My 1-Month Girlfriend [ONGOIN...

By JheMat

6.3K 82 24

It all started with a dare. A game of love, where in there will be a winner and there will be a loser. The Pl... More

PROLOGUE: Let The Games Begin!
Game 02: Harana
Game 03: Date [Part 1]
Game 04: Date [Part 2]

Game 01: The Stupid Dare

1.3K 17 5
By JheMat

Game 01:The Stupid DARE!

Kaka-open ko lang sa Facebook account ko nang mapadako ang paningin ko sa may Friend Request corner. And as usual, SABOG na naman. Madami na namang nag-aadd sa'kin. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aadd sa isang katulad ko? Sa isang Louis Vuitton? Nasa akin na ang lahat. Ka-gwapuhan, kakisigan, at karangyaan. At kahit sino ang mapapadaan sa profile ko, talagang ia-add ako ora mismo. Hindi lang yun, ipo-poke din ako, ifo-follow at mag-iiwan ng kung ano-anong sweet messages. Oh, saan ka pa? Lahat ng babae, (take note: LAHAT),  pati na mga binabae, ay nahuhumaling sa'kin...sa taglay kong karisma. And who knows, baka pati tatay niyo, mga kapatid niyong lalaki, at pati siguro mga boyfriend niyo, ay ako ang pinagpapantasyahan. Pero hindi ko sila masisisi. Gwapo ako eh. At kahit bali-baliktarin pa ang mundo, GWAPO parin ako.

Clinick ko ang Friend Request.

Samut-saring pangalan ang nakita ko. 

I scrolled down the mouse. And scrolled and scrolled and scrolled and scrolled and scrolled and scrolled.

Mukhang mahaba-habang pag-i-scroll ito ah.

I scrolled again.

Asan na ba kasi yun?

And scrolled. 

Asan ka na?

And scrolled.

There you go! Nakita ko na din sa, wakas! Nakita ko na siya. Ang babaeng target ko para paiyakin at lokohin.

Si Natasha Avon.

Isang simpleng babae. And according to my research, matalino, mabait, at maunawain. And yes, I admit, she's beautiful (based on her profile picture)! Maganda siya, maputi, at may maamong mukha. Walang kahit anong kolorete sa mukha, (except for her fake nerdy glasses). Natural beauty, ika nga. 

I looked closely to her profile picture.

She has nice eyes, and... and kissable lips. But hey, she's not my type. She's too innocent and simple. And too good to be true. Kaya siguro siya ang napili nilang target.

Naalala ko ang DARE o ang laro at ang napag-usapan naming magbabarkada nung naisipan naming mag-inuman, dalawang araw na ang nakakalipas...

*          *          *

>>>FLASHBACK<<<

"Cheers for Sky's success!"

"Cheers!"

Nandito ako sa condo unit ko. Kasama ko ang tatlo kong kabarkada na sina: Sky, Benz at Ferrari. Napagdesisyunan kasi naming mag-inuman at mag-celebrate. Tutal Friday naman ngayon at walang pasok kinabukasan kaya okay lang na malasing kami. At isa pa, we will celebrate Sky's success.

Nagawa niya kasi ang dare na pinagawa ko sa kanya. Yun ang paiyakin at lokohin ang maarte at spoiled brat na cheerleader na si Gucci Prada. At yun nga, sa kasamaang palad, nagtagumpay siya.

And now... It's my turn.

It's my turn to face the consequence.

The punishment.

The DARE.

Ako naman ang haharap sa pagsubok na ibibigay nila. Ako naman ang maglalaro. Ako naman ang makikipaglaro. At ako naman ang taya!

Pero sinisigurado ko, sa huli, ako ang mananalo.

Magtatagumpay ako.

Dahil ang isang Louis Vuitton, hindi tumatanggap ng pagkatalo.

"Hey Bro," tawag sa'kin ni Sky na hindi ko alam na naka-akbay na pala ang kaliwang siko sa kanang balikat ko, habang ang kanan niyang kamay ay may hawak na wine glass na may kunting laman ng alak. "Since nagtagumpay ako sa dare o sa pagsubok mo, kami actually, ngayon ikaw naman."

