POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar

By CeCeLib

51.7M 1M 252K

She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of d... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
EPILOGUE

CHAPTER 2

1.6M 37.5K 7.9K
By CeCeLib

CHAPTER 2

ITINULAK ni Hunt pabukas ang pinto ng kuwarto at natigilan ng makitang malinis at maayos ang loob niyon. He couldn't help but smile. So, she did know how to clean a roam. At mukhang wala naman itong nabasag na gamit sa kuwarto niya.

Napatango-tango siya saka hinubad ang coat na suot at dumeretso na sa banyo.

He couldn't stop smiling as his eyes roamed around his tidy bathroom. Everything was in the right place and every corner was clean and neat.

"Good job," bulong niya saka nangingiting nag-shower.

Matapos maligo at makapagbihis, lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang naglinis sa kuwarto niya. Pero nakakailang ikot na siya sa mansiyon, hindi pa rin niya makita ang babae. Kaya naman si Manang Flor nalang ang hinanap niya na natagpuan niyang naghahain sa hapag-kainan.

"Sandali nalang po, señorito," ani Manang Flor ng makita siya. "Tatawagin nalang ho kita kapag naihanda ko na ang hapunan niyo."

Tumango siya saka pasimepleng nagtanong. "Nasaan si Tessa? Mukhang maayos naman ang pagkakalinis niya sa kuwarto ko. Wala namang nabasag."

"Good news po 'yan, señorito," nasisiyahang sagot ni Manang Flor saka nagpatuloy sa paghahain sa lamesa. "Siya nga ho pala, nandoon si Tessa ngayon sa farm. Kanina ko pa nga hinihintay ang batang 'yon pero hindi pa rin bumabalik."

Kumunot ang nuo niya. "Farm?"

Tumango si Manang Flor. "Sa strawberry farm po. Pinakuha ko ng isang basket ng strawberry."

Hindi nawala ang pagkakakunot ng nuo niya. "May kasama ba siya? Alam ba niya ang daan papunta at pabalik? Baka mawala 'yon. Bago pa naman siya rito sa bayan."

"Huwag kang mag-alala, señorito, maya-maya lang, nandito na 'yon."

Bumaba ang tingin niya sa relong pambisig. Six-thirty P.M. na. Alas-sais ang last trip ng jeep na dumadaan sa farm niya at mga thirty-five to forty minutes naman ang biyahe.

Hmm...siguro nga darating na 'yon maya-maya lang.

Huminga siya ng malalim saka nagtungo sa sala. Pinalipas niya ang oras sa panunuod ng documentary hanggang sa marinig niya ang boses ni Manang Flor.

"Señorito," tawag ng mayordoma sa atensiyon niya. "Kain ka na ho."

Pinatay niya ang T.V. saka naglakad patungo sa dining table saka umupo para kumain.

"Kumain na ba kayo, Manang Flor?" Tanong niya habang naglalagay ng kanin sa pinggan.

"Mamaya na ho, señorito," nakangiting tugon ni Manang Flor na sinasalinan siya ng tubig sa baso.

Tumango siya saka nag-umpisa nang kumain. Paminsan-minsan ay bumababa ang tingin niya sa suot na relong pambisig. At habang lumilipas ang bawat minuto, mas hindi siya mapakali.

Ano ba'ng nangyayari sakin?

Marahas siyang napailing saka mabilis na tinapos ang pagkain.

Akmang lalabas na siya ng bahay ng makasalubong niya si Manang Flor.

"Tapos na ho ba kayong kumain, señorito--"

"Magpapahangin lang ako sa labas," aniya saka malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.

Nang hindi makontento, lumabas siya ng gate at tumingin sa daan. May mga dumadaang mga sasakyan pero wala namang tumitigil sa bahay niya.

And for some unknown reason, it worried him. He argued with himself that he shouldn't worry like this, but he couldn't help to be anxious.

Damn it!

Sa hindi niya malamang kadahilanan, pinag-aalala siya ng babaeng 'yon.

Nasaan na ba ang babaeng 'yon?

Tiningnan niya ulit ang relong pambisig.

It was already seven-fifty.

He blew out a loud breath. Why was that woman making him worry like this?

