My Crazy Girl

Por coffeeCHELLY

58.1K 1.1K 298

STATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino... Más

My Crazy Girl
MCG-1 Baliw
MCG-2 Mr. Stranger
MCG-3 Deal
MCG-4 Gossip
MCG-5 Date
MCG-6 Revenge
MCG-7 Wish granted
MCG-8 Friends
MCG-9 Users
MCG-10 Bestfriend
MCG-11 Puppy Love
MCG-12 Magandang Pulubi
MCG-13 Boyfriend
MCG-14 Knowing him
MCG-15 Ashley
MCG-16 Party
MCG-17 Alaala
MCG-18 The Psychiatrist
MCG-19 I love her
MCG-20 Court her
MCG-21 Awkward
MCG-22 Dream or nightmare
MGC-23 Not okay
MCG-24 Nawawala
MCG-25 She's back
MCG-26 Back to normal
MCG-27 Who is he?
MCG-29 Confession
MCG-30 Awkward again.
MCG-31 Trauma
MCG-32 Ngiti
MCG-33 Pareho
MCG-34 A or C
MCG-35 Miss
MCG-36 meet the TBG with a kiss
MCG-37 Gift
MCG-38 Sleepless nights
MCG-39 Hallucination
MCG-40 Real illusion
MCG-41 Broken
MCG-42 Bestfriendzone
MCG-43 Nakaraan.
MCG-44 May mali
MCG-45 Song of his heart
MCG-46 Theme park
MCG-47 Friend
MCG-48 Selos
MCG-49 Sorry
MCG-50 Her fault
MGC-51 That day
MCG-52 Breakdown
MCG-53 Mahal kita.
MCG-54 May iba na
MCG-55 Giving up
MCG-56 Reminisce
MCG-57 Let go
MCG-58 Lobo at teddy bear
MCG-59 Thank you
MCG-60 Bye
Epilogue

MCG-28 Kuya

767 17 0
Por coffeeCHELLY

"Go E.A!" masiglang sigaw ko habang pinapanood si E.A at Andrei na naglalaro. Five minutes na din ang lumipas.

"Bakit gano'n?" takang tanong ni Andrea kaya napalingon ako sa kanya.

"Wow! 4-0 na, bokya pa rin ang bro mo Andrea. Mukhang ako mananalo." pang-aasar ni Jasper. Nagawa pa kasi nilang magpustahan bago ang simula ang laro. Tumingin ako sa paligid at nagsisimula na ring dumami ang nanonood na estudyante.

"Hoy, Bro! galingan mo naman! Nakasalalay sa'yo ang sampung libo ko!" sigaw ni Andrea. Nakita kong napailing si Andrei kaya natawa ako.

"I thought you're good at this? I think it gabriel made a wrong desicion to take you as a member of the basketball team." mapang-asar na sabi ni Edgar habang dinidribble ang bola kaya kita kong napasimangot si Andrei. Kahit kailan talaga ang yabang ni E.A.

"Go Andrei!" sigaw ko, napatingin si Andrei sa akin kaya ngumiti ako, at ngumiti din siya.

"Shut up and play." sabi Andrei. Nagulat ako dahil sa isang iglap lang ay naagaw niya kay E.A ang bola. Mabilis na tumakbo si Andrei at nagshoot!

Napapalakpak ako. Nakikita ko silang nag-uusap pero hindi ko marinig ang sinasabi nila habang nagdidribble si E.A at muli ay naagaw ni Andrei ang bola. Muli akong napasigaw nang muling mai-shoot niya ang bola. Mabilis siyang lumingon sa akin kaya nagthumbs up ako.

"Go, E.A!" sigaw ko para naman suportahan siya. Pansin ko namang napatingin ang ibang estudyante sa akin pati si Andrea.

Napalingon ulit ako sa court ng mapasigaw ang ibang nanonood. Nakita ko na lang si E.A na nakalambitin sa ring.

"Rixie, may favor ako sa'yo." sabi ni Andrea kaya bumaling rito.

"Ano yun?" tanong ko.

"Si Bro lang ang icheer mo, tapos request ka ng three point shot." nakangiting sabi ni Andrea. "Sige na? Dali treat kita ng isang buong cake! Chocolate flavor." sabi niya kaya mabilis akong napatango.

"two minutes left!" sigaw ni Gabriel at saka hinipan ang pito.

