa 'kin pero agad siyang umiyak.

"Kaya ko pa, Nay. Ikaw po ang matulog na. Ako na po ang bahala kay Hiro." Nanlulumo kong sabi at nag-alinlangan naman siya.

"Sigurado ka ba?"

"Opo. Aakyat na kami. Papatulugin ko na po 'to." Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko. Inihiga ko si Shine sa gitna ng kama ko at pinalibutan ko siya ng mga unan ko para hindi siya gumulong at malaglag.

Magpapalit lang sana ako ng damit nang bigla na lang siyang umatungal na g umatungal at kahit anong gawin kong hawak sa kanya ay hindi na siya tumatahan.

"Nagugutom ka ba? Wala akong gatas sa boobs ko. Di naman ako yung nagbuntis para sa'yo. Pano ka makakakain?" Tanong ko sa kanya at sana lang talaga sumagot siya.

Agad kong naalala ang bag na ibinigay sa akin ni kuya Jin at don ko nga nakita ang formula ni Hiro.

"Eto na, prinsipe." Sabi ko habang umuupo sa tabi niya at isinubo sa kanya yung dede niya at natahimik naman siya.

Wala pang sampung minuto ay naubos na niyanyung dede niya at napatawa ako.

"Mana sa tatay." Sabi ko ng nakangisi sa kanya. "Matulog ka na. Patulugin mo na rin ako. Please lang." Sabi ko dito pero umiyak na naman ito.

"Lord ayaw ko na po." Sabi ko habang binubuhat siya at kinarga.

Naglakad ako papunta sa kwarto niya at ibinaba siya sa crib niya pero ganon pa rin, umiiyak pa rin siya.

I played with his toys pero umiiyak pa rin.

Binasahan ko siya ng madaming libro pero iyak pa rin siya nang iyak.

"Ano bang hindi ko nagagawa? Napakain na kita, ano pa bang kulang? Anong hindi ko nagawa?" Tanong ko kay Hiro habang naluluha out of frustration.

Pagod na pagod na 'ko. Tapos hindi pa ako makatulog. Tapos buhat ko pa siya. Tapos umiiyak pa rin siya? Dapat ako na ang umiiyak sa aming dalawa ngayon eh!

"Dighay. Di mo pa siya napapadighay." Sabi ni nanay Corazon mula sa likod ko.

"Ako na ang bahala rito. Matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas." Sabi niya sa 'kin habang kinukuha si Hiro.

"Eh pano ka, Nay?" Tanong ko sa kanya.

"Nako. Kahit anong oras naman ako matulog dito sa bahay na 'to ay ayos lang. Eh ikaw? Papasok ka pa. Tapos may training ka pa sa gabi. Tas pag-uwi mo malay mo may mga assignment ka pa. Kaya ako na, hane? Matulog ka na, anak." Sabi ni Nanay at tumango naman ako sa kanya.

"Maraming salamat po." Sabi ko at lumabas na ng kwarto ni Hiro upang matulog sa kwarto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
255K 7K 103
So Hard... So hard to get her.. How to get her? I don't know.. Who is she?... Why so mysterious?... Why so many sacrifices?.. I'm hard to get too! Bu...
11.4K 357 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
94.3K 3.1K 176
Paano kung ang isang gangster ay magka gusto sa kalaban nyang gangster?? Ano pag ibig na walang kasiguraduhan o ang gangster world??? Na syang queen ...