Napailing siya saka malalaki ang hakbang na bumalik sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa kuwarto para kunin ang coat at susi ng kotse niya saka nagmamadaling bumaba at lumabas ulit ng bahay.

Nang makasakay sa kotse niya, binuhay niya ang makina ng sasakyan at kaagad siyang lumabas ng gate. Nagtungo siya sa paradahan ng jeep na dumadaan sa farm niya.

Itinigil niya ang kotse sa gilid ng terminal saka lumabas ng sasakyan. Akmang magtatanong-tanong siya sa mga driver ng jeep ng makasalubong niya si Mang Jose, ang asawa ng mayordoma niya.

"Sir Hunt, magandang gabi ho," nakangiting bati nito sa kaniya.

Nginitian niya si Mang Jose. "Magandang gabi din ho. Ahm, alam niyo ba kung sino ang driver ng huling bumiyaheng jeep na dumaan sa farm ko?" Tanong niya.

"Ako ho," mabilis nitong sagot. "Bakit ho, Sir Hunt?"

Namulsa siya. "May sumakay bang pasahero mula sa farm ko? Babae siya. May dalang isang basket ng strawberry. Medyo may kahabaan ang buhok. Maputi. At saka..." Tumikhim siya. "Maganda."

Umiling kaagad ang kausap. "Wala ho, sir Hunt. Walang sumakay sakin na galing sa farm niyo."

Bahagyang bumagsak ang balikat niya. "Ganoon ba..."

"Oho, pero magtatanong-tanong ako sa ibang mga driver kung gusto niyo."

"Sige ho." Ngumiti siya. "Tapos pakitawagan nalang si Manang Flor kung may nalaman kayo."

"Sige, sir Hunt."

Tumango siya saka malalaki ang hakbang na bumalik sa kotse niya at sumakay saka pinausad iyon palabas ng terminal.

At sa hindi malamang kadahilanan, natagpuan ni Hunt ang sarili na binabaybay ang daan patungo sa farm niya.

"This is crazy," Amahina niyang bulong saka tinawagan si Manang Flor na kaagad namang sumagot.

"Señorito--"

"Nandiyan na ba si Tessa?" Kaagad niyang tanong.

"Ahm..." May pag-aalinlangan sa boses nito. "W-wala pa ho, señorito. Nag-aalala nga ho na ako, e--"

Pinatay niya ang tawag saka mas binilisan niya ang pagmamaneho.

That woman... I'm going to throttle your neck for making me worry like this.

Malakas siyang napabuntong-hininga. At dahil mabagal ang takbo ng sasakyan niya dahil sinusuri niya ang bawat nadadaan, hindi nakatakas sa paningin niya ang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada. Pasalamat siya sa headlights ng kotse niya na tumama sa mukha nito dahilan para makilala niya ang babae.

"Tessa?"

Kaagad niyang itinigil ang sasakyan at pinanatiling nakabukas ang headlights ng kotse niya bago siya lumabas.

"Tessa?"

Nag-angat ng tingin ang nakayukong babae. "Señorito?"

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa babaeng nakaupo at parang may nawalang mabigat na nakadagan sa dibdib niya ng makitang si Tessa nga 'yon.

"Holy... fuck." Hinilamos niya ang sariling kamay sa mukha niya saka pa-squat na umupo sa harapan ng babae. "Anong ginagawa mo rito?"

Tinuro nito ang katabing basket na puno ng strawberry. "Inutusan ako ni Manang Flor na kumuha ng mga 'yan."

Napalitan ng iritasyon ang pag-aalalang nararamdaman niya. "Alam mo bang pinag-alala mo kami?! I even drove here myself. Alam mo ba'ng marami pa akong papeles na dapat asikasohin pero dahil sa paghahanap sayo, matatambakan ako ng trabaho--"

"Hindi ko naman sinabing hanapin mo ako." Iritado din ang boses nito saka masama ang tingin sa kaniya. "Kaya nga ng walang jeep na dumaan, naglakad nalang ako para makarating ako sa mansiyon mo baka mapagalitan na naman ako ng mga magagaling na katulong sa bahay mo." Ini-stretch nito ang paa. "Nagpapahinga lang naman ako e, tapos maglalakad ulit kaya makakabalik ka na sa mansiyon mo, señorito. Kaya ko ang sarili ko--"

"Oh, shut up," iritado niyang sabi saka walang sabi-sabing pinangko ang babae at isinakay sa passenger seat ng kotse niya, saka binalikan niya ang basket nito at inilagay iyon sa backseat.