"Go Andrei! Magthree point shot ka!" sigaw ko "Kaya mo yan!" pahabol ko pa.

"Hoy Rixie, Bakit siya kinakampihan mo!?" reklamo ni E.A pero nginitian ko lang siya. Itinuon na lang ulit niya kay Andrei.

Binagalan ni Andrei ang pagdi-dribble ng bola at saka sinubukang lagpasan ang pagharang ni E.A ngunit bigo siya at muntik nang maagaw ang bola, pero agad itong naagapan ni Andrei.

"one minute!" sigaw ni Gabriel.

Lalo naging mahigpit ang pagbabantay ni E.A kay Andrei dahil ilang beses itong muntik makalagpas sa kanyang depensa. Lalong naging alerto si E.A pero biglang bumagal ang kilos ni Andrei at lumayo, itinaas ang mga kamay.

Ang akala ko noong una ay fake dahil masyadong malayo ang pwesto ni Andrei pero tinira pa rin niya ang bola.

Pumito na si Gabriel senyales na tapos na ang oras. Halos walang maririnig na ingay sa paligid tahimik ang lahat, may mga namangha at nagulat. Tahimik lang si Andrei at E.A habang habol-habol ang kanilang hininga.

"Ang galing ng Bro ko!" masayang sigaw ni Andrea at tumingin kay Rixie. "Ikaw ang lucky charm! Tara!" sabi niya at hinila ako papunta kila Andrei.

"I can't believe it. I lost." hingal na sabi ni E.A at saka ngumiti. " Underestimating you was not a good idea." sabi niya.

"E.A, hindi ka na pala magaling maglaro, e" napalingon siya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinuli ako. Napasinghap ako pati na ang mga tao sa paligid ng bigla akong buhatin ni E.A na parang sako.

"I'm one of the best! Remember that R.F." sabi niya at saka umikot.

"Nahihilo ako!" reklamo ko, at hinampas siya. Ramdam ko ang paglipat ng dugo ko sa ulo ko.

"Edgar, tigilan mo nga yan. Namumula na si Rixie." saway ni Gabriel kaya ibinaba ako ni E.A.

"Ahm... What's wrong?" tanong niya ng mapansin ang kakaibang tingin ng mga tao sa kanila.

"Tss!" naglakad palayo si Andrei pero pinigilan ito ni E.A.

"Andrei, about our deal." sabi niya kaya napakunot-noo ako. Huminto si Andrei at humarap sa amin. Nagtaka ako kasi parang may mali sa kanya.

"I don't give a sh*t about your deal." malamig na sabi ni Andrei.

"Anong deal?" tanong ko, mabilis na gumuhit sa mukha ni E.A ang pagkataranta kaya bumaling ako kay Andrei.

"He offered me a deal na kapag nanalo siya kailangan layuan kita pero kapag nanalo ko. Hahayaan niya kong makalapit sa'yo." sabi ni Andrei. Gulat na gulat akong napaharap kay E.A at ang unang pumasok sa isip ko ay ang sampalin siya.

Muling napasighap sa gulat ang mga nasa paligid. Samantalang nagbabadya na ang luha ko.

"A-ang sama mo!" sigaw ko at akmang sasampalin ulit siya pero hinuli niya ang kamay ko.

"Hey, Masakit! Don't cry..." niyakap niya ako. "That's just a joke." paliwanag niya pero pinaghahampas ko siya sa dibdib.

"Joke? Hindi nakakatuwa! Sira ulo! Bwisit! Gago!" inis na sabi ko.

"Wow! that's new? Nagcuss ka." sabi ni Kyunie. Kumalas ako kay E.A at pinaghahampas pa rin siya. Isusumbong ko siya kay Lolo at pababalikin ng Canada!

"Hala ka! Edgar ginalit mo." pang-aasar ni Gabriel kay E.A kaya tiningnan ko siya ng masama. Alam kong kasabwat siya.

"Sir, Bakit ba kasi gusto mong palayuin si Andrei kay Rixie?" tanong ni Jj, Pansin kong nakatingin lang sa akin si Andrei kaya medyo napalayo ako kay E.A.

"Gusto daw niya kasing gawin ang resposibilidad niya." natatawang sabi ni Gabriel kaya napatingin ako kay E.A. na hinihimas ang pisngi na namumula.