"Ikaw naman, Dude ang humarap sa pagsubok o DARE namin." sambit naman ni Ferrari na nakangiti ng nakakaloko. Ano naman kayang kalokohan ang binabalak ng mga gagong ito?

May kinuha si Benz sa kanyang bag at inabot sa'kin ang isang brown envelope. Anong gagawin ko dito? Ito na ba yung sinasabi nilang dare o pagsubok na ibibigay nila sa'kin?

"Anong gagawin ko dito? Para saan ito?" tanong ko sa kanila ng makuha ko ang brown envelope. Ngumisi naman ng nakakaloko ang tatlo. Sure talaga ako may binabalak na kalokohan ang mga lokong ito. Siguro gumaganti sila sa pagsubok na ibinigay ko sa kanila. Oh well, siguraduhin lang nila na mahirap dahil sa oras na magtagumpay ako, ako naman ang gaganti. *evil grin*

"Open it Bro. Nandyan sa loob ang dare o ang pagsubok na ipapagawa namin sa 'yo." si Sky, na nakaupo na sa couch. Nakatuon ang paningin niya sa palabas na pinapanood sa 63 inches LCD flat screen television.

Binuksan ko ang brown envelope. May nakita akong folder.

Aba! Nag-ready talaga ang tatlong ungas ah.

Kinuha ko yung folder at ibinuklat. Tumambad sa aking paningin ang litrato ng isang babae. Isang simple at inosenting babae. Sino naman ito? Ito na ba yung sinasabi nilang dare o pagsubok? Ang babaeng ito ba ang target ko?

"She's Natasha Avon, my cousin's bestfriend. Siya ang target mo." si Benz, na animo ay nabasa ang mga tanong sa isip ko.

"Okay! Go on! Ano ang dapat at kailangan kong gawin?" I asked, expecting na ang pagsubok na ibibigay nila, ay ang pakasalan ang babaeng ito. Teka, ano nga ang pangalan ng babaeng ito, na nasa litrato? Ay, basta! Ewan! Nakalimutan ko.

"Gaya nga ng sinabi ni Benz, ang babaeng yan na nasa litrato, ay si Natasha Avon. Siya ang magiging target mo sa pagsubok na ito," pagsisimula ni Ferrari. "Ang kailangan mo lang gawin ay maging girlfriend mo siya."

 

"Girlfriend? Yun lang?"

Ito na ba yung sinasabi nilang PAGSUBOK? Nah! This isn't a challenge at all! Kung girlfriend lang ang pag-uusapan, walang magiging problema. Who wouldn't with my looks, anyway? No one! Even this simple girl, Natasha Avon can't resist my unresistable charm.

Ngumisi ng nakakaloko si Ferrari, na para bang nabasa niya ang nasa aking isipan. "Hindi pa ako tapos, Dude!" Tumikhim siya. "Kailangan mong maging girlfriend si Natasha Avon...for a month. She'll be your one-month girlfriend."

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Tinitigan ko si Ferrari, pati sina Sky at Benz na noo'y nakatingin na sa akin. I'm expecting that they will say, "Joke!" But they didn't. I should've known there's a catch. Hindi na ako nasanay. "No! I won't do it! AYOKO!" I said. "Girlfriend, yes! But for a month? Oh My God! Just kill me! Patayin niyo nalang ako."

This simple girl, Natasha Avon will be my one-month girlfriend? No way!

They should know that's toeing the line. Alam nila na umaabot lang ng oras ang mga naging karelasyon ko. 3 days na ang pinakamatagal. Yung iba nga seconds at minutes lang eh. Tapos ngayon, isang buwan? NO! NEVER! NO WAY!

"You have to do it," Sky said through gritted teeth. "When we lost, ginawa namin ang lahat ng pinagawa mo sa amin."

"Oo nga, Pare! Walang ganyanan." - Benz.

"Walang basagan ng trip, Dude." - Ferrari.

Yan ang problema ngayon. Bago kasi ang lahat ng ito, binigyan ko sila ng tig-iisang dare...tig-iisang pagsubok.