Nang umikot siya patungo sa driver's seat at makasakay, binalingan niya ang katabi. "Ayos ka lang?"

Napasimangot ito. "Wala namang nagsabi sakin na wala na palang jeep na dumadaan paglipas ng six-thirty. E, katatapos ko lang no'ng mapuno ang basket tapos--"

"I get it," sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. "Just shut up and rest."

Umayos sa pagkakaupo ang babae saka isinandal ang katawan sa likod ng upuan. At mula sa review mirror, nakita niyang ipinikit nito ang mga mata.

Malalim siyang napabuntong-hininga saka itinutok ang mga mata sa daan. Kailangan na nilang makauwi kaagad. Marami pang trabaho na naghihintay sa kaniya.



PANAY ANG HIGIT ng hininga ni Tess sa tuwing inaapak niya ang kaliwang paa na may mga paltos sa gilid dahil sa paglalakad niya kagabi.

"Shit talaga," inis niyang sambit saka umupo sa bench na nasa gilid ng harden.

Masakit na nga ang paa niya at lahat-lahat, nagta-trabaho pa rin siya kasi nga katulong siya.

Malakas siyang napabuntong-hinga saka wala sa sariling bumalik ang ala-ala niya ng nagdaang gabi.

The lord of the house was very mad. Basta nalang nitong tinapon ang basket na puno ng strawberry sa sala saka kinausap si Manang Flor. Habang siya naman ay kaagad nitong pinapasok sa maid's quarter para maglinis ng katawan, lalo na ang paa niya na nabalot ng alikabok dahil sa paglalakad.

At dahil sa nangyari, siya na naman ang sentro ng tsismis kaninang umaga. Kesyo isa daw siyang babaeng papansin sa boss nila.

Hay, naku. Ayaw nga niyang pansinin siya nito dahil baka biglang maalala siya nito. Pero ewan ba niya at nitong mga nakaraang araw ay palaging nagsasalubong ang mga mata nila ni Hunter Baltazar.

Kung nasa normal lang silang sitwasyon, baka nagtampisaw na siya sa sobrang kasiyahan dahil napapansin siya nito. Pero iba to ngayon, ibang kahihiyan 'to kapag naalala ng binata ang mukha niya. At nagdarasal siya na sana—sana talaga—hindi siya nito maalala hanggang sa umalis siya sa bahay na 'to.

"Ipakita mo sakin ang paa mo."

Napaigtad siya sa gulat ng biglang marinig ang boses ng lalaking laman ng isip niya. "A-anong ginagawa niyo r-rito, señorito?" May kabang tanong niya.

Umupo ito sa bench na kinauupuan niya saka ipinakita nito ang dalang first aid kit. "Ginamot mo na ba ang paltos mo?"

Napakurap-kurap siya sa mukha ng lalaki. Now, he was being sweet to her. Why was that? Nahihiwagaan talaga siya sa inaakto nito lalo na at katulong siya sa bahay nito. Kaya mas lalong nagugulo ang isip niya dahil sa lalaking 'to.

"Tessa, kinakausap kita," pukaw ng lalaki sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti kahit kinakabahan. "Ahm...nilinis ko na kagabi."

"Na-disinfect mo ba?"

Umawang ang labi niya habang iniisip kung paano dini- disinfect ang mga sugat pero walang pumasok sa isip niya. "H-hindi pa."

Tumango ito saka walang sabi-sabing hinawakan ang paa niya at ini-angat iyon saka ipinatong sa hita nito.

"Señorito!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Anong ginagawa mo--"

"Relax..." Mahina itong tumawa nilinis ang paltos niya. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Sa dami ng babayaran mo rito sa bahay dahil sa mga nabasag mo, baka wala ka nang maipadala sa pamilya mo."

Natigilan siya habang nakatingin sa paa niyang masuyo nitong ginagamot. "Ha?"