"Responsibilidad? Wait? Ano bang meron sa inyong dalawa?" tanong ni Andrea, dahilan para mapangisi si E.A.

"I guess nalilito kayo? Then let me introduce myself PROPERLY. I'm Edgar Allen ARZON. Rixie Flaire's older brother." nakangiting sabi niya. Saglit kaming binalot ng katahimikan.

"Arzon?" gulat na sabi ni Andrei.

"Older brother?" Tanong ni Jasper.

"Akala ko Allen ang apelido mo Sir." sabi naman ni Andrea.

"Kuya!?" Naging bayolente rin ang ibang reaksyon ng ibang estudyante.

"Yup! The one and only at gwapong handsome." nakangising sabi niya. "So would you mind to eat with us? I'm starving to death and I think namamaga ang mukha ko?" pang-aaya niya.

"Hindi naman maga." sabi ni Kyunie.

"Pero bakat ang kamay ni Rixie." natatawang sabi ni Jj. Tumingin si E.A sa akin. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"What? You deserve it! Isusumbong kita kay lolo." sabi ko at naglakad palabas.

"Flaire. I don't know na may pagkamataray ka pala?" napatingin ako kay Andrei, Ewan ko ba pero base sa itsura niya ay parang manghang-mangha siya. Huminto ako.

"Naiinis lang kasi ko kay E.A. I thought na gusto niya talagang lumayo kayo." sabi ko. Iniisip ko palang na iiwasan nila ako parang ang lungkot na.

"Kahit naman manalo siya. Hindi kita lalayuan." nakangiting sabi ni Andrei. Ito na naman ang tibok ng puso ko.

"Talaga?" tanong ko. Tumango siya.

"Rixie, I'm sorry na." napalingon kami kay E.A. na papalapit sa amin.

"Bakit kasi ginawa mo yun?"ctanong ko. Hindi naman kasi nakakatuwa.

"Wala lang, just to know them better. Ang sabi kasi ni Gabriel sa akin sila ang kasama mo lagi so I got curious." paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Magsorry ka kay Andrei." sabi ko. Dahil sa kalokohan nila pati si Andrei damay.

"Why?" tanong niya. Tiningnan ko ng masama. "Fine! I'm sorry, Andrei." sabi niya.

After that ay dinala kami ni E.A sa isang restaurant, libre niya. Doon sila nagsimulang magtanong ng kung anu-ano.

"So bakit hindi kuya ang tawag mo kay sir?" tanong ni Andrea

"Noong nasa grades school pa lang kami. We used to call each other sa intials. E.A kasi edgar allen. Ako si R.F. si Ashley naman A.E. Ashley Elaine." paliwanag ko, saka kumain.

Habang kumakain ay nagkakatuwaan kami lalo na noong dumating si Devy at L. Napagkamalan kasing katulong ni E.A si Devy.

"Flaire try this one." napalingon ako kay Andrei, inabot niya sa akin ang isang dish na e-ehem, Magulay.

"Andrei, hindi ako kumakain ng gulay." sabi ko. Pero nilagyan niya pa rin ang pinggan ko.

"Try it. Saka kailangan mong kumain ng gulay." sabi niya. At first nagdalawang isip pa talaga ako, pero napansin kong naghihintay siya kaya kinain ko na. Okay naman pala. Actually masarap siya.

Nagulat naman ako ng biglang may sumalat sa noo ko.

"May sakit ka ba?" tanong ni E.A umiling ako.

"Kailan ka pa natutong kumain ng gulay?" tanong ni Gabriel.

"Ngayon lang." sagot ko, nagkatinginan silang dalawa at nang tanungin ko sila ay iling lang isinagot nila.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa B.U, nalate pa kami sa klase namin pero pinagpaalam kami ni E.A kaya hindi kami napagalitam.

Pagdating naman ng uwian ay sumabay na ko kay E.A. Dahil doon na ulit siya nakatira sa bahay. Hindi na siya babalik sa Canada dahil tapos na ang kontrata nila ni Lolo.

"E.A, Bakit nga pala pumasok ka pang prof sa B.U?" tanong ko habang papasok kami ng bahay. Nakakapagtaka naman kasi di ba? COO siya ng kumpanya namin tapos pumasok siyang prof.

"Gusto lang kitang isurprise. Matagal din tayong hindi nakapag-usap kaya namiss ko ang baby sis ko." sabi niya at saka ginulo ang buhok ko. Nagstay muna kami sa sala.