Ang pagsubok na ibinigay ko kay Benz ay makipag-break sa kanyang serious long-term girlfriend. Ang kay Ferrari ay makipagrelasyon sa kanyang childhood bestfriend/secret crush, tapos hiwalayan ito na sugatan at wasak ang puso (brokenhearted). At ang kay Sky, paibigin ang maarte at spoiled brat na cheerleader, na si Gucci Prada, sa loob ng dalawang linggo. Kapag sinagot siya nito, hihiwalayan niya ito ora mismo at sasabihin dito na ang lahat sa kanila ay isang laro lamang.

At yun, nagtagumpay sila. Nagawa nila ang dare kahit labag sa kanilang kalooban.

Ako lang naman kasi ang heartbreaker sa aming apat eh. Oo! Pare-pareho kaming matinik sa chicks, playboy at casanova, pero ako lang ang may bato na puso at ang nang-iiwan ng babae na sugatan ang puso at luhaan. Syempre, ako ang pinaka-GWAPO eh. Atsaka isa pa, hindi ako naniniwala sa LOVE. It doesn't exist for me.

 

"Okay," I mumbled in defeat.

Syempre tatlo sila eh, tapos ako lang ang mag-isa. Wala talaga akong panalo.

The scowl they had on earlier quickly turned into a smile...an evil smile. And then, they proceeds to explain.

"As I've said earlier, kailangan mong maging girlfriend si Natasha Avon---for a month. She's an NBSB (No Boyfriend Since Birth), so you need to act like an ideal and perfect boyfriend to her. Kailangan mong higitan ang mga prince charming na nababasa niya sa mga libro." - Ferrari.

"Sa loob ng isang buwan, ipapakita at ipapadama mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. Kung kinakailangan mong sungkitin ang lahat ng mga bituin sa langit, para sa kanya, gawin mo." - Benz.

"She needs to fall on your trap. You need to make sure that she's truly, deeply, madly inlove with you. And when she does, break her heart! Split her and tell her EVERYTHING about the dare. That everything between the two of you, was just a game...a stupid DARE!" - Sky.

I yawned. "Yun lang ba?" pagtatanong ko, baka kasi mamaya niyan, pakakasalan ko pala ang babaeng ito. Diyan na talaga ako aangal at aapela. Magsusumbong ako kay Barack Obama.

"May isa pa..." Tsk! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Hinawakan ako ni Sky sa balikat. "DO NOT FALL IN LOVE!"

Hah! As if that was ever going to happen! Ako, mai-inlove? NEVER! Asa pa! I'm Louis Vuitton, a well-known heartbreaker. And my heart is as hard as a rock. So that's impossible. It won't happen! Never in a million years.

"And oh, sign the contract. Nasa loob ng folder." Tinapik niya ako sa braso bago tumalikod at uminom ng alak.

Binuklat ko yung folder at nakita ko yung sinasabi nilang kontrata.

"My 1-Month Girlfriend"Official Contract.

 

"Do we really need this?" I asked, as I showed them the contract.

"Of course! Sa huling araw ng dare, ipapakita at ibibigay mo yan sa kanya. Pruweba na ang lahat sa inyo ay isang laro o dare lamang. Oh by the way, you'll start on Monday. Remember, you have one month."

I heaved a sigh.

A deal's a deal, I guess. And besides, it's only a month.

I signed my name on the contract without even reading what's written on it. And then, binaliktad ko yung kontrata at sinulatan ng kung anu-ano tungkol sa nararamdaman ko about the dare. Na kailan man hindi ako mai-inlove, lalong-lalo na sa target—kay Natasha Avon. Marami akong sinulat sa likod, halos mangalahati na nga yung nasusulatan ko eh. 

Pagkatapos ko sa kontrata, nilagay ko na iyon sa folder.

Kinuha ko yung litrato ni Natasha Avon at bahagya itong itinaas.

Maghanda ka na, Miss Natasha Avon.

Magiging akin ka!

You will fall inlove head-over-heels with me and fall on my trap.

And this is going to be fun!

I swear!