"I mean—" Bumaling ito sa kaniya at hinuli ang tingin niya. "Kaunting pera lang mapapadala mo sa pamilya mo."

Ilang segundo pa ang dumaan bago nag-sink in sa utak niya ang ibig nitong sabihin. "Ah..." Napatango-tango siya saka pilit na ngumiti. "Ayos lang 'yon."

Ibinalik nito ang atensiyon sa paggamot sa paltos niya. "May pinapag-aral ka ba sa probinsiya nyo?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ha?"

"May isa kang kapatid na nasa high school diba?"

And now, she was lost. "Ha?"

Bumaling ito sa kaniya, nakakunot ang nuo. "Salutatorian ka nuong high school ka. Hindi ka nga lang nakapag-college kasi mahirap lang kayo at wala ka ng ama. Labandera naman ang nanay mo at nasa high school naman ngayon ang nag-iisa mong kapatid na babae. Iyan ang nakasulat sa datos na pinadala ng agency sakin."

Umawang ang labi niya at pasimpleng kumuyom ang kamao. Talagang sasakalin niya si Gladz kapag nagkita silang dalawa. Ito kasi ang gumawa sa lahat ng mga papeles na kakailanganin niya para makapasok bilang katulong sa bahay ni Hunt Baltazar.

"Well, puwede ko namang baliwalain lahat ng mga nabasag mo para may mapadala ka."

Natigilan siya sa pag-iisip at napatitig sa amo. "Bakit?" May pagtatakang tanong niya. "Bakit mabait ka sakin?"

Tinapos nito ang paggamot sa paltos niya saka nilagyan nito iyon ng band-aid bago tumingin sa kaniya at sumagot. "Mabait naman talaga ako sa mga katulong ko kasi pinapagaan nila ang buhay ko at nililinis ang bahay ko. Pero medyo mas mabait pa ako ng kaunti pagdating sayo." Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "You really seem familiar to me." His dropped to her lips. "Especially your lips...they look really familiar."

She pressed her lips together which made Hunt chuckled.

"No worries." Itinaas ni Hunt ang dalawang kamay na parang susuko. "I don't go around kissing familiar looking lips."

Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang dito.

And then hi smile dropped. "Naiintindihan mo ako diba? I mean, hindi naman sa minamaliit ko ang kaalaman mo pero nakakaintindi ka naman ng english diba?"

Pigil ni Tess ang matawa sa tanong nito. "Oo," aniya na pilit na pinapa-seryoso ang mukha. "Ahm, salutatorian ako at high school graduate. Kahit papaano ay nakakaintindi ako."

Tumango-tango ito saka bumalik ulit ang ngiti sa mga labi. "That's good."

Tipid siyang ngumiti. "Sige ho, señorito." Ibinalik niya ang paa sa pagkakaapak sa lupa at saka tumayo na. "Magta-trabaho na po ako. Salamat sa paggamot sa paltos ko kahit hindi naman siya gaanong malala."

Sa halip na umalis ang binata, inagaw nito sa kaniya ang walis na hawak niya saka isinandal nito ang katawan sa likod ng bench at tumingala sa kaniya. "Ipapagawa ko nalang 'to sa iba."

"Pero, señorito, trabaho ko 'to--"

"Linisin mo ang kuwarto ko."

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit? E, malinis naman ang kuwarto mo. Hindi nga ako nahirapan kahapon--"

"Precisely." He grinned at her. "Linisin mo ang kuwarto ko tapos magpahinga ka na rin do'n. I will give you two hours rest."

Umawang ang labi niya. "Totoo? Walang halong biro?" She could use some rest now. Nakakapagod din kasing maging katulong.

Tumango ito. "Sige na. Maglinis ka na do'n."

Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Salamat, señorito."

"Hunt ang pangalan ko, hindi señorito," anito na ikinatigil niya sa pag-alis.

"Ahm..." Bakit parang nakikipagkarera ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok?

"Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Tessa?"

Tikom ang bibig na tumango siya saka malalaki ang hakbang na umalis ng harden para magtungo sa kuwarto ni Hunt. Bibilisan niya ang paglilinis para makapagpahinga siya kaagad.

Excited na siyang matulog ng dalawang oras. Oh, yes!