"E.A naman eh! Di na ko baby!" reklamo ko. "Pero namiss mo talaga ako?" tanong ko, tumango siya.

"Oo naman, wala na kasi akong binubwisit saka tatlong taon kitang hindi nakausap. Walang communication tapos naging busy din ako sa pag-aaral at work dun." sabi niya.

Limang taon siyang nagstay sa Canada. Hindi niya ko nakakausap kasi lagi akong nakakulong sa kwarto ko, hindi niya siguro ako matyiempuhan.

"Gano'n ba? Tapos limang taon ka ding hindi nakauwi." sabi ko, bigla namang kumunot noo niya.

"Five? No, One time umuwi ako. Tumagal ako ng one month dito. Hindi mo ba naaalala?" tanong niya, this time ako naman ang napakunot-noo. Umuwi siya? Kailan?

"Kailan? Wala akong maalala?" sabi ko. Lalong bumakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Mahigit two and a half years ago. Actually kami ang kasabay mo noong first attempt nila na dalhin ka sa Canada, kaya lang hindi natuloy kasi bigla kang nawala sa airport." sabi nya. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. "Hey, are you okay?" tanong niya. Napailing na lang ako. Bakit hindi ko matandaan? "Ano masakit sa'yo?" tanong niya.

"May problema ba?" napalingon kami kay Dad na mukhang kararating lang.

"Wala po, masakit lang ulo ko." sabi ko, lumapit siya sa akin para i-check ako.

"Magpahinga ka na sa kwarto mo, baka napagod ka lang." sabi ni Dad. Tumayo na ko, pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pero bago ko maka-akyat ay narinig kong nag-uusap si Dad at E.A.

"Dad, bakit gano'n? She can't remember that time na umuwi kami noong may nangyaring masama sa kanya?" tanong ni E.A.

"She can't? I guess ito ang sinasabi ng psychiatrist, may events siyang nakalimutan dahil sa gamot na iniinom niya noon." sabi ni Dad. Gamot? Ibig sabihin umepekto pala yun?

"Then bakit ang nangyari sa kanya hindi niya nakalimutan? Have you talk to her about that?" tanong ni E.A. Umiling si Dad.

"Hindi pa, hindi namin alam kung paano siya ia-approach. We're afraid na hindi pa rin niya tanggap na wala na si Calix." sabi ni Dad. Nabitawan ko ang hawak kong baso dahil sa sinabi ni Dad, agad silang napalingon sa kinatatayuan ko. Gulat ang agad na nakita ko sa mga mata nila. "R-rixie... kanina ka pa diyan?" tanong ni Dad. Hindi ako sumagot at nagmamadaling umakyat sa hagdan. Hindi pa patay si Calix. Babalik pa siya!

Edgar's Pov

"Rixie!"

I called her but she didn't stop. Tumakbo ako at pinigilan siya, I hug her immediately when I noticed that she's crying. "Hush... Don't cry." I said but she didn't stop, lalo pa siyang umiyak.

"E.A, h-hindi pa naman p-patay si Calix. B-abalik pa siya! Ang sabi niya hindi niya ko iiwan." she said while crying, I don't know what to say. Bakit ba kasi hindi pa rin siya makamove on?

"Rixie, you should take a rest." sabi ko at hinatid siya sa kwarto niya. I'm in shock when I saw her almost empty room. "Tumahan ka na. Rixie... Kailan ka ba magmomove-on?" tanong ko saka pinunasan ang luha niya. Hindi siya sumagot at saka pumunta sa kama niya. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas. Nagpaalam ako sa kanya pero hindi siya sumagot kaya sinarado ko na lang ang pinto. Almost three years na ang nakalipas pero she haven't move on. I want to help her but I don't know how.


Seguir leyendo

También te gustarán

98.2K 2.5K 33
Palagi siyang na bubully sa school, pinapagalitan sa bahay at sinasaktan ng lahat. Nagsimula sa bahay na sinasaktan, sa school na binubully at nag ta...
2K 75 33
Walang bata o matanda sa pag-ibig.
15.1K 679 65
Series no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even v...
104K 1.7K 52
Book 2 of Demon Girls Published: August 25, 2016 Completed: September 1, 2017 PUBLISHED UNDER DREAME