>>>END OF FLASHBACK<<<

*          *          *

A grin slowly spreads across my face as I remembered the dare.

May namumuo ng plano sa utak ko. And I swear, this is really going to be fun.

Tinignan ko yung profile picture ni Natasha Avon or should I say Asha. Nakangiti ito wearing a fake nerdy glasses. Parang isang inosenting anghel na nakangiti sa 'kin. Walang kamuwang-muwang sa mga mangyayari.

I clicked, 'Confirm' Friend Request.

Minutes have passed, I received a message...from her.

Natasha Avon: Hi! Good evening! Thanks for accepting my friend request. :)

I grinned as I read her message. So innocent!

Then I typed to reply her.

Louis Vuitton: Hello! Good evening! The pleasure is mine. ;) Uh.. by the way, can I ask you something? Pretty, please.

Wala pang isang minuto, nag-reply agad siya.

Natasha Avon: Sure! What is it? >///<

Louis Vuitton: Do you have a boyfriend right now? Uhm...If none, can you be my girlfriend? ;)

Hindi ako marunong magpaligoy-ligoy kaya tinanong ko na siya agad kung pwede ko ba siyang maging girlfriend. Doon din naman kasi ang patungo. And besides, I really don't know how to court a girl. Yes, I know how to flirt, but I don't know how to court. I'm not good at it. Sanay kasi ako na ako ang nililigawan. Na babae yung unang gumagawa ng 'da moves'.

Ilang minuto din ang lumipas bago siya nag-reply. Akala ko nga, hindi na siya magre-reply, maglo-logout na sana ako.

Natasha Avon: Wala akong boyfriend ngayon. And yes, I can be your girlfriend. :D >//////<

Napatda ako sa kinauupuan ko. Pumayag siya! Akala ko talaga hindi na siya magre-reply dahil sa tanong ko. Pero nag-reply siya at pumayag. Oh well, who wouldn't with my looks nga, diba?

At kung anuman ang nasa utak ng babaeng ito sa pagpayag na maging girlfriend ko, na walang ligawan, wala na akong pakialam. Kung gusto niyang makipaglaro, fine! Pagbibigyan ko siya. Tutal yun naman talaga ang dapat, diba? I'll make her fall inlove with me and break her heart, after. At ito lang ang masasabi ko sa kanya, mag-iingat siya dahil hindi pa ako nagsisimula at hindi ako marunong maawa. Practice palang ito.

Pero honestly, hindi ko talaga aakalain na papayag siya bigla na maging girlfriend ko. Akala ko iba siya sa ibang babae na naging karelasyon ko. Akala ko nung una, mahihirapan akong mapapayag siya na maging girlfriend ko. Akala ko macha-challenge ako. Hindi pala! Akala lang pala lahat. Wala din pala siyang pinagkaiba sa ibang babae. Easy to get. And too innocent!

I typed a reply.

Louis Vuitton: YES! You really don't know how happy I am. Pinasaya mo ako. So pa'no ba yan? Kita nalang tayo bukas...my girlfriend. Good night! Sweet dreams! hart hart ;)

Nag-logout na ako, pagka-send ko sa message.

Natatawa ako habang naiisip ko yung message na pinadala ko. It's a lie. The amusement is fake. Trabaho lang, walang personalan, ika nga.

Pero teka, matanong ko lang. Paano ba ang maging ideal and perfect boyfriend? Wala talaga akong alam tungkol sa bagay na yan. Oo, may napapanood ako. Hinahatid-sundo nung lalaki yung babae. Tapos magsasabihan ng mga cheesy lines. But it's kinda so corny. Ganyan ba talaga ang pag-ibig...corny? Nakakatakot pala.

All I know is, to flirt. Tamang landian lang, tapos kapag nagkasawaan na, kapag nagsawa na ako, itchapwera ka na. Yun lang.

Haay. Bahala na nga. Bukas ko nalang yan aatupagin. Ang kailangan kong gawin ngayon, ay magrelax.

Because tomorrow...

...is another day!

===

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

48K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
46.3K 3.1K 26
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
998K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
17.1M 656K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...