MAINGAT NA BINUKSAN ni Hunt ang pinto ng kuwarto niya saka dahan-dahang naglakad papasok. Pero kaagad ding natigilan ng makitang wala namang tao sa loob ng kuwarto niya.

Nag-isang linya ang kilay niya. "Saan nagpunta ang babaeng 'yon?"

At bilang sagot sa tanong niya, narinig niya ang mahinang tunog na nanggagaling sa banyo.

Naglakad siya patungo sa banyo saka sumilip sa bahagyang nakaawang na pinto.

And there was Tessa...cleaning the bathroom floor.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito.

"Ikaw pala, sir Hunt," anito habang naglilinis pa rin. "Malapit na akong matapos."

Sir Hunt...Hunt... He couldn't help but smile. Bakit ba parang mas masarap pakinggan ang sir Hunt keysa sa Señorito na nakasanayan na niya?

Napailing siya. There he goes again, going crazy.

Tuluyan siyang pumasok sa loob ng banyo saka sumandal sa lababo at pinagmasdan si Tessa na naglilinis. "So...natulog ka muna bago naglinis?"

Mabilis itong tumango saka tinapos ang paglilinis. Kapagkuwan ay tumayo ito saka humarap sa kaniya. "Salamat nga pala sa pagpapahinga sakin. Kailangan na kailangan ko 'yon. Sobrang pagod na pagod na kasi ako."

Hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa ng makita ang emosyon sa mga mata nito. Para itong bata na nagrereklamo sa pagod pagkatapos pilit na pag-aralin ng mga magulang.

"Mukha ka ngang pagod," aniya saka naglakad palapit sa dalaga. Tumigil lang siya sa paglapit dito ng ilang dangkal nalang ang layo ng katawan nila. "Gusto mo pang magpahinga?"

Hindi nakatakas sa paningin ni Hunt ang ilang segundong pagtitig ni Tessa sa mga labi niya bago ito nagbaba ng tingin. "Ahm, okay na ako." Tumikhim ito na ikinangiti niya. "Okay na okay."

"Kung okay na okay ka na, tumingin ka sakin."

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kaniya at kinagat ang pang-ibabang labi. "Ahm, lalabas na ho ako, sir Hunt. Padaan..."

He didn't move. He stood still to block her way. "Ayaw kitang padaanin."

"Pero--"

"May problema ka ba 'don?"

He expected Tessa to look down but she did the opposite. She looked straight into his eyes.

"Kailangan mo akong padaanin, sir Hunt," anito na titig na titig sa mga mata niya. "Baka hinahanap na ako ng ibang mga katulong. Sasakit na naman ang ulo ko kapag nagreklamo sila."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "At ayaw mong pasakitin ang ulo ko?"

Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi ni Tessa. "Ayos lang naman sakin, pero baka hindi mo na ako ulit bigyan ng dalawang oras na pahinga. Sayang naman."

"Ahh, so 'yon lang ang habol mo sakin?" Umakto siyang nasasaktan ang puso niya. "I'm wounded."

Mahina itong natawa dahilan para matigilan siya at mapatitig sa dalaga.

Pretty.

"Padaanin mo na ako, sir Hunt," anito ng tumigil sa pagtawa.

"Okay." Gumilid siya para bigyang daan si Tessa. "Dumaan ka na."

Tumango ang dalaga saka nagmamadaling lumabas ng banyo. Siya naman ay pigil ang hininga ng mapadaan sa harapan niya ang dalaga. Lalo na nang maramdaman niya ang pagkabuhay ng parte ng katawan niya na nasa gitna ng mga hita niya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka ihinarap ang sarili sa salamin.

"What's wrong with you?" He asked himself in the mirror. "This is not you, man."

Marahas niyang pinilig ang ulo saka ginulo ang sariling buhok at mabilis na naghilamos para mahimasmasan siya sa kabaliwang gustong gawin ng katawan niya.

It's a no! I'm not doing that with her. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

47.7M 1M 27
Shun Kim had wide range connection when it comes to getting information. He would know ones deepest and darkest secret in just a snapped of his finge...
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
608K 41.6K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
87.3M 1.6M 43
LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and firing his employees who go against